Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 003 - FriDate


TAHIMIK LANG NA nakasunod ang tingin ni Lawrah sa babaeng nagpakilalang Susie na mataktikang inisisilid ang lahat ng mga pinamiling food supplies sa loob ng dual-door fridge sa kusina. Marami-rami itong pinamili na mukhang aabutin ng dalawang linggo. Kay liksi ng mga kilos, tila kabisado na ang lahat ng espasyong paglalagyan ng bawat item. At habang ginagawa nito iyon ay mabilisan din nitong ipinakikilala ang sarili.

At habang nakasunod ang tingin ni Lawrah rito ay hindi maiwasan ng dalagang pagtak'han.

The woman– if she really was a woman– was nothing like it. Mababa lang ito– wala pa yatang limang talampakan– at bilog ang katawan. Not fat, but definitely not slim either. Medyo may kalakihan ang puson nito kaya mukha itong chubby tingnan. Plus, she was wearing an oversized T-shirt and a pair of knee-length six pocket shorts. Ang balat nito'y kayumanggi.

Itinaas ni Lawrah ang tingin sa mukha ni Susie at lalo pa itong nagtaka.

Maiksing-maiksi ang buhok ni Susie, tila yaong mga sundalong sasabak sa laban. Ang mukha rin nito'y masyadong masculine, at may pino itong balahibo– o bigote sa upper lip. Not only that, Susie also had the voice of a man.

Kaya hindi mawari ni Lawrah kung ano ba talaga ang kasarian ni Susie.

Babae ba talaga ito?

Lalaking nagpapanggap na babae?

O babaeng nagpapanggap na lalaki?

"Anyway... ano'ng gusto mong ulamin mamayang gabi, Lawrah?"

Napa-igtad ang dalaga nang biglang humarap si Susie. Kahit si Susie ay nahinto nang makita iyon, kinunutan ng noo, bago humagikhik at itinuloy ang gawain.

"Nerbyosa ka pala. Naku, hindi ka tatagal dito. Ang lakas kong humatsing, baka maya't maya ay magugulat ka. Pero naku naman, sana ay tumagal ka. Ang hirap makisama sa pabago-bagong mga tao."

"B-Bakit po? Hindi po ba nagtatagal ang mga staff dahil... nahihirapang pakisamahan si Sir Ariston?"

Ang akmang pagpasok ni Susie ng milk boxes sa loob ng fridge ay nahinto nang marinig ang tanong ng dalaga. Muli itong napaharap, natawa. "Bakit mo naman naisip na kaya hindi nagtatagal ang mga staff dito ay dahil kay Aris?"

"H-Hindi po ba?"

Umiling si Susie. "Napakabait ng taong iyon kaya wala kang kailangang ipag-alala. Umaalis ang mga staff dahil... sa maraming rason. Una, nagkaka-crush sila kay Sir. Pangalawa, nagpapakita sila ng motibo kay Sir. Pangatlo, hindi sila trip pakisamahan ni Sir."

"Huh?"

Muling bumungisngis si Susie. "At least iyon ang problema sa staff na pinalitan mo. Ang iba ay umalis dahil mag-aasawa o kailangang alagaan ang matandang magulang sa probinsya. Ang iba ay pinapaalis ni Sir kapag may hindi nagustusan sa ugali– lalo na kung pabaya sa trabaho. Hindi naman maarte si Sir pagdating sa mga tauhan niya, ayaw lang niyang napapabayaan ang trabahong nakatalaga sa kanila. At..." Inisara ni Susie ang fridge, lumapit sa mesa, ipinatong ang mga kamay doon, saka dumukwang na tila bubulong pero hindi naman. "At ayaw na ayaw niyang hinahawakan o pinakikialamanan ang mga tanim niya. Kapag nahuli ka no'n, paalisin ka nang walang sabi-sabi."

"Dahil mamamatay ang halaman?"

"Pangalawa lang 'yan. Ang unang rason ay dahil hindi mo sinunod ang instruction niya."

"Oh."

"Hindi ba't iyan ang kabilin-bilinan niya noong ni-briefing ka niya? Sundin mo lang 'yan at hindi kayo magkakaproblema."

Tumango si Lawrah at hindi na nagsalita pa. Sa sumunod na mga sandali ay nakasunod lang ang tingin ng dalaga kay Susie nang muling abalahin ng huli ang sarili sa pag-lalagay ng mga pinamiling gulay at karne sa fridge.

Makaraan pa ang ilang minuto ay muling nagsalita ang dalaga. "M-Matagal na po ba kayong naninilbihan dito?"

"Ay naku day, ang tagal na. Maliliit pa lang 'yang si Sir Aris at ang mga kapatid niya, naninilbihan na kami ng pamilya namin sa palayan ng pamilya nila. Ngayon, ang ate ko ay mayordoma roon sa ancestral house ng pamilya nila Sir. Parang pamilya na rin ang turing nila sa amin. Kaya parang pamangkin ko na rin iyang si Sir Aris. Nakita ko kung paano nagsilakihan 'yang mga 'yan, aba. At dahil si Sir Aris ang pinaka-favorite ko sa kanilang lahat, sa kaniya ako sumama nang umalis siya. Aba'y ayaw pa sana akong dalhin dahil kesyo raw hindi pa niya ako kayang buhayin, eh kaso wala na siyang nagawa dahil nag-alsa-balutan na ako." Bahagyang lumingon si Susie at ningitian ang dalaga.

And Lawrah wanted to smile back. Pero... kay hirap para rito ang gawin iyon.

Because Lawrah wasn't used to this. She wasn't used to engaging in happy talks and listening to fun stories. Iyon ay dahil... walang ganoon ang dalaga.

"Para akong nakipagtanan noon kay Sir Aris, eh," tatawa-tawa pang dugtong ni Susie nang ibalik nito ang pansin sa ginagawa. "Pero walang halong biro, 'yong mama talaga niya ang nagsabi sa akin na samahan ko siya nang umalis na siya para tumayo sa sarili niyang mga paa. Paano kasi, hindi marunong magluto iyan at kung hahayaan lang ay puro gatas at dalandan lang ang kakainin. Eh nag-alala ang ina kaya hayon, pinasama ako."

Tumango lang si Lawrah at nanatiling nakikinig. Dahil para rito ay makatutulong ang mga impormasyong sinasabi ni Susie para makuha nito ang loob ni Aris.

At kailangan ni Lawrah na makuha ang loob ni Aris.

Para makuha nito ang lahat ng mga kailangan ni Dexter na makuha.

Nang pumasok sa isip si Dexter ay napapikit si Lawrah saka yumuko. Kinuyom nito ang mga palad upang pigilin ang bumangong inis.

Napapagod na ito at ayaw na nitong gawin ang gustong ipagawa ni Dexter. Nais na ni Lawrah na mamuhay nang tahimik at normal, pero hanggang buhay si Dexter ay alam ng dalaga na hindi mangyayari iyon. And she couldn't do anything but to put up with all his plans.

Otherwise...

"Kung may gusto kang kainin, pwede kang magluto, Lawrah, ha? Para sa ating tatlo ni Sir Aris ang mga pagkain dito sa fridge. Malaya kang gamitin itong kusina, basta linisan mo lang pagkatapos."

Perfect. That was what Lawrah thought.

Kung makakapagluto ito sa kusina ay magagamit nito iyon para makuha ang loob ni Ariston.

Pero...

Napatingin muli si Lawrah kay Susie na patuloy lang sa ginagawa.

At naisip ng dalaga,

Paano kung maging sagabal si Susie sa mga plano nila?

"Hey, Susie. I'm heading to Contreras. Bukas ng umaga na ako makauuwi."

Muling napa-igtad si Lawrah nang marinig ang tinig ni Aris mula sa likuran. Parang tuod na nanigas ang buong katawan nito; sandaling hindi nakakilos. Hindi nito naramdaman ang paglapit ng lalaki sa likuran.

Why?

Because Arsiton Ghold moved so gracefully that nobody could hear even his footsteps.

"Naku, ano'ng araw ba ngayon?" Napasulyap si Susie sa maliit na kalendaryong naka-magnet sa pinto ng fridge. "Ahhh, Friday pala. Kaya pala..."

"Shush your mouth." Itinuloy ni Aris ang paghakbang hanggang sa makalapit ito sa fridge. Tumabi ito kay Susie na napahalukipkip. Ningisihan ni Aris ang kasambahay bago nito binuksan ang fridge upang maglabas ng isang selyado pang milk box. "Don't embarrass me in front of my new staff."

Umismid lang si Susie saka binalikan ang ginagawa. Inisisilid nito ang mga karneng pinamili sa freezer.

Si Aris naman ay humarap kay Lawrah. A soft smile played at the corners of his mouth when he said, "Si Susie na muna ang bahala sa 'yo ngayong araw, Lawrah. I won't be back until tomorrow morning, so if you want, you can rest up or stroll around the garden. Just don't touch anything like I said."

Tumango si Lawrah, tulalang nakatitig sa nakangiting mukha ng amo.

Si Susie ay napalabi. "Napipikon na si Nelly sa 'yo, ha, Sir Aris. Tuwing aalis kayo ng kasama mo sa beach house ay laging magulo ang kwarto mo at naka-kalat ang mga unan–"

"Susie, shut up," banayad na suway ni Aris sabay siko sa braso ng kasambahay.

Pero hindi natinag si Susie. Muli itong umismid. "Ewan ko ba sa 'yo. Pero sige na nga. Basta't magdala ka ng hipon at alimango pag-uwi mo, ha?"

"Na parang makakalimutan ko 'yon kapag hindi mo sinabi." Nakangiting dinala ni Aris ang isang kamay sa ibabaw ng ulo ni Susie upang banayad na haplusin ang maiksi nitong buhok. "You're too spoiled— minsan ay lumalaki na itong ulo mo dahil lagi na lang kitang pinagbibigyan."

"Kuuu. Ikaw itong spoiled sa akin, h'wag ka nang mambaliktad. Dahil kung hindi ka spoiled ay matagal na kitang sinumbong kay Ma'am Feli sa dami ng kalokohang pinaggagagawa mo. Aba'y noong nakaraan lang ay may tumawag na naman dito para sabihing buntis—"

"Shush." Tinakpan ni Aris ang bibig nito. "Pinalitan ko na ang numero natin kaya wala nang tatawag para manggulo. Pero kapag mayroon ulit ay sabihin mong asawa kita para tumigil na."

"Ay, ayan ka na naman!" Banayad na hinampas ni Susie ang braso ng amo. "Kahit isa'y walang naniwala sa akin kaya patuloy sa panggugulo. Paano ba naman eh mas lalaki pa itong boses ko kaysa sa iyo. Isa pa'y si Lawrah na ngayon ang sasagot sa mga tawag kaya siya na ang bilinan mo ng ganiyan! Huuu, kakaurat kang bata ka talaga."

Si Lawrah ay manghang pinagmasdan ang dalawa na tila nagkukulitan. She could not believe that a master and a servant's bond could be this... gentle.

Wholesome and adorable, too.

"Anyhow..." Bumaba ang tingin ni Aris sa suot na relo. "Ikaw na ang bahala kay Lawrah. Ipakita mo sa kaniya ang garden mamaya para alam niya ang pasikot-sikot sa labas. See yah."

Humakbang si Aris paalis, at parehong sumunod ang tingin nina Susie at Lawrah dito.

Habang naglalakad paalis si Aris ay binuksan nito ang selyado pang karton ng gatas saka iyon dinala sa bibig at diretsong ni-inom. Hindi naalis ang tingin ni Lawrah sa likod ni Aris hanggang sa mawala ito sa paningin.

"Tsk," ani Susie makaraan ang ilang sandali. Bumaling ang dalaga rito at nakitang itong ipinasok ang huling batch ng mga pinamili sa fridge – oranges. "Ba't kasi hindi na lang mag-asawa nang tama, eh."

Nagsalubong ang mga kilay ni Lawrah. "Saan pupunta si... Sir Aris?"

"Kapag Byernes ay umaalis 'yon para makipagkita sa ka-fling niya. Kung hindi sa hotel o sa bahay ng babae ay doon sila sa beach house ng pamilya sa Contreras."

Napatuwid nang upo si Lawrah sa narinig.

Nagpatuloy pa si Susie. "Bagaman nasasanay na ako sa gawain ng batang iyon eh hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi na lang maghanap ng tamang babae at asawahin nang sagayon ay hindi na nag-aabalang lumabas para punuan ang pangangailangan ng katawan. Tsk. Ang hirap talagang ma-gets ang magkakapatid na 'yon, oo."

"H-Hindi ba niya... dinadala rito ang mga..." Hindi maituloy ni Lawrah ang tanong. Hindi ito komportableng pag-usapan ang bagay na iyon lalo't kadarating pa lang sa lugar na iyon.

"Naku, kahit kailan ay hindi nagdala ng babae 'yon dito. Wala pa siyang ibang taong pinapasok doon sa glass house maliban sa akin at sa pamilya niya." Natapos si Susie sa ginagawa at muling humarap. "Ikaw ba? May asawa ka ba o syota?"

Napakurap ang dalaga– hindi maintindihan kung para saan ang tanong.

At naintindihan iyon ni Susie kaya napangiti ito at nilinaw ang sinabi. "Para alam namin kung magtatagal ka. Kung may asawa ka, baka bigla kang magbuntis. Kung may syota ka, baka bigla kang magpakasal at umalis. Kung single ka naman ay mainam— pero, pero, pero." Itinaas ni Susie ang hintuturo. "H'wag na h'wag kang magpapakita ng interes kay Sir Aris. Alam kong hindi ka bulag at nakikita mong magandang lalaki iyong amo natin, pero bawal kang magpakita ng interes sa kaniya kung ayaw mong mawalan ng trabaho. Hindi napatol sa empleyado 'yon, at hindi no'n pinaghahalo ang trabaho at laro."

Napalunok si Lawrah. "S-Salamat sa paalala, pero makaaasa kayong... hindi ako magpapakita ng interes kay Sir Aris."

And Lawrah meant that.

Hindi ito magpapakita ng interes kay Aris dahil sisiguraduhin ng dalaga na si Aris ang magkakainteres dito.

Kung paano, ay iyon ang aalamin ni Lawrah.

Desidido itong maayos na mapagtagumpayan ang misyon nito sa lugar na iyon dahil simula nang sabihin ni Dexter na titigil na sila sa gawain nila kapag malaki ang nahuthot nila sa Ghold's Garden, ay nagkaroon ng pag-asa ang dalagang makawala sa manipulasyon ni Dexter.

Determinado si Lawrah na makuha ang lahat ng mga nais makuha ni Dexter mula sa property ni Ariston nang sagayon ay makapamuhay na ito nang tahimik at matigil na sa ganitong gawain.

Kailangan nitong makuha ang interes ni Ariston Ghold— pero bago iyon ay kailangan pa munang mangalap ni Lawrah ng karagdagang impormasyon tungkol dito. Kailangan ng dalagang makuha ang kiliti ng amo— at kapag nangyari iyon ay doon pa lang mapapasok ni Lawrah ang mundo ni Ariston.

This was Lawrah's last chance.

She had to complete her mission without fail.

"Hay naku, siguraduhin mo lang day, at napapagod na akong makisama sa iba't ibang tao tuwing nagpapalit ng staff. So, hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. May asawa o syota ka ba?"

Umiling si Lawrah.

Lumapad ang ngiti ni Susie. "Buti naman. Umaasa talaga akong magtatagal ka rito kahit isang taon lang para hindi na ako magpaulit-ulit sa introduction ko. Naku, nitong taon lang ay naka-ilang palit ng staff iyong si Sir Aris dahil puro palpak ang mga nakukuha. Sa tingin ko naman sa 'yo ay wala kaming magiging problema."

"Kayo po? May... asawa po ba kayo?" Kailangang ilihis ni Lawrah ang usapan upang hindi na magtanong pa nang magtanong si Susie tungkol sa dalaga.

"Naku, wala pa. Torpe iyong ka-MU ko, hindi makaakyat ng ligaw."

Doon naliwanagan si Lawrah. Doon nito nakompirma na babae si Susie.

"Cuarent y sinco pa lang naman ako, hindi pa naman ganoon ka-tanda para magmadali. Isa pa'y tanggap ko nang hindi ako magkakaanak kaya hindi na ako masyadong napi-pressure." Ngumisi ito. "Alam ko kung bakit mo naitanong iyan."

"H-Ho?"

Bumungisngis ito. "Mukha lang akong tibo pero babae talaga ako, Lawrah." Muli itong napabungisngis. "May manliligaw akong nagbebenta ng karne sa palengke, si Mando. Oy, karne ng baboy at baka ha? Baka kung ano ang isipin mo."

Lawrah looked away and pretended not to notice the joke.

"Biyudo iyon at nasa kolehiyo na ang dalawang anak. Hinihintay ko na lang na umakyat ng ligaw iyon, eh. Kaso masyadong istrikto itong si Sir Aris. Dapat daw ay sa kaniya muna magpakilala si Mando bago rito umakyat ng ligaw. Eh kaso, allergic si Mando sa flower petals. Laging na-hatsing kapag nakakalapit sa mga bulaklak. Tuloy, hindi makapunta rito ang pobre. Kaya hayon, doon na lang kami sa palengke nagliligawan."

Sinubukan ni Lawrah na ngumiti dahil totoong nakatutuwa ang kwento ni Susie, pero kahit ano ang gawin ng dalaga ay... laging hindi madali para rito ang nagpakawala niyon.

Smiling was just as hard as crying.

Wala na itong mailuha, at wala na rin itong mahanap na dahilan para ngumiti.

Kahit pa nga ba sa huwad na paraan lang.

"O siya, hali ka na at ililibot kita sa buong property. Mukha lang itong maliit mula sa labas pero malawak ang property na ito. Two-third ng buong lupain ay sinakop ng Ghold's Garden habang ang natitirang bahagi sa likuran ay ang bahay ni Sir. Hali ka na."

Tinipon ni Susie ang mga plastic bags na nasa sahig saka dinala sa basurahan bago humakbang patungo sa hallway. Saka pa lang tumayo si Lawrah mula sa pagkakaupo sa harap ng mesa nang makalapit na si Susie, at sa pagtayong iyon ng dalaga ay nahinto si Susie at pinanlakihan ng mga mata.

"Diyos ko, ang tangkad mo pala! Nasali ka ba sa mga beauty pageant, Lawrah?"

Umiling ang dalaga.

"Ang ganda ng height mo. Pati balat at mukha. May kaunting peklat ka lang sa braso pero hindi pansin dahil sa balahibo. Tsk, tsk, tsk. Delikado 'to." Napakamot si Susie.

"Bakit... delikado?"

Ngumiwi ito. "Kasi ang ganda mo pala sa malapitan. At ano 'yang kulay ng mga mata mo? Light brown?"

Tulala lang si Lawrah sa harap ni Susie.

"Tumalikod ka nga at may titingnan ako."

Hindi kaagad natinag si Lawrah, kaya hinawakan ito ni Susie sa braso saka pinihit patalikod.

"Susme, delikado ka!"

Napatingin si Lawrah sa balikat upang sulyapan si Susie. "H-Hindi ko po kayo maintindiha–"

"Maganda rin ang hubog ng katawan mo. Tsk." Muling pinihit ni Susie si Lawrah upang iharap. "Tandaan mo ang sasabihin ko. H'wag kang maglalakad sa harapan ni Sir Aris."

"Bakit nga po?"

Ipinaypay ni Susie ang kamay sa ere. "Wala nang maraming tanong. Tinutulungan lang kitang tumagal sa trabaho at hindi madisgrasya. Hali ka na nga. Ipakikita ko sa 'yo ang tambakan ng manure." 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro