prinsesa_icia's Oneshot Story
FOURTEEN
"Hoy, babae! Ano 'yong chat mo sa'kin kanina na break na naman kayo ni Rald?" Bungad kong tanong sa bruhilda na 'to pagkaupo ko sa harapan niya.
Isang irap ang ginawa nito sa akin at mabilis na pumuslit ng kuha sa binili ko na fries. Tinampal ko ang kamay nito at sinamaan ng tingin.
"Kita mo 'to, ang damot! Pahingi lang, e!" tila nayayamot nitong sinabi sa akin.
"'ba, bumili ka ng iyo!" Ako naman ang napa-irap sa kanya ng belatan lang ako nito.
Minsan talaga hindi mo mawari ang babaeng 'to. Minsan normal, minsan naman may saltik sa utak. Kung hindi ko lang talaga 'to kilala baka pinadala ko na ito sa mental. Lakas ng tama, e.
"H'wag na h'wag mo pa lang masabi sa harapan ko ang pangalan ng hombre na 'yon!" naiinis nitong sinabi sa akin.
Tinaasan ko ito ng kilay. Napangisi ako nang may naisip ako at mabilis na nagpunta sa likod niya.
"John Gerald Cruz," natatawa kong sinabi at naging sukli no'n ay isang malakas na hila sa buhok ko.
Tiningnan ko ito sa mata at sinamaan ng tingin. "Masakit 'yon, a!"
"Sinabi na kasing h'wag sabihin ang pangalan ng lalaki na 'yan sa harap ko tapos sinabi mo pa rin! Buong pangalan pa!"
"Hindi ko naman sinabi sa harap mo, a! Technically, nasa likod mo ako!" natatawa kong sinabi kay Hannah. Siguro kung nakakamatay lang ang tingin, matagal na akong patay. "Okay, okay! Titigil na ako, geez."
Muli akong naupo sa harap niya at kumain na ng dala ko na fries. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o tatahimik na lang nang nakita ko ang mga luha sa mga mata ni Hannah. Hanep, ang bilis niya mag-produce ng luha. Parang kanina lang ay ang sama ng tingin sa akin, ngayon naman ay umiiyak ang babaeng ito.
"Elsa, bakit gano'n?" Tinaasan ko lang ito ng kilay at bumuntong-hininga, magsasalita na sana ako nang maunahan ako nito. "Simple lang naman ang gusto kong gawin niya, layuan niya ang babaeng iyon! Bakit hindi niya magawa? Tangina. Mahirap ba 'yon? Hindi naman, a!"
"Bebe Hannah," bahagya akong natawa nang umirap ito nang marinig ang itinawag ko sa kanya. "Mahirap 'yon. Hindi pwedeng hindi kausapin ng bebe loves mo si Kate, babagsak silang dalawa sa project na 'yon."
"Wala akong pakielam! Ayos lang sana kung ibang babae 'yon, e kaso hindi! Ex-girlfriend niya 'yon!"
Tumango ako sabay kuha ng fries. "And, so?"
Gulat itong napatingin sa akin. Tila ba nababaliw ako dahil sinabi ko 'yon. "And, so?! Elsa, I said that girl was Gerald's ex-girlfriend!"
"Alam ko, kakasabi mo lang, di'ba?"
"Elsa!" Namumula na ang mukha nito sa inis.
Pagod ko itong tinignan. Isang buntong-hininga ang ginawa ko at nag-ayos ng upo. Tinignan ko siya ng maigi. Sa totoo lang, semi-full package na ang kaibigan ko na 'to. Bukod sa maganda si Hannah ay matalino rin ito. Siya rin ang reigning Ms. Lakandula sa university namin, nga lang, medyo palpak sa pagluluto. Kaya nga semi-full package lang.
Maraming lalaki ang nagbalak na ligawan si Hannah pero dahil pihikan ay wala siyang pinayagan kahit isa maliban kay Gerald. Well, hindi naman nanligaw ang lalaki na 'yon. Blockmate namin si Gerald pati ang barkada nito at dahil kakaunti lamang ang babae sa block namin ay naging kaibigan namin sila. Nag-umpisa sa kantyawan hanngang sa isang araw ay nalaman ko na lamang sa sila na.
"Natatakot ka na iwan ka ni Gerald." Diretsa kong sinabi.
Bahagyang natigilan si Hannah sa sinabi ko. "Huh? Ako natatakot? Edi, magsama pa silang dalawa! Hindi siya kawalan!"
Nakikita ko ang galit sa mukha niya pero hindi niya ako maloloko lalo na at may mga luha sa mga mata niya.
"Ilang beses na kayong naghiwalay ni Gerald? Apat? Lima? Tapos ano, ang dahilan mga ex-girlfriends niya? Hannah, alam mo naman na mahal ka ni Gerald, di'ba. Paulit-ulit niyang sinasabi sa'yo na wala ng kwenta ang mga naging ka-relasyon niya noon pero ikaw, heto, nagdududa pa rin sa kanya."
"Hindi, e! Kung talagang wala ng kwenta iyong dati, sana nakipagpalit siya ng ka-grupo o di kaya'y pinaghatian na nila yung project para hindi na ulit sila mag-usap! Alam naman niya na magagalit ako tapos ganyan!"
Napahawak ako sa noo ko. Jusko, sumasakit ang ulo ko.
"Hannah, wala na ngang kwenta, di'ba? So, kahit na maging ka-grupo niya ang lahat ng ex niya ay wala ng malisya 'yon. Para sa grades na lang ang ginagawa nila. Kung nakipagpalit siya ng ka-grupo, lumalabas no'n ay affected pa rin siya kay Kate."
Katahimikan ang pumagitna sa amin. Hindi pa ako tapos magsalita pero gusto kong pag-isipan niya ng mabuti ang sinabi ko. Magsasalita sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya na nasa lamesa.
Si Gerald.
Nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti ako rito.
"Mag-usap nga kayong dalawa ng maayos. Maliit na bagay ay pinag-aawayan niyo pa. May break-up pa kayong, I mean, ikaw na nalalaman. Mahal ka niyan, tiwala lang." Diretso sa mga mata ni Hannah kong sinabi ito.
"Elsa," mahinang tawag sa akin nito pero muling tumunog ang cellphone niya. Tumingin ito muli sa akin.
Pinamaywangan ko ito at tinaasan ng kilay. "Bye na. May klase pa ako. Mag-usap kayo, a!"
Tumango na lang ito sa akin bago sinagot ang tawag ni bebe loves niya. Napailing na lang ako. May hiwalayan pa na nalalaman tapos pagkatapos lang ng ilang oras ay sila na ulit. Jusko. Buti na lang ay single ako, walang sakit sa ulo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro