Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Reading List Submission Guidelines

Kung nais mong ma-feature ang iyong kuwento sa isa sa aming mga reading list, mayroong ilang importanteng bagay na kailangan mong malaman. Mangyaring basahin nang mabuti ang submission guide bago sagutan ang submission form. Masisiguro nito na matutugunan ng iyong kuwento ang submission requirements ng aming profile.

- Kinakailangang sumunod ng iyong kuwento sa Mga Alituntunin sa Nilalaman ng Wattpad. Kung naglalaman ang iyong kuwento ng mature na content, kinakailangang na-rate ito nang maayos. Kung hindi ka sigurado, mangyaring tingnan ang mga alitununtin sa nilalaman.

- Ang lahat ng mga pagsusumite ay dapat nasa Filipino o Taglish.

- Tumatanggap kami ng parehong kumpleto at ongoing na mga kuwento. Kung ang kuwento ay kumpleto, mangyaring siguruhin na ito ay nakamarka bilang 'kumpleto' sa story details. Kung ay kuwento ay ongoing, ito ay dapat ina-update kahit isang beses sa isang buwan sa magkakasunod na nakaraang tatlong buwan upang manatili sa mga reading list.

- Tumatanggap lamang kami ng mga unang kuwento sa isang serye.

- Malaya kang magsumite ng kahit na gaano karaming kuwento na nais mo. Hindi namin nililimitahan ang bilang ng mga kuwento ng isang manunilat sa aming reading list, o kahit na sa isang reading list.

- Ang iyong kuwento ay kailangang tumugma sa isa sa aming mga available na reading list na naka-feature sa profile na ito. Makikita mo ang listahan ng aming mga available na reading list sa dulo ng kabanatang ito na may maikling deskripsyon kung anong mga kuwento ang babagay sa bawat isa.

Paano magsumite:

>> Mangyaring pakatandaan na ang pagsubok na magsumite sa labas ng submission form (hal. sa message board, sa mga komento) ay hindi kokonsiderehin. Ang mga pagsusumite lamang na ginawa gamit ang naka-link na form sa ibaba ang susuriin.

>> Mangyaring pakatandaan na ang pagsusumite ay hindi garantiya na magkakaroon ka ng puwesto sa reading list. Ang lahat ng pagsusumite ay dumadaan sa pagsusuri bago nagkakaroon ng isang desisyon. Ito ay para masiguro na mabibigyan ang mga mambabasa ng de-kalidad na mga kuwento na pasok sa kanilang panlasa sa pagbabasa.

>> Mangyaring bigyan ng atensyon ang gramatika, pagbaybay, at bantas. Lubos naming ipinapayo na basahin at i-edit ang iyong kuwento bago isumite ito. Maaari kang makakita ng mga editing tip DITO mula sa aming mga Wattpad Creator.

>> Gusto mo ring makatiyak na nagsama ka ng isang mahusay na pagkakasulat ng paglalarawan ng kuwento para sa iyong mga mambabasa. Para sa mga tip tungkol sa story descriptions, bisitahin ang pahinang ITO.

>> Mangyaring habaan ang pasensya pagkatapos isumite ang iyong kuwento. Ang proseso sa pagsusuri ay maaaring tumagal ng hanggang 30 araw. Hindi kami makapagbibigay ng feedback sa mga kuwento o pagsusumite.

>>> READING LIST SUBMISSION FORM <<<

Buksan lamang ang link sa iyong browser at sagutan ang mga tanong. Kapag tapos na, pindutin ang submit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro