CHAPTER 010 - Danger Zone
"MAY IBINIGAY AKONG ANTI-BIOTIC KAY LAWRAH PARA HINDI MA-IMPEKSYON ang sugat niya," si Susie nang papasukin niya ito sa kaniyang silid nang gabing iyon. Naroon ito para ihatid ang mga bagong tuping damit niya.
"Good. Thanks for doing that." Humakbang siya pabalik sa couch na nakaharap sa glass wall ng kaniyang silid. Mula roon ay tanaw niya ang malawak na field na pumapagitan sa shop at sa bahay niya. Sa kabilang panig naman ng salaming bintana ay tanaw niya ang maliit na pond sa labas na naka-install sa gilid ng bahay. May waterfall feature ding naka-install sa konkretong pader– ang tubig niyon ay bumabagsak sa pond. Sa tagal na ring naka-install ang waterfall feature na 'yon ay tinubuan na ng lumot at local ferns ang pader— giving a forest effect. Sa kabilang bahagi ng pader na iyon ay ang bakanteng lote na katabi ng property niya. It was a tall wall that ensured no one would ever get in.
Patuloy pa rin sa pag-ulan at tuluyan nang sinakop ng dilim ang paligid. Naupo siyang muli sa couch na nakaharap sa glass wall. Ipinatong niya ang mga paa sa footrest saka muling itinuon ang pansin sa pond.
Nang marinig niya ang pagbukas ng reach-in cabinet niya ay sinulyapan niya ang repleksyon ni Susie sa salaming bintana. Isa-isa na nitong inisisilid doon ang mga bagong tuping damit niya.
"Tumigil na ba ang pagdurugo ng sugat niya?" tanong niya makaraan ang ilang sandali.
"Nadugo pa rin pero hindi naman sobra. Nabanggit niyang malalim ang sugat, at sa tingin ko'y kailangang tahiin para maisara. Maya't maya rin ay nagpapalit siya ng Band-Aid. Tig-tatatlo pati ang ginagamit. Buti na nga lang 'ka mo't may antibiotic pa roon sa medicine cabinet. Tinawagan ko na rin si Ma'am Calley para itanong kung pwede niya tayong maresetahan ng para sa sugat ni Lawrah. Ayaw din kasing pumunta sa doktor, maliit na sugat lang naman daw kasi."
Inalis niya ang tingin sa repleksyon ni Susie at muling pinagmasdan ang pagbagsak ng tubig mula sa waterfall feature ng pader patungo sa pond.
"Just watch over her for me, Sus," aniya. "Hindi siya sanay na humingi ng tulong sa iba kahit na nahihirapan o nasasaktan na siya. I don't know what to make of her, pero tayo lang ang kasama niya rito kaya tayo lang ang pwedeng tumulong sa kaniya. Plus, it was my fault."
"Eh bakit nga kasi nasugatan mo iyong tao? Hindi ka naman balasubas kung kumilos. Sa inyong magkakapatid, ikaw ang mahinhin. Magkaganoon man ay ikaw rin ang may pinakamaraming tsiks."
"Lagi mo na lang inisisingit ang mga babae ko sa usapan kahit wala namang koneksyon, Susie."
"Eh, ano nga ang nangyari?" Tatawa-tawa ito.
Napabuntonghininga siya saka inisandal ang sarili sa couch. "You don't need to know."
Yeah. Susie didn't need to know. Dahil kapag nalaman nito ang dahilan kung bakit nangyari iyon kay Lawrah ay dalawa lang ang magiging reaksyon nito:
Pagtatawanan siya dahil iba sa inasahan at nakasanayan ang nangyari.
O... madidismaya ito sa kaniya.
"Aba, bakit hindi ko dapat malaman kung ganitong sa akin mo siya inihahabilin?"
"I was in a hurry, okay? I pulled the wooden stand away from her, not knowing that she was still holding onto it. There."
"Kuuu. 'Yon naman pala, eh. Bakit kailangang i-sekreto?" Lumapit si Susie at nahinto sa likuran ng couch. May inabot itong sweater sa kaniya. "O, heto. Malamig ang panahon kaya magsuot ka ng jacket ngayong gabi. Sinabi ni Lawrah na nabasa ka ng ulan kanina habang nagta-trabaho sa garden. Tsk, baka ubuhin ka bukas n'yan dahil naulanan ka matapos mong pagpawisan. H'wag ka munang matulog nang nakahubad ngayon, ha? Mahina pa naman ang baga mo."
"Hindi na ako bata, Susie."
"Alam ko. Kaya sundin mo na lang ang sinabi ko dahil masyado ka na ring matanda para paluin."
He could only smile at Susie's strictness. Tumayo siya at sinunod ang sinabi nito.
Nang maisuot ang swaeter ay muli niya itong binalingan.
"Lawrah's really weird, Sus."
"Ano'ng bago roon, Sir?" Napabungisngis ito at binalikan ang ginagawa. Ang mga pantalon naman ang sunod nitong ipinasok sa closet.
"No, I just realized she was more than just what we already know."
"Ayan ka na naman, may pa-riddle-riddle ka na namang nalalaman, eh."
He growled in annoyance. "It's because I can't find the right words to explain why. She's just... an odd woman."
"Ano ba kasi ang napansin ninyong bago sa kaniya?"
"That's the point. Hindi ko maipaliwanag kung ano. Pero araw-araw na lang ay may nagbabago sa kaniya. Araw-araw na lumalalim ang misteryo sa kaniya. Kanina ay may sinabi siya tungkol sa pagkatao niya. Na ganoon na raw talaga siya at doon siya komportable. But I know she's lying— and she's hiding something."
"Alam mo, Sir, may nagbago rin sa 'yo."
Kinunutan siya ng noo. "What?"
Humarap si Susie at nakangising nagsalita, "Ito ang unang beses na may babaeng pinag-iisip ka. Masyado kang hindi matahimik, masyado kang interesado. Ano'ng trip mo?"
"Well, she's different and she isn't normal!"
"Sa ano'ng paraan?"
"She stared at my body today."
Sandaling natigilan si Susie bago muling bumungisngis. "Palundag-lundag ka ng kwento."
"No, Susie, listen. The reason why I was so curious about her is because of her nonchalance. Nasisiyahan man siya o nasasaktan o nahihirapan o namamangha— 'pag tiningnan mo ang mukha niya ay parang wala lang. Just today, she stared at my body with an empty face. Not once but twice. Una ay noong tinawag ko siya para tulungan ako. Pangalawa ay noong nabasa na ako ng ulan at tinulungan siya sa sugat niya. Sinuyod niya ng tingin ang buo kong katawan pero ang mukha niya'y blangko lang. Alam mo 'yong para lang siyang nakatingin sa isang blankong papel?"
"Inasahan mong magpapakita siya ng paghanga? O 'di kaya ay pagnanasa tulad ng ibang mga babaeng naglalaway sa ka-macho-han ninyo?"
"No, not really." Umiwas siya ng tingin.
"Kung ganoon ay bakit ganiyan ang reaksyon ninyo? Hindi ba't magandang senyales iyon kung ganoon si Lawrah? Patunay lang 'yon na sa wakas ay nakahanap tayo ng staff na hindi maglalaway sa katawan ninyo."
Damn it, Susie was right.
Sa wakas ay nakahanap sila ng staff na hindi naglalaway sa kaniya.
Ang problema ay mukhang baliktad naman ngayon ang nangyayari.
"Bakit kasi hindi na lang lalaki ang kinuha ninyong staff para wala tayong problema, eh."
"Gah. You already know why I don't like hiring men. They are troublesome and are tough to teach. Tsk. Don't digress from the topic, okay? I'm trying to talk to you about Lawrah."
"Ano ka ba, Sir. Bakit ba masyado ninyong binibigyang kahulugan iyong bawat kilos ni Lawrah? Alam naman na natin na may kakaiba sa kaniya, at iyon ay dahil nga sa trauma na naranasan niya sa nakatatanda niyang kapatid. Ano'ng malay natin, simula pa noong bata sila ay minamaltrato na siya ng lalaking iyon? At kung ganoon man, baka doon natuto si Lawrah na itago ang totoong nararamdaman. Dapat nga ay maawa tayo sa kaniya kaysa itong tinatawag ninyo siyang hindi normal."
Napabuntonghininga siya at muling ibinagsak ang sarili sa couch. Sunod ay ipinatong niya ang siko sa armrest saka nakangalumbabang itinuon ang tingin sa labas. "You know, Sus, I think you're right. Dapat ay makampante na lang ako ngayon dahil napatunayan kong hindi magkakaroon o magpapakita ng interes sa akin si Lawrah. It's tested and proven now. She wouldn't lose her job if she keep it that way."
Yes, okay. He would keep Lawrah.
Dahil tama si Susie. Hindi si Lawrah ang problema. Hindi rin ang pagiging kakaiba nito ang problema.
Siya.
Siya ang problema.
At kailangan niyang ayusin ang sarili pati na ang takbo ng kaniyang isip para bumalik na siya sa normal. Otherwise, he would be stepping over his rules.
And that was something he wouldn't allow to happen.
Madidismaya si Susie.
Pagtatawanan siya ng mga kapatid.
Mapapahiya siya kay Lawrah.
Okay. Starting tomorrow, I'll calm my ass down. I need to keep myself in place– no stepping out of the boundary. No breaking the rules.
Huminga siya nang malalim saka ipinikit ang mga mata.
Subalit sandali lang dahil muli rin siyang nagmulat saka tumingala sa kisame upang doon makipagtitigan.
Why?
Because Lawrah's emotionless face slowly materialized in his thoughts the moment he closed his eyes.
Ahhh, shit. Why the fuck is she in my head?
*
*
*
DALAWANG ARAW NA NAKASARA ANG SHOP DAHIL SA MALAKAS NA BAGYONG pumasok sa bansa. Dalawang araw din na nagkulong si Aris sa bahay nito. Kapag ganoon ang panahon ay hindi rin ito makalabas dahil ayaw nitong iwan ang shop nang si Susie lang.
Paano kung magbara ang drainage at bahain ang garden?
Paano kung pumasok ang tubig sa storage area at bahain ang passage way niya papuntang garahe?
Paano kung sa sobrang lakas ng hangin ay palirin ang mga halaman?
Although he knew flooding was impossible in his property, he still couldn't put his mind to peace.
Kaya kahit naroon lang siya sa bahay niya'y nakabantay naman si Susie sa shop. Naroon lang ito sa receiving area at nanonood ng telebisyon habang binabantayan ang panahon sa labas.
Makalipas ang dalawang araw ay tuluyan nang lumabas ang haring araw. Nagpasiya siyang buksan ang shop sa araw na iyon at ilabas ang mga halamang ini-tabi niya sa storage area.
Alas siete na siyang lumipat sa kabila, at mula sa reception area ay natanaw niya si Lawrah sa labas, nakatalungko sa harap ng isa sa mga halamang naka-hilera sa tabi ng footwalk at tila may malalim na iniisip.
Napailing siya nang makita ito.
Salamat sa dalawang araw na pagkukulong niya, nabawasan na ang pagka-praning niya at unti-unti na rin siyang bumabalik sa ayos. Tuluyan na niyang inalis sa isip ang tungkol sa parte ng katawan ni Lawrah na nakita niya, pati na ang malalim na kuryosidad na mayroon siya para rito. And now he's ready to face her again– without malice or that awkward feeling.
"Kumusta na ang sugat sa kamay mo?"
Napalingon si Lawrah nang marinig siya. Napatingala ito at tulad ng dati ay walang ekspresyon ang mukhang sumagot, "Magandang umaga, Sir Aris. Medyo magaling na po ang sugat ko."
Pilit niyang iniwasan na mapatingin nang matagal sa mukha nito. Ibinaba niya ang tingin sa bagay na kumuha sa pansin ng dalaga.
Nakapilang mga langgam sa lupa.
Muli siyang napailing.
How can Lawrah be so magnetically mysterious yet childlike at the same time?
Ibinalik niya ang tingin dito nang muli rin itong nagbaba ng tingin. "You're not jumpy today. Hindi ka nagulat nang marinig ako."
"Narinig ko po ang pagbukas ng sliding door."
"Oh, I see." Sa loob ng ilang segundo ay pareho silang tahimik na nakatingin lang sa mga langgam– ang iba sa mga roon ay may bitbit na kulay puting pagkain sa likuran. Ang iba'y nakasunod lang sa pila, at mayroon ding mga nawawala sa linya.
Napasulyap siyang muli sa dalaga. "Let Susie know if you feel more pain. Masyadong malaki ang hiwang ginawa mo sa palad mo para lang matanggal ang maliit na parte ng kahoy na iyon. Sinabi ni Susie na ilang beses niyang ini-suhestiyon sa 'yo na ipatahi ang sugat pero nagmatigas ka raw."
Ibinabang muli ni Lawrah ang tingin sa palad nito. Napasulyap din siya roon at nakita ang bandage na ipinag-takip nito roon.
"Wala po ito sa ibang mga naging sugat ko. Malayo sa bituka." Ibinaba ni Lawrah ang kamay saka muling ibinalik ang pansin sa mga langgam.
Ipinangako niya sa sariling hindi na siya magpapakita ng kahit na anong interes tungkol sa buhay si Lawrah kaya nagpasiya siyang palampasin ang sinabi nito tungkol sa ibang mga sugat. Itinutok din niya ang tingin sa nakapilang mga langgam hanggang sa muli siyang nagsalita,
"What's with the ants?" And why the hell am I still here asking this question?
"Nakapagtataka lang po na sa tuwing natatapos ang ulan ay kay raming mga langgam ang lumalabas mula sa lupa."
"They're looking for a new home, Lawrah. Isa ang mga langgam sa mga insektong lumalabas pagkatapos ng malakas na ulan, simply because they need to look for a new colony. Siguradong binaha ang dati nilang lungga kaya sila nag-alsa balutan."
"Bakit?"
Napatingin siyang muli kay Lawrah nang marinig ang tanong nito. "Ano'ng bakit?"
"Bakit kailangan nilang maghanap ng ibang lungga? Hindi ba mahirap sa kanilang lumipat at gumawa ulit ng bagong lungga? Aabutin sila nang mahabang panahon para makabuong muli."
"Hindi na sila pwedeng manatili sa kung saan sila binaha, Lawrah. They have to find a new place– higher ground if possible– so they don't get flooded again. Besides, their colony must have been wrecked by the rain. Mas maiging maghanap sila ng bagong pagtatayuan ng lungga kaysa ang ibalik ang dati nilang lungga na muli lang ding babahain at sisirain ng ulan." Hindi niya maintindihan kung bakit siya nakikipag-usap dito ng tungkol sa mga langgam. Naroon lang naman sana siya para itanong kung kumusta na ang sugat nito at para ilabas ang sign sa gate na nagsasabing naka-bukas na ang garden.
Plus, he shouldn't be spending such time with Lawrah. Not after those incidents two days ago.
"Hmm." Ipinatong ni Lawrah ang mga braso sa mga tuhod saka ibinaba ang ulo roon. She placed her chin over her arms in a childlike position before saying, "Sana ay katulad din ng mga langgam ang tao. Isang sakuna lang at kaagad na lumilisan para maghanap ng bagong simula. Hindi na sila naghihintay na maayos pang muli ang dati nilang tirahan. Bagkus, umaalis sila at naghahanap ng mas mataas na lugar para hindi na sila muling magdusa"
His forehead furrowed at the depth of Lawrah's message. Napatitig siyang muli rito, at sa muli niyang pagsulyap sa dalaga ay kaagad na nabaling ang kaniyang tingin sa mahaba nitong buhok na sumayad sa lupa sa pagkakayuko nitong iyon.
"Your hair's touching the ground," he told her.
Pero wala na sa kaniya ang pansin ni Lawrah. Nanatili itong nakatunghay sa mga langgam sa lupa. Tila ba ang isip nito'y napunta na sa ibang dimensyon matapos ang mga binitiwang salita.
At nang mapagtanto niya iyon ay kusang kumilos ang kaniyang katawan. He took his hands out of his pockets and bent down to reach for her hair. Banayad niyang hinawakan ang buhok nito na ikinagising ng diwa ni Lawrah.
At sa kaniyang pagkamangha ay bigla itong napa-igtad kasunod ng pag-atras dahilan kaya nawalan ito ng panimbang at napa-upo sa sementadong footwalk.
He repelled back, kaagad niyang binawi ang kamay at itinaas ang mga iyon sa ere– upang ipagbigay-alam dito na wala siyang balak na masama.
Shit. Dapat kasi ay hindi na siya nagtagal doon.
Si Lawrah naman ay kaagad na nakabawi sa pagkabigla. Mabilis itong tumayo, pinagpagan ang pang-upo saka payukong nagsalita, "P-Pasensya na po."
"No, don't be." Ibinaba niya ang mga kamay. "Nakasayad sa lupa ang buhok mo kaya ko itinaas. I tried to tell you."
Umiwas ng tingin sa Lawrah. "H-Hindi ko po kayo narinig..."
"That's fine." Napatingin siya sa dulo ng mahaba nitong buhok, at nang may nakita siyang dumi na kumapit doon ay nag-akma siyang itaas muli ang kamay upang kunin iyon nang muling napa-atras si Lawrah.
Kinunutan siya ng noo nang may mapagtanto. "Did you... have a traumatic experience about it? You looked scared when I touched your hair."
Shit. Ano'ng klaseng buhay ba mayroon dati si Lawrah?
And double shit— why was he getting so interested again?
"W-Wala po, Sir Aris."
He tsked in his mind.. Ano pa nga ba ang inaasahan niya? Lawrah wouldn't tell him anything. Laging... 'wala po', 'hindi po', 'okay lang po' ang nakukuha niyang sagot dito na ikinaiinis niya.
Why, he had no idea..
Para siyang nagbabasa ng isang mystery-crime thriller book na nanghuhula kung sino ang kriminal at kung ano ang katapusan.
Pero dapat ay sumuko na siya. Dapat ay tigilan na niya itong pangingialam niya. Siya rin ang nababaon, eh. Siya rin ang hindi mapakali kaiisip kung ano ang mayroon dito. At kapag hindi pa talaga siya tumigil ngayon ay muli na naman siyang kakainin ng kuryosidad niya.
He was a mess two days ago. He didn't want to go through that anymore.
"Nakapag-pasiya ka na ba kung tatanggapin mo ang alok ko tungkol sa therapy?"
Si Lawrah naman ngayon ang nagpakawala nang malalim na paghinga. "Salamat sa suhestiyon, pero sa tingin ko ho ay hindi ko kailangan ng therapy. Hindi naman po naaapektohan ang trabaho ko sa pagiging magugulatin ko, at wala naman pong customers na nagreklamo tungkol doon. Pag-iigihan ko po ang trabaho ko, Sir Aris, kaya wala kayong kailangang ipag-alala. At... uulitin ko po. Ganito na po talaga ako. Hindi po therapy ang kailangan ko kung hindi ang... tiwala ninyo."
Unti-unti niyang pinakawalan ang paghinga. "Fair enough," he said. "Kung maipapangako mong hindi maka-aapekto sa trabaho mo ang kakaiba mong pagkatao, I guess I'll just have to live with it."
Hindi na niya hinintay na magsalita ito. Nilampasan niya si Lawrah saka siya naglakad nang tuloy-tuloy patungo sa gate.
Hindi niya kayang manatili sa harapan ng dalaga nang hindi tumititig nang matagal sa mukha nito.
Because right there and then, he realized something again.
Lawrah had a dangerous face.
And he wasn't stupid enough to get into that danger zone and risk everything.
At least not yet...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro