CHAPTER 38.5: Vulnerable
Vens’ POV
Hindi na ako nagpahatid kay Seth. Gusto niya pa sana akong ihatid but I insist. Kaya ko pa namang umuwi. Agad kong pinaharurot ang kotse ko at agad din akong nakauwi. Pagbukas ko ng pinto ng bahay ay agad akong niyakap ni Mommy.
“Baby… we’re sorry…” She said while crying. Nagulat ako pero blanko parin ang ekspresyon ko. I look at Dad and he walk towards us.
“Your Mom and I decided to cancel Yunisse and Alex’s wedding. Sa halip, kayo nalang ang ipapakasal.” Wala ng kwenta yan. Huli na Dad. Huli na.
“No need. Ituloy niyo ang kasalan nila.”
“Bakit?” bigla nalang nagsibagsakan ang mga luha ko. Niyakap ako ni Mommy at niyakap ko siya pabalik.
“I saw them Mom. I saw them with my both eyes.”
“He said he will never hurt me but he did.”
“Di ko alam kung may nangyari sa kanila ni Yunee but what I’ve seen just provoke that they’re doing some miracle. It’s too late. It’s too late.”
“Vens, let me explain.” Napabitaw ako kay Mommy. Tiningnan ko si Drache.
“No need to explain Drache. Let me tell you something. Bagay sayo ang pangalan mo. ‘Coz you gave aches even you promise not to. Best wishes for the both of you. Magiging mabuti kayong mag-asawa.” Tumalikod na ako at napatakip sa bibig ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Nilock ko yung pinto ng kwarto ko at napaupo nalang at mag-isang umiyak. Nagexpect ako pero wala siyang ikinalis sa mga magulang ko. Iniwan lang ako’t sinaktan.
“It ends here Drache…”
Yunee’s POV
My plan’s working. Yes. I plan all maliban sa pagpunta ni Venee sa condo ni Drache. Balak ko talaga ay padalhan nalang siya ng letrato at video pero ano bang magagawa ko kung umaayon sa akin ang mga plano? Kahit masakit yung sampal niya kanina, tingin ko naman, mas masakit ang ginawa ko sa kanya. *smirk.
Just what I told you, her happiness is my sorrow, her sorrow is my happiness kaya masaya ako. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan niya at nang marating namin ang mansion ay nakita kong yakap ni Mommy si Venisse at nag-aalala ang mukha ni Dad. Nainis ako bigla.
“Vens, let me explain.” Tiningnan niya agad si Alexander. I saw tears from her eyes. Palihim akong natuwa.
“No need to explain Drache. Let me tell you something. Bagay sayo ang pangalan mo. Coz you gave aches even you promise not to. Best wishes for the both of you. Magiging mabuti kayong mag-asawa.” Tumalikod na siya at agad umalis. Xander was about to follow her pero pinigilan siya ni Dad.
“Anong sinasabi ni Venisse? May nangyari ba sa inyo ni Yunisse?” Galit na tanong ni Daddy.
“Wala po. Wala pong nangyari. It was all mistakes. Kahit tanungin niyo pa si Yunisse. Wala po talagang nangyari.” Biglang napatingin sakin si Daddy at Mommy. At dahil best actress ako, ay ibibigay ko lahat ng best ko sa pagkakataong ito. Napaluha ako agad.
“Yunisse. May nangyari ba?” Tiningnan ko si Xander. Nagmamakaawa ang itsura niya, but sorry to him. Hindi ako marunong maawa.
“I-I… I don’t know Dad.” I said as I cried hard. Bigla akong nilapitan ni Mommy at niyakap.
“Yunisse! Tell your Dad na walang nangyari sa atin.”
“Sorry Alex but… I don’t even know if there’s something happened to us or there isn’t. Basta’t nagulat nalang ako ng dumating si Venee sa condo mo at pagtingin ko sa sarili ko ay kumot lang ang nakabalot sakin at…” Napaluha ako lalo. Please Dad… believe me. I’m your daughter right?
“Alexander?”
“Yunisse, masama ang pakiramdam mo non at parang wala ka sa sarili mo. Ginising kita para magpalit ka ng damit dahil basang-basa ang damit mo. Pumasok ka sa banyo at sabi ko, hintayin mo yung damit na iaabot ko sayo pero bigla ka nalang lumabas na nakatapis ng kumot at bigla kang natumba kaya binuhat kita at inihiga sa kama pero bigla mo nalang akong niyakap at hinalikan. Pero walang nangyari satin.”
“Then tell me why you aren’t in your clothes?” I said to him. Mas lalong sumama ang tingin ni Daddy.
“Because I was changing noong lumabas ka ng banyo. And I’m wearing boxers kaya kahit anong sabihin mo, wala talagang nangyari.”
“Wala nga ba o ipinagkakaila mo lang?” Go Dad. Help me out.
“No Sir. I’m telling the truth. Hindi ako ganong tao at mahal ko si Venisse at hindi ko magagawang pagtaksilan siya.”
“But you already did. I’ll talk to your Dad about this. Mukhang wala na akong magagawa kundi ipagpatuloy ang kasal niyo. Hindi ko pwedeng hayaang mapahiya ang anak ko dahil sa hindi ko alam kung totoo ba na may nangyari sa inyo. Lalabas na kahiya-hiya hindi lang ang pamilya namin pero pati ang pamilya niyo. Kaya whether you like it or not Alexander, you need to marry Yunisse.” Sabi sa kanya ni Dad bago tuluyang umalis. Umiiyak parin ako habang kinocomfort ni Mommy. I saw how furious Alex looking towards me.
Pasensyahan tayo Venisse at Xander. Tatapusin ko rin naman lahat ng ‘to basta’t makuha ko na lahat ng yaman at kasiyahan ko. Ibibigay ko rin sa inyong dalawa ang inaasam niyong kasiyahan, pero hindi pa ngayon. Not until I still feel so much despair.
Drache’s POV
Sh*t! Sh*t! Sh*t! Pinagsusuntok ko yung pader sa labas ng bahay nila. Why Yunisse did tell those things? Why don’t they believe me? God knows I’m telling the truth.
“Wala nang magagawa kahit tibagin mo pa yang pader na yan.” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang mukha ni Yunisse. Nakangiti siya. All this time, masaya siya sa nangyayari? Plinano niya ba lahat ng ito? Agad ko siyang nilapitan at kung pwede ngang sakalin ko na siya para mamatay na siya ay ginawa ko na. Diniinan ko ng bahagya ang kamay ko sa leeg niya kaya napaubo siya’t hinampas ang mga kamay ko. Binitawan ko siya agad at sinamaan ng tingin habang umuubo naman siya’t naghahabol ng hininga.
“Tama nga sila sayo. Hindi ka katiwa-tiwala. Sarili mong kapatid nagawa mong saktan? Kung sabagay, nagawa mo ngang saksakin ang sarili mo, manakit pa kaya ng ibang tao?” Nagulat siya sa sinabi ko and she gave me piercing looks.
“Let me tell you something, Alexander. You don’t have a choice but to marry me.”
“Mamamatay muna ako bago kita pakasalan.”
“Like what I said, you don’t have a choice but to marry me. Mamili ka Xander. Marry me or I’ll ruin your family’s company?”
“Sinong tinakot mo?”
“Isang luhod at iyak ko lang kay Daddy, paniniwalaan na niya ako. Nakita mo naman siguro kanina hindi ba? Now choose. Me or your family’s future? Hindi ka ba naaawa sa mga kapatid mo? Paano nalang sila kapag naghirap kayo? Paano nalang ang buong pamilya niyo? ‘Ang mga Reyes na mayaman noon, biglang pulubi ngayon.’ Ang sama pakinggan.” Naiiling niyang sabi habang nakangiti. This girl is crazy at sagad sa buto ang kasamaan.
“Hindi mo ako matatakot sa ganyan-ganyan lang.”
“Paano kung sabihin ko sayong hindi mo na makikita si Venee kailanman? Paano kung ipapatay ko siya?”
“Hindi mo magagawa sa kapatid mo yon.”
“Ikaw na ang nagsabi kanina Xander. Kung ang sarili ko nga, nagawa kong saktan, ibang tao pa kaya? I can be the devilest devil, Xander. At hindi ako mahirap kausap. Kapag naisipan ko, gagawin ko. Gusto mo simulan ko ngayon? Hindi ba’t ang kumpanya niyo ang pinanggagalingan ng mga car supplies? Paano kung ipakansela ko ang manufacturing niyo at sa halip ay sa iba nalang kami kumuha? Paniguradong madadagdagan ang sakit sa ulo ng Daddy mo. Tsk tsk tsk. I bet sisisihin ka niya. Ikaw ang magiging dahilan ng pamumulubi niyo’t pagbagsak niyo.” She said and smirk. She’s a total evil. Nagtitimpi na ako sa kanya. Kung hindi lang siya babae, sinapak ko na siya.
“Fine. Pakakasalan kita. But remember one thing. Kahit kailan, hinding-hindi kita mamahalin at hindi ako magiging mabuting asawa sayo.”
“Same here. Wala akong balak patagalin ang pagsasama natin. Ayokong magpakabuting asawa sayo. One year. Just one year at magdidivorce tayo. Balikan mo si Venisse at gawin niyo ang gusto niyo.” One year? Magtyatyaga ako sa kanya for one year? F**k hell!
“But to end this deal, you two need to have an official break up. Gusto kong Makita at marinig ng harap-harapan kung paano mo sabihin sa kanyang hindi mo na siya mahal at ako ang gusto mong pakasalan. I want you to hurt my sister emotionally Xander sa harap ng lahat ng kaibigan mo.” Kumukulo ang dugo ko sa kanya. I clenched my fist and heaved a sigh.
“Kapag nagawa ko yon, tandaan mo, wag na wag mong lalapitan o gagalawin ni hibla ng buhok ni Venisse at ng pamilya ko o ng mga taong mahal at pinahahalagahan ko. Kung ikaw, patapon na ang buhay, pwes ako ibahin mo. Magsasakripisyo ako para sa kanila.”
“Deal.” Inabot niya sakin ang kamay niya. Sinakmal ko yon at piniga ng mabuti.
“Ouch! You bastard!”
“That’s how I accept deals. Don’t break the rules or else, I’m the one who’ll kill you.”
“I’m scared…”
“Wag mo akong punuin Yunisse, makikita mo, mas demonyo pa ako sa demonyong katulad mo.” Binigyan ko siya ng matalim na tingin bago tuluyang umalis. I’m sorry Vens… I’m sorry if I’ll hurt you… just wait for me… just one year at babalikan kita. Hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba. Magpapakatanga ako ngayon pero aayusin ko ang lahat…
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro