HippityHoppityAzure's Special Chapter
XNUT:
One Crazy Happy-Ever-After
Hi, halow. So this is Hazelnut Guillermo Villarama, ang maganda at sexy na asawa ni Chris John Villarama. Ilang taon na ba ang lumipas mula nang magsimula ang kuwento naming dalawa? Grabe, napakatagal na! Sa tagal nga e inuuban na 'yung tanga kong pinsan!(at nagbago na ang writing style ng author ng story namin. Yieee.)
Nandito ako ngayon at nagkukuwento para lang mag-throwback. Balita ko kasi may nacu-curious kung ano-ano pa ang nangyari sa amin ni CJ after namin makasal, lalo na nung magbuntis ako? So, I will give you a glimpse of that part of our married life!
Wow, nahawa na ako sa pag-e-English ng asawa ko. Hahaha!
Pero ito na! Enjoy reading!
XXX
"Babe, anong iniisip mo? Nakatulala ka?"
Umiling ako sa tanong ni CJ. Tinabihan naman niya ako sa sofa at tinitigan ako.
"Alam mo, mukha ka nang panda." sabi ko sa kanya. Ilang linggo na rin 'tong nagpupuyat e kakatrabaho sa family business nila. "Matulog ka nga sa taas."
"Hmm... I will only sleep kung tatabihan mo ako."
"Kapag tinabihan kita, iba ang gagawin mo e!"
Natawa siya. That mahina at sexy na tawa... "O gagawin natin?"
Binato ko siya ng throw pillow. Head shot! Pagkatapos ay tumakbo ako paakyat sa kuwarto namin.
Tanghaling tapat. Walang pasok sa trabaho no'n ni CJ. So bakit hindi ko pa pagbigyan, 'di ba?
Pero bakit ganon...
"Tanong? Ano po 'yon, Ate Hazel?" sabi ni Chelle pagkahain niya sa akin ng nutella sandwich at orange juice dito sa kitchen table sa bahay nila ni Adrian.
Tinabihan niya ako ng upo at hinarap ko siya.
Napakatagal kong kinikimkim sa sarili ko ang mga gusto kong itanong kay Chelle ngayon. Nahihiya kasi ako. Puwede ko naman 'yong itanong kay Mama Margie, kaso mas nahihiya ako magtanong do'n! So dito na lang kay Chelle.
"Paano ba mabuntis?"
Namilog ang mga mata niya sa tinanong ko. E kasi naman! Mag-iisang taon na kaming kasal ni CJ. Active naman kami sa lovemaking. Pero bakit hindi ako mabuntis-buntis?
"Nung nabuntis ka ba kay Andy beybe, isang beses ka pa lang natira ni Adrian?"
Napatakip ng bibig si Chelle at saka tumawa.
"E kay Aia beybe? Ay, mali!" nahampas ko ang noo ko. "Hindi mo na pala mabibilang 'yong kay Aia."
Tumatawa pa rin si Chelle. Enebe. Inakala ko pa naman na hindi ako tatawanan nito kapag nagtanong ako! Pero dahilan nasimulan ko na, lulubusin ko na magtanong.
"May sikreto ba sa pagbubuntis, Chelle? Paano ba? Nasa dalas ba? Nasa posisyon? Nasa bilis? Sa lalim?"
Lumakas ang tawa ni Chelle. Naluluha pa siya kakatawa!
Napasimangot ako. Seryoso ako rito e.
Napansin naman ni Chelle ang pagsimangot ko kaya pinilit niyang tumigil sa pagtawa.
"Sorry, Ate," nagkusot siya ng nga mata. "Ang tagal niyo na nga pala kasing kasal ni CJ 'no? Hindi ko lang akalain ni gusto mo palang magkaanak. Sabi kasi ni Adrian, takot ka manganak."
"Ayaw ko nga... Dati... Nanghihinayang lang ako kung hindi kami magkakalat ng lahi ni CJ."
Kamuntikan na naman siyang natawa. At nanlata na ako sa kinauupuan ko.
"Alam mo, sa totoo lang, Chelle, nalulungkot na ako masyado. Gusto ko nang bigyan ng anak si CJ, pero wala talaga. Hindi kaya baog ako?"
"Hala... Hindi naman po siguro. Nagpatingin na ba kayo sa doktor?"
Umiling ako. "Ayoko."
"Hmm..."
"Cheeelle. Ibahagi mo sa akin ang sikreto niyo ni Adriaaan." pangungulit ko sa kanya.
Nginitian niya ako nang matamis. "Wala naman po kaming sikreto, Ate Hazel. 'Yong parehong pagbubuntis ko, hindi namin 'yon inasahan ni Adrian. Siguro, Ate, sadyang mailap lang 'yang sa inyo ni CJ. Pero subukan niyo lang nang subukan. Makakabuo rin kayo niyan."
Subukan nang subukan. Hindi nga ako sumuko. Nag-search pa ako sa internet ng kung ano pang puwedeng gawin bukod sa pagpapatingin sa doktor. Pero walang epekto. Sa kada PT ko na negative, mas tumitindi ang lungkot ko.
"Hazel?" Gulat na gulat si CJ nung makita na naman niya akong nakatulala. Sa pagkakataon na iyon, naluha ako bigla. Argh, PMS-ing! Kapag ganitong panahon, gusto kong mangbugbog ng pinsan ko na may Adrian Louis na pangalan! "Hey, why are you crying?"
Siyempre nawindang no'n ang asawa ko. Kakauwi niya lang galing trabaho, tapos naabutan niya akong nagmumukmok sa kama namin.
"Gusto kong bugbugin si Adrian," dahilan ko kasabay ng pagpahid sa luha ko.
Natawa si CJ. "Bakit? Nagkapikunan na naman kayo?"
"Hindi," naluha na naman ako at sunud-sunod na silang tumulo kahit ayaw ko. Sumeryoso ang mukha no'n ni CJ.
"Tell me what really happened, Hazel," seryoso niya ring sabi habang tinutulungan ako sa pagpupunas ng mukha ko.
Niyakap ko na lang si CJ—nang napakahigpit.
"Sorry," naiiyak kong sabi.
"Sorry saan?" takang-taka na si CJ.
"Sorry hindi pa rin kita nabibigyan ng anak!" garalgal kong dahilan.
Natigilan si CJ saglit. "Ayun ang dahilan kaya ka umiiyak? Same reason ba kung bakit ka laging wala sa sarili lately?"
Tumango ako sabay singhot sa dibdib niya.
"Hay, Hazel," pagod niyang sabi. Pinalupot niya ang mga braso niya sa balikat ko sabay bagsak ng mga sarili namin dito sa kama. Doon, niyakap niya ako nang mas mahigpit. "Have you forgotten the words I told you nung mag-propose ako sa 'yo?"
Hindi ako sumagot. Pero hindi ko naman 'yon nakalimutan. Kaya nga siya nag-propose sa akin no'n e kasi ginusto kong makipaghiwalay sa kanya—kasi gusto niyang magkaanak pero ako, ayoko. Kaya sabi na lang niya—
"Wala na akong pakialam kahit hindi na tayo magkaanak. Basta papakasalan mo ako at sasamahan habangbuhay." Ayun, sinabi na niya rin ngayon habang yakap-yakap.ako. "Hindi ba 'yon ang sinabi ko sa 'yo noon?"
"Pero mas matutuwa ka kung magkakaanak tayo..."
"I will of course."
Oh, tingnan niyo! Paano akong hindi malulungkot nito?!
"Having kids will give me a different level of happiness. But you being my wife, Hazel, is the kind of happiness I can be contented with."
Niyukuan niya ako, pero ayaw ko siya tingnan.
"Hindi isang need sa akin ang magkaanak. I'm looking at it as an extra gift na lang mula sa Diyos kung ibibigay man Niya iyon sa akin—o sa atin. Basta ang priority ko mula nang makasal tayo, ikaw. Ang mapasaya ka. Maprotektahan ka. But look at you. Umiiyak ka at malungkot ka ngayon. I feel like I'm failing as your husband."
"Hala siya," tiningala ko na si CJ. "Nag-emote lang ako, nag-fail ka na agad sa pagiging asawa ko?"
Natawa siya at hinalikan ako sa pagitan ng mga mata ko.
"Ah, oo, nagfe-fail ka nga pala talaga sa pagiging asawa ko. Para makabawi ka, bili mo ako ng egg pie."
"Oh geez," natawa na naman siya at saka pumikit.
Okaaay. Pagod 'to e. Palalagpasin ko na lang.
"Tara." Pero bumangon pa rin siya, inakay ako, at sinamahang mag-egg pie hunting.
Sino ba may sabing fail siya sa pagiging asawa? Sino?! Bubugbugin ko! Pero oo nga pala, siya nagsabi no'n so joke lang.
After ako kausapin ni CJ tungkol sa pagkakaroon ng anak, gumaan ang pakiramdam ko. Sa bawat milagrong ginagawa namin, hindi ko na iniisip kong mabubuntis na ba ako o nganga pa rin. Inaatake pa rin ako minsan ng lungkot lalo na tuwing nakakakita kami ng baby tapos tuwang-tuwa si CJ. Pero kinokontrol ko iyon kasi maaapektuhan ang asawa ko. Kaya lang minsan gagatungan pa ako ng asar ni Adrian na kesyo hindi naman daw kasi talaga ako babae kaya hindi ako nabubuntis. So ayun, nagagawa ko siyang punching bag plus nababadtrip pa sa kanya ang asawa niya. E 'di ako lagi nananalo!
"Ate Hazel?" namimilog ang mga mata ni Chelle nung puntahan niya ako sa kusina ng bahay nila. Nandito na naman ako? Well, oo. Tambayan ko kaya ang bahay nila ni Adrian dahil naghahanap ako ng bibiktimahin ng pang-aasar na kung hindi si Andy e ang magaling niyang tatay. "Hala, Ate."
Nag-aalalang hinaplos ni Chelle ang likuran ko dahil sa walang pigil kong pagduwal sa lababo.
"Ano ba 'yong lasa nung cupcake," reklamo ko pagkatapos ng kahiya-hiyang eksena. "Expired na yata. Ibabalik ko na lang sa binilhan ko."
"Eh? Akala ko pa naman... buntis ka na..."
Natawa ako. "Anong petsa na, ngayon pa ako mabubuntis? Kaya hindi, Chelle. May tama lang 'yong cupcakes na binili ko—ay teka, baka makita at kainin 'yon nina Andy!" nagmadali akong bumalik sa salas at dinispose na lang 'yung isang box nung cupcake na binili ko bago pumunta sa kanila.
Ayaw ko na talaga umasa no'n na mabubuntis pa ako. Hellooo! Inabutan na kami ni CJ ng limang taon, wala pa rin. Mamaya masaktan lang ulit ako kapag umasa ako.
Kaso...
"Bawas-bawasan mo kumain, Hazel anak! Nawawala na baywang mo oh?"
Na-alerto ako nang mag-comment ng ganon sa akin si Mama Margie.
"Bakit badtrip ka na naman sa asawa mo? Para kang si Chelle nung naglilihi."
Tapos ayun naman ang naging comment ni Adrian nung tumambay ulit ako sa kanila dahil naimbyerna ako kay CJ. Paano, kakaayos ko lang sa kama namin—tipong finlat ko 'yong bedsheet sa loob ng ilang minuto—tapos nasira lang iyon in a matter of seconds kasi nag-dive si CJ ro'n at natulog?!
Napansin ko rin noon si Chelle na tingin nang tingin sa tiyan ko. Akala ko nga babanggitin niya ulit na baka buntis ako. Pero ang sinabi lang niya, "Parang tumataba ka, Ate."
Nasa highest level na ang pagka-alerto ko no'n dahil ayaw na ayaw na ayaw na ayaw kong masira ang figure ko—unless kung buntis na nga ako.
Na nafi-feel ko na nga...
Pero ayaw ko pa ring umasa.
Kaso, pakshet. Record breaking ang menstrual cycle ko. Magta-tatlong buwan na akong red tide-free!
Mababaliw na yata ako no'n—kahit alam ko na baliw naman na talaga ako. Takot talaga akong makakuha ulit ng negative na resulta, pero isinawalang bahala ko na muna 'yon. Para kung hindi talaga ako buntis, magda-diet na ako. At kapag buntis na ako...
Hindi ,hindi. Imposible. Bahala na!
Isang araw ng alas sais ng umaga, nagising na ako at hindi na ulit makatulog. Hindi rin ako mapakali.
Wala pang alam si CJ sa gumugulo sa isip ko no'n. Ayoko rin kasing umasa siya. Kaya nung mga oras na iyon, iniwan ko na muna siya sa kama at nilitis ko na ang sarili ko sa CR namin—gamit ang dalawang PT kit.
Shet.
Shet.
Shet.
Siguro naka-one hundred na shet din ako bago lumabas ng CR no'n. Siyempre, ilang beses ko pa munang tiningnan paulit-ulit ang resulta nung PT. Ilang beses ko pa munang sinampal ang sarili ko. At lastly, nag-emote muna ako sandali bago nakapagdesisyon na bumalik na ng higa sa kama namin CJ. Nakadapa siya no'n kaya sumiksik ako sa ilalim niya. Bahagya naman siyang napadilat at niyakap ako.
"Daddy..." bulong ko sa kanya.
"Hmm," garalgal niyang tugon.
"Daddyyyy," ulit ko.
"Bakit, Andy?" garalgal pa rin ang boses niya.
"Por que tinawag kang daddy, Andy na agad?"
Tumawa siya at hinigpitan akong yakapin.
"Huwag ka, CJ... Sa tingin ko, madadagdagan na ang tatawag ng daddy sa 'yo..."
"Huh? Madadagdagan?" antok na antok pa rin ang boses niya.
"Kasi, may laman na yatang baby tiyan ko..."
Hindi na siya sumagot. Hindi rin siya kumilos.
"No comment ka? Ganon?"
Nagulat naman ako nung bumangon siya bigla-bigla at dilat na dilat akong tiningnan.
"Buntis ka na?"
"Yata? Ayon dito..." nilabas ko 'yong dalawang PT na tinago ko sa ilalim ng unan namin nung humiga ako. Kinuha niya iyon pareho mula sa akin at lalong nanlaki ang mga mata niya.
"Shit."
Tumigil yata ang pagtibok ng puso ko nang makita ang naging ngiti ni CJ nung mga oras na iyon. Nung yakapin na niya ako, naramdaman ko ang walang kapantay niyang tuwa. Parang gusto kong umiyak, pero hindi ko tinuloy. Mamaya false alarm lang ito e! Mamaya sadya lang na tumataba at tinotopak at infertile ako at pinaasa lang ako ng resulta nung dalawang PT kit.
Hinanda ko ang sarili ko sa worst case scenario nung dalhin ako ni CJ sa family doctor nila para ipa-check up. Baka kasi may laman nga talaga ang tiyan ko, pero hindi pala baby. Baka may sakit lang ako at malapit nang mamatay. Shet. Huwag naman sana.
"Naririnig niyo ba 'yon?"
Nang sabihin iyon ng doktora, nagsimula na akong maluha.
"Heartbeat 'yon ng baby niyo."
Shet. Gusto ko sakalin no'n si Adrian at sabihing, "In your face, tanga kong pinsan! Totoo akong babae! May baby na ako sa tiyan ko, leche ka!"
"Oh and wait... There are two heartbeats!"
"Ha?" sabay naming react ni CJ.
Lumapad ang ngiti nung doktora at kung anong extend pa ng pag-u-ultrasound ang ginawa sa akin, para lang sabihin sa huli na: "You are having twins!"
Nagkatinginan kami ng asawa ko bago parehong natawa.
"Twins after five years of trying." sabi niya at inabot ang mukha ko para pahiran ang luhang tumulo mula sa mga mata ko.
"Twins... Dalawang baby... Dalawang irehan... Shet, CJ. Magsi-CS ako!"
XXX
Oha! Now you know 'yong naging struggle ko noon after kong maikasal kay CJ. Nakakaloka. Buti na lang, napaka-understanding at pasensyoso ng asawa ko. Sabi nga ni Mama Margie, kung iba raw napangasawa ko, malamang sumuko na iyon sa kabaliwan ko pa lang.
Pero wala namang perpektong relasyon e. Kahit napaka-understanding at pasensyoso ni CJ, may pagkakataon pa rin na nag-aaway kami, nagkakatampuhan, na minsan umaabot pa sa layasan. Normal naman 'yon, at ayun ang mas nagpapatatag ng samahan ng mga katulad namin na nagmamahalan. Basta kinakaya niyong i-handle ang bawat away, tampuhan, at hindi pagkakaintindihan ninyo. Listening and talking skills, ayun ang hasain niyo. Matuto kayong makinig at makipag-usap sa isa't isa. Dahil kung hindi, aba maghiwalay na lang kayo!
Haish, ang dami ko namang sinabi. E 'yung mag-throwback lang naman ang plano kong gawin! Pero dahil nagawa ko na, okay fine na lang. At maraming, maraming, maramiiing salamat sa sumuporta hindi lang sa story namin ni CJ, kundi pati na sa kuwento ng tanga kong pinsan. Sana suportahan niyo rin ang kuwento ng pamangkin kong si Andy beybe. Punta na lang kayo sa Wattpad page ni Azure at hanapin 'yong LOVE ME, BABY. Nagca-cameo kami do'n minsan kasama ang kambal! Hihi.
Ayon din kay Azure, ito na ang pinakahuling special update niya para sa XNUT. Meaning ,last POV ko na ito. So grab ko na ang chance na ito para magtanong: dagdagan ko pa ba ang kambal namin ni CJ? De, joke lang! Naka-birth control na ako! Haha! Ba-bye na!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro