Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ambassador Contests and Challenges

Ambassador Challenges and Contests

Nais mo bang makisali sa isang aktibidad? Nasa mood ka bang magsulat para sa isang hamon o patimpalak? 

Huwag kalimutang tingnan ang Official Wattpad Contests Page upang makita kung may makakukuha ng atensyon mo. 

Ang mga Ambassador ay nagho-host ng iba't ibang hamon at patimpalak na bukas sa komunidad. Ang pakikilahok ay isang mahusay na paraan para sa mga manunulat na bumuo at makahanap ng motibasyon para sa mga ongoing na proyekto, o upang magdiwang sa karanasan ng paglikha ng isang bagong kuwento.

ANNUAL EVENTS

Pebrero hanggang Abril.

Hinihikayat kayo ng Open Novella Contest encourages na magsulat ng novella na mayroong 20k mga salita sa loob ng 12 linggo. Ito ay nagaganap sa OpenNovellaContest profile. Ang ONC ay inaanunsyo sa pagtatapos ng Enero kada taon, at sa 1 Pebrero, ang mga prompt ay inalalabas at ang pagsusulat ay magsisimula.

Agosto.

Ipinagdiriwang ng Amby Awards (or Ambys for short) ang mga kompleto ay nag-e-exist nang mga kuwento. Ito ay nagaganap sa TheAmbys profile at nagsisimula tuwing Agosto taon-taon. 

Setyembre.

Ang Shortys ay isang hamon para sa mga makata at manunulat ng maikling kuwento. Ito ay nagaganap sa Poetry at ShortStory profile tuwing Setyembre. Ang hamon na ito ay isang mahusay na oportunidad para matuklasan mo ang iba't ibang klase ng inspirasyon na maaaring gawing isang nobela o ongoing na kuwento.   

ONGOING CHALLENGES

Ang 8-Chapter Challenge ay nagaganap kada dalawang buwang sa buong taon sa justwriteit profile. Ang 8CC ay ang pinakamahusay na paraan para mabigyan ng motibasyon ang mga manunulat na mayroong mahusay na konsepto ng kuwento, o ongoing na kuwento, na naghahanap ng dahilan para magsulat. Sa kada dalawang buwan na nagaganap ang 8CC, kailangan mong magsulat ng 8 kabanata na may hindi bababa sa 1500 na mga salita. 'Yon ay 12k mga salita! https://truyen247.pro/tac-gia/justwriteit

Ang 30-Day Challenge ay nagaganap buwan-buwan sa justwriteit profile. Ang 30DC ay nag-aalok ng suporta at paghihikayat sa mga manunulat na magsulat nang tuluy-tuloy sa loob ng 30 araw at sa dulo ay ipinagdiriwang namin ang iyong mga bilang ng salita. Halika at magsulat kasama ang komunidad!  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro