Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 014 - Another Step Forward


"LAWRAH'S MAKING ME UNCOMFORTABLE, SUSIE," sumbong ni Aris nang gabing iyon.

Nagtungo si Susie sa bahay niya upang ihatid ang mga resibo ng mga bills. Natagpuan siya nito sa minibar na naghihiwalay sa sala at kusina niya.

"Ha?" tugon ni Susie na nahinto sa paghakbang. Ang tingin nito'y bumaba sa baso ng scotch na nasa harapan niya bago nito ibinalik ang tingin sa kaniyang mukha. "Ano na naman ang problema mo roon sa isa?"

"She's..." He grunted and rubbed his nape. "She does things that bother me."

"Katulad ng?" Itinuloy ni Susie ang paglapit sa kusina. Sa ilalim ng countertop ay may drawers, at isa sa mga iyon ay lagayan nito ng mga resibo ng bills.

"I saw her taking birth control pills and she said those were for her... breasts."

Hindi napigilan ni Susie ang mapa-bumungisngis mula sa narinig. Inisara muna nito ang drawer matapos ipasok doon ang mga resibong dala saka humakbang palapit sa minibar at nahinto sa likod niyon upang harapin siya. "Iyon pala ang sekreto kaya ganoon na lang ka-laki ang dibdib ng batang iyon." Ang bungisngis nito ay nauwi sa pagtawa.

"It's not a joke, so don't laugh at it."

"At hindi rin iyon kasalanan kaya alisin mo 'yang kunot sa noo mo. Kuuu." Inismiran siya nito. "Nitong nakalipas na mga araw ay hindi na gaanong nine-nerbyos si Lawrah. At habang tumatagal ay umaayos lalo ang trabaho at pakikitungo niya sa atin. And wait– there's more! Marunong na rin siyang ngumiti ngayon, pansin mo? Well, isang beses pa lang namang nangyayari iyon, pero at least, 'di ba? Maliban sa sobrang tahimik ay wala akong maipintas sa kaniya. Sa tingin ko nga ay nakita na natin ang perfect na staff para sa 'yo dahil... hindi ka niya type at tingin ko'y hindi siya napo-pogian sa 'yo. Kaya kampante akong hindi ka lalandiin no'n."

"I know, I know."

"O, alam mo naman pala, eh. So, bakit ka na naman may reklamo roon sa isa? Ano na naman ang problema mo sa kaniya?"

Shit. Hindi si Lawrah ang problema.

Siya.

Siya dahil hinayaan niya ang sariling malunod sa misteryong hatid sa kaniya ng dalaga.

Kahit kailan ay hindi niya binigyang pansin ang kahit na anong katangian mayroon ang isa sa mga dati niyang staff. Mayroon sa mga itong sadyang ipinapakita ang dibdib at legs sa kaniya pero hindi siya naaapektohan dahil mas nilalamon siya ng inis sa ginagawa ng mga ito kaysa makamundong pagnanasa o ang pagnanais na tawirin ang limitasyon.

In Lawrah's case... She wasn't even trying. Pero kahit wala itong gawin ay bumabangon pa rin ang interes niya dahil sa misteryong dala nito.

Isa pa ay... nasanay na siya sa mga dati niyang staff na nagpapakita ng motibo sa kaniya, and somehow, he expected Lawrah to do the same.

And it hurt his ego when she didn't.

Fuck him.

Ano pa itong itinatakbo ng isip niya?

Sinapo niya ang ulo upang pigilan ang sariling magmura.

"Isa pa'y anong kakaiba roon sa pag-inom niya ng pills eh totoo namang nakalalaki ng boobs iyong ginawa niya? Ang dami kong tropang pamintang-durog sa bayan na iyon ang ginagawa para tubuan ng dibdib. Ewan ko lang kung epektibo..."

Huminga siya nang malalim saka nag-angat ng tingin. Ibinaba niya ang mga kamay sa ibabaw ng bar saka pinagsiklop ang mga iyon sa baso ng alak na nasa kaniyang harapan. "You're right, Susie. I'm just overreacting again."

Bumungisngis muli ito. "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo at ganiyan ka kay Lawrah? Sa mga dati mong staff naman ay hindi ka ganiyan. Malibang pag-uusapan natin ang ipnapakita nilang interes sa 'yo ay hindi mo pinapansin ang trip nila sa buhay. Bakit pagdating kay Lawrah ay para kang... tandang na hindi mapakali?"

"Beats me, Susie." Wala sa loob na itinaas niya ang baso at inubos ang laman bago iyon ibinalik sa counter saka tumayo na. "I'm going ahead. Maaga pa akong bi-biyahe pauwi ng Asteria bukas kaya hindi na ako makakapagpaalam sa 'yo. Ikaw na ang... shit."

"Ako na ang tae? Ogag ka talagang bata ka–"

"No, Goddamnit." Inis niyang inihilamos ang mga kamay sa mukha. "I was going to say look after Lawrah, but I realized I shouldn't care that much about her. Damn it." Tumalikod siya at sa malalaking mga hakbang ay tinungo niya ang silid.

Si Susie ay sumunod, nakangisi. "Ay teka nga... Crush mo ba si Lawrah?"

Para siyang sasakyan na biglang nagpreno nang marinig ang huling sinabi ni Susie. Marahas niya itong nilingon. "Watch it, Susie!"

"Aba, eh ba't ka nagagalit?" Lumapad ang ngisi nito. "Totoo, 'no?"

"Not a chance! And don't you ever say that again lalo kung nariyan si Lawrah dahil–"

"Dahil magba-blush ka?"

"Oh, I hate you!" He knew Susie. Kapag hindi pa siya umalis doon ay hindi siya nito titigilan sa panunukso.

Susie had been in his life for... almost forever. She had been his nanny for so long. Silang magkakapatid ay may kani-kanilang nanny habang lumalaki dahil sa dami nila ay hindi sila maasikasong lahat ng ina. Si Susie ang nakatalaga sa kanila ni Tau-Tau, at dahil may PA naman si Taurence at siya ang mas naunang umalis ay sa kaniya sumama si Susie.

He was grateful for Susie's assistance and loyalty. She was like... his third mother.

Third because... he also had Felicia and the woman he gave birth to him.

At dahil parang ina na rin niya si Susie ay alam niyang wala siyang maitatago rito. Walang silbi na makikipagtalo siya, kaya mas mainam na umiwas na lang.

Besides... wala namang katotohanan ang sinabi nito. He didn't have a crush on Lawrah. Ano siya, teenager? He was just curious about her. That's all.

Not a crush. Just curious. Big fucking difference.

But then... Why was he so affected? Bakit siya umiwas at bakit siya hindi mapakali? Bakit siya naapektohan nang mapatingin sa... katawan nito.

Hell and damnation— these thoughts gotta stop!

"Ariston Ghold Zodiac, hindi ka man lumabas mula sa kepyas ko ay kilalang-kilala ko naman 'yang pagkatao mo." Si Susie ay hindi na maawat sa panunukso. "Aba'y kung ganiyang crush mo si Lawrah, bakit hindi mo ligawan nang sagayon ay makapag-asawa ka na't maligayahan na si Ma'am Felicia sa 'yo?"

Padabog siyang pumasok sa kaniyang silid saka pabagsak na inisara ang pinto.

Damn Susie.

Gagawa-gawa ng kwento.

*

*

*

WALA SI ARISTON AT UMALIS DIN SI SUSIE. Madilim pa lang ay umalis na si Aris dala-dala ang kotse nito habang si Susie naman ay nagpaalam na pupunta sa palengke upang makipagkita sa manliligaw nitong si Mando.

At sinamantala ni Lawrah ang araw na iyon upang patuloy na hanapin ang secret passage na siyang tanging daan patungo sa bahay ni Aris. Hiling lang ni Lawrah na sana'y hindi sarado ang daanan. Kung hindi'y mahihirapan na naman ito.

Lumabas si Lawrah at tinungo ang likurang bahagi ng property. Kailangan nitong makahanap ng exit point, at kailangang pag-aralan ang bawat sulok ng property ni Aris. Doon sa likod ay nakita nito ang roll up steel door ng garahe, at mataas na kongkretong pader na nagkukubli ng bahay ni Aris. Sa bahaging iyon ay wala ring kabahayan, tanging malawak at madamong bakanteng lote lang at maliit na kalsada ang nasa likurang bahagi ng property. Sa dulo ng kalsada, dalawampung metro mula sa nakasarang garahe, ay naroon na ang expressway.

Nang mapagtanto ni Lawrah na wala rin itong madadaanan sa likurang bahagi ay bumalik ito sa loob ay nag-ikot sa garden area. Huli nitong pinasok ang storage area at hinanap ang daan patungo sa garahe. Minsan nang sinabi ni Susie na doon matatapuan ang secret passage papunta sa garahe. Bawat sulok ay sinuyod ni Lawrah, subalit wala itong makitang pinto o kahit na anong daanan na magdadala rito sa likurang bahagi ng property.

Bagsak-balikat na pumihit si Lawrah pabalik sa pinto ng storage area. Naisip nitong sa susunod ay magmamanman na lang para mahuli ang eksaktong lokasyon ng secret passage. Sa susunod na papasok ng storage area si Aris ay pasekreto itong susunod. Baka iyon lang ang paraan para mahanap nito ang daan.

Hanggang sa...

Saktong paliko na siya palabas sa kaliwang sulok ng storage area nang may mapansin. Doon sa sulok na iyon ay may flower bed na gawa sa kahoy at may habang pitong talampakan. Nakuha ng flower bed na iyon ang pansin ni Lawrah dahil ang nakatanim doon ay halamang hindi pamilyar. Wala pang dahon, wala ring bunga. Pero mukhang mataba ang lupa at sagana sa fertilizer. Ang nakatanim na stem ay mukha ring malusog, at tila pinutulan sa gitna at dinugtungan ng ibang uri ng halaman. Dinugtong gamit ang cling wrap. Kinunutan ng noo si Lawrah at nilapitan ang flower bed saka niyuko. Masusing sinuri ng dalaga ang mga tanim. Hanggang sa lumagpas ang tingin nito sa mga iyon at tumutok sa pader na nasa likuran.

Doon tuwid na tumayo ang dalaga. Ang pader na nasa likuran ng flower bed na may kakaibang uri ng tanim ay kapareho ng pader na nasa likuran ng reception desk. Gawa sa kaparehong kahoy– kaparehong design.

Inikot ni Lawrah ang tingin sa paligid. Ang pader ng storage area ay gawa sa konkretong materyales, at ang bahaging nasa kaniyang harapan ay gawa sa uri ng kahoy na katulad sa kahoy na pader ng opisina ni Aris.

Ibig sabihin ay...

Wala sa loob na bumaba ang tingin ni Lawrah sa lupa. Ang bahaging iyon ay kapansin-pansing nakalubog– tila ba lagi iyong nadadaanan kompara sa ibang bahagi ng area.

Nang may mapagtanto ay lumapit si Lawrah at umikot sa likuran ng flower bed upang lalong suriin ang bahaging iyon. Unti-unting inilapit ni Lawrah ang isang kamay sa kahoy na pader, at bahagyang itinulak gamit ang mga daliri sa paraang katulad ng ginagawa ni Aris upang buksan ang pinto ng opisina nito.

At sa panlalaki ng mga mata ni Lawrah ay nakarinig ito ng click mula sa loob, kasunod ng awtomatikong pagbukas ng pader.

Tulad ng hinala ni Lawrah, iyon ang sekretong daanan patungo sa garahe.

Manghang pumasok si Lawrah, maingat ang bawat paghakbang dahil madilim sa loob. Huminto ito nang tuluyang nakapasok. Kinapa ng dalaga ang ilaw sa pader, at nang mahanap ay kaagad na binuksan. The bulb flickered before it fully opened.

At lalong namangha ang dalaga sa nakita.

Dalawang metro mula sa pinto ay may tatlong baitang na hagdan pababa. At ang nasa ibaba ay tila tunnel patungo sa kabilang dako ng property. Dahan-dahang humakbang pababa si Lawrah. It was basically just a tunnel down there. Nakapintura ng puti ang concrete wall at ang nasa kisame niyon ay nakahilerang mga ilaw. Mula sa puno ng hagdan hanggang sa dulo kung saan may isa pang hagdan paakyat sa kabilang panig ay may dalawampung metro ang layo. At sa tantiya ng dalaga, iyon na ang daan patungo sa garahe ng bahay ni Aris.

At kung su-swertehin ito ay baka... bukas ang daan papasok sa bahay ng amo.

And with that in mind, Lawrah took another step forward.

*

*

*

"YOU OKAY, MAN?" tanong ni Leonne nang lapitan ang nakatatandang kapatid na matapos mananghalian ay kaagad na umakyat sa ikatlong palapag ng bahay kung saan naroon ang gym area.

Si Aris na nakaupo sa weight bench at nakatanaw sa labas ng malaking bintana ay napalingon nang marinig ang kapatid.

"Hey. Wassup?"

Nagkibit-balikat si Leonne. Lumapit saka tumayo sa tabi ng kapatid. Inisuksok nito ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pantalon at itinuon din ang tingin sa malawak na palayan sa labas. "It's unlikely for you to come here after lunch. And it's unlikely for you to head here instead of Ma's greenery. You're acting weird today— are you okay?"

"I'm okay. What could go wrong?" Muling ibinaba ni Aris ang tingin saka dinala sa bibig ang hawak na tea cup..

Natuon doon ang pansin ni Leonne saka pinong ngumisi. "And this is the first time you drink tea after lunch."

"Come on, Leonne. Give me a break. People change, okay?"

"I know, I know. Hindi ko lang mapigilan na pagtak'han. Because... this isn't like you, man."

Napa-buntonghininga si Aris, nilapag ang tea cup sa tabi saka muling tiningala ang kapatid. "There's... this new employee in Ghold's Garden."

"The chinky one? Or that one who has braces but man... got poppin' ass like a black woman. I like the latter— she's a bombshell."

Napailing si Aris sa narinig mula sa kapatid. "This isn't like you, Leonne. Kailan ka pa nagsalita nang ganiyan?"

"Sabi mo nga, people change." Ngumisi ito bago hinila ang isa pang weight bench at doon naupo. "So, tell me about his new employee. Pinalitan mo na naman ba ang dalawang nabanggit ko?"

"Those two you were talking about were fired months ago. The chinita girl eloped with her boyfriend, while the girl with braces and a black woman ass tried to flirt with me so I kicked her out."

"Ooh, such a waste. If that was Lee's employee, he would have taken her to his bed the moment she showed interest."

"Magkaiba kami ni Lee pagdating sa patakaran namin sa mga tauhan. I can't do that with my employees— it feels like taking advantage of Susie. Or Nelly and Melay, or Aling Patty."

"Ah, I got your point." Ngumiti si Leonne, at nang sunod itong magsalita ay seryoso na ang anyo at tinig. "So, what's with your new employee?"

"She's..." Yumuko si Aris at pilit na hinanap sa isip ang tamang deskripsyon para kay Lawrah. "She's... different."

"How so?"

"She does my head in." Napa-buntonghininga muli si Aris saka ibinalik ang pansin sa labas ng salaming-bintana. "This isn't the first time that I hired someone... pretty. Pero ito ang unang beses na... naapektohan ako."

"Hmmm. So the new girl is pretty, huh?"

"No, she's actually... gorgeous."

"She is, huh?" Pinigilan ni Leonne ang sariling tuksuhin ang kapatid, pero nahimigan iyon ni Aris kaya napalingon ang huli rito at tinapunan ito ng masamang tingin. "What?"

"Don't tease. This isn't funny anymore."

"Well, we all know that you're the womanizer in this family, and hiring a pretty—no, a gorgeous— woman to become your employee is a dangerous move. Kung ayaw mong magkaroon ng interes sa empleyado mo, mag-hire ka ng lalaki o hindi kaya ay babaeng... hindi kagandahan."

"I prefer someone who has a pleasing personality because she's supposed to be welcoming my clients. Pero nagkataon lang din iyon; hindi ko inilalagay sa job requirements na kailangang maganda ang applicant. I mean... shit. Why are we talking about job requirements now?"

"Ewan ko sa 'yo." Ngumisi si Leonne. "Well, anyway. Mukhang hindi rin naman ang mga kiliyente mo ang nakikinabang sa ganda nitong bagong staff mo. It's you who gets the advantage— you get to satisfy your eyes. And wait." Kinunutan ito ng noo. "Are you really interested in her?"

"I guess." Aris let out a deep, frustrated sigh. "Otherwise, we wouldn't be talking about her right here and now."

"Okay, so tell me. What's she like?"

"Mysterious."

"Mysterious? Aren't you attracted to gorgeous women with boring personalities?"

"That's the point, Leonne. I don't like women who keep me guessing. I don't like women who have complex personalities. I just want them to be boring and or mediocre so I don't have to regret anything when it's time for me to cut ties. Gusto kong tapusin ang koneksyon ko sa kanila kapag nanawa na ako, at ayaw kong may panghihinayang akong maramdaman kapag nangyari iyon. And it benefits me a lot— I didn't have to commit to a single person. And I don't want to commit to a woman ever. I always want to explore and be out there, doing my thing as freely as a bird. Ayaw kong magkaroon ng malalim na interes sa isang babae dahil ayaw kong matali sa iisang babae lang. But with this new woman. She's... she's a mystery. She keeps bothering my mind. I have so many questions about her, there are so many things I want to know about her and her past. She's..." Tumigil si Aris at tila nalilitong hinanap sa likod ng utak ang salitang nais idagdag. "She's... not the type of woman who I normally get interested in, but she's someone I wanted to get to know more. And man, she's dangerously attractive. She never put on any makeup or wore any seductive clothes, but she's someone a man would offer everything he had just to get into her panties."

Napaubo si Leonne sa huling narinig.

Nagpatuloy si Aris sa seryoso pa ring tinig. "And to be honest, I hate the fact that she's my employee. But what I hated the most was the fact that she seemed to not care about... me."

"So, she's not attracted to Ariston Ghold Zodiac, huh?"

"No. Para lang akong blankong papel sa kaniya."

"And that hurts your ego."

"I hate to admit it, but yes. Big time. Kaya siguro ganito rin ka-tindi ang interes ko sa kaniya dahil pakiramdam ko ay hinahamon niya ang pagkalalaki ko."

"So, how do you intend to fix this... inappropriate situation?"

Doon muling napatingin si Aris sa kapatid. "You really think it's inappropriate?"

"Well, yes. You're the employer and she's your paid servant. Hindi sa minamata ko siya, but you get my point. At dati pa ay may patakaran ka nang hindi makipaglaro ng apoy sa mga empleyado mo. At this point, there are obviously just two options for you to choose from. One, you need to kick her out bago mo pa kagatin ang siko mo at bago pa mawalan ng respeto sa 'yo si Susie. Two, keep her employed but you need to haul your ass off the idea of getting into her panties. Which also means you need to stop whatever feelings you have for this new chick."

Muling huminga nang malalim si Aris, ipinatong ang mga palad sa magkabilang gilid, saka tumingala sa kisame. "I never said that I want to get into her panties..."

"But didn't you say she's someone a man would offer everything just to get into her panties? Just you having this thought proves how much you want to get her into your bed."

"Nah, that's not it—"

"Aris, we grew up together. I may not be your closest, but I know you too well." Tumayo si Leonne at dinala ang isang kamay sa balikat ng nakatatandang kapatid. "Kahit hindi mo sabihin ay kay dali mo namang basahin. You need to pick your poison, brother. And make it quick. Dahil sa nakikita ko ngayon sa 'yo, mukhang kaunting tulak na lang at mahuhulog ka na sa banging malalim."

Ilang sandali pa'y naiwan nang mag-isa si Aris sa malawak na gym area. Matagal itong tulala habang nakatingala pa rin sa kisame, at nang makabawi ay nagpakawala nang malalim na paghinga saka nagbaba ng tingin.

Tama si Leonne. Kailangan na ni Aris na magmadali sa pagpapasiya.

And he chose to fire Lawrah.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro