Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Penguin20's Character Interview

Interview with Altherians


Maraming tao ngayon sa studio at maraming mga manunuod ang may dala-dalang banner ng kanilang paboritong fictional character. Paano ba naman kasi ay magkakaroon ng maikling interview session si Penguin20 sa mga characters ng Altheria: School of Alchemy

Pagkalabas pa lang ni Penguin20 galing sa backstage ay malakas na sigawan ang isinalubong sa kanya ng mga readers o mga nanunuod. "Good day guys!" Malakas na sigaw ni Penguin20 at ginantihan din naman ito ng mga readers.

"Handa na ba kayong makita at makilala ang—"

Hindi na natapos ni Penguin20 ang introduction speech niya ng biglang lumabas si Klein mula sa backstage. "Tagalupa! Ano ang tawag ninyo sa lugar na ito!? Tila ba ang daming tao!"

Malakas na nagsigawan ang mga tao na para bang si Klein lang ang ipinunta nila sa talk show na iyon. Napa-facepalm na lamang ang writer na siya ring host ng show. "Klein! Mamaya ka pa lalabas! Bumalik ka muna sa backstage!"

"Ayoko doon. Dito na lang ako." Umupo sa lapag ng stage si Klein at nagtilian ang mga tao. Kahit ano yata ang gawin ng pambansang monggoloid ay masaya pa rin siyang sasalubungin ng mga tao.

Nagbuntong hininga si Penguin20. "Pumasok na nga yung ibang characters! Panira itong si Klein!"

Lumabas mula sa backstage ang siya pang character ng nasabing istorya. Si Jasmin, Red, Kimmy, Hades, Charmaine, Charly, Harly, Bea, Jacob, Patty, Cathy, at Trixie.

Inabutan ng isang staff ng tig-iisang upuan. "Hayaan ninyo lang si Klein sa lapag! 'Wag ninyong bibigyan ng upuan 'yang monggoloid na 'yan!" Malakas na sigaw ni Bea sa isang staff.

"Bigyan ninyo ako ng upuaaaaan! Huwag kayong makikinig sa unggoy na 'yan."

"Monggoloid!"

"Unggoy!"

"Okay tama na 'yan! Let's proceed to question and answer portion na!" Sigaw ni Penguin20 dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin dahil paniguradong matagal na bangayan ang gagawin ng dalawa.

"It was a question for you Hades," Naalerto si Hades at ngumiti sa mga nanunuod kaya napatili sila. "Ano ang feeling na ikaw ang numero unong pinagbintangan na kumuha kay Jasmin at akala nila na ikaw si Uno?"

"Tinawanan ko na lang although patay na ang character ko. Pero masaya ako dahil game ang lahat ng readers na makihula and it means na effective ang ginagawa ng author na i-thrill ang mga tao." Ngumiti si Hades.

"Thank you Hades! Eto naman ang tanong para sa iyo Klein," Iniabot ni Hades ang mic kay Klein.

"Hello—" Namilog ang mata ni Klein at malaking ngumiti. "Tagalupa! Lumalakas ang aking boses gamit ang bagay na ito! Hello! Hello!"

Awkward na ngumiti si Penguin20 dahil tama nga siya... maling ideya na isama si Klein sa interview na ito. "Okay na Klein, eto na ang tanong ko sa'y—"

"Tanda! Mas malakas pa sa kapangyarihan mo itong gamit ng mga tagalupa na ito!" Ang tinutukoy ni Klein ay ang mic. Lumapit si Cathy sa kanya at siya na ang sumaway sa monggoloid na prinsipe.

"Eto ang tanong para sa iyo Klein, marami kasi sa mga readers ang team Bea at marami ding team Cathy para sa iyo... ikaw, as yourself, sino ang pinipili mo?"

"Si Jacob! Nanlilibre si Jacob!" Malakas at kumpiyansang sagot ni Klein at nagtawanan naman ang mga tao sa paligid. Ang mga kasamahan niya naman sa Altheria ay napailing na lamang, Hindi siya si Klein kung hindi siya magdadala ng kahihiyan para sa kanilang paaralan.

"Okay let's proceed sa susunod nating tatanungin dahil mukhang wala tayong makukuhang matinong sagot kay Klein. It was for Charmaine!" Nagsigawan ang lahat dahil sa wakas! Sasagot na ang pinakamalditang character ng minahal ng maraming readers.

"Here's the question for you Charmaine, maraming nag-e-expect na mabubuhay ka sa final chapter. Anong masasabi mo doon?"

"Masaya ako dahil marami pa lang mga losers na gusto pa rin akong nasa story despite of my rude attitude pero siyempre! Hindi gaganda ang isang story kung walang matinding twist like duh!" Umirap si Charmaine sa ere.

"It was so very Charmaine habit thank you very much!"

"Lastly! Let's interview Charly na pambansang second lead ng story!" Mas lalong nagtitili ang mga babaeng nanunuod ng interview dahil aminin na natin, maraming patay na patay kay Charly dahil sa rude attitude niya.

"The question is... anong masasabi mo na hindi ikaw ang nakatuluyan ni Jasmin sa ending?"

"..."

"Uhm... Charly, huwag mo naman ipahiya ang writer ng story. Tandaan mo, ako ang gumawa sa iyo." Mahinang bulong ni Penguin20 pero dahil

"You are so annoying." Sabi ni Charly at naglakad na paalis. "Pupunta ako sa library, kung saan walang maingay."

"Uhm... hehe! Ganyan talaga si Charly! Masanay na kayo guys!" Sabi ni Penguin20. Inasahan naman nila iyon dahil sobrang introvert nga ni Charly.

"Ngayon! Ang pinakahihintay ng lahat! Magsigawan nga ang mga JaRed supporters diyan!" Malakas na tilian at nagwagayway pa ng mga banners ang mga readers. Inaasahan talaga nila na matatanong ang dalawang bida ng story.

"Hello guys!" Sa pagsasalita pa lang ni Jasmin ay napasigaw muli ang lahat.

"Jasmin and Red, the question is... Nasiyahan ba kayo sa ending ng Altheria?"

Nagturuan pa sina Red at Jasmin kung sino ang unang sasagot pero nauna na si Red. "I am so happy dahil it was a happy ending na inasahan ng maraming readers."

"Ako naman, masaya rin ako sa ending lalo na yung graduation scene. Sa tingin ko ay that's the perfect way to end the story especially maraming teens ang nagbabasa ng story. Isa itong magandang ending na mata-touch ang mga puso natin."

Saglit na umubo si Penguin20. "Kahit nandito ang buong gang ng Altheria Academy ay hindi natin sila lahat mai-interview dahil kakapusin tayo sa oras, ngunit! Ano nga ba ang ipinunta ng mga estudyante ng Altheria academy rito!? May dala ba silang magandang balita?" Hindi nawawala ang ngiti sa labi ni Penguin20 'coz he love teasing the viewers and readers.

"Yes! Sa lahat ng Altherians at Alchemists na nakakabasa ngayon nito, eto ang isang good news na mas masarap pa sa abs ni Charly!" Masiglang pagpapaliwanag ni Kimmy.

"Kung napaiyak, napatawa kayo ng Altheria sa Wattpad ay paniguradong mas ikatutuwa ninyo ang balita na maisasalibro na siya under PSICOM publishing!" Dugtong ni Patty sa sinabi ni Kimmy.

"Mabibili ito sa abot kayang halaga pero antabayanan lang natin sa page ng PSICOM kung kailan ito mapa-publish! So Altherians, asahan namin kayo ah!" Kumindat pa si Trixie sa screen.

"Kung minahal ninyo kami sa wattpad ay paniguradong mamahalin ninyo rin ang book version dahil malaki ang pinagkaiba nilang dalawa. Sama-sama ulit nating samahan si Jasmin sa masaya niyang paglalakbay patungo sa magical world!" Sabi naman ni Cathy.

Doon na natapos ang talk show, kaya pala sila napadaan ay nais nilang i-promote ang kanilang story... ang lalakas mag-segway.

Pero readers! Asahan namin kayo ah! Magkita-kita tayo muli sa Altheria Academy!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro