Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Poverty

POVERTY

Pila.

Hindi ko maiwasang mapa luha ng mamataan ko ang inang na sumisiksik at pilit na hinaharangan ang mga sumusuot.

"Oh, huwag kayong mag-alala. Mabibigyan naman kayong lahat basta ba hindi kayo nanloloko. Sa oras na malaman naming may nandaya dito ay hindi namin palalampasin."

"hayyyy nakuha ko rin. Bugoy anak ayos lang ba kayo dito? Oh ikaw junior anong ginagawa mo?"

Si Junior ang bunso kung kapatid na siyang karga karga ko ngayon. Isa't kalahating taong gulang pa lamang ito.

"N-nang, p-paano nayan?"

" Halika ka, sa bahay tayo"

Alsa-balutan.

"Saan na tayo nito Li, paano na ang mga bata? naubos lang ang palugit nilang dalawang linggo sa wala"

" Doon muna tayo sa basketbolan pansamantala pumayag naman ang Mayor natin"

" Bukas naba sila magsisimula sa panggigiba ng mga bahay dito satin?"

"Oo, wala tayong laban eh demolisin nalang nila ito lahat at patayuan ng matataas na bahay yan naman ang gusto nila. Umunlad daw ang bayan. Put*ng*na!"

" Pssst, ang bibig mo hah may mga bata baka marinig ka. Tsaka paano nayan, limang libo lang ang ibinigay nila satin. Kailan kaya ito magtatagal?"

"Hahanap ako ng paraan"

Napahinto na pala ako sa paglalagay ng damit namin sa sako dahil sa mga nadinig. Ano ba kasi ang maitutulong ng isang labing dalawang taong gulang lang.

Sakit.

Nangangalakal ng basura si itang habang si inang naman ay nandoon nagtatrabaho bilang labandera kaya ako itong natirang nagbabantay sa tatlong kapatid. Si inang walang kapatid maging si itang. Parehong hindi alam ang magulang. Maaga silang nagsama sa iisang bahay doon sa skwater erya namin noon.

"Jun, bangon kana bunso. Luto na ang lugaw ni kuya oh!"

" Bunso??!!"

Kinapa ko ang noo niya at maging sa katawan. Ang init niya. Nanginging ang mga labi, mga kamay at paa niya ay napakalamig.
Agad ko siyang kinarga.

"Kuya? ok lang si Jun?"

Tanong ng sampung taong gulang kong kapatid.

" Hanapin niyo si Inang at itang bilis,sabihin niyo dinala ko sa Ospital si Jun!."

"Maawa na po kayo, Unahin niyo muna itong anak namin. Kinukumbolsyon napo eh. Dok! Dok!"

"Nay, ilagay mo muna siya dito tapos-"

" Doc! doc! ang anak at kaibigan ng congressman na aksidente."

" Asan sila?"

" Andiyan na"

"Dok dok! paano po ang anak namin!"

" Nay, si nurse Ean na ang bahala sa anak niyo"

Limos.

Ang maliit na kabaong ay naka patong sa isang upuang kahoy habang may isang kandila sa ibaba. Walang tigil sa pag-iyak ang inang, itang maging kaming mga natirang anak. Junior! Bunso! bakit mo iniwan si kuya? bakit mo iniwan si Inang at Itang? si ate mong dalawa? hah. Madaya ka, bunso naman eh.

" Maawa napo kayo,  pampalibing lang po ng kapatid namin"

May bente pesos na nahulog sa aking lata.

" Salamat po"

" Ano, may nalimos kayo?"

"Oo kuya rami, tara  uwi  tayo baka galit itang"

" Sige"

" Bakit niyo ginawa yon hah! Ako ang maghahanap ng paraan dahil ako ang ama niyo! kahit kailan hindi kayo manglilimos sa mga tao! naiintindihan niyo ako!"

"S-sowee t-tang"

" Hali nga kayo"

Niyakap niya kami.

"Mahal kayo ni tatang at nanang hah! mahal din tayo ni bunso. Siguro malakas si bunso tapos maayos na sa lugar niya kaya. Huwag na kayong malungkot hah. Hahanap ng paraan ang itang. Sige na, matulog na kayo."

Isang buwan. Isang buwan sa basketbolan.

Gutom.

Kanina pa sumasakit ang tiyan ko dahil hindi ako nakakain ng masyado nitong araw. Mas inuuna ko pa kasi mga kapatid ko eh.

May batang dumaan sa basketbolan na may inumin na sinisipsip at biskwet maging isang pan na may palaman sa gitna. Hindi niya paman ito naubos ng itinapon niya ito sa basurahan.

"Kuya.. Otom"

"Teka lang, may nahanap na si kuya"

Tumakbo ako ng mabilis at agad na binuksan ang basurahan. Bumungad sa akin ang isang malansang amoy. Pero kinuha ko parin ang pakay ko.

"Oh,ayan na hah hati kayo ni Tore"

Naaawa man sa sarili,mas nasasaktan ako sa ginawa kanina.

Bagyo.

Nilipad na ang kumot at gisi-gising trapal na ginawa namin na nagsilbing tabing. Ang mga kasamahan namin ay nagsisigawan narin.

"Lumikas tayo! bahain ang lugar nato! may bagyo yata!"

Isang lolo ang sumigaw non.

Hindi paman kami natapos sa pag-impake ng umapaw agad ang tubig galing sa ulan.

" Bugoy!,Tore!, Linsay! kapit kayo kay inang hah! huwag na huwag kayong bibitaw kay inang. Babalik ako, maghahanap ako ng ligtas na lugar."

Ang mga tao dito ay nagsi akyatan na sa itaas ng istej ng basketbolan. Patuloy parin sa pagtaas ang baha. Ang hangin ay mas lumakas. Bakit walang tulong? Asaan na si Itang?

"Nang, si Itang?"

"Shhhh, o-ok lang si itang"

"Dito kayo bilis"

Pinasakay ni inang si Tore at Linsay  sa tangi niyang dalang palanggana.

"Bugoy kahit anong mangyayari kakapit kalang kay inang hah!"

Tumango ako.

Kinarga na ako ni inang dahil lampas na sa akin ang tubig.

"Tulong!!!! mga animal! may mga tao dito! tulungan niyo kami!"

Nagsisigawan na lahat ng kasamahan namin. Gumagawa ng paraan para makaligtas.

Itang...

" Nak, diba marunong kang lumangoy?"

"Opo"

" Kita mo yong bahay nayon? kaya mo ba yong languyin nak?"

" K-kaya po"

"S-sige, Itulak natin sina Tor at Say hah. Tapos maliligtas na tayo ok  ba?"

"Opo"

Hindi ko alam kung bakit kami tatawid sa bahay nayon.

"Sige, isa dalawa tatlo. Langoy nak langoy kapit lang kay inang kapag napagud ka. Kapit ng mahigpit sa palanggana. Kumapit kayo mga anak!"

Napakalakas ng hangin. Kaya mahirap, pero sige lang kakayanin. Para kay nanang, para kay Tore at Linsay.

Lagpas kalahati na kami ng bumigay na ako kaya kumapit ako kay inang. Alam kong pabigat lang ako kay inang kaya matapos makahinga ng kaunti ay kumampay narin ako. Malapit na malapit na talagah.

Nang.

"Inang!!!!!"

Natangay ang inang ng isang napakalaking sanga.

"JShdjKapatid! jdmardhhal!!"

"Nang!!!"

Mawawalan na sana ako ng pag-asa lalo na't umiyak ng umiyak ang dalawa ko pang kapatid, nang may malakas na tumulak sa akin hanggang sa nakapasok kami sa isang get.(gate)

"Alagaan mo mga kapatid mo anak! mahal ko kayo! Ililigtas ko ang inang ninyo pangako!!! Tulong!!!! tulungan niyo po kami!"

May lumabas sa balkon ng bahay.

" Pakiusap, iligtas mo ang mga anak ko. Tatanawin ko ito ng malaking utang na loob!"

"Tanggggg!!!!!!!!"

Sabay naming sigaw ng matapang niyang nilusob ang ragasa ng baha.

Lapida.

I caress their tombstone and let my finger follow the curve engrave in it.

Liligoy V. Esas

Born: July 6, 1972
Died: August 16, 2001

Toresa V. Esas

Born: Januray 23, 1973
Died: August 16, 2001

Nang? Tang? It's been 20 years. Marami na ang nagbago. Inampon kami sa isang bahay amponan. Successful na kami nang,tang. Ito ay dahil sa pagsusumikap namin.

"Kuya, I thought you'll wait for us"

"I'm sorry, bagal niyong magbihis eh"

" Ok,ok apology accepted"

"Nang, sad death anniversary sa inyo ni tatang, I miss you!"

" I miss you nang, i-itang"

"Hali nga kayo kay kuya, bilis tabihan niyo ako. Bubulabugin natin sila"

" Yiehhhh!"

Those was all because of poverty.

Poverty killed them,

Poverty almost killed us,

Poverty healed me,

Because poverty made us strong and inspired along our way.

Naisip namin na sana nandito pa kayo. Para iparanas namin sa inyo ang mga pagkakataong hindi natin naranasan noon.
Kung alam lang sana natin na may Super Typhoon na paparating ay sana nandito pa kayo. I felt anger towards the slow action of the LGU before. Kung sana binalaan nila tayo, kung sana mas maagang dumating ang tulong ide sana hindi umabot sa 123 ang namatay.
But it's too late.

Too late.....

We love you both.

--------

Work of Fiction
Grammatical and Typographical Error
Photo Credit To The Rightful Owner

Written by: Binibining_Hari

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro