Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 011 - How Dare He (Excerpt)


"Sir Ariston Ghold."

Muling natauhan nang tawagin siyang muli ni Susie.

Napatingin siya rito, at nang makita ang labis na pagkalito sa mukha nito'y tuluyan na siyang nagising.

He let out a silent groan before dropping his body back to his seat. At dahil hawak pa rin niya ang tasa ng umuusok pang kape ay bigla iyong tumilapon sa kaniyang binti, dahilan upang mapauklo siya kasunod ng pagmumura.

Lalong nangunot ang noo ni Susie. "Naku, Sir, 'yang bibig mo, ha? Gusto mo bang mapalo kita?"

"Damn it, Susie, hindi na ako bata!"

"Aba, talagang magtataas ka pa ng boses?"

"Argh!" Inis niyang ipinatong sa ibabaw ng coffee table ang tasa saka tumayo. "I'm pissed!"

Namaywang si Susie. "Ako rin, galit na rin ako sa kasisigaw mo nang walang dahilan! Parang nabuhusan ka lang ng kape, ah?"

Akma niyang sasagutin si Susie nang marinig muli ang tinig ni Lawrah, "Sir Aris, okay lang po ba kayo?"

Sabay silang napalingon ni Susie sa dalaga. Bigla itong napabalik nang marinig ang palitan nila ng sigaw ng pinagkakatiwalaang kasambahay.

Muling nag-alburoto ang sistema niya nang makita si Lawrah– at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam siya ng init ng ulo nang mapatitig sa magandang mukha nito.

Ahh, shit. And now he's finding her even more beautiful.

Goddamn it.

Nag-uusok ang tengang humakbang siya paalis sa reception area at patungo sa hallway. Pilit niyang iniwasang mapatitig kay Lawrah habang humahakbang siya sa direksyon nito. At nang makalapit na siya sa kinaroroonan ng dalaga ay,

"Don't make me that coffee again." Then he walked past her.

Nagtuloy-tuloy siya sa paghakbang hanggang sa marating niya ang sariling bahay sa likod. Kung paano na lang niyang inihagis sa ibabaw ng minibar ang cellphone bago nagtuluy-tuloy sa kaniyang silid.

Sa isip ay sunod-sunod na minura ang sarili.

How dare his system react to Lawrah's smile?

How dare his body shiver by the thoughts of her?

How dare he find his new employee beautiful?

And how dare he get so interested in her?


**


FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP 

Pop me a message should you be interested to join in 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro