Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER I

🍷🍷🍷

"Sir, mayroon ho kayong tawag." Sambit ng sekretarya niya ngunit patuloy pa rin ang pagbabasa niya sa mga papeles na naroon sa kanyang harapan.

"Decline it, I'm busy." Tanging sagot niya, ni hindi siya nag-aksaya ng oras upang mag-angat ng tingin man lang.

"Kahit po si Mrs. Chastain, iyon?" Paniniguro ng babae na siyang ikinahinto niya ng marinig ang pamilyar na apelyedong sinambit nito.

Napabuntonghininga siya saka nag-angat ng tingin. "Fine, transfer it." Labag sa loob na utos niya.

Napatango ang sekretarya. "Alright, sir." Sagot nito saka lumabas na ng silid.

Inalis niya ang suot na salamin saka tiningnan ang oras sa suot niyang relo, napasaltak na lamang siya ng makitang alas dose na at iyon ang eksaktong oras kung kailan palaging tumatawag ang kanyang ina.

Hindi nagtagal ay tumunog ang telepono kaya naman inangat niya iyon at pagkatapos ay itinapat sa tainga. "Hello," walang emosyong bati niya.

["Kailan kaya ako masasanay sa walang buhay mong boses?"] Ismid ng ginang saka bumuntonghininga. ["Nagtanghalian ka na ba hijo? Baka sumusubsob ka na naman sa trabaho, sinasabi ko sayo masamang nalilipasan ng gutom,"] Litanya nito na siyang saulado na niya dahil sa tuwing tatawag ang ginang ay iyon ang palagi nitong bungad sa kanya, palagi siya nitong pinaaalalahanang kumain ng tama at sakto sa tamang oras.

"Oho, lalabas na ako mamaya," pagbibigay na sagot niya ngunit hindi kumbinsido ang ginang at muli siyang tinalakan.

Muli siyang napasaltak at napasandal sa kinauupuang swivel chair. ["Isang buwan na lamang ay kaarawan mo na, kailan ka ba mag-aasawa?"] Usisa nito na siyang parte ng litanya sa tuwing tatawag ang ginang na ikinasasakit ng sintido niya, minsan ay hindi na niya malaman kung paano napupunta sa usapang pag-aasawa ang paksa ng kanilang pag-uusap dahil sa galing nitong magsingit ay hindi na niya namamalayang iyon na naman ang pinag-uusapan nila.

"Trenta 'y uno pa lamang ho ako," sagot niya dahil iyon naman ang totoo, thirty-one na siya ngunit kahit ganoon ay ni hindi pa pumapasok sa isip niya ang pag-aasawa. Sino nga bang magnanais na mag-asawa kung masaya namang maging malaya?

["Iyon na nga, thirty-one ka na hijo. Kailan mo ba balak lumagay sa tahimik at bigyan kami ng apo?"]

Napasaltak siya ng marinig iyon. "Tahimik naman ho ang buhay ko," sagot niya.

["Oh siya, bahala ka na nga. Huwag masyadong sumubsob sa trabaho, kumain ka sa tamang oras at magpahinga ng sapat."] Bilin ng ginang bago pinatay ang tawag.

Napangalumbaba na lamang siya, alam naman niyang nag-aalala lamang sa kanya ang kanyang ina sapagkat hindi na rin naman siya bumabata, hindi magtatagal ay hahantong na rin siya sa edad kung saan kailangan na niyang umasa sa iba upang kumilos at gawin ang ilang mga bagay na ngayon ay kaya pa niyang gawin dahil malakas pa siya.

Kung noon ay nakakalusot pa siya sa katuwirang nariyan naman ang kapatid niya upang alagaan siya pagtanda, ngayon ay hindi na sapagkat nag-asawa na ang kapatid niyang si Lorenzo, anim na taon na ang nakakalipas, nakabukod na rin ito at ngayon nga ay may dalawang makukulit ng anak kaya't hindi na rin mapakali pa ang kanyang ina lalo pa't sa darating na kaarawan niya ay mawawala na ang edad niya sa bilang ng kalendaryo.

Ayaw na rin naman niyang sumiksik sa ina niya kaya nga naisip niyang bumukod na sapagkat nahihiya na siya sa step-father niyang oo nga't tinanggap silang magkapatid, minahal na animo'y sariling anak nito, ipinagamit pa ng lalake sa kanilang magkapatid ang apelyedo nito na kung tutuusin ay sobrang ipinagpapasalamat niya kaya't kalabisan na kung hanggang sa pagtanda niya ay naroon pa rin siya sa poder ng step-father niya.

Matapos ang ilang sandaling pag-iisip ay napagpasyahan niyang ituloy ang ginagawa at buong araw ay doon niya ibinuhos ang atensyon niya. Pagsapit ng hapon ay iniunat niya ang likod saka isa-isang niligpit ang mga naroon sa mesa, inayos niya ang mga papel bago tumayo at naglakad palabas ng silid.

"Uuwi na ho kayo sir?" Bungad ng sekretarya niya ng makita siya.

"Huwag mong kalimutang ayusin ang schedule ko para bukas." Paalala niya bago nilampasan ang mesa nito.

Lumiko siya sa malinis na hallway at tinungo ang elevator, tahimik na nakatayo siya habang nakaharap at naghihintay sa pagbukas ng pinto matapos niyang pindutin ang botton. Ilang sandali ang lumipas at mayroong ilang empleyadong nakasuot ng kulay asul na slacks at puting polo na huminto ilang espasyo mula sa kinatatayuan niya.

Isa sa mga bagay na una niyang inayos ng maupo siya sa pwesto ay ang gawing uniform ng lahat ang polo at slacks, wala siyang pakealam kung corporate ang negosyo niya at magmumukhang informal kung halos lahat ay nakasuot ng ganoon. Naniniwala siyang nasa pagdadala naman at pag-aayos ng sarili ang pagiging presentable at malinis, naniniwala siyang nasa kilos at pananalita ang pagiging formal at professional ngunit ang totoo ay alergic siya sa mga babaeng nakasuot ng skirt at revealing clothes. Iyon kasi ang unang bumungad sa kanya noong magsimula siya kaya naman inalis niya ang mga iyon, ayaw niya ng ganoong klase. Bukod doon ay napakaraming bagay pa ang binago niya sa kumpanya kaya naman halos lahat ay naging ilag sa kanya, pinangingilagan siya dahil sa seryosong awra niya, masungit at masama ang ugali, iyon ang tingin sa kanya ng lahat pero wala siyang pakealam.

Bumukas ang pinto at nauna siyang pumasok, sumunod naman ang mga iyon ngunit lahat ay sumiksik sa isang gilid na para bang mayroon siyang nakakahawang sakit. Hindi na lamang niya pinansin iyon at pinindot ang botton pababa sa parking lot, ilang minutong tahimik ang lahat ni walang gumagawa ng kahit anong ingay animo'y maging ang paghinga kulang na lamang ay pigilan na rin nila huwag lamang siyang magalit.

Kitang-kita niya mula sa repleksyon ng pinto na pinagmamasdan siya ng mga babaeng naroon, sino nga bang hindi siya pagmamasdan? Agaw pansin ang makapal niyang kilay at matangos na ilong. Isama pa ang kulay bughaw niyang mga mata na para bang kasing lalim ng dagat ang lumbay na dinadala na maging siya ay hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang lungkot na iyon. Idagdag pa ang perpektong hugis ng kanyang mukha at ang labi niyang animo'y kawangis ng hugis ng pana ni kupido. Marami ngang nagsasabing hawig niya ang aktor na si Ian Somerhalder ngunit wala siyang pakealam, palagi naman.

Huminto ang elevator at bumukas ang pinto, ni hindi siya lumingon ng tumapak palabas. Diretso lamang ang tingin niya ng magsimulang maglakad palayo doon. Tinungo niya ang parking lot saka dumireto sa White Cadillac CT5-V niyang sasakyan na siyang regalo sa kanya ng asawa ng kanyang ina, kung hindi pa nga siya niregaluhan ng step-father niya ay hindi niya maiisipang huminto sa pagko-commute bagay na siyang dahilan din kung bakit niregaluhan siya nun, sino ba naman kasing CEO ang nagko-commute sa panahon ngayon? Ang iba nga ay todo naka-helicopter pa pero siya sumasakay pa ng Tren at Jeep papunta sa opisina.

Nagmaneho siya pauwi sa bahay niya, pagdating niya ay ipinarada niya lamang ang kotse sa garahe saka dumiretso sa loob ng kabahayan. Sa laki ng bahay niya ay hindi niya magawang makita ang mga kasambahay na naroon, hindi na rin nakapagtataka dahil ilag rin naman sa kanya ang mga iyon at kusang umiiwas sa kanya. Tinungo niya ang kusina at ng makitang wala pang kahit isang nilutong pagkain ay inalis niya ang coat na suot, niluwagan niya ang necktie saka tinupi ang sleeves ng suot na polo bago nagsimulang gumawa ng pagkain para sa sarili.

"Walang maitutulong ang pagsilip mo dyan," seryosong sabi niya ng maramdamang may nakatingin sa kanya mula sa may pintuan, ilang minuto ang nakalipas ng magsimula siyang magluto.

Napabuntonghininga ang matanda saka lumakad papasok ng kusina. "Pasensya na hijo, marami kasi akong tinatapos." Hinging pasensya ng matandang mayordoma ng bahay niya.

"Wala pa bang nahahanap na kapalit yung taga-luto?" Tanong niya ng hindi man lang tinitingnan ang kausap.

"Wala pa hong nahahanap, maging ang iyong ina, ay tumutulong na sa paghahanap ng bagong kasambahay-"

Napakunot ang noo niya ng marinig iyon kaya nilingon na niya ang matanda. "-kasambahay?" Ulit niya na tinanguan nito.

"Umalis na rin yung dalawang kasambahay, kaya ganoon na ang hinahanap ni Madam."

Tuluyan ng nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa narinig. "Bakit?" Takang tanong niya na ikinasalubong din ng kilay ng matanda.

"Anong bakit? Nalimutan mo ho bang pinalayas mo sila?" Paalala nito na ikinakurap-kurap niya, saka lamang niya naalalang pinaalis niya nga pala ang dalawa dahil sa sobrang galit niya. Paano'y nahuli niyang nagpupuslit ng gamit ang isa, samantalang ang isa naman ay nakikialam sa gamit niya. Hindi naman siya maramot, kung nais ng mga ito iyon ay ayos lang ngunit ayaw na ayaw niya ang hindi nagpapaalam. Gamit pa rin naman niya iyon, ang gusto niya lang ay magpaalam man lang sana sa kanya bilang respeto ngunit walang respeto ang mga iyon kaya't nasagad ang pasensya niya at pinalayas na lamang.

Napabuntonghininga siya. "Kung wala talagang mahanap ay hayaan niyo na, kaya ko naman ang sarili ko." Sambit niya na aga na inilingan ng matanda.

"Hindi iyon maaari hijo, hindi papayag si Madam lalo na't isasama niya ako sa susunod na trip niya patungong Korea dahil kailangan niya raw ako doon. Hindi naman maaaring iwanan kang mag-isa."

"Ang sa akin lang, huwag niyo na hong ipilit kung wala talaga."

"Ah basta, bago ako aalis ay makakahanap ako ng kapalit ko." Determinadong sambit nito na hindi pinakikinggan ang sinabi niya, sa lahat ng kasambahay ay ito lamang ay may lakas ng loob na salungatin siya palibhasa'y mas matanda ito sa kanya at nagmula pa sa kanyang mga magulang kaya hindi ito natatakot sa kanya.

Hindi na siya umimik, nilubayan na rin naman siya ng matanda na nagpaalam na tutungo muna sa likod-bahay upang tapusin ang ginagawa. Kumain na lamang siya ng tahimik matapos magluto at ipinagtabi ng pagkain iyon, kusa na rin siyang nagligpit, naghugas at naglinis sa kusina upang hindi na iyon gawin ng matanda at makabawas na sa iisipin nito.

Bitbit ang coat niya ay umakyat siya sa taas at tinungo ang silid ng matapos sa gawain, pagod na ibinagsak niya ang katawan sa kama saka pumikit. Malapit na sana siyang makatulog ng marinig niyang tumunog ang cellphone niya, napasaltak siya saka kinuha iyon at iminulat ang mga mata para tingnan.

Lorenzo
● Active now

Lorenzo:
Bud, balita?

Xander:
Same old

Lorenzo:
Sabi ni Uncle, tumawag na naman daw sayo si Mommy?

Xander:
Yes

Lorenzo:
Let me guess, tinanong ka na naman kung kailan ka mag-aasawa ano?

Xander:
You have your wife, why don't you just talk to her and stop pestering me?
I need a goddamn rest.

Lorenzo:
Ito naman, nangangamusta lang!
Minsan na nga lang kitang maka-chismisan ayaw mo pa!
Nga pala maiba ako, may irereto ako sayo
Maganda 'to promise!
09876543210
Ayan number niya, i-text mo.
You know, textmate kayo ganun
HAHAHAHAHA!

Pinatay ni Xander ang cellphone at hindi na inintindi si Lorenzo, sanay na siya sa trip ng kapatid niya. Magmula ng mag-asawa ito ay palagi na siyang sinisendan ng kung ano-anong pangrereto para lang mag-asawa na rin daw siya. Noong una ay isang buong portfolio ang sini-send nito sa kanya, minsan pa nga siyang sinet-up ng blind date at ngayon nga ay kung kani-kaninong number ang sini-send nito sa kanya kahit pa ilang beses na niyang pinaalalahanan na invation of privacy ang ginagawa nitong pamimigay basta-basta ng numero. Sa lahat naman ng nireto nito ay ni isa wala siyang kinagat sa mga set up na iyon, wala siyang panahon at ni hindi niya gustong magkaroon ng commitment, masaya na siyang malaya siya. Ganoon man ay ayaw pa rin siyang lubayan ng kapatid sa pangrereto nito.

Muli niyang ipinikit ang mga mata, sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siyang nakatulog at umaga na ng magising.

Maaga siyang nag-asikaso ng sumunod na araw, muli siyang nagluto ng agahan at naligo. Alas sais pa lamang ng umaga ay paalis na siya ng bahay niya at pagsapit ng kalahating oras ay malapit na siya sa company. Tanaw na niya ang gusali ng tumunog ang cellphone niya, inabot niya iyon mula sa bulsa ng coat niya saka tiningnan.

Napakunot ang noo niya ng makitang mensahe iyon mula kay Lorenzo.

Lorenzo
● Active now

Lorenzo:
Binyag ni baby ngayon
Kailangan mong pumunta
Kapag hindi ka pumunta
Hindi kita papansinin hanggang magdalaga 'to.

Napasaltak siya ng mabasa ang pagbabanta ng lalake, saglit niyang pinagmasdan ang daan bago napabuntonghininga at humanap ng daan kung saan maaaring mag-u-turn. Hindi siya takot sa pagbabanta nito ngunit ayaw niyang magkasamaan sila ng loob, alam naman niyang hindi siya matitiis ng kapatid ngunit hindi niya gustong tiisin ang mga anak nito. Hindi niya rin minsan maintindihan sa sarili kung bakit pagdating sa mga bata ay hindi niya magawang humindi kahit pa madalas ay sapul nun ang schedule niya, katulad na lamang ngayon.

Habang nagmamaneho papunta sa bahay ni Lorenzo ay tinawagan niya ang sekretarya niya.

["Hello sir, magandang umaga."] Bungad nito.

"Hi, can you please resched all my appointments today?" Walang buhay ang boses na pakiusap niya, kahit naman kasi siya ang boss ay alam naman niya sa sariling dapat ay matuto pa rin siyang makiusap kapag may ipapagawa o hihinging pabor dahil katulad niya, tao lamang din iyon na mayroong damdamin.

["Sure sir. I'll update you once I finish,"] Sagot nito at pinatay na ang tawag, ibinalik niya ang cellphone sa coat at itinuon na ang atensyon sa pagmamaneho.

Dalawang oras makalipas ay nakarating na rin siya sa bahay ni Lorenzo, bumusina siya ng huminto para ipaalam na naroon na siya sa labas. Ilang minuto lang ay bumukas ang kulay asul na gate at sinenyasan siya ng guwardiya na pumasok na kaya naman nagmaneho na siyang muli papasok.

Habang papasok sa loob ay bumungad sa kanya ang malawak na lugar, nasa gitna ang modern house na ipinatayo ni Lorenzo habang napaliligiran iyon ng mga puno, kahit saan ka tumingin ay kapansin-pansin ang kulay berdeng mga halaman at naglalakihang puno na hitik sa kulay berdeng dahon, parang nasa probinsya ang sistema ng lugar na iyon.

Maingat na ipinarada niya ang kotse hindi kalayuan sa gate ng makita niyang naglalaro ng habulan ang dalawang anak ni Lorenzo, napasimangot siya ng maalalang ni hindi niya nagawang dumaan sa mall para bilhan ng pasalubong ang dalawa.

Pinatay niya ang makina at binuksan ang pinto para bumaba, akmang isasara pa lang niya iyon ng marinig niyang umalingawngaw na ang boses ng panganay na anak ni Lorenzo.

"DADDYYYYY! UNCLE-NINONG IS HERE NAAAAA!" Malakas na sigaw nito bago tumakbo palapit sa kanya, isinara niya ang pinto at bumaling sa bata.

"Careful!" Paalala niya habang iniintay itong makalapit, nag-squat siya saka iniunat ang mga braso para mag-open arms. Ngiting-ngiti ang bata ng makalapit sa kanya at yumakap ng mahigpit.

Napangiti siya dahil doon. "How are you?" Malumanay na tanong niya.

"I'm fine po!" Nakangiti pa ring sagot nito saka sinilip ang gilid niya bago nakakunot ang noo na ibinalik ang tingin sa kanya. "Ninong, 'di ikaw nagdala ng pasalubong po?"

Napangiwi siya dahil doon. "Unfortunately, hindi nagkaroon ng pagkakataon si Ninong na dumaan ng mall." Sagot niya dahilan para sumimangot ang bata. "Pero, pagbalik ko bibilhan kita. May gusto ka bang ipabili?" Bawing tanong niya.

Umiling ang bata. "Wala po, akala ko lang magdadala ka kasi gusto ko ng ice cream." Sagot ng bata saka napa-pout na ikinatawa niya, akala siguro nito'y nagagawa niyang maramdaman ang nararamdaman nito.

"Iyon lang pala, walang problema. Bibili tayo mamaya."

"Talaga po?!" Excited na pagkumpirma niya na tinanguan agad ni Xander saka tumayo na at binuhat ang bata. Bumalik na ang malapad na ngiti niya habang naglalakad sila papasok.

"Hulaan ko," bungad ni Chelsea ng magkasalubong sila sa sala. "Nakangiti na naman yan dahil inii-spoil mo na naman,"

"Si Lorenzo?" Tanong niya imbis na sagutin ang sinasabi ng babae.

"Naroon sa kusina," sagot ng babae saka nilagpasan na siya.

Ipinagkibit-balikat niya lang iyon saka inilapag sa sofa ang inaanak. "Diyan ka muna, pupuntahan ko lang ang Daddy mo." Paalam niya saka tinungo ang kusina.

Pagpasok niya ay napasipol siya ng makita ang itsura ng kapatid, nakasuot ito ng kulay pink na apron habang abala sa pagluluto. "Kamusta ang house-husband?" Birong tanong niya saka naupo sa stool.

Humarap sa kanya si Lorenzo. "Ayos lang," sagot nito saka bumaling ulit sa ginagawa. "Mabuti naman at nakunsensya ka."

"Ayoko lang magtampo ang mga bata."

Narinig niyang sumaltak ang kapatid. "As always, minsan nga naisip ko ano kaya kung dagdagan ko ng dagdagan ang anak ko para naman lagi kang bumibisita dito?"

"Kung hindi ka papatayin ni Chelsea, sige." Hamon niya na inilingan agad ni Lorenzo.

"Ilang taon na kaming kasal pero hanggang ngayon mabibilang sa kamay kung ilang beses niya kong nilambing sa isang araw. Lagpas pa sa kamay ang pangungurot at panununtok niya, minsan nga naiisip ko kung matatawag na ba kong battered-husband." Naiiling na sabi ni Lorenzo.

"How miserable," sarkastikong sagot niya sa drama ng kapatid, iniangat ng lalake ang kamay saka ipinakita sa kanya ang gitnang daliri.

"Sige lang asarin mo ko, tingnan natin kung hindi ka karmahin kapag mas malala kay Chelsea ang magiging asawa mo." Banta nito sa kanya, bagay na tinawanan niya.

"Brad, hindi yan mangyayari."

"Oo kasi mas mahalaga pa sayo ang kalayaan mo kaysa sa may makasama ka sa buhay."

"Kung ganyan lang din naman, mas mabuti ng huwag na lang." Nangalumbaba siya sa counter. "Mas ayos ng malaya, magagawa kong pumunta sa kahit saan, umuwi ng hatinggabi ng walang nag-aalala at gawin ang lahat ng gusto ko,"

"Mas masaya pa ring may naghihintay sa pag-uwi mo," makahulugang sambit ni Lorenzo na ikinatahimik niya. "Maiba ako, may inuman mamaya, alam kong sasama ka kaya ipaalam mo ko utang na loob, hindi ako papayagan ni misis."

Napairap siya. "Ano pa nga ba," naiiling na sabi niya.

Pagsapit ng alas dose ay tapos ng mag-asikaso ang mag-asawa kaya naman nagtungo na sila sa simbahan upang pabinyagan ang isang taong gulang na anak ng mga ito. Umabot rin ng sampu ang ninong at ninang ng bata ngunit hindi siya kabilang doon dahil inaanak naman na niya ang panganay, kaya lamang siya naroon dahil gusto ni Lorenzo na palagi siyang present sa mga ganoong okasyon na madalas ay nagiging babysitter lang siya ng dalawang anak ng mga ito.

"Nakakaaliw di ba? Gumawa ka na kasi," rinig niyang pang-aasar ni Lorenzo ng makitang tinutulungan niyang kumain ang anak nito dahil napaka-kalat.

Hindi niya iyon inimikan, minsan naririndi na rin siya sa ganoong mga salita pero ano pa bang magagawa niya. Tama naman kasi sila, hindi na siya bumabata iyon nga lang hindi niya talaga magawang mag-commit kahit pa anong gawin niya.

Sa totoo lang ay sinubukan naman niya, iyon nga lang walang nakaiintindi sa kanya kaya ang dulo, palagi ring nauuwi sa wala kaya naman napagod na lang siyang sumubok lalo pa't sa ngayon mas nae-enjoy niya ang pag-iisa at ang pagiging malaya. Kung ito yung sinasabi nilang self love, siguro'y sobra-sobrang pagmamahal na ito sa sarili dahil ilang taon na rin siyang bakante.

Pagkatapos ng event ay ipinaalam na niya si Lorenzo kay Chelsea at ng mapapayag ang babae ay umalis na sila agad para pumunta sa bar kasama ang ilan pang kaibigan ni Lorenzo na kahit papaano ay nagagawa naman niyang pakisamahan.

"Bro, pahiram naman ng phone mo." Sabi ni Lorenzo, balewalang dinukot niya iyon sa bulsa saka iniabot at hinayaan ang kapatid na gamitin ang cellphone niya.

Pagdating sa bar ay humanap sila ng pwesto saka umorder ng alak at nagsimulang magpakalunod, habang lumalalim ang gabi ay mas lalong dumarami ang bote sa mesa nila. Ganoon pa man, wala namang babae sa mesa nila. Sila-sila lang ang naroon palibhasa majority sa kanila ay may mga asawa na kaya naman hindi na naghahanap pa ng babaeng iti-table samantalang hindi naman niya ugaling mag-table ng babae kapag nag-iinom, hindi siya natutuwa sa ganoon.

Madaling-araw na ng matapos ang inuman, pare-parehas silang nakarami ng inom. Ang iba'y halos magsuka na sa daan samantalang siya ay nagagawa pang makatayo at alalayan si Lorenzo. Sanay kasi siya na maayos pa rin kahit pa gaano siya kalasing at hindi rin naman niya ugaling magpakalunod tapos hindi na kaya ang sarili, ayaw niya nun dahil ayaw niyang maging pabigat sa mga kasama.

Isinakay niya sa kotse si Lorenzo at inihatid niya sa bahay nito, doon na rin siya nagpalipas ng gabi dahil ng makapasok sila ng kapatid ay ini-lock na ng misis nito ang main door.

Napaupo siya sa sofa ng kunin ni Chelsea si Lorenzo at alalayan ng umakyat sa itaas, pinagmamasdan niya ang dalawa habang umaakyat. Alam niya kung anong gagawin ni Chelsea sa kapatid niya, minsan na niyang nakita iyon at tumatak na sa isip niya. Kahit naman kasi sadista at maldita ang babae ay malambot ito pagdating sa kapatid niya, kahit pa anong pagbubunganga nito ay inaasikaso pa rin ng babae si Lorenzo bagay na ikinabubuntonghininga na lamang niya.

Nahiga siya sa sofa at pinagkasya ang sarili, sanay na siyang ganito sa lumipas na mga taon pero minsan may pagkakataon na may parte sa kanya na sumasang-ayon kay Lorenzo hindi niya lang alam at maintindihan kung bakit hindi niya magawang sundin ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro