Available Reading Lists
Ito ang mga reading list kung saan pwedeng ma-feature ang inyong mga kuwento:
Music - Para sa mga fandom na ang pangunahing tampok ay musika, anuman ang genre nito. Pwede ito sa mga solo o grupo, at kasama na rin ang K-Pop dito.
Video Games - Para sa mga fandom na ang pangunahing tampok ay mga video game. Pwede ito sa mga mobile o computer game, o mga kuwentong naka-dedicate sa mga game developer at player.
TV Shows - Para sa mga fan ng mga TV show na nais bigyan ng spotlight ang mga kuwento at karakter na nakikita sa kanilang mga TV screen.
Movies - Para sa mga fandom na nakabase sa mga pelikula. Ito man ay blockbuster hit, indie film, o classic cinema, maaari itong maisama rito.
Books - Para sa mga fan na mahilig galugarin ang mga bagong dimensyon ng kanilang mga paboritong libro sa pamamagitan ng fanfiction. Nagbibigay ang mga kuwentong ito ng bagong perspektibo at malikhaing karugtong ng mga minamahal na naratibo.
Manga & Anime - Ito ang ay para sa mga otaku! Ikaw man ay fan ng action-packed shonen series, heartwarming shojo tales, o thought-provoking seinen stories, ang hinahanap mong fanfiction ay maaaring narito!
Crossovers - Ang reading list na ito ay kakaiba dahil tinatawid nito ang mga border hindi lang ng media kundi pati mga mundo! Galugarin ang kombinasyon ng iyong mga paboritong fandom sa reading list na ito, kung saan ang mga paboritong karakter at universe ay nagsasama sa hindi inaasahan at kapana-panabik na paraan. Maaring ito ay kombinasyon ng mga book series, mash-up ng mga TV show, o pinagsamang mga pelikula at video game.
Theater Plays - Ang reading list na ito ay para sa mahihilig sa teatro. Maaaring ito ay para sa mga aktor o aktres sa dula, o ang stagecraft mismo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro