Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

dehittaileen's Author Interview

The Wattpad Filipino Block Party 2021

QUESTIONS / MGA TANONG

1. How did you adjust your writing in your stories, may naapektuhan ba because of work/acads and life?
- As of now, dahil medyo nagiging busy ako sa mga personal things. Gumagawa nalang muna ako ng notes if may mga gusto akong isulat o ideas na gusto kong mapasulat sa aking mga nobelas. I spend my free time at nakakapagsulat whether I'm using my laptop or my phone.

2. What do you prefer to write: Series or Standalone stories? Why?
- I have series and standalone too. I tried both at pareho kong gusto magsulat ng mga nasa kategoryang iyon. Like my current series. Kapag may isa akong character from the series or supporting role lang siya doon. I will make something for it at magkaroon ng sariling title for a standalone novel.

3. How do you motivate yourself to keep writing?
- I just re-reading my readers comments and feedbacks. But most especially, I always looked up to the faces of the people I loved.

4. Among your stories, what particular scene is difficult for you to write?
- The twists. For me, it's kinda difficult for me. In this age. You have to experiment. You have to think something out of the box. Something that your reader will thought, it is extraordinary and amazing.

5. Saan kayo mas nacha-challenge sa pagbuo ng first chapter o sa epilogue?
- I always challenge in writing the first page or first chapter always. Kasi bago naman magkaroon ng ending o tuldok ang isang kwento. Laging mayroong simula. Isang simula na di mo alam kung maganda ba o masama. Simula na babago sa huling pahina. Simula na magbibigay kulay sa buong istorya.

6. If you can bring one of your characters to life, who will it be and why?
- I am always in love with Xandrei Sandoval from Chasing Mandie and Maximilian Santos from Aurora 1922. Their love and devotion were so pure. Yung mapapaisip ka nalang na sana isa man lang sa katulad nila ay makilala mo sa totoong buhay. Someone that can offer you nothing but can give you all their best.

7. Among your characters, who's the closest to you? Why?
- Among all of them, Xandrei Sandoval really closest to my heart. Every words that I type and I put in every chapter of my novel. Xandrei is always in my thought. I even cried when he is hurt. At muli akong naiyak nang sa wakas, nagkaroon na ng tuldok ang mga paghihirap niya.

8. If you could collaborate with any author (local man or international), who would it be and why?
- I have no specific author na gustong makacollaborate. If someone out there na willing to give me experience it will be an honor for me.

9. Anong famous story (be it classic or contemporary Literature) ang hinihiling mong ikaw ang nakapagsulat? Bakit?
- None. Dahil alam ko sa likod ng 'famous story' na iyon ay isang matatag at matapang na manunulat. Matataga sa kabila ng mga bagyo at unos na dumadaan. At matapang sa kabila ng gulong mayroon ang mundo. At isa lamang akong manunulat na pilit nilalabanan ang iba't ibang takot. Takot na baka matalo sa buhay. At takot na baka hindi makapagpatuloy dulot ng mga dagok na pilit kang pinatutumba. But above all, my prayer will always be a powerful one. And I always thank God for strength.

10. What are your future plans for your writing career?
- To continue. Hindi ko alam kung ano ang nasa susunod na kabanata ng mga ginagawa ko. But I always prayed that whatever it is. Sana ay sa makakabuti sa akin at sa aking mga mambabasa. Narito lang naman ako para ibahagi sa marami ang kaalamang pinagkaloob din sa akin. And if someone will ask me to share with them what I have. I will share it willingly.

BONUS: Please leave a message for your readers.
- For my readers, wala ako kung wala kayo. Hindi ako matatawag na writer kung wala kayong mga readers ko. And it always be my pleasure to give you joy and comfort mula sa mga binasa niyong mga akda ko. Lalo na sa mga kababayan mating OFW's na nakikipagsapalaran sa kabila ng banta ng pandemya. Ang mga matatamis nilang pagpapahayag ng papuri at pasasalamat sa akin ang isa sa mga nagbibigay inspirasyon sa akin. Na kung paano ko daw naiibsan ang takot at lungkot nila mula sa malayong lugar. Mabuhay kayo! Sana ay patuloy kayong maligayahan at samahan ako sa mga kwentong ang nais ko lang ay pasayahin kayo. Mahal ko kayo! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro