CHAPTER 021 - The Betrayal That Changed Him (Part 2) - EXCERPT
Binuksan niya ang sliding door matapos ma-unlock— muli iyong lumikha ng ingay. Pagpasok ay dire-diretso siya sa kusina, at nang makitang walang taong naroon ay napalingon siya sa kabilang panig kung saan tanaw niya ang pinto ng silid ng dalawa.
Kinunutan siya ng noo. Wala sa sariling iniwan niya ang helmet sa ibabaw ng mesa at humakbang patungo sa silid nina Susie at Lawrah. Huminto siya sa harap ng pinto ng silid ni Susie, at habang kinakatok iyon ay nasa pinto ng silid ni Lawrah naman siya nakatingin.
Makalipas ang ilang sandali at nang wala pa ring sumasagot ay nagtaka na siya. Pinihit niya pabukas ang knob, at nang mapagtantong naka-lock iyon ay ang silid naman ni Lawrah ang kinatok niya.
Sa loob ng ilang minuto'y naghintay siya roon, at nang mapagtanto niyang wala pareho ang dalawa ay buong pagtatakang humakbang siya pabalik sa reception area. At habang naglalakad siya'y dinukot niya ang cellphone mula sa bulsa ng suot na jacket at tinawagan si Susie.
Nasa reception area na siya nang matigilan sa paghakbang.
Natulos siya sa kinatatayuan nang makita ang pamilyar na bulto na naglalakad sa dilim— sa footwalk patungo sa gate.
Hindi siya maaaring magkamali. Kahit madilim sa labas ay kilala niya kung sino iyon.
But that wasn't it.
May kasama ito.
"Hello, Sir?" si Susie na noon lang sinagot ang tawag. "Maya-maya pa ako uuwi kasi..."
Hindi niya pinansin ang pagsagot ni Susie. Wala sa loob ay naibaba niya ang kamay na may hawak ng cellphone saka dahan-dahang humakbang patungo sa sliding door.
Mula sa pagkakatayo sa harap ng nakasarang sliding door ay nakita niya ang pagbukas ng gate at ang paglabas ng bulto ng lalaking... kilala rin niya.
Then, he saw her... Lawrah... walk out of the gate carrying... her luggage bag.
Wait...
Panic rose in his chest.
Where is she going?
**
FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP
Pop me a message should you be interested to join in
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro