Chelsea_13's Story Promotion & Announcement
NERYDA (Free Fall #3)
Prologue:
[9 years ago]: Eve
Una kong nakita si Sebastian Rafael Fonacier-Del Fuego noong siyam na taong gulang pa lamang ako.
Kilala ang pamilya nila sa bayan ng Montego at sa mga kalapit na bayan nito na katulad na lang sa amin sa Requiem, dahil sa kanilang malalawak na ari-arian at sa mga negosyo nila dito sa siyudad pati na doon sa Manila. Kaya nang magkaroon ng malaking selebrasyon ang ika-labing tatlong kaarawan ng kaibigan kong si Caine Alcantara ay naimbatahan ang buong pamilya nila na dumalo at maki-saya.
Tandang-tanda ko pa noon na wala halos akong maka-usap sa party dahil wala masyadong kasing edad ko na dumalo doon at puro mas matatandang mga kabataan lang ang dumalo. Apat na taon kasi ang tanda sa akin ni Caine kaya ang mga kasing edad niya lamang ang nandoon. At 'yung kaunting mga bata pa na kasing edad ko ay 'yun pa 'yung mga kaklase ko sa school na inaaway ako dahil na-weweirduhan daw sila sa akin.
Kaya naman noong naabutan ako ni Caine na kumakain ng paborito kong yema cake ay mag-isa lang ako at walang kausap.
"Eve, nakita ko na 'yung regalo mo. Ang gandang gitara! Salamat!"
"Talaga? Tinulungan ako ni mommy mamili nun!" buong pagmamalaki ko sa kanya. Ilang linggo din namin 'yun hinanap ni mommy sa mga mall malapit ditto. Mabuti naman at nagustuhan niya.
"Oo. Pinag-iipunan ko 'yun n'ung nakaraan buti na lang naunahan mo ako." Tumango pa siya sa akin at buong siglang ngumiti.
"Yay! Mabuti naman! Kaso paano mo matatago 'yun sa daddy mo?"
Nagkibit balikat siya sa akin pero hindi nawala ang ngiti niya sa mukha. "Sabi ni kuya Maddox siya na daw ang bahala, basta 'wag lang daw ako makakalimot mag practice araw-araw."
"Sa inyo pa ba nakatira si kuya Mad?"
"Oo e, pero alam ko babalik na siya sa London sa susunod na buwan."
Hindi na namin muli napag-usapan ang tungkol sa gitarang regalo ko at pagkatapos n'on ay sinaluhan na lang niya ako sa pagkain ng yema cake. Sinamahan ko rin siyang maglibot-libot sa party katulad ng kanina niya pang ginawa.
Nang ma bored si Caine sa pagbukas ng mga regalo niya ay bigla na lang siyang nagyaya na samahan ko siyang tumakas na lamang sa party at dumeretso na muna sa light house para doon na lang maglaro at mamahinga.
Hindi pa sana ako sasama dahil natatakot akong mahuli ni mommy at ni kuya Mika, pero napilit na din niya ako. At isa pa ang tagal na din ng huli naming binisita ang Light House na 'yun.
Gaya ng inaasahan, nahirapan pa akong itakas ni Caine sa mga yayang nagbabantay sa akin at sa matalas na mata ni mommy, pero sa tulong ng iba pa niyang mga kaibigan ay nakatakas din kami at nakalagpas sa gate ng kanilang mansion na hindi man lang kami natatagpuan ng mga bantay ko.
May iilang sumama sa amin ni Caine na mga batang tiga-Montego, pero hindi ko sila lahat kilala. Isa lang ata ang kilala ko doon at 'yun ay si ate Chelsea. Katulad din siya ng mga iba niyang pinsan na kasama namin na mukhang matapobre at mayayabang pero, siya ang mas tumatak sa memorya ko dahil katulad ko, gusto niya din ang mga bagay na pink at makikinang.
"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Caine na kapareha kong hapong hapo na sa ginawa naming pagkarera doon sa burol.
Dumila ako sa kanya at pinunasan ang pawis sa noo. "Oo naman! Naku, Caine ilang beses na nating tinakbo ito pataas tinatanong mo pa ba 'yan?" sagot ko sa kanya na natatawa.
Alam ng lahat na may pagkamahinhin ako at may paminsan-minsan pagiging maselan sa ibang mga bagay pero pag-dating sa paglalaro at sa pagtakbo-takbo kung saan-saan ay hindi ako nagrereklamo. I've been caged inside our house as long as I remember and I thirst for some freedom badly, kaya kung may chance talaga na mayaya ako ni Caine na maglaro o magpunta dito sa Naidi Light House ay hindi ako tumatanggi at talagang tumatakas pa ako sa aking mga yaya at kila mommy.
"Punasan mo 'yang pawis mo Eve! Baka magka pneumonia ka na naman. O ito towel, punasan mo 'yan."
Mas lalo ko pang tinawanan ang kaibigan ko nang kumunot ang ulo niya sa akin. Kuyang-kuya ang dating naman nito, aba!
"Salamat," ani ko at kinuha na ang towel na ibinibigay niya sa akin.
Nagsidatingan na din 'yung mga batang sumama sa amin at 'yung mga tiga-Montegong mga bata ay nagrereklamo sa layo ng nilakad nila. May isang kulot na bata nga doon na ang ingay-ingay at inaasar ang dalawang batang lalaki dahil nahuli ang mga ito sa takbuhan.
"Lika na, may mga nauna na din doon kanina."
Kinuha ko ang nakalahad na kamay ni Caine at sabay kaming nagtungo doon sa may Light house.
Nagtatawanan kaming dalawa ng kaibigan ko dahil sa biglaang paggulong ng kulot na bata sa damuhan. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong batang parang nababaliw na sa kakulitan! Nakakatuwa!
"Sino siya?" tanong ko kay Caine habang pinapanood pa din namin ang kakulitan ng kulot na bata at ng kanyang mga pinsang lalaki.
"Si Grey Del Fuego 'yan, baliw talaga 'yan." Nakangising sagot sa akin ni Caine.
Napailing na lamang ako at tinikhim ang bibig. Lumakas kasi noon ang hangin na nagpagulo ng buhok ko at may kakaibang kaba akong biglang naramdaman. Hindi ko din noon alam kung bakit pero nang mga oras na'yun, parang alam na ng puso ko na makikita niya na ang minimithi nito.
"Caine!"
Unang pagkarinig ko palang ng baritonong boses niya, alam ko nang may kakaiba doon. Siguro ay bata palang ako noon at wala pang muwang sa mundo kaya hindi ko ka agad nalaman kung anong ibig sabihin ng mabilisang pagpintig ng puso ko sa aking dib-dib o ang pagbagal ng oras habang naglalakad kami ni Caine papunta sa bukanan ng Light House.
Ngunit ngayong binabalikan ko ang naraan, sigurado ako...lahat ng naramdaman kong kakaiba noong araw na 'yun ay dahil lahat kay Sebastian.
'Yung paraan ng pagdausdos ng kanyang kanang kamay sa mga ligaw na buhok na nakakalat sa kanyang noo, sa matalas niyang tingin sa akin at sa pagtaas ng gilid ng kanyang mapupulang labi para salubungin kami ng ngiti...alam kong 'yun ang naging dahilan kung bakit ang munting puso ko ay nahumaling ng gayon-gayon na lamang sa kanya.
'Yun din siguro ang simula ng pagiging makasalanan ko.
"Caine? Sino naman siya?"
Hinigit ng kaibigan ko ang aking kamay na wari bang itinatago niya ako sa lalaki. Nakangiti pa rin siya pero halata ang unti-unting pagkunot ng kaniyang noo.
"Ah, siya ba? Si Sebastian 'yan. Kaibigan ko rin."
Tumango ako noon kay Caine. Hindi iniisip kung bakit ako bigla na lamang kinabahan nang lumapit sa amin ang tinatawag niyang si Sebastian.
Thinking about it now, I've been so naïve. Inuna ko noon ang katangahan. I didn't think about the consequences. I just kept on falling, chasing, and loving someone that was out of bounds and out of reach.
Kaya ngayon, kung tatanungin man ako ng kung sinong tao, kung anong parte ng buhay ko ang pwede kong balikan at baguhin, ang isasagot ko ka agad ay 'yung unang pagtatagpo namin.
Dahil kahit gaano man 'yun ka-espesyal, matapos pa rin ng siyam na taon kong panonood sa kaniya at pagmamahal sa kaniya ng malayuan, ay hindi ko akalain na kailangan ko pang gumawa ng isang bagay na labag sa loob ko para mapansin niya ako.
Ang kaso, nang mapansin naman ako ng isang Sebastian Rafael Del Fuego, ang lalaking minahal ko ng sobrang tagal...
Siya ay may-asawa na at ako...ako'y pumayag na maging isang kerida.
They've said that love can make you blind...it can make you do things that you can never imagine of doing.
Siguro nga totoo.
Siguro nga tama sila.
Dahil ako mismo ay nagbulag-bulagan.
Nagbulag-bulagan ako sa pagmamahal. Nagbulag-bulagan ako sa mga kasalanan.
Nagbulag-bulagan ako para lang sa isang taong walang kasiguraduhan.
A N N O U N C E M E N T!
What: Bad Girl For A Girlfriend (Season One and Two) will be published by Pop Fiction this year! Please support, thank you!
WHAT: VINCENT TRILOGY Self publish! (probably the FIRST AND LAST batch)
WHEN: Payment period: December 26,2017 to January 13, 2018
HOW MUCH: 2500 pesos thru LBC/Western/Palawan/Cebuana
What it includes: Payment for the FOUR BOOKS + Shipping Fee (Xend/2GO) + And FREEBIES!!!
[EACH book will have these]:
-Signature with dedications if you like
- Book Jacket/ Dust Jacket
-Bookmark FOR EVERY BOOK. (4 Bookmarks)
-Added Scenes [ more or less 400 pages EACH book]
-EDITED/FORMATTED
-Bubble wrapped!
How to pay: Instructions will be given on the 1st day of December 2017.
* First 20 will receive added freebies.
*First one who will avail, will receive A VERY SPECIAL SURPRISE <3
*Four Books:
3 Books for this story at 1 book for a compilation of short stories about the minor characters. (Levi, Grey, Cole, Chelsea, Keira, Katherine AND REED)
*Additional information, book covers, and freebies WILL BE POSTED maybe on the 3rd quarter of the year .*
*Kindly check my facebook account: Chelseaterteen Wp
And/or VINCENT's page :
To be updated.
C. What: New Stories!
-OLIVIA (Free Fall #2)- Teen Fiction
-NERYDA (Free Fall #3)- Romance
-She Killed Them All- Fantasy
-The Ugly Club of Brent University- Humor
-Bad Girl For A Girlfriend (Season 3)- General Fiction
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro