PROLOGUE
Nakangiti akong pinagmasdan ang bahay dito sa labas ng gate, ang bahay minsan naring naging tahanan ko kasama sya. Ang bahay na puno ng mga ala-ala na magkasama naming binuo. May kalumaan na ang bahay ngunit napanatili nito ang ganda at simpleng nitong hitsura.
Samu't saring emosyon ang aking nararamdaman, bumabalik ang lahat ng mga magaganda at masalimuot na mga alal-ala habang nakatitig ako sa bahay. Pagkatuwa, pagkalungkot at panghihinayang ang namutawi sa akin.
Pagkatuwa dahil ang bahay ang patunay sa mga magagandang ala-ala na aming pinagsaluhan. Na alam kong sa paglipas ng panahon ay hinding-hindi ko makakalimutan dahil araw-araw ay binabalikan ko ito sa aking isipan.
Pagkalungkot dahil alam kung imposible ng mabalik ang aming pagmamahalan. Saksi ang bahay sa mga hindi magandang ala-ala.
Panghihinayang dahil alam ko sa sarili ko na sana hindi nalang ako naki paghiwalay sa kanya. Na sana naging matatag ako para sa kanya, para sa aming relasyon. Panghihinayang dahil alam ko na marami pa kaming mga ala-alang mabubuo kung hindi sana umabot sa puntong hiwalayan.
When you love someone it's either you destroy or complete him. But I chose to destroy and left him for nothing.
(Flashback- 3 years ago)
Bal, please kausapin mo naman ako. Please bal tumingin ka sa akin. Putang ina! Bal ano ba? Kausapin mo naman ako. Ano bang nagawa kung mali bakit ka maki paghiwalay sa akin. May problema kaba sabihin mo sa akin? Bal, please!. Alam mong ikaw nalang ang kinakapitan ko ngayon bal tapos makipaghiwalay sa akin nang wala man lang rason. Ano? Pagod kana ba? Gustong mong magpa hinga? Sige! You need space? I give you space but please Bal ayaw kung makipaghiwalay ka sa akin. mahabang saad nya habang nasa likod ko. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa loob ng bahay kasunod sya. Aakmang akong dumiretso sa kwarto pero mabilis nyang nahawakan ang aking braso at pina harap sa kanya. Kitang kita ko ang puyat, lungkot, galit at inis sa mukha nya. Para syang pinagsakluban ng langit at lupa sa kanyang hitsura. Tumitig ako sa mata nya na may nagbabadyang luha na tatakas. Hindi ko matagalan ang pagtitig sa kanya kaya't napayuko nalang ako, dahil ako mismo ay nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon.
Walang akong magawa dahil wala akong laban sa tito at tita nya na syang kumopkop sa kanya ngayon. Namatay ang kanyang mga magulang dahil sa ambush. Hanggang ngayon ay walang nakakaalam sa nangyari kung bakit inambush ang sinasakyang van nito.
Tutol ang kanyang tito at tita sa aming relasyon. Minsan nang pinagbantaan ako na kapag hindi ako makipaghiwalay ay kukuhanin nila ang lahat na ari-arian na naiwan ng mga magulang ni Helux para sa kanya. Ayaw ko mangyari yun sa taong mahal ko. Kaya kung isakripisyo ang sarili kong kaligayahan para sa kanya.
Inangat niya ang mukha ko at hinawakan sa magkabilang pisngi ng mga kamay niya. Nararamdam ko ang luhang nagbabadyang mahulog ngunit sinusubukan kung pigilan dahil ayaw kung magmukhang kawawa sa harapan nya kaya hangga't maari ay kailangan kong maging matapang para sa kanya. Hindi na mababago ang desisyon kong ito.
Nagpantay ang aming mga mukha at kitang kita ko ang paghihirap sa mukha nya. Awang awa akong nakatingin sa kaniya. Gusto ko syang yakapin at halikan ngunit hindi ko kaya. Masakit sa akin makitang nasasaktan sya, ang lalaking mahal kong lubusan. Litong lito ako sa aking sarili kung ano ang dapat gawin. Nababahag ako kung makipaghiwalay ako sa kanya o hindi.
I can't trade my love for him over anything else but for now I chose to let go because it was the best decision to do. I am hurting to see him even more hurting.
Maraming oras at panahon ang nasayang. Ngunit hindi ko na maibabalik ang nakaraan kahit anong gawin ko. Kahit humiling pa ako sa mga butuin gabi-gabi ay alam kung imposibleng matupad.
Walang akong pagsisisi sa aking sarili dahil alam kung ginawa ko lang kung ano ang tama, kung ano makakabuti para sa amin. "Our love story might end but my love for him will always be cherished forever. My love for him always be my strength and hope that maybe one day we will be together again". Simula ng magkahiwalay kami ay pinangako ko sa aking sarili na sya lang lalaking mamahalin ko habang buhay. I can't afford myself with another guy. I can't imagine myself being happy with someone.
Hindi ko namalayan na unti-unting tumatakas ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Walang na akong nagawa kundi pakawalan ang emosyon ko at tuluyan ng sumabog. Habang umiiyak ako ay dahan-dahan kong hinihakbang aking mga paa at binuksan ang gate ng bahay. Umiiyak parin ako habang patuloy na humakbang at hanggang sa nasa pintuan na ako. Dahan-dahan kong pinuhit ang door knob at napansin kong hindi ito naka lock. Agad ko ding binuksan at tumambad sa akin ang malinis at maaliwas na sahig. Inilibot ko ang aking mga mata sa loob ng bahay, napansin kung nasaayos parin ang lahat. Humakbang akong papasok at tuluyan ng napahagulgol ako sa iyak dahil muling nanumbalik lahat ng ala-ala. Napaupo ako sa may couch at doon ako umiyak nang umiyak.
Naalala ko ang unang pagtira namin dito ay kaunti lamang ang mga kagamitan pero maayos naman ang sala at kwarto. Tuwang- tuwa ako at walang mapasidlan aking kasiyahan. Maliit lang bahay pero maganda at kongkreto.
I was happy back then living with him, it's simple yet special, making a lot of memories to shared and cherished with. The memories that we had was my place of sanctuary. It was my safe place whenever I feel sad. But that was before, and I can't still able to forget the past that we had because I know until now I still love him.
Nagpatuloy ako sa paglibot ng tingin sa loob ng bahay. It's still same nothing changed but what caught my attention was the picture of him with a girl and a baby hanging in the wall. They looked happy. Sumisikip ang dibdib ko habang nakatingin sa litrato. Sa di malamang dahilan nakaramdam ako ng selos at inggit.
Siguro naka move on na sya dahil ang saya nya sa litrato habang karga ang bata at nasa kabila naman ang babae nakayakap sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro