CHAPTER 30: Step by Step of Love (2 days courtship)
Day 1…
-------
Vens’ POV
“Vens, may nagpapabigay sayo.” Sabi ni Geen sabay lapit sakin ng isang boquet of red roses.
“Wow… ang sweet naman ng nagpapabigay.” Sabi ni Mitch at nakangiti ng wagas.
“Sh*t! Sinong nagpapabigay niyan?” Tanong ni Craise sabay kuha ng bulaklak at inilayo sakin.
“Ha… ha… hachoooooo…” Bahing ko sabay takip ng ilong.
“Ay! Sorry! Nakalimutan ko allergic ka nga pala sa red roses.” Sabi ni Geen sabay kamot ng ulo.
“Si hachoo no hachoo bang nag hachooo papabigay niyan? Haachooooo.” Tanong ko at bahing nalang ako ng bahing. Lintek naman ng nagpapabigay niyan oh. Inatake tuloy ako ng allergy.
“Uh… ano kasi eh… pinapaabot lang sakin.”
“Sino nga?” Tanong ko sabay kamot ng ilong ko.
“Uhmmm… secret admirer mo daw.” Napahinto ako dahil sa sinabi niya at tiningnan ko siya.
“HAHAHAHAHAHA… Ibalik mo sa kanya yan ngayon din. Letcheng admirer yan. Hindi man lang alamin kung saan ako allergic at kung anong paborito ko. Bwiset!” Sabi ko sabay tayo at labas ng classroom. Pinagtitinginan lang ako ng mga kaklase namin.
Pake ko? Maganda ako eh. Napahinto ako ng makita ko sina Drache at yung lima pa niyang katropa at sina Spare sa gilid ng classroom. Tiningnan ko sila ng nakakunot ang noo.
“Anong hachooo ginagawa niyo hachoooo diyan?” Tanong ko sa kanila habang pinipigilan ang sarili kong bumahing.
“Uh… ano… nag-uusap. Tama. Di ba Spare?” Sabi ni Drache sabay tingin kay Spare.
“Uh… oo.” At ngumiti nalang ng alanganin si Spare. Hindi ko nalang sila pinansin.
“Hachooo! Bwisit na nagpabigay ng bulaklak na yan! Hindi ba niya alam na allergic ako sa red rose?! Hachoooooooo!!! Peste!!!! Hachoooo!!!” Asar kong sabi habang bahing ng bahing. Naglakad nalang ako paalis papuntang clinic.
Drache’s POV
“Ha---hachoooo…” Bahing nalang siya ng bahing habang naglalakad palayo sa amin.
“Aish! Bakit hindi niyo kasi sinabi na allergic pala siya sa red rose?! Kaasar naman eh! Spare! Pinsan mo ‘yon tapos hindi mo alam?!” Sigaw ko habang kakamot-kamot ng ulo.
“Pasensya naman. Malay ko ba?” Sabi niya rin habang kakamot-kamot rin ng ulo.
“Hahahaha… unang try palang palpak ka na bro. hahaha.” Pang-aasar nila Lester at Kats at nakitawa na lahat.
“Sa susunod kasi, magtanong kayo doon sa close kay Vens para hindi kayo pumalpak.” Napatingin kaming lahat sa nagsalita and it was Craise with Mitch and Geenee standing infront of the door.
“Ha? Anong pinagsasabi mo?” Patay malisya kong tanong.
“Wag ka ng magkaila. Sayo galing yung roses di ba? Xander?” Tanong niya sakin at nakangiti ng nakakaloko.
“Baka kay Kats.” Sabi ko at itinuro si Kats. Pero nakatikim lang ako ng sapak.
“Aray! Para san yon Craise?”
“That’s for denying you stupid! Hindi mo na kailangan pang ipagkaila dahil alam kong gusto mo ang bestfriend ko.”
“Oh eh ano kung gusto ko nga siya?” Asar kong tanong sa kanya.
“Hindi ka ba natutuwa na alam ko?”
“At bakit naman ako matutuwa?” Sinapak niya ulit ako.
“Nakakarami ka na huh?!” Sabi ko at pinanlalakihan siya ng mata.
“Oy, couz… easy ka lang.” Sabi ni Dix sabay hila sakin.
“What I’m saying Xander is… I’m her best friend and I know all about her… and I can help you.” From what she said, I look at her and she’s just smiling.
“You’ll help me? At anong kapalit?” Tanong ko sa kanya. Mautak ‘tong babaeng ‘to eh. Hindi tutulong ng walang kapalit.
“Kapag ba tutulong may kapalit agad? Grabe naman. Anong tingin mo sakin?” Tanong niya na tatawa tawa. Himala huh?
“O sige. Anong gagawin ko kung tutulungan mo ako?”
“All you need to do, is follow my instructions. Sa oras na sagutin ka ng best friend ko, isa lang ang hihilingin ko sayo Xander Drache. Wag na wag mong sasaktan o paiiyakin ang kaibigan ko. Dahil sa oras na may pumatak kahit isang butyl ng tubig mula sa mata niya, sorry ka… ako mismo ang maglalayo sa kanya mula sayo.” She said and I swallowed hard.
“Eh paano kung pinaiyak ko siya… sa saya?” Tanong ko at kumunot naman ang noo niya.
“Ibang usapan na yon!” Sabi niya.
“Ano, deal?” She said as she offered her hand.
“Deal.” And we shook our hands.
“Ehem, tama na yan.” Sabi ni Dix at tinanggal ang kamay ni Craise sa kamay ko at inin-tertwined sa kamay niya. Napatingin tuloy kaming lahat.
“KAYO NA BA?!”
“Hindi PA.” Sabay nilang sabi at nagkatinginan sa isa’t isa pero umiwas rin agad.
“YIHEEEEEEEEE” Pang-aasar naming lahat. Hahaha.
This is the start of me, being her suitor…
Drache’s POV
“Anong gagawin natin ngayon?”
“You need to give these chocolates to her.” At inabot sakin ni Craise yung isang box ng chocolates.
“Huh? Bakit ako? Ayoko nga. Si Geenee nalang ulit.” Sabi ko sa kanya pero sinapak lang nila akong dalawa ni Geenee.
“Anong tingin mo sakin? Utusan? At sino bang nanliligaw? Ako ba huh?” Sabi sakin ni Geenee at tumango pa ang lahat.
“Eh pano pag hindi niya tinanggap?”
“Believe me… she’ll accept that.” She said as they all pushed me. Nilingon ko sila at nagthumbs-up lang silang lahat habang nagtatago sa gilid ng isang room.
Naglakad na ako papuntang clinic. Sakto namang lumabas na siya na pupunas, punas ng ilong niya. Tiningnan niya ako at nginitian ko lang siya habang papalapit ako sa kanya.
“Oh, anong ginagawa mo dito?”
“Sinusundo ka po mahal na Empress…” I said as I rub my nape. Aish! Ayaw kasi tawaging prinsesa eh.
“Okay? Ano yang hawak mo sa likod mo?” Tanong niya sakin at tinitingnan yung likod ko. Oo nga pala. I sighed at inilabas yung chocolate sa likod ko.
Nanlaki bigla ang mga mata niya at hindi pa ako nagsasalita eh kinuha niya agad sa kamay ko yung chocolate at binuksan atsaka kumain. Nakangiti pa siya habang kinakain yon kaya naman napangiti ako at nabuhayan ng loob.
“San mo nakuha ‘to? Grabe, ang tagal kong hindi nakakakain nito.” Sabi niya sabay subo ulit ng isa pa. Tama nga si Craise.
“Uhhh… nabili ko kahapon. Naisipan kong ibigay sayo.”
“Talaga? Salamat ha? Gusto mo?” Tanong niya sakin sabay pakita ng isa. Gusto niya ba akong subuan? Pakiramdam ko tuloy namumula ako. Tumango nalang ako at isusubo sana yung nasa kamay niya kaso, isinubo niya yon. I chuckled from what she did.
“Bili ka nalang ulit ng para sayo. Akin lang ‘to noh. Sige, diyan ka na.” At masaya siyang umalis habang ineenjoy kainin yung chocolate. Natatawa nalang tuloy akong umalis at binalikan ko sila nakakamot kamot ng ulo.
“Hahaha… anong isinusubo mo doon Drache? Hangin? Ahhahahahahahah” Pang-aasar ni Spare at nagtawanan silang lahat. Habang ako ay poker face lang.
“One thing about Vens is… when she’s eating her favorite, she doesn’t want to share it with others. She’ll asked you but never give you. Hahaha” Sabi ni Craise. Tatandaan ko yan simula ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro