CHAPTER 034 - Miscommunication and Memory of the Past - EXCERPT
"Why do you like wasting time? Get back here!"
Sa muling pagsinghal ni Aris ay nag-init muli ang ulo ni Lawrah. Pero pinanatili nito ang blangkong ekspresyon saka tahimik na humakbang pabalik sa van. Nang makaupo na ulit ito sa backseat ay muli itong napasulyap sa rearview mirror upang salubong ang mga tingin ni Aris.
"Bakit laging lumilipad iyang isip mo?"
"Bakit po lagi kayong naka-angil?"
Natigilan si Aris sa mabilis na sagot ni Lawrah. Maliban sa hindi nito inasahan ang pagsagot na iyon ng dalaga ay hindi rin ito makapaniwala sa ginamit na tono ni Lawrah.
Ang 'po' nito ay nawalan ng silbi dahil sa tonong ginamit nito— and Aris was torn between annoyance and... amusement.
"Did you just talk back?" This time, due to his amusement, Aris' toned down.
"'Di ba po, ang sabi ninyo, ay mas gusto ninyong ganito ako? Ayaw ninyong pautal-utal ako at umaastang nahihiya, pero heto kayo at ku-kwestyunin ang pag-sagot ko. Hindi ko po maintindihan ang gusto ninyong mangyari..."
Lalong namangha ang binata at matagal na napatitig sa repleksyon ng kasama sa likuran. "Well, what I want to happen is for you to be consistent. Hindi iyong ngayon ay matapang ka, tapos mamaya ay para ka na namang tanga na nakatulala sa hangin."
Tanga...
Tila may kung anong pumitik sa ulo ni Lawrah. Pero patuloy na nagpasensya ang dalaga.
"Ang gusto ninyo ay sagutin ko kayo–"
"That's not what I meant either. Wala ka sa lugar na bastusin ako lalo't alam mong may kasalanan ka sa akin. Ang gusto ko'y bawas-bawasan mo ang pagkakatulala mo sa ere. Be alert. Have confidence. Speak your mind. Those are what I meant. I never said 'talk back'."
Natahimik si Lawrah– pinanatili ang tingin sa lalaking nasa harapan.
Nagpatuloy naman si Aris na hindi rin nagbabawi ng tingin. "Mas gusto kong nakikita ang apoy sa mga mata mo kaysa ang makita kang tulala sa hangin. At mas gusto kong sinasabi mo sa akin kung ano ang nasa isip mo kaysa ang yumuko ka na lang at magbaba ng tingin na parang pagong. I prefer to see the real you than the timid, stupid version of you."
Kanina tanga. Ngayon stupid.
At kung si Dexter pa... tonta.
Doon na hindi nakapagpigil si Lawrah na umismid.
At nakita iyon ni Aris. "There. I like to see that smirk on your face rather than those idiotic expressions and empty gazes."
**
FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP
Pop me a message should you be interested to join in
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro