Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 005 - Safe With Him


MATAPOS NIYANG LAGYAN NG PETROLEUM JELLY ang napasong balat ay nagpalit siya ng mas maluwag na blusa upang hindi dumikit ang pinahid niyang jelly sa tela. Ang jelly na iyon ay ibinigay sa kaniya ni Susie.

Kung tutuusin ay hindi naman talaga malala ang paso niya. Totoong mainit ang kape at naparami ang natapon sa kaniyang balat. Mahapdi iyon nang bago pa lang, pero sapat na ang pagdampi niya ng tubig doon kanina para matanggal ang hapdi.

Hindi kailangan ng petroleum jelly.

Masyadong lang nag-overreact sina Aris at Susie.

At totoo ang sinabi niya kanina. Sanay na siyang mapaso, sanay na siyang masaktan. Hindi na bago sa kaniya iyon.

Ilang beses na ba siyang napaso noon sanhi ng plantsa na sadyang idinikit ni Dexter sa balat niya upang parusahan siya? Hindi na niya mabilang. Nakamarka sa kaniyang binti ang katotohanang iyon. Maliban pa roon ay ilang beses na siyang nilatigo sa likod para... para maisakatuparan ang makamundong pagnanasa sa kaniya.

Kaya naman totoong balewala sa kaniya ang sakit at hapding dala ng mainit na kape.

Wala iyon.

Maliit na bagay.

Matapos niyang magbihis ay muli siyang lumabas ng kaniyang silid bitbit ang malaking lagayan ng petroleum jelly. Dinala niya iyon sa banyo at ibinalik sa vanity cabinet na nasa ibabaw ng sink. Hindi niya kailangan iyon. Pinagbigyan lang niya kanina si Susie.

Matapos isara ang vanity cabinet ay sinulyapan niya ang sarili sa salaming nasa ibaba niyon. Matagal niyang pinagmasdan ang sarili, at habang nakatitig siya sa walang ka-emo-emosyon niyang mukha ay biglang pumasok sa isip ang mga sinabi kanina ni Ariston Ghold.

Always be gentle with your body, most especially your skin, Lawrah.

Some people judge a woman for their skin; may ilang kultura na hindi tumatanggap ng babaeng pakakasalan kung may kaunting paso sa katawan.

Hindi niya napigilang mahabag sa sarili. Mukhang hindi nga siya makahahanap ng lalaking tatanggapin siya bilang sa kung sino at ano siya.

Dahil balat pa lang niya ay hindi na katanggap-tanggap.

Nagpakawala siya nang malalim na paghinga bago nagbaba ng tingin at tumalikod. Lumabas siya sa banyo at humakbang patungo sa receiving area upang maghanda na sa unang araw ng trabaho niya.

Binaybay niya ang hallway, at habang nasa kalagitaan siya ng kaniyang paglalakad ay bigla siyang nahinto nang sumilip mula sa gilid ng pader si Ariston Ghold.

"Kumusta na ang paso mo?"

Sandali siyang nahinto at napatitig dito. Nakasandal ito sa wooden wall sa likod ng reception desk at tila sadyang hinihintay ang paglabas niya.

Humugot muna siya nang malalim na paghinga bago itinuloy ang paglalakad. Nang marating ang malawak na waiting area ay saka niya hinarap si Aris na nanatiling nakasandal sa pader at nakasuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pantalon.

Payuko siyang nagsalita, "M-Marami pong salamat kanina at... pasensya na rin sa abala."

Matagal siya nitong tinitigan, tila pinag-aaralan.

Doon bumangon ang kaba niya sa dibdib.

Ayaw niya ng ganoon. Ayaw niya ng ginagawa ni Aris. Pakiramdam niya'y mabubuking siya. Pakiramdam niya'y mababasa nito ang nasa isip niya.

"Okay..." anito makaraan ang ilang sandali. Bahagya siyang napa-igtad doon sa hindi rin niya maipaliwanag na dahilan.

Si Aris ay umalis mula sa pagkakasandal at lumabas mula sa reception area upang lapitan siya. Napatingala siya nang huminto ito sa kaniyang harapan.

Napalunok siya.

Dalawang dipa lang ang pagitan nila at hindi siya komportable.

Lagi siyang hindi komportable sa tuwing may lalaking lumalapit sa kaniya, kaya hindi na bago ito.

Ang bago ay... ang presensya ni Ariston Ghold.

Masyadong malakas.

"Tell me, Lawrah. Why are you so nervous?"

Napayuko siyang muli. At sa banayad na tinig ay, "N-Naninibago lang po siguro ako–"

"Maybe. Pero bakit pakiramdam ko'y lagi kang may pangamba na hindi ko maintindihan. Marinig mo lang akong nagsasalita ay napapa-igtad ka na. Are you scared of me?"

"Iniisip po ninyong... takot ako sa inyo kaya ako nagugulat?"

"Iyon lang ang naiisip kong dahilan."

Pinilit niyang salubungin ang mapanuri nitong tingin. "H-Hindi po ako... takot sa inyo, Sir."

Ang seryosong anyo ni Aris kanina ay biglang lumambot. "That's good to know. Naisip ko lang na baka may hindi ka magandang karanasan sa dating mong trabaho– o sa dati mong employer– kaya ka ganito. I'm sorry to ask this, pero lagi ka bang nasisigawan noon?"

Lihim siyang napabuntonghininga. "Hindi naman po, Sir."

"Well then, sa bahay ba ninyo? Were your parents abusive towards you?"

Umiling siya.

At lihim siyang muli na nahabag sa sarili.

Pero inalis niya sa dibdib ang simpatyang nararamdaman at pinanatiling blangko ang ekspresyon. Gusto niyang papaniwalain ang kaharap na totoo ang mga sinasabi niya. Na okay lang siya. Na wala siyang trauma.

Ayaw niyang isipin ni Aris na praning siya o may deperensya. Ayaw niyang mapaalis siya nang dahil doon.

Kailangan niyang ayusin ang sarili. Kailangan niyang maghanap ng dahilan.

"Pasensya na po, Sir. B-Bigyan ni'yo pa po ako ng pagkakataong makapag-adjust. Hindi po kasi ako sanay na... lalaki ang employer. Isa pa ay... tahimik po kayong maglakad. Hindi ko po naririnig ang mga hakbang ninyo kaya... hindi ko namamalayan na may kasama ako. Saka bigla na lang po kayong sumusulpot, at bigla ko na lang maririnig ang tinig ninyo–"

"That was earlier, but before that, you were already jumpy. At kahit magkaharap tayo ay natutulala ka't biglang napapaigtad kapag nagsasalita ako. I am sorry to say this, Lawrah, pero kung madali kang magulat nang ganiyan at kung lagi kang matataranta, I don't think I'd keep you here. I need someone who's confident and is not jumpy. Ayaw kong isipin ng mga kliyente ko na minamaltrato kita kaya ka ganiyan."

"Kaya ko po," mabilis niyang tugon. "Unang araw ko pa lang naman po at naninibago pa ako. Bigyan niyo lang po muna ako ng... pagkakataong masanay sa inyong dalawa ni Ate Susie at makapag-adjust dito sa shop. Alam kong kalaunan ay masasanay din po ako. At..." Napayuko siya at napakaga-labi. "Sana po ay hindi kayo biglang sumusulpot at nagsasalita. Nakakagulat po kasi ang... presensya ninyo."

"Okay, fair enough. I'll give you enough time to adjust and get used to us." Pino itong ngumiti saka muling tumalikod. Bumalik ito sa likod ng reception desk at may kinuha sa ilalim ng counter. "I'll give you a week to get used to your surroundings. At kahit sinabi mong hindi ka natatakot sa akin, gusto kong malaman mo na hindi ako masamang tao at wala akong gagawing masama sa iyo. Wala kang kailangang ipagbahala. I also can't change the way I move or walk. It's just me, Lawrah. Tahimik akong kumilos."

Kung ganoon ay mahihirapan ako sa iyo...

"Okay, so are you ready to start your training?"

Tumango siya.

"Come here, then. Ituturo ko sa 'yo ang mga kailangan mong gawin sa araw-araw. We've prepared a manual for you to read kaya pahapyaw ko na lang na ipaliliwanag ang mga gawain mo." Inilapag ni Aris ang mamahaling laptop sa ibabaw ng counter. "First thing's first. Alas-otso ng umaga nagbubukas ang shop pero tulad ng sinabi ko kahapon, alas sais pa lang ay nasa opisina na ako. You should wake up at around 6 or 7 to prep, and start working by 8am. Hindi mo na kailangang magwalis sa waiting area dahil nililinis ni Susie ang buong shop bago siya matulog sa gabi. All the cleaning and cooking are Susie's thing, and she didn't really like people messing her tasks up. Kaya ibigay mo na lang sa kaniya ang paglilinis. All you need to do by 8am is to check the emails. Doon pumapasok ang mga orders, at kailangan mong i-record ang bawat order sa database ng shop. Bago mag-alas dies ay tapos na dapat ang lahat ng emails. It's the busiest hour in the morning, and people start coming in. Kung abala ako sa ibang mga customers, your job is to entertain the waiting clients."

"E-Entertain?" Napakurap siya. Gusto niyang liwanagin nito ang ibig sabihin doon.

Dahil ibang entertainment ang alam niya.

Sa maraming pagkakataon, nangyayari iyon nang nakahubad.

Siya.

"Basically welcome them, ask them for a drink – water, coffee, juice, tea, whatever. We have everything in the kitchen, and Susie prepares them. Other than offering drinks, you should provide our clients with something they could read, or just basically talk to them. That's what I meant."

Oh.

Buti naman at hindi ko kailangang mag-hubad.

Sa huling naisip ay napaungol siya.

Syempre, hindi niya kailanganag mag-hubad. Wala siya sa garden ni Eva at Adam.

"May ilan sa mga customers ang magtatanong sa iyo tungkol sa mga halaman, and I don't require you to be expert about them, but I would appreciate if you learn a few things. Kaya naman..." Sunod na inilapag ni Aris ang isang makapal na libro sa tabi ng laptop. "Narito sa libro na ito ang lahat ng uri ng mga halamang ibinebenta natin dito sa shop. From flowering to creeping plants– we have everything. You can just skim through the book, hindi mo kailangang i-memorise dahil ako pa rin naman ang makakausap nila kapag nais na nilang um-order. Pwede mo ring hanapin dito sa database ang uri ng halamang nais nila. You will find everything on our database with pictures of each plant."

Tumango siya, pilit na tinandaan ang mga sinabi nito.

Kailangan niyang seryosohan ang trabaho dahil hindi niya alam kung gaano ka-tagal siyang mananatili roon. Kadalasan, kapag pinadadala siya ni Dexter sa mga targets, ay umaabot lang siya ng dalawang linggo hanggang isang buwan bago maisakatuparan ang misyon niya. Sa pagkakataong ito, alam niya... nararamdaman niyang mahihirapan siya kaya inihanda na niya ang sariling magtatagal sa lugar.

Sunod na inilagay ni Aris sa ibabaw ng makapal na libro ay ang isang folder.

"Here's the manual that will guide you. Narito na rin ang mga passwords na kailangan mo sa pag-login sa database at inventory site. Everything you need to know about your job is in the manual, too. It could be a little overwhelming, but I'm just in my office if you need something." Sinulyapan nito ang wristwatch. "The shop will open in one hour. You have enough time to read the manual. Pagkatapos mong magbasa ay saka mo buksan ang database. Nasa manual na rin ang mga instructions kung ano ang kailangan mong gawin. Basically... the manual is your mentor."

"N-Naiintindihan ko po, Sir."

"Okay then, I'll be in the garden should you need anything. My babies are waiting for me."

Hindi niya napigilan ang pagkunot ng noo.

Bahaw na natawa si Aris sa naging reaksyon niya. "I mean, my plants and flowers. They are my babies."

"Ahh..."

Ngumiti ito at umalis na mula sa reception area. Inisuksok nito ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pantalon at sandaling nahinto sa kaniyang harapan. "If you get too stressed, don't hesitate to take a break. Come out and stroll in the garden. It is a magical place that would surely ease all your worries."

Tango lang ang inisagot niya.

"You're not the smiling type, are you?"

"P-Po?"

"I haven't seen you smile."

Napakurap siya. "H-Hindi po ako palangiti."

Sa sinabi niya'y napangisi si Aris. At sa pagkagulat niya'y itinaas nito ang isang kamay saka dinala sa kaniyang balikat. Banayad siya nitong tinapik doon bago nagsabing,

"Well, if you're welcoming our clients, you must smile. Learn how to do it, alright?"

Hindi na siya nakasagot pa nang ibaba na nito ang kamay saka itinuloy na ang paghakbang hanggang sa tuluyang makalabas ng shop. Lumingon siya upang sundan ito ng tingin, at sa labas ay nakita niya ang pagsalubong ni Susie rito bitbit ang water hose. Nililinis ni Susie ang footwalk gamit ang tubig, at dinidiligan din ang mga halamang nakahilera roon. Sandaling nag-usap ang dalawa hanggang sa mag-umpisang humakbang at mawala sa likod ng mga nagtataasang outdoor plants.

Napabuntonghininga siya. Itinaas niya ang isang kamay at dinala sa balikat na sandaling hinawakan ni Aris kanina.

Mabuti siyang tao, bulong niya sa isip. Sana ay mapatawad niya ako sa gagawin ko sa kaniya...

*

*

*

MAKALIPAS ANG APAT NA ARAW AY tuluyan nang nagamay ni Lawrah ang mga trabaho. Hindi na rin naman bago rito ang pag-gamit ng laptop sa kabila ng hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil lumaki itong may gamit na computer sa dati nilang bahay at sa pinasukang international school.

Lawrah Isbell was far from ignorant. She wasn't naive either, but she had to act like one to deceive a target.

She was intelligent and sharp.

Just traumatized and manipulated.

And Lawrah couldn't change that. Unless she could persuade Dexter to let her go so she could leave her life the way she wanted. But before that, she needed to trap Aris and take everything she could to compensate for her freedom.

"Heto po ang official receipt. Ayon po kay Sir Aris, maide-deliver ang order ninyo bukas ng hapon. Nasa resibo po ang contact details ng courier. Thank you po for your purchase," magalang na wari ni Lawrah nang i-abot na nito ang printed receipt ng huling customer sa araw na iyon. The customer purchased a monstera obliqua plant imported from Central America– at nanlaki ang mga mata ni Lawrah nang makita ang halaga niyon mula sa database.

"Thank you," nakangiting sambit ni Mrs. Alfonzo; asawa ng isang mayamang businessman na ginagawang hobby ang pangongolekta ng mamahalin at exotic plants.

Napag-alaman ng dalaga na karamihan sa mga halaman at bulaklak na naroon sa Ghold Gardens ay nagmula pa sa iba't ibang kontinente, at nagkakahalaga ng malaking salapi. Those plants are worth more than what she stole from their previous targets. Naisip ng dalaga na pwede nitong tangayin nang paunti-unti ang mga halaman at iyon na ang ibenta, pero sa huli'y dinismisa rin nito ang ideyang iyon dahil malibang wala silang kilalang mga tao na mapagbebentahan at wala silang koneksyon, ay siguradong mapapansin ni Aris ang unti-unting pagkawala ng mga halaman nito.

Because these past four days, Lawrah realized that Aris was so obsessed with his plants, that he would easily notice if one of them was missing a leaf.

Ganoon ito ka detalyado. Ganoon ito ka-metikuloso pagdating sa mga halaman nito.

Besides, Dexter wouldn't want that.

Dexter wanted more value than just a mere plant.

Something like... a jewelry box, bank savings access, and or a land title.

Dexter wanted something worth a million folds. At least dito sa bago nilang target na si Ariston Ghold...

Ayaw ni Dexter ng maliit na halaga lang sa pagkakataong ito dahil ito na– ayon dito– ang huling beses nilang gagawin ito. Kaya naman nais nito ng mas malaki.

At ibibigay iyon ng dalaga.

Kapalit ng hihingin nitong kalayaan mula sa manipulasyon.

"Is Ariston still on the phone?" pukaw ni Mrs. Alfonso sa natutulog na diwa ni Lawrah.

"A-Ah, yes po. Nasa opisina pa rin po siya."

Tumawag ang isa sa mga suppliers mula South America at alam ni Lawrah na kapag ganoon ay matatagalan si Aris. Saktong natapos ang transaksyon nito kay Mrs. Alfonso nang tumunog ang wireless phone.

"Well then, I guess hindi na ako makakapagpaalam sa kaniya."

"Sasabihin ko pong umalis na kayo."

"Thank you, hija. And oh, I hope to see you again next month. Tuwing pumupunta ako rito ay nag-iiba ng staff ang Ghold's Garden."

Tumango si Lawrah at umalis mula sa likod ng reception desk upang igiya na sa labas ang ginang. "Ihahatid ko na po kayo hanggang sa gate."

"Oh, you are such a darling." Nakangiting ipinasok ng ginang ang wallet nito sa loob ng mamahaling handbag saka sumabay kay Lawrah hanggang sa paglabas ng shop.

Hinatid ito ng dalaga sa gate kung saan sa harap niyon ay naghihintay ang mamahaling kotse ng ginang. Ang driver nito ay nakatayo sa tapat ng passenger's side, at nang makita nito ang amo ay kaagad itong pinagbuksan ng pinto. Bago pumasok sa kotse ay muling hinarap ng ginang si Lawrah. May inabot ito sa kamay ng dalaga.

"Thank you for your assistance. At salamat sa masarap na kape kanina, I enjoyed it." Tumalikod na ito at tuluyang sumampa sa passengers seat.

Nang makaalis ang kotse ay saka pa lang niyuko ni Lawrah ang ini-abot ng ginang, at nang makita ang malutong na $100 bill ay pinanlakihan ng mga mata si Lawrah.

That was the first time she had gotten a tip from a decent job!

At namangha ang dalaga sa fulfillment na naramdaman. She did not expect that getting a tip in a decent way could be this satisfying.

At bagaman naninibago ay nakaramdam ito ng kakaibigang kaligayahan.

"Raya."

Nanigas ang buong katawan ni Lawrah nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon mula sa isang tabi. Kasabay ng paninigas ng buong katawan ay ang pag-tayuan ng balahibo nito sa batok.

Dahan-dahang lumingon ang dalaga, at nang makita nito si Dexter na nakatayo sa gilid ng bakod ng propriyedad ay dahan-dahang humugot nang malalim na paghinga si Lawrah. Wala sa loob na ikinuyom nito ang palad na siyang may hawak sa perang ibinigay ng customer.

Si Dexter ay humithit muna sa sigarilyong hawak bago iyon itinapon sa lupa at tinapakan. Ibinuga nito ang usok paitaas nang hindi humihiwalay ang tingin mula kay Lawrah.

"D-Dexter..." Napa-atras ang dalaga. Ang dibdib ay kumabog nang malakas. "K-Kanina ka pa ba?"

"Sakto lang." Huminto ito ilang dipa. "Ano'ng balita sa loob?"

"M-Mabait naman si Sir Ar–"

"Alam mong wala akong pakialam sa bagay na iyan at hindi iyan ang gusto kong malaman. Alam mo na ba kung papaano mo malalamangan ang porendyer na iyon?"

Napabuntonghininga si Lawrah. "Bigyan mo pa ako ng sapat na panahon para–"

"Raya." Nasa tinig ni Dexter ang babala. Ang mga mata nito'y bahagyang naningkit. "Alam mo ba kung gaano na ka-laki ang nagagastos ko sa pagtulog sa mga motel? Nauubos na ang perang kinita mo sa huli mong target at kapag naubos 'yon nang tuluyan ay mapipilitan akong humakbang papasok sa teritoryong kinaroroonan mo ngayon– at ayaw mong mangyari iyon, hindi ba, Lawrah? Ayaw mong maglinis ng dumi ko, hindi ba?"

Napalunok si Lawrah, muling umatras.

Ngumisi si Dexter nang makita nito ang epekto ng pananakot sa dalaga.

"Pero sige, Raya. Tutal ay ito na ang huling gagawin mo ito, bibigyan kita ng sapat na panahon. Siguraduhin mong malaki ang mapapala natin dahil kung hindi'y hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa 'yo."

Humakbang palapit si Dexter kaya napa-atras muli ang dalaga. Subalit ang gate na ang nasa likuran ni Lawrah kaya natigilan ito at napa-uklo nang tuluyang makalapit ang lalaki. Sa pag-aakalang sasaktan ni Dexter ay napapikit si Lawrah sabay yuko.

Si Dexter ay ngumisi– tuwang-tuwa sa takot na idinudulot sa dalaga. Inabot nito ang kamay ni Lawrah na lalong humigpit.

"H'wag ka nang manlaban, Raya," bulong ni Dexter. "Pang-yosi rin ito, aba."

Napamulat si Lawrah at napatingala sa kaharap.

"Saktong pagliko ko sa kalyeng ito'y nakita ko ang paglabas ninyo ng mayamang customer. Nakita ko ang pag-abot niya sa 'yo ng tip." Ngumisi ito– mala-demonyo. "Akalain mo 'yon, Raya? Kaya mo pa lang tumanggap ng tip nang hindi naghuhubad o bumibikaka?"

Wala nang nagawa pa si Lawrah. Napayuko na lang ito at niluwagan ang palad saka hinayaan si Dexter na kunin ang nayukot nang dolyar dahil sa pagkakakuyom nito roon.

Lumapad ang ngisi ni Dexter saka umatras hawak-hawak ang pera. Inisuksok nito iyon sa suot na pantalon saka muling humugot ng sigarilyo mula sa bulsa ng suot na polo. "Kailan ang day off mo?"

"H-Hindi ko pa alam, Dexter." Kinailangan ni Lawrah na magsinungaling dahil ayaw nitong bumalik si Dexter sa araw na iyon.

Ngumisi itong muli bago nagsindi ng panibagong yosi. "Hinahanap ka na ni Mr. Yu. Sayang din, pwede mo siyang kitain sa day off mo."

Umiwas ng tingin si Lawrah upang ikubli kay Dexter ang hinanakit na naramdaman.

"Malaki pa namang magbigay 'yon, 'di ba? Maliban sa mabilis trabahuin ay maliit lang ang–"

"Tama na, Dexter. Papasok na ako sa lo–" Hindi naituloy ni Lawrah ang sasabihin nang kaagad na makalapit si Dexter at dinakma ito sa leeg. Napa-atras si Lawrah dahilan upang humampas ang likod nito sa gate na biglang bumukas.

"Puta ka, Lawrah," bulong ni Dexter habang kagat-kagat ang nakasinding yosi. Diniinan nito ang pagkakahawak sa leeg ni Lawrah bago muling nagsalita, "Wala kang karapatang sabihin sa akin kung kailan tama na. At hindi ka papasok sa loob hangga't hindi pa ako tapos sa mga sasabihin ko."

"N-Nasasaktan ako, Dex–"

"At masasaktan ka pa lalo kapag sumagot ka."

Napahawak si Lawrah sa kamay ni Dexter na nakadiin sa leeg nito.

"Tandaan mo ito, Lawrah..." Inilapit ni Dexter ang bibig sa tainga ng dalaga. "Hangga't buhay ako ay alipin kita. Susundin mo lahat ng sinasabi ko dahil alipin lang kita. Wala kang karapatang sumagot o mandohan ako dahil alipin kita. Itatak mo 'yan sa utak mo."

Napilitang tumango si Lawrah. Ang mga mata'y pinamunuan na ng luha dahil hindi na makahinga sa higpit ng pagkakahawak ni Dexter.

Sa sulok ng isip ng dalaga ay humiling itong sana ay may dumaan sa kalye at makita sila. Someone who would stop Dexter from his monstrosity. Pero dahil hindi naman main road iyon at wala ring gaanong kabahayan doon ay alam ni Lawrah na walang darating upang saklolohan ito.

So... as usual...

She would just have to endure it.

Again.

Because no one would ever save her from Dexter's monstrosity.

No one.

But...

"What the hell are you doing to your sister?"

Biglang bumitiw si Dexter sabay atras.

Si Lawrah ay napaubo nang makahinga nang maayos sa pagkakatanggal ng kamay ni Dexter mula sa leeg nito.

Si Aris ay salubong ang mga kilay na lumabas ng gate at tinapunan ng masamang tingin si Dexter.

"Oh, hi, Sir."

"Don't Hi Sir me, mister." Lalong tumalim ang mga mata ni Aris. "I saw what you did."

Napakamot si Dexter – binalewala ang pandidilim ng anyo ni Aris. "Sorry if you had to see that. My sister was talking back to me and I felt so disrespected. I just told her to see me on her day off so we could visit some family and she said a lot of things that hurt me."

Aris' jaw flexed in rage. "That doesn't give you the right to put your hand around her neck. You don't do that to someone weaker than you, let alone a woman."

Itinaas ni Dexter ang mga kamay sa ere, muling umatras saka ngumisi. "Won't happen again, Sir." Binalingan nito si Lawrah. "See you, Lawrah."

Hindi na nakasagot pa ang dalaga nang tumalikod na si Dexter at mabilis na naglakad palayo. Saktong may dumaang taxi sa crossing at pinara iyon ng lalaki. Nang makasakay ito ay saka pa lang binalingan ni Aris si Lawrah.

Napayuko ang dalaga– hindi magawang salubungin ang mapanuring tingin ng amo.

Napabuntonghininga si Aris. "Nakita kong bukas ang gate kaya lumapit ako para isara. Hindi ko inasahang makita ang nakita ko. Look me in the eye and tell me, Lawrah. Lagi ka bang sinasaktan ng lalaking iyon?"

Napalunok si Lawrah at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.

Si Aris ay muling nagpakawala nang malalim na paghinga. "Fine. Hindi kita pipiliting magsalita. Pero gusto kong malaman mo na kung sakaling kailangan mo ng tulong, don't hesitate to let me know."

Nanatiling walang imik si Lawrah.

Muling nagpakawala nang malalim na paghinga si Aris. "Okay, let's get inside."

Naunang pumasok sa gate si Aris at nilakihan ang pagbukas niyon para sa dalaga. Nang hindi tuminag sa kinatatayuan si Lawrah ay muling lumapit si Aris at hinawakan ito sa kamay.

Marahas na napaangat ang tingin ni Lawrah– nagulat. Nasa mga mata ang takot sa biglang pagkakahawak na iyon ni Aris.

Pero ang takot na iyon ay hindi para kay Aris– kung hindi dahil sa mga alaalang pumasok sa isip nito nang mga sandaling iyon. Bumalik sa isip nito ang kamay ni Dexter na dumiin sa leeg nito kanina– at hindi napigilan ni Lawrah na mag-panic.

At malinaw iyong nakita ni Aris.

Muling nilamon ng lungkot at simpatya ang dibdib ng binata. At bago pa nito napigilan ang sarili ay inalis nito ang kamay sa braso ni Lawrah saka iyon dinala sa ibabaw ng ulo ng dalaga.

Natigilan si Lawra, lalo nang banayad na dam'hin ni Aris ang buhok niya, katulad ng ginawa nito kay Susie noong nakaraang araw.

"Breathe in and breathe out, Lawrah. Shut your thoughts and look me in the eye."

Lawrah did what she was told.

"Tinanong ko na sa 'yo ito minsan at itatanong ko ulit ngayon. Nakakatakot ba ako?"

Wala sa loob na umiling si Lawrah.

"There. Don't be scared of me. Hindi ko gagawin sa 'yo ang ginawa ng kuya mo kaya hindi mo kailangang matakot o nerbyosin kapag ako ang kasama mo."

Huminga nang malalim ang dalaga saka yumuko.

"Now, tell me. Sinasaktan ka ba madalas ng kuya mo?"

Pinili ni Lawrah na hindi sumagot.

"You are safe here, okay? No one will ever harm you on my watch. At kahit pa totoo ang sinabi ng kuya mo kanina, I still don't believe in violence against women. Kasalanan mo man o hindi, wala siyang karapatang saktan ka." Doon ibinaba ni Aris ang kamay at dinala sa siko ng dalaga. "I'll keep you safe here, trust me."

Lawrah said nothing, but her gaze went down to Aris' hand. Ang isip ay nagtatalo.

Hihingi ba siya ng tulong kay Aris para makawala mula kay Dexter, o gagamitin niya ang simpatyang mayroon ito sa kaniya ngayon para maisakatuparan ang misyon niya?

Huminga nang malalim si Lawrah. She decided to stick to the plan.



FIRST 10 CHAPTERS WILL BE POSTED HERE ON WATTPAD. THE REST WILL BE EXCLUSIVELY POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP. DM ME FOR DETAILS :))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro