risingservant's Author Interview
The Wattpad Filipino Block Party 2021
QUESTIONS / MGA TANONG
1. How did you adjust your writing in your stories, may naapektuhan ba because of work/acads and life?
-Nagsimula kasi akong magsulat noong college ako. Mas marami akong time noon compare sa ngayon. Nakapagsusulat pa rin naman ako pero hindi na gaya ng dati na dalawa hanggang tatlong kabanata sa isang linggo. Kapag may extra time, 'yon lang sa ngayon.
2. What do you prefer to write: Series or Standalone stories? Why?
-Hindi ako gano'n kasipag magsulat kaya mas gusto ko 'yung standalone sa ngayon. Buti nakatapos ako ng trilogy noon kaso inabot nga lang ng tatlong taon bago ko natapos. Haha.
3. How do you motivate yourself to keep writing?
-Madalas mahirap i-motivate ang sarili kapag nakayapos sa 'yo 'yung katamaran. Pero 'yon, nanggugulo 'yung mga karakter ko sa aking isipan saka 'yung komento na rin ng mga mambabasa kaya sinisipag ako.
4. Among your stories, what particular scene is difficult for you to write?
-Para sa 'kin, kapag nag-mo-moment na 'yung mga bida. Haha. 'Yung feeling na ang hirap magpakilig, dapat kiligin ka rin para madama ng mga mambabasa 'yung scene.
5. Saan kayo mas nacha-challenge sa pagbuo ng first chapter o sa epilogue?
-Sa pagbuo ng first chapter. Kumbaga kasi, heto 'yung ihahain mo sa mga mambabasa sa kung ano ang magiging impresyon nila sa isinusulat mo. Iyon din tiyak ang magiging basehan nila kung magpapatuloy ba o hindi.
6. If you can bring one of your characters to life, who will it be and why?
-Siguro si Agatha. Para sa 'kin, mahiwaga siya, e. 'Yung tipong ang hirap niyang basahin. Feeling ko, magkakasundo kami. Haha.
7. Among your characters, who's the closest to you? Why?
-Ang hirap naman, haha. Si Agatha rin I think sa side ng pagiging mysterious.
8. If you could collaborate with any author (local man or international), who would it be and why?
-Sa international, si Nicholas Sparks. Alam na. Hahaha. Sa local naman, sina greatfairy at serialsleeper. Feeling ko, bagay sa 'min 'yung psychological thriller. Hahaha.
9. Anong famous story (be it classic or contemporary Literature) ang hinihiling mong ikaw ang nakapagsulat? Bakit?
-Fifty Shades of Grey. Hahaha. Hindi ko ma-imagine na makapagsusulat ako ng ganito. Hahaha. Saka para maiba naman, pahinga muna sa horror/mystery/thriller. Haha.
10. What are your future plans in your writing career?
-Nawa'y may matapos akong nobela ngayong taon. Kaway-kaway sa mga nagbabasa ng NMR at TLA!
BONUS: Please leave a message for your readers.
-Hi, guys! Thank you sa mga nagbasa at sumubaybay sa aking mga akda! Salamat din sa mga bumili ng books ko! Ingat lagi! See you soon! God bless!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro