Heartlessnostalgia's New Story
Fourth Installment
I screamed as the men is dragging me. Hawak nila ang magkabilang braso ko at hinihila ako.
"N-No! Bitiwan nyo ako!" Sigaw ko at pilit na kumakawala.
"H'wag ka ng pumalag, Miss!" Ani ng isa at hinatak pa ako.
I cried, nararamdaman ko ang pagtulo ng luha ko habang hinihila nila ako. Nanlalabo na ang mga mata ko sa kaiiyak pero hindi nila ako binibitiwan.
"Bitawan nyo ako!" Histerikal na sigaw ko at halos kilabutan nang makitang muli ang puting mga pader ng institusyong ito.
Hindi! Hindi ako babalik rito! Nakatakas na ako!
"H'wag kang gumalaw masyado!" Sigaw ng isa. Nakita kong nakasunod sa amin ang mga guard na humabol sa akin kanina.
"Ayoko dito! Bitawan nyo ako!" Sigaw ko. Pilit kong iginagalaw ang mga kamay ko pero hindi ako makawala sa tela kung saan nakakulong ang kamay ko para hindi ako makalaban. Naka-krus ito sa may dibdib ko at kahit anong galaw ko ay hindi ako makawala.
Pero kahit anong sigaw ko ay hindi nila ako pinakinggan. Kinilabutan ako habang nakatingin sa pasilyo, ang mga puting ilaw na miminsa'y namamatay.
Ang mga kulay puting upuan sa gilid at ang mga kwarto na may maliit na salamin para makita ang nasa loob mula sa labas.
Nakita ko ang pagkalampag ng tao mula roon sa loob habang dumadaan kami. I saw how they tried to knock the door and shouted but I can't hear anything!
Ang naririnig ko lang ay ang malakas na tibok ng puso ko, ang takot na nararamdaman ko, ang luha sa mga mata ko at ang pawis na tumatagaktak sa noo ko.
"Parang-awa nyo na! Pakawalan 'nyo ako!" Suminghap ako at umiyak. Pinilit ko silang sipain pero nakaiwas sila.
"Pwede ba, Scira! Sumama ka nalang!" Pero hindi ako sumunod. Sumigaw ako at mas lalong napahagulgol.
"Bilisan natin at mapapagalitan tayo kapag nalamang nakatakas nanaman 'yan!" Sigaw ng guard sa likod.
Mas lalo akong natakot. Parang naghahallucinate na ako habang nakatingin sa paligid. Ang mga taong nakaputi! Ang injection at--
"Hindi ako baliw!" Sigaw ko. Kumawala pa akong muli.
"Baliw ka! Manahimik ka nga!" Sinigawan ako ng isa.
"H-Hindi ako baliw!" Umiyak pa ako. "Parang-awa nyo na, hindi ako baliw!" Sigaw ko.
Umiyak ako ng umiyak na halos ikabingi nila pero wala akong pakialam. Walang gustong maniwala sa akin!
Hindi ako baliw!
Gusto kong sumigaw at magmakaawa para paniwalaan nila ako pero walang sino man ang gustong makinig sa akin.
"Patahimikin 'nyo ito pagpasok! Magagalit nanaman kapag nag-rounds dito si Doc!" Sigaw ng isa.
Halos mamugto na ang mata ko kakaiyak at kakasigaw. Gusto kong makalaya! Gusto kong tumakas!
"Please! Please! Hindi ako baliw! Parang-awa nyo na!" Pero hindi nila ako dininig at mas humigpit lang ang hawak sa braso ko. Nang makita ko ang kamay ng isang nurse na malapit sa akin ay kaagad akong tumungo at kinagat iyon.
"Shit!" Sigaw nya at mabilis akong nabitawan. Nagpanic sila sa ginawa ko at mabilis kong sinipa ang isa na nagulat kaya nabitawan ako.
They shouted and tried to chase me but I ran. I ran as fast as I can.
"Bumalik ka dito!" Nakita ko ang paghabol sa akin ng guard pero tumakbo lang ako.
Patuloy na tumakbo ako pero kaagad akong nabuwal nang may mataman, dahilan para mapasalampak ako sa sahig.
I heard their steps, naiyak ako habang nakaupo. Nahihirapan akong makatayo dahil sa sakit ng balakang ko.
Wala na, aabutan na nila ako! Ayoko na sa puting kwarto! Hindi ako baliw!
"What the hell is happening?" It was a cold, hard voice. I heard their steps stopped. Napahagulgol lang ako.
"D-Doc kasi..." Mabilis akong nag-angat ng tingin at umawang ang labi ko nang makita ang lalaking may tsokolateng mga mata.
Nakasuot sya ng scrub suit at kulay puting labgown. May hawak syang chart at mas salamin sa mga mata nya.
"D-Doc..." I called him. Mabilis syang nagbaba ng tingin at nang makita ako ay umawang ang labi nya at nangunot ang noo nya.
"What the hell did you do to her?!" Galit na sigaw nya sa mga guard at kahit ako ay natakot sa boses nya.
"K-Kasi Doc, ano..." Hindi na nila natuloy ang sasabihin nila ng biglang lumuhod sa harapan ko si Doc at hinanap ang mata ko.
Nang magkasalubong ang mga mata namin ay nawala ang takot ko at kumalma ang puso ko.
"D-Doc! D-Doc, please, hindi ako baliw..." Suminghap sya sa sinabi ko at napahagulgol ako.
"Sshh, I know, Scira... Hindi ka baliw..." Napaiyak akong lalo sa sinabi nya.
He believes me! Hindi ako baliw! Palagi syang naniniwalang hindi ako baliw!
"H-Hinuhuli nila ako! Hindi ako baliw!" Napatungo ako. Mabilis naman nyang inabot ang baba ko at hinanap muli ang mga mata ko.
"Sshh, calm down..." Aniya. Mabilis nyang hinanap ang zipper sa damit ko para makawala ang kamay ko sa pagkakakrus sa dibdib ko at binuksan.
Nang makawala ay bigla ko syang niyakap. Halos mabuwal naman sya sa ginawa ko pero mabilis na nakasuporta kaya hindi sya natumba.
Yumakap ako sa leeg nya. Umiyak ako ng umiyak. Sya naman ay kinakalma ako at tina-tap ang likod ko.
"Calm down, Scira..." Bulong nya. "Hindi ka baliw, okay?" Paulit-ulit akong tumango.
"Now," Marahang humiwalay sya sa akin at pinunasan ang mga luha ko. "Come with me,"
"D-Dadalhin mo ako sa puting kwarto? Ayaw ko 'dun!" I exclaimed in horror. Nanginginig ang katawan ko.
"No, no..." Umiling sya at hinawi ang buhok ko. "Pupunta ka sa opisina ko, huh?"
"A-Anong gagawin ko 'dun?" Tanong ko.
"May pag-uusapan lang tayo, ayos lang ba?" Mabilis naman akong tumango at wala akong maramdamang takot sa sinabi nya.
"Okay, salamat..." He smiled. Nakita ko ang pagngiti ng mata nya at mabilis syang tumayo at inilahad ang kamay sa akin.
"Come on, I'll help you..." Mabilis na iniabot ko ang kamay ko sa kanya at mabilis syang umalalay sa akin ng ininda ko ang sakit sa balakang ko.
"Are you alright?" Marahang tanong nya. Umiling ako at tinitigan nya ang mata ko. Napabuntong-hininga sya at nangunot ang noo bago bumaling sa guard na naroon.
"Where are her nurses?" Matalim nyang sabi at doon ko nakita ang hinihingal na mga nurse na may hawak sa akin kanina.
I saw how his stares brought horror to them.
"I will talk to you later. Go to my office." Mariin, galit at may halong lamig na sabi nya bago hawakan ang pulsuhan ko.
"Are you okay, Scira?" Aniya na lumambot ang mata.
Tumango naman ako at hinanap ang mata nya. "N-Naniniwala kang hindi ako baliw?" Tinitigan nya ako at halong kaba at takot ang naramdaman ko ng hindi pa sya nakakasagot.
"Of course, I believe you..." He blurted out. Napangiti naman ako at napanatag ang loob ko. Hinawakan naman nya ang pulsuhan ko bago ako marahang hawakan at inalalayan papunta sa opisina nya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro