
LXXIX
Juliet
"Almusal po, Señorita." Pasok ng kasambahay ng pagkain dito sa kuwarto ko.
Dinala ako sa Hacienda Fernandez ng kabayo ni Fernan kahapon. Nag-usap kami sandali ni Pia na medyo malaki na ang tiyan pati na iba pang mga Fernandez. Kinuwento ko sa kanila lahat ng nangyari mula sa kasal, kung paano kami nagkita ni Fernan at kung anong nasaksihan namin sa may gubat at hinatid na rin nila ako rito sa bahay.
Sobrang galit sa akin si Ama na halos ilang oras niya akong pinagalitan kaya ngayon, nandito lang ako sa kuwarto ko mag-aalmusal dahil utos niya ay hindi ako lalabas ng kuwartong 'to hangga't hindi niya sinasabing puwede na akong lumabas.
Naiintindihan ko naman si Ama. Malamang napahiya sila kahapon at malaking kahihiyan nga naman ang ginawa ko. Naalala ko pa na kasama sa sermon ni Ama sa akin kahapon na sobrang galit din si Don Pablo sa amin dahil sa ginawa ko. Actually 'yun lang ang naintindihan ko dahil masyadong occupied ang utak ko pagkarating ko rito. Iniisip ko kung anong nangyari roon kung nasaan sila Niño. Bakit may nagbarilan? Ayos lang ba sila? Ano na kaya ang kalagayan nila ngayon?
"Binibini..."
Napalingon ako at nagulat nang makita si Adelina. Napansin kong pasimple siyang sumenyas sa akin na paalisin 'yung kasambahay na nagdala ng pagkain ko kaya naman tumingin ako sa nagdala ng pagkain ko.
"Uhm... puwede niyo po ba kaming iwan?" sabi ko at yumuko naman siya at lumabas na.
"B-Bakit ka nandito?" tanong ko kay Adelina pagkaalis na pagkaalis nung nagdala ng almusal ko.
"Hindi niyo po ba nabalitaan? Nadakip na po kahapon si Heneral Niño."
Halos malaglag ang panga at puso ko sa narinig ko mula kay Adelina. Sandali akong hindi naka-imik kaya nagsalita muli si Adelina.
"Ayos lang po ba kayo, binibini?"
"O-Oo..." sagot ko pero hindi ko na maipaliwanag ang nararamdam ko.
"H-Hindi lang po iyon, binibini..." sabi ni Adelina kaya napatingin ulit ako sa kaniya. This time, nakayuko na siya at halatang ayaw niya akong tignan kaya naman mas bumilis pa ang tibok ng puso ko.
"W-Wala na p-po..." sabi ni Adelina at ramdam ko na ang panginginig niya.
"Anong wala na?" atat na tanong ko.
"W-Wala na... p-po si He...Heneral Niño, binibini..." tuloy ni Adelina at dahan-dahan nang tumingala at tumingin sa akin. Napaupo ako sa kama ko.
Hindi...
Imposible...
Hindi 'to totoo.
"Ano ka ba, Adelina!" pabirong hampas ko sa kaniya at pinilit pang tumawa kahit na nagmamakaawa na ang mga luha kong kumawala sa mga mata ko.
"Hindi nakakatawa 'yang biro mo, ah!" tawa ko nang pilit. Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya kaya nakaramdam ako ng kung anong kirot sa puso ko. Totoo ba talaga? Hindi! Hindi puwede!
"Nagdadalamhati po ang buong San Sebastian ngayon, lahat ay nakikiramay kay Don Luis at Doña Isabela." sabi pa niya kaya naramdaman ko nalang ang panlalamig ng mga kamay ko.
"Nalaman po ng mga sundalo ang pinagtataguan nila Heneral Niño at iba pang mga sundalong tumiwalag at nagtraydor sa Señor Presidente. Dumanak pa raw po ang dugo bago tuluyang nagapi ang puwersa nila Heneral Niño kaya tumakas kaagad ang iba katulad ni Kapitan Hernando—"
"Si Andong?" natarantang tanong ko.
"Opo... nahuli siya kahapon na kasama nila Heneral Niño at isa siya sa mga nakatakas ngunit malamang hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin sila." sagot ni Adelina.
"Teka, si Fernan?"
"Nakauwi po nang ligtas si Koronel Fernan kasama ang ilang mga sundalong nakahanap kanila Heneral Enriquez. Buti na nga lang daw po ay dumating agad si Koronel kaya tuluyan nilang nagapi ang puwersa nila Heneral Niño pero hindi pa rin po ako makapaniwala na nagawa ni Koronel Fernan kalabanin ang matalik niyang kaibigan."
Kinalaban ni... Fernan... si Niño?
Agad akong napatayo at tumakbo palabas ng kuwarto.
"Saan ka po pupunt—binibini! Hindi ka maaaring lumabas!" rinig kong sabi ni Adelina pero dire-diretso akong bumaba ng hagdan at nakita ko sina Ama, Ina, at Caden na palabas ng pinto ng mansyon.
"Saan kayo pupunta?" tanong ko.
"Bakit ka nasa labas ng kuwarto mo?!" galit na balik ng tanong ni Ama sa akin.
"S-Saan kayo pupunta?" tanong ko ulit at akmang sasagot si Ama sa akin pero pinigilan siya ni Ina.
"Come with us, Juliet." mahinahong sabi ni Ina. Malungkot ang tono niya. Lumapit naman na ako sa kanila at sumakay na kami sa karwahe. Kahit hindi nila sinabi ay pakiramdam ko alam ko na kung saan kami pupunta.
Pagkarating sa harap ng pagkalaki-laking mansion ay napakarami na agad tao. Bata, matanda, dalaga, binata, mayaman, simpleng mamamayan—halos lahat nandito. Karamihan sa mga manggagawa ay nasa labas lang, nagbabakasakaling makasilip sa loob.
"Let's go." sabi ni Ina at hinawakan ako. Naglakad na kami papasok kahit pa ramdam na ramdam ko ang pagtitig ng mga tao. Alam kong hindi maganda ang tumatakbo sa utak nila ngayon tungkol sa akin dahil sa dami ng issues na ginawa ko sa panahong 'to pero sa mga oras na 'to, wala akong pakialam sa lahat ng iyon.
Pagkarating namin kung saan may pinakamaraming tao rito sa loob ng mansyon ay halos matumba ako nang makita ang walang kulay na larawan ni Niño katabi ng kabaong. Agad akong inalalayan ni Caden at Ina pero nanlambot talaga ang mga tuhod ko kaya pinaupo agad nila ako. Hindi ko na nagawa pa ulit tumingin sa harap kaya nanatili akong nakayuko. Nagpatuloy sila Ama, Ina, at Caden sa harap para magbigay galang at kung ano man sa mga Enriquez pero hindi ko na nagawa pang kumibo.
Hindi pa rin ako makapaniwala.
Parang kailan lang nagsasayaw kami sa barko. Parang kailan lang nahulog kami pareho sa lawa. Parang kailan lang niyaya niya akong magpakasal. Kahapon lang... dapat makikita ko na siya ulit pero ngayon... wala na siya.
Tuluyan nang tumulo ang luha ko nang nagawa ko na ring sabihin sa sarili kong wala na nga si Niño. Ang sakit. Hindi ko matanggap. Parang masyado siyang pinamahal sa akin tapos bigla rin siyang binawi agad.
Sobrang unfair. Sobra.
Ni hindi ko man lang nasabing mahal ko siya.
Mahal na mahal.
Agad kong pinunasan ang luha ko at huminga nang malalim. Gusto ko rin magbigay-galang sa mga Enriquez pero nang akmang tatayo na ako ay nagulat ako nang pigilan ako ni Padre Ernesto. Tumabi siya sa akin.
"Huwag ka nang pumunta roon. Hindi mo rin siya makikita." sabi niya at bahagyang ngumiti para pagaanin ang loob ko.
"B-Bakit po?" tanong ko.
"Nakasara ang kabaong dahil labis siyang nasunog. Halos hindi na nga siya makilala."
Napatakip ako sa bibig ko sa gulat at naramdaman kong babagsak na naman ang luha ko anytime. Sobrang gulat, lungkot, at ngayon galit. Hindi ko rin alam bakit ako nakakaramdam ngayon ng galit o kung kanino ako galit pero hindi deserve ni Niño ang ganito!
"Pati ang pamilya ng mga kasama niyang pinagtanggol siya hanggang sa huli ay labis na nagdadalamhati dahil ganito rin ang sinapit ng kanilang mga kaanak. Hinayaan silang masunog ng kapwa nila mga sundalo… ng mga taong tinuring nilang kapatid… ng kanilang mga... matalik na kaibigan."
"Binaril na nga siya at sinunog pa. Napakawalang-awa."
Napasinghap si Padre Ernesto dahil mukhang naluluha na rin siya pero kailangan niyang maging matatag. Alam kong masakit at labis din na kalungkutan ang nararamdaman niya ngayon at mas nasasaktan at nalulungkot pa siya dahil sinasabi niya sa akin ang nangyari sa kapatid niya na malamang ay gusto na nga siguro niyang kalimutan dahil sa saklap ng sinapit nito.
"P-Pero... paano niyo po nalaman na si Niño nga 'yan?" tanong ko. Napakapa naman sa bulsa si Padre Ernesto at may kinuha mula rito.
"Ito..." Abot niya sa akin ng kinuha niya sa bulsa niya.
Tuluyan nang tumulo ang luha ko nang marealize kung ano 'tong hawak ko. Ito 'yung gintong pin na nakalagay sa kuwelyo ng uniform ni Niño na lagi siyang proud na proud isuot dahil tanda ito na isa siyang heneral. Madalas ko 'tong tinititigan kapag nagsasayaw kami.
Pinunasan ko agad ang luha ko at pinilit ang sarili kong tumahan na. Inabot ko na ulit kay Padre Ernesto 'yung pin pero nilagay niya lang ulit ito sa palad ko at sinara ang kamay ko.
"Itabi mo 'yan para kay Niño." Bahagyang ngiti niya sa akin kahit pa nangingintab ang mga mata niya dahil sa luha at tumayo na.
♤♤♤
Maraming salamat sa pagbabasa!
So ayun hindi ko na masyadong nacheck 'tong last update huhu inaantok na talaga ako, I'm sorry :( Pero anyway sana nag-enjoy kayo sa maraming updates ko ngayon hehe. Baka matagalan next update dahil tinatry ko na tapusin 'to at sana maghintay kayo huhu ayun lang, salamat ulit!
Follow PlayfulEros, vote, and comment! 💙
- E
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro