xxladyariesxx's Short Story
Wattpad Filipino Block Party 2021
STANLEY AND MIRACLE
XXLADYARIESXX
Monday. 8AM.
Miracle: Jerk, Kuya Renzo's asking about you! May sinabi ka ba sa kanya?
Stanley: Sinabi? About us?
Miracle: Obviously! Ano? May sinabi ka kay Kuya? Ira Serene keep on asking me, too! Ano ba kasi ang sinabi mo sa magaling kong kapatid?
Stanley: Wala naman. I just told him that I like you.
Miracle: You what? Nasisiraan ka na ba? Bakit mo naman sinabi iyon kay Kuya Renzo?
Stanley: He asked. I answered.
Miracle: Unbelievable! I don't like you, okay! Not anymore, you jerk!
Stanley: I like you still.
Miracle: Stanley!
Stanley: Yes, love?
Miracle: Oh, come on! You can't do this to me! Napag-usapan na natin ito noon, hindi ba? We can't be together!
Stanley: At sinabi ko na rin ito noon sa'yo, Miracle. I'll wait for you. Kahit ilang taon ka pa sa med school mo, maghihintay ako.
Seen. 8:15PM
Stanley: Still there?
Seen. 8:16PM
Stanley: Miracle Acuesta.
Seen. 8:16PM
Stanley: Okay, I'll stop. Just talk to me.
Miracle: Sabihin mo sa kapatid ko at sa ibang miyembro ng organisasyon na nagbibiro ka lang. Ayusin mo itong gulong ito. Hindi kita kakausapin hangga't hindi mo naaayos ang gulong ginawa mo, Santiago!
Stanley: I can't do that, Miracle. Hindi ko babawiin ang mga salitang binitawan ko.
Miracle: Do it, Santiago! Or else, hindi kita kakausapin!
Stanley: You can't do that to me, Miracle. Sino na lang magpapaalala sayong kumain kung lunod ka na naman sa pag-aaral mo? Hmm?
Miracle: I can handle myself. Hindi ko kailangan nang tulong mo!
Stanley: Wanna bet?
Miracle: Shut up! Matutulog na ako.
Stanley: Love, it's only eight in the evening. Hindi mo ako maloloko dito.
Miracle: Fine! Mag-aaral ako! Stop bothering me!
Stanley: I love you!
Miracle: I hate you. Bye!
Tuesday. 8AM
Stanley: Goodmorning, Miracle! Huwag masyadong magpaloko sa human anatomy! I love you!
Tuesday. 12NN
Stanley: Nasa headquarters kami ngayon. Don't forget to eat your lunch! I love you!
Tuesday. 5PM
Stanley: Hindi ka pumasok. Pumunta ako sa university niyo kanina para sana sunduin ka. What happened? Masama ba ang pakiramdam mo?
Tuesday. 8PM.
Stanley: Miracle.
Seen. 11:00PM.
Wednesday. 6AM.
Stanley: Kailangan kong umalis ngayon. Adam's back. Please, be safe. Kung may problema, just inform me, Miracle. I'm here for you. I love you.
Seen. 11:30PM.
Friday. 1PM.
Stanley: Kakauwi lang namin ni Charles. Masama ang kondisyon ngayon ni Adam. Nasa hospital
ito at hanggang ngayon ay magulo pa rin ang sitwasyon sa mga Zamora
Stanley: Hindi ko rin nakikita ang kapatid mo sa organisasyon. May problema rin ba ang mga Acuesta ngayon?
Stanley: Miracle! Answer me, please. Ayos ka lang ba?
Seen. 5:30PM
Saturday. 8PM.
Stanley: Where are you?
Seen. 8:05Pm
Saturday. 10PM
Stanley: Miracle, please! Answer me! Nasaan ka? Ayos ka lang ba? Please, kausapin mo ako. Answer my calls!
Seen. 10.01PM
Stanley: Miracle!
Miracle: Yes?
Stanley is typing....
Miracle: I'm busy right now! Stop bothering me! Wala akong panahon para sa'yo ngayon.
Stanley is typing...
Miracle: Bye!
Seen. 10:02PM
Saturday. 11PM
Stanley: Still busy, huh? I just want to talk to you. Please, just a minute of your time, Miracle. May naririnig ako sa ibang miyembro ng organisasyon. Totoo ba? Come on, Miracle! Hindi ako maniniwala sa mga naririnig ko mula sa ibang tao. Ikaw lang. Sa'yo lang ako maniniwala, Miracle.
Saturday. 11:30PM
Stanley: I guess you can't still trust me. Alright then. Good night, my Acuesta.
Seen. 12:25AM
Monday. 10AM.
Stanley: What the hell is happening, Miracle? Anong nangyari kay Serene? Damn it! Tell me what happened!
Monday. 11AM.
Stanley: Please answer me, Miracle! Anong nangyari sa kapatid mo?
Seen. 2:00PM.
Stanley: Answer my call. Please. Are you okay? Nasaan kayo? Si Renzo? Miracle, please!
Seen. 02:30PM.
Miracle: Stop bothering me.
Stanley is typing....
Miracle: Kahit sabihin ko sa'yo ang nangyari sa kapatid ko, wala nang magbabago pa. Wala na tayong magagawa para sa kanya.
Stanley is typing...
Miracle: She's dead and I failed to protect her!
Stanley is typing...
Miracle: Bye, Santiago. Stop bothering me or else, isusunod kita sa kapatid ko.
Seen. 02:32PM.
Friday. 10PM.
Stanley: Nakausap ko si Renzo. Hindi ka raw lumalabas sa mansiyon niyo. Miracle, it's not your fault. Hindi mo kasalanan ang nangyari sa kapatid mo. Stop blaming yourself.
Friday. 11PM
Stanley: I'm here for you, Miracle. Always.
Seen. 11:01PM.
Sunday. 12:10AM
Miracle: Jerk.
Stanley is typing...
Miracle: I'm tired.
Stanley: Nasa labas ako ng mansiyon niyo.
Miracle: I know. Kuya Renzo told me about it earlier. Bakit ka ba nagsasayang ng oras sa akin? Umuwi ka na. Wala kang mapapala sa akin ngayon.
Stanley: Heartless.
Miracle: Am I?
Stanley: Just kidding. Let me stay here, Miracle.
Seen. 12:15AM
Stanley: Alam kong nasasaktan ka pa hanggang ngayon, Miracle, pero kailangan nating tanggapin ang nangyari kay Serene.
Miracle is typing...
Stanley: Accident or not, we need to accept it. This is our fate, Miracle. This is the prize of being one of the most influential families of the organization. Alam mo naman ito simula pa lang, hindi ba?
Miracle: Masakit pa rin, Stanley. I'm still dying because of what happened.
Stanley: I'm here for you, Miracle. I'll help you.
Miracle: I want my sister, Stanley. I want Ira Serene.
Stanley is typing...
Miracle: I'll find them. Hindi ako titigil hangga't hindi ko sila nahahanap. Ipaghihiganti ko ang pagkamatay ni Serene.
Miracle: I'll end their life, too.
Stanley: Miracle, no. Mas lalong gugulo ang sitwasyon na mayroon ang pamilya niyo ngayon. Mas lalong hindi titigil ang committee ng Underworld kung isa sa mga Acuesta ang gagawa na na naman nang gulo.
Miracle: Kahit anong sabihin mo, hindi mo ako mapipigilan, Stanley. I want revenge. Buhay ang kinuha nila sa pamilya ko kaya naman buhay din ang sisingilin ko.
Stanley: Please don't, Miracle.
Miracle: Please don't stop me. Ito na lang ang kaya kong gawin para sa kapatid ko.
You can't reply to this conversation.
Disconnected.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro