Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18*Pochi and Vanilla

Vanilla's POV.

Lahat ng nakita mo ay totoo pero hindi ibig sabihin nito ay maniniwala kana sa nasa isip mo. May mga bagay na sadyang ganon na talaga

Lahat ng nakita mo ay totoo pero hindi ibig sabihin nito ay maniniwala kana sa nasa isip mo. May mga bagay na sadyang ganon na talaga

Lahat ng nakita mo ay totoo pero hindi ibig sabihin nito ay maniniwala kana sa nasa isip mo. May mga bagay na sadyang ganon na talaga

Bukas, araw ng Martes may mangyayaring hindi mo inaasahan

Bukas, araw ng Martes may mangyayaring hindi mo inaasahan

Bukas, araw ng Martes may mangyayaring hindi mo inaasahan

Mga salitang paulit ulit na pumapasok sa utak ko yung tipong hindi ka maka move sa narinig mo.

At sa araw ng martes  daw ay may mangyayaring hindi ko inaasahan??

Eh Martes ngayon eh!!!

"Vanilla!" Bigla namang nabalik sa reality yung utak ko na nasa Canteen nga pala kami at kasama si Nash.

"Oh?" cold na Tanong ko na para bang hindi nagulat.

"Kanina pa kasi kami nagkwekwento dito at tinatanong ka pero hindi ka naman sumasagot kaya ayan napasigaw na"

"Para kasing ang lalim ng iniisip mo eh"

"Wala tsk" sabi ko nalang sakanila

"At pansin ko lang, iba ata kinikilos mo? Kahapon ka pa eh" tanong nila saakin at sabay sabay pa hah maliban na lang kay Nash na may nakakalokong ngiti habang nakatingin saakin

"Hindi naman" sagot ko ulit kaya nagkaroon nanaman sila ng kanya kanyang kwentuhan. Si Nash naman may binubulong kay Pochi

POCHI'S POV.

Hindi lang pala ako ang nakapansin na nag iba ang ugali ni Vanilla.

Kinalabit naman ako nitong si Nash at may binulong.

Si Nash nga pala ay pinsan ko oh ayan hah sa mga nagtatanong jan.

"Pochi nagseselos ata si Vanilla saakin eh hahaha" bulong saakin ni nash

"Luh patawa ka, impossible naman yun no wala naman siyang gusto saakin no" bulong ko din

"look nakatingin siya saatin" bulong niya na agad naman akong tumingin kay Vanilla, nagkatinginan kami ng 0.00001 millisecond at nag iwas din agad siya.

"may gagawin ako sayo pero huwag ka na lang seryosohin at kapag tumayo si Vanilla at nag walk out ay sigaradong may gusto yan sayo, deal?" Tanong niya pero nagbubulungan pa rin kami.

....

"Oo na dalian mo na lang" sagot ko

0.0 did he just??!!

Omy, kiniss ako ni Nash??! 

Kiniss niya ako pero sa cheeks lang naman pero aish pisnge ko pa rin to noh!

Buti na lang walang nakakita sa ginawa ni Nash saakin.

Agad naman natigilan ang tatlong kasama ko at maya maya ay umalis na si Vanilla ng walang paalam.

Nag walk out siya??!!!

Nag walk out si Vanilla?

"sabi sayo eh" sabi saakin ni Nash pero pabulong pa rin. Kinurot ko naman siya ng patago at Palihim na iniinda rin ang sakit ng kurot ko.

"Pochi ano yung nakita namin?"

"Beshie ano iyon?" Tanong nilang dalawa.

Kailangan kong maka usap si Vanilla, hindi ko alam kung bakit pero may part saakin na gusto ko siyang kausapin.

"Si Nash na ang bahalang mag explain and one more thing, pinsan ko lang siya. Nash sabihin mo yung totoong nangyari kanina" agad namang binaling ng dalawa ang atensyon nila kay Nash kaya hindi na ako nag aksaya ng panahon at lumabas para hanapin si Vanilla.

....

Aish! Kanina pa ako naghahanap sakanya pero hindi ko pa rin makita.

Pero may isang lugar pa akong hindi napupuntahan yung likod ng school namin.

kaya tumakbo na ako papunta duon. Nandito nga siya at naka upo sa damuhan habang naka yakap sa tuhod niya at nakayuko.

at hindi naman ako bingi para hindi marinig ang paghikbi niya na sinyales na umiiyak siya

"Eto oh panyo" sabi ko sabay abot ng panyo sakanya, kinuha naman niya iyon ng hindi manlang tumitingin saakin

"Salamat miss, ano nga palang pangalan mo?" Tanong niya kasi nga diba hindi naman niya ako nilingon at mukhang hindi niya nabosesan na ako ito

Iibahin ko na lang muna ang pangalan ko sakanya.

"Ahh ako si Eunice " sabi ko, kailangan ko munang ibahin ko pangalan ko dahil baka itigil niya ung paglabas ng sama ng loob niya eh

"Alam mo Eunice, may gusto akong babae, maganda siya at medyo mataray pagdating saakin pero alam kong mabait siya kaso nga lang eto ako pinanganak na sadyang torpe at hindi maamin sakanya hindi ko nga alam kung kailan at paano ako nainlove saknya eh basta one day na realized ko na mahal ko na pala siya tapos nakita ko na lang may kasama na siyang lalaki at hinalikan pa siya, ang sweet nila diba? Pero ang sakit, alam mo ba na Pochi ang pangalan niya?"

Nagulat ako ng bigla niyang banggitin ang pangalan ko. Ako mahal niya????

Mahal ako ni Vanilla??

"Eunice an---" bigla namang napatigil sa pagsasalita si Vanilla dahil tumingala na siya at nakita na ako...

"Pochi? Na- narinig mo ba yung si-sinabi ko kanina?"

"oo at nagpanggap lang ako na Eunice" Sagot ko

"At dahil narinig mo na rin lang ay magtatapat na ako or should I say? Itutuloy ko na lang yung sinasabi ko? So eto na nga, mahal kita Pochi nuon pa man at handa akong gawin lahat para sayo. Ngayon tatanungin kita, boyfriend mo ba si Nash?" 

"Hindi ko siya boyfriend. Pinsan ko siya at kaya niya daw ginawa yung kanina dahil sinabi niyang pagnagwalk out ka daw kanina ay gusto mo ako" Sabi ko pero hininaan ko yung last na words na mukhang narinig naman niya

"Well salamat sakanya at nasabi ko na rin ang matagal ko ng tinatago pero may isa pa akong tanong"

Ano nanaman kayang tanong niya?

"Pochi, Can I court you?" Tanong niya

"Uhm yes?" patanong na sabi ko dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko pero aaminin ko, crush ko siya. Secret lang natin yan ah?

"Wala ng bawian yan ah? Yes na ang sagot mo but let me do this first 😏"

Kiniss niya din ako sa cheeks.

"Yan official ng nililigawan kita, alam ko namang sasagutin mo din agad ako. Ang gwapo ko diba? *wink"

"Connect?" Tanong ko tas bigla nalang kaming nataw bigla dalawa.

"Ayiieeee ang sweet nila" bigla naman kaming napatigil sa pagtawa ng bigla naming narinig si Nash ,Pomuel at Beshie.

"Kanina pa kayo jan?" tanong ko

"Syempre naman!!" Sagot naman nilang lahat

"Aish" yan na lang ang nasabi namin ni Vanilla

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro