Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Cecelib's New Story Chapter

NATHANIEL MORETTI


NATE squeezed his eyes shut as he slid himself into the driver's seat of his car. Malakas siyang napabuntong-hininga ng makaupo sa driver's seat at binubuhay ang makina ng sasakyan. Nang mapausad niya ang kotse, kaagad niyang inapakan ang selenyador at pinaharurot iyon.

"Fuck." Mahina niyang pagmumura saka inilabas mula sa bulsa ng suot niyang leather jacket ang USB na siyang dahilan ng natamo niyang saksak. "Fuck... Fuck..." Walang pakialam na itinapon niya sa dashboard ang USB, "I can't believe i'm doing this for one hundred thousand pesos only." Bulong niya sa sarili habang pinipilig ang ulo. "This is so fucked up. I am so not doing this again."

'Boss, you're two block aways from the nearest hospital.' Anang boses na nanggagaling sa earpiece na nasa tainga niya. 'Malala ba ang sugat mo?'

"Nah." Bumuga siya ng marahas na hangin, "its just a stab wound but i'm bleeding out." Nahigit niya ang hininga ng naipit niya ang sugat, "fuck... At this rate, i'll die with too much blood loss. Kailangan matahi ang sugat ko, ayokong mamatay na maputla dahil kulang ako sa dugo. I would look ugly in my own funeral." He tsked. "I'm too handsome to die, darn it."

Tumawa ang nasa kabilang linya ng earpiece na suot niya, "boss naman, huwag kang magsalita ng ganiyan. Mawawalan ako ng trabaho kapag namatay ka, ang hirap pa namang maghanap ng trabaho na kasing laki ng sinasahod ko ngayon."

Nate rolled his eyes in annoyance, "shut your mouth, Nick. Mas lalong marami ang dugong nawawala sakin dahil sa nakakairita mong boses."

Tumawa lang si Nick. "Come on, boss, don't be so melodramatic, malapit ka na sa Hospital. Just a little more. Masamang damo ka, kaya hindi ka mamamatay kaagad."

Napailing nalang si Nate saka mabilis na ipinarada ang sasakyan sa parking lot ng Hospital bago lumabas ng kotse at naglakad habang sapo ang sugat sa may tagiliran.

"Fuck." Panay ang mura niya sa bawat hakbang, "i cant believe that i'm suffering this kind of pain for one hundred thousand pesos." Hindi talaga niya matanggap na nararanasan niya ang ganitong uri ng sakit dahil lang sa kaunting halagang pera. "Bakit ko ba kasi tinanggap ang trabahong 'to? Fuck. I really should stop accepting low paying job like this." Pagkausap niya sa sarili.

Naiiritang tinanggal niya ang telang nakatakip sa ilong niya pababa sa bibig at baba niya saka ibinulsa 'yon at patuloy na naglakad.

"Fuck. Fuck. Fuck." Sunod-sunod niyang mura habang papasok sa E.R.

"Suck it in, boss." Tumatawang sabi ni Nick sa kabilang linya, ni walang pag-aalala ito sa boses nito, "kaya mo yan."

"Easy for you to say." Pumasok siya sa emergency room ng hospital, "hindi naman ikaw ang nasaksak, gago." Huminga siya ng malalim, "pagkabalik ko riyan sa HQ, sasaksakin talaga kita ng maranasan mo ang sakit na nararanasan ko ngayon."

Tumawa lang si Nick. "You're so melodramatic, boss." Kapagkuwan ay sumeryuso ang boses nito, "anyway, you're in the Romero's Hospital Main Branch. Hindi mo puwedeng sabihin ang totoo kung bakit ka nasaksak--"

"Sa tingin mo hindi ko 'yon alam? Sakalin kita riyan e." Nag-uumpisa na siyang mairita sa boses ni Nick. "Shut up or else i will really kill you later." Pagbabanta niya rito.

Nick being Nick, he just laughed. "Copy that boss."

Mahina siyang napaigik kapagkuwan ay dahan-dahan niyang ihiniga ang sarili sa bakanteng higaan na naroon sa ER.

"Fuck..." Pabulong ulit niyang mura habang nakapikit ang mga mata at hinintay ang Nurse o Doctor na asikasohin siya "i can't believe this--"

"Saan ang masakit sayo, Sir?" Anang babaeng boses na nagpatigil sa kaniya sa pagmumura at minulat niya ang mga mata.

Bright brown eyes welcomed his sight. unconsciously, his lips parted as his eyes roamed around the woman's face.

Pretty. So pretty.

He suck a breath, he felt like his lungs is giving up on him, he's breathless. At hindi niya alam kung bakit parang kinakapos siya ng hininga.

Kinunotan siya ng nuo ng babae saka may inilapat na stethoscope aa dibdib niya. "Ayos ka lang ba? Ang bilis kasi ng tibok ng puso mo--"

"I'm fine." Tinabig niya ang kamay nitong may hawak ng stethoscope. "Gamutin mo nalang ang sugat ko," itinaas niya ang laylayan ng suot niyang t-shirt para ipakita rito ang sugat niya, "clean it up, stitch it and i'll be on my way."

Kaagad na gumuhit ang disgusto sa mukha nito pero wala itong sinabi at tumango lang.

"Huwag kang gagalaw, gagamutin ko na ang sugat mo." Puno ng awtoridad ang boses ng babae na hindi na siya nakipag-argumento o gumalaw. "If you move, it'll hurt, i'll make sure of that."

Pigil niya ang ngiting gustong kumawala sa mga labi niya, "you sound pissed, Doc."

Peke itong ngumiti sa kaniya. "Bakit naman ako magagalit sa isang pasyenteng katulad mo?" Pasimple siya nitong inirapan saka tinawag ang atensiyon ng Nurse na malapit sa kanila. "Nurse Mira, halika muna rito."

Kaagad namang lumapit ang nurse na may dalang plastic na clipboard. "Yes, Dra. Salazar?"

Tinuro ng Doktora ang sugat niya, "Stab wound. One inch deep and two inches wide." Anang Doktora habang may malambot at basang bagay na hinahaplos sa sugat niya. Kapagkuwan ay tumingin ito sa kaniya. "Gusto mo bang tumawag kami ng Police--"

"No Police." Kaagad niyang pigil sa iba pa nitong sasabihin, "i'm fine. Its just an accident."

"Accident." Ulit ng Doktora at hindi na ito nagsalita pero halata naman sa boses na hindi ito naniniwala sa dahilan niya.

Ini-relax ni Nate ang katawan saka pinikit ulit ang mga mata. Nararamdaman niya ang pagdampi ng bulak sa gilid ng sugat niya na parang nililinis iyon kapagkuwan ay napalitan ng hapdi ang nararamdaman niya.

'Boss, ginagamot ka na ba?'

Malalim siyang napabuntong-hininga at hindi sinagot si Nick. Magmumukha siyang may sayad kung magsasalita siya ng walang kausap.

'Boss, buhay ka pa?'

Kumuyom ang kamao niya sa iritasyon. Ang sarap talagang pilipitin ng leeg ni Nick. Humanda talaga ito mamaya pagbalik niya--

'Boss, kapag namatay ka, sa akin na 'yong kotse mo na nakaparada dito sa HQ ha? At 'yong bahay mo parerentahan ko para may pera ako buwan-buwan. At yong pera mo sa bangko, gagamitin ko rin para magbakasyon sa ibang bansa at sisiguraduhin kong mag-i-enjoy ako sa bakasyon ko gamit ang pera mo.'

Nagtagis ang bagang niya. Darn it, Nate. I will really kill you later.

'Boss, huwag mo akong multohin kapag namatay ka ha--'

"Tatahiin ko ang sugat mo, medyo may kahabaan kasi at malalim." Anang Doktora na sabay ni Nick na nagsasalita. "Pagkatapos--"

'--sa halip ay sana mamayapa ka ng mabuti--'

"--dito ay may sasagutan ka lang na ilang katanungan. Nurse Mira--"

'--at masaya. Aalagaan ko ang lahat ng ari-arian mo--'

"Puwede bang paki-interview si Sir mamaya--"

"Shut the fuck up!" Malakas niyang sigaw kay Nick na ikinatawa lang ng nasa kabilang linya.

'Buhay ka pa pala boss?' Tumawa na naman si Nick na halatang siyang-siya sa iritasyon sa boses niya, 'pero boss, sumigaw ka ngayon-ngayon lang, nagsasalita pa naman ang Doctor na gumagamot sa'yo. I know that you're shouting at me but does she know?' Nick tsked, "you're so mean, boss...shouting at someone who's treating your wound..."

Sa sinabing iyon ni Nick, mabilis niyang minulat ang mata at nagtama ang tingin niya ng Doctor at hindi makapaniwalang nakatitig sa kaniya habang bahagyang nakaawang ang mapupulang labi.

Shit!

Itinikom niya ang bibig saka ilang ulit na kumurap bago nag-iwas ng tingin habang kagat ang pang-ibabang labi, "i'm not shouting at you."

He heard her scoffed in disbelief. Kapagkuwan ay mahina siyang napaigik ng binigyan nito ng diin ang bulak na humahaplos sa sugat niya.

"Fuck!" Pinukol niya ng masamang tingin ang Doktora na mas diniinan ulit ang sugat niya gamit ang bulak, "That hurts!"

Nanatiling walang emosyon ang mukha ng Doktorang ngayon ay tinatahi na ang sugat niya. Napakurap-kurap siya at napailing. Napapahamak siya dahil kay Nick. Patay talaga sa kaniya ito pagbalik niya mamaya.

"Look, Doctor--"

"Nurse Mira, lagyan mo ng gauze ang sugat ng pasyente." Anang Doktora na hindi man lang siya pinansin saka bumaba ang tingin sa kaniya, "after a week or so, puwede mo nang ipatanggal ang tahi sa sugat mo. Pagkatapos mong sagutan ang out patient information sheet, pumunta ka sa billing section at magbayad ka do'n." Pagkasabi niyon ay tinalikuran siya nito saka umalis na.

Umawang ang labi niya saka pinaglandas niya ang dila sa ilalim ng ngipin niya habang nakatingin sa papalayong bulto ng Doktora.

'Is she pretty, boss?'

Natigilan siya sa tanong ni Nick kapagkuwan ay bumalik sa isipan niya ang mukha ng Doctor na gumamot sa kaniya. Those bright brown eyes, thin red lips, sexy jaw and heart-shaped face... "Yeah, she's pretty."

"Excuse me, Sir?"

Napabaling siya sa nagsalita sa tabi niya at pilit siyang ngumiti ng makita ang Nurse na nagngangalang Mira.

"Ahm," tumikhim siya, "saan ako magbabayad?"

Malapad na ngumiti ang Nurse saka may inilabas na ballpen sa bulsa ng suot nitong scrub suit at tumingin sa kaniya, "pangalan mo po muna, Sir?"

"Nathan San Andres." Sagot niya na inosenteng nakangiti.

He can't just give away his name, alam ng humahabol sa kaniya na may sugat siya at tiyak na magtatanong-tanong ito sa mga malalapit na Hospital.

Kaya naman hanggang sa matapos ang mga tanong ng Nurse, puro kasinulangan ang sinagot niya. Nang natapos ay kaagad siyang umalis sa E.R. at nagtungo sa Billing Section para magbayad. At akmang aalis na siya ng makita niya mula sa sulok ng mga mata niya ang mga kalalakihang nakalaban niya kanina at halatang hinahanap siya.

"Great!" He muttered to himself, annoyed. "Another problem. Fuck. And for one hundred thousand only? This job is so messed up."

"Should i ask for more payment?" Anang boses ni Nick sa kabilang linya.

"Mamaya na, i-hack mo muna ang CCTV camera ng Hospital na 'to. Kailangan kong makalabas dito." Sinapo niya ang sugat na nag-umpisa na namang sumakit, "ayokong makipaglaban sa halagang one hundred thousand pesos lang, ano ako, sira ulo?"

"Yes, boss, sira ulo ka. Ngayon mo lang na realize yan?" Nate tsked. "Pity, boss, pity." Ani Nick at narinig niya ang mabilis na pagtipa ng keyboard nito sa kabilang linya.

"Are you in?" Tanong niya habang pilit na naglalakad ng normal na para bang wala siyang iniindang sakit, "i need a way out, Nick."

"Roger that, boss---okay, i'm in." Narinig niya ang pagsimsim nito ng kung anong inomin sa kabilang linya na hinuha niya ay soda dahil iyon naman ang paborito nito pagkatapos ay huminga ito ng malalim bago nagsalita. "Two bad guys seven meter from your back and four guys about ten meters from your front." Anito sa boses na para bang nagbibigay lang ng dereksiyon sa nawawalang turista. "To avoid them, please, turn to the right hall and ride in an elevator to the employer's parking lot in the basement. I'll hack your car's system and send it to the basement's gate."

"Copy."

Tuwid na naglakad si Nate patungo sa pinakamalapit na trash can at hinubad ang itim niyang leather jacket at tinira lang ang kulay gray niyang shirt, pagkatapos ay ibinasura niya iyon. Nang makalapit siya sa elevator, kaagad niyang pinindot ang button para bumukas iyon kapagkuwan ay inayos niya ang bullcap na suot.

Tamang-tama naman na bumukas ang elevator ng marinig niya ang mabilis at nagmamadaling yabag ng mga kalalakihang naghahanap sa kaniya.

Kaagad na pumasok si Nate pero kapagkuwan ay natigilan rin ng marinig ang isang pamilyar na boses habang pababa ang elevator.

"Stab wound patient?"

Nag-angat siya ng tingin kasabay ng pag-angat niya ng bullcup na suot at nagtama ang mga mata nila ng magandang Doktora na nakalulan sa elevator.

"A-anong ginagawa mo sa elevator na to? This elevator is for employees only and you are not an employee--"

Tumigil sa pagbaba ang elevator at bumukas ang pinto.

"Thanks for the lift, Doc." Kinindatan niya ang Doktora saka lumabas kaagad siya ng elevator.

Wala siyang inaksayang panahon, ng makalabas siya, kaagad siyang tumakbo patungo sa gate ng basement at nakahinga ng maluwang ng makita ang kotse niyang nakaparada sa labas ng gate.

"I want to kill you earlier, Nick, but i'll postponed your death because of this."

Nick chuckled, "you're welcome, boss. Now, go home, your cold beer is waiting."

That made him chuckle. "Maghanda ka na ng pulutan."

"On it, boss. Though, its on you."

Naiiling na sumakay siya sa kotse niya saka pinaharurot ang sasakyan palayo sa Hospital na 'yon, pero habang nagmamaneho hindi mawala sa isip niya ang Doktorang gumamot sa sugat niya.

Her bright brown eyes, her thin red lips, her beautiful face...

"Hmm... I'll definitely go back there again." His lips turn into a smile, "she's very pretty."

Tumango-tango siya na parang sumasang-ayon sa sarili niya saka mahina siyang natawa at napailing.

"She's a Doctor." Aniya sa mahinang boses habang kinakausap ang sarili, "Doctor's are always busy meaning no suitor or boyfriend."

"And your a baker at day and a thief at night, you have no time to do girlfriend, boss."

Malakas siyang napabuntong-hininga kapagkuwam ay napangiti ulit ng pumasok sa isip niya ang mahandang mukha ng Doktora, "she's very pretty though."

"Yeah, yeah, and i'm very handsome. Now buy some meat, boss, our beer is waiting."

Napailing siya saka tinanggal ang earpiece na suot at pinatay iyon para hindi marinig ang boses ni Nick.

Then his mind wandered back to the pretty Doctor. And that put back the smile on his face. "Hmm...can't wait to remove these freaking stitches. I wonder if she's on duty by that time..." Natawa siya at mapailing. "What the hell am i doing with myself?" He tsked, "beer taste better at night. Yeah, beer is good. Think of beer. Only beer."

He was picturing beer in his mind when that Doctor's pretty face invaded his mind full of beers.

Malakas siyang napabuntong-hininga saka napailing. He gave up. It's good to think about that pretty Doctor rather than beer.

Yep. Pretty Doctor. Very pretty.

No thinking of beers. Just the pretty Doctor.

Nate smiled. "Just the pretty Doctor."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro