CHAPTER 23: 4th Week of being SLAVES (Sharing Bad Experiences)
Drache’s POV
Medyo napapalapit narin kami sa kanya. Sa totoo lang, parang nagbago na siya… ng konti. Hindi na kasi siya yung gaya dati na halos sigaw-sigawan kami kapag may iniuutos siya. At lagi narin siyang nakangiti ngayon. Yung ngiting walang pagkukunwari. It’s a real smile.
Lagi narin siyang nakikipagbiruan samin kahit minsang binabara niya kami at sinusungitan. Atleast may nangyayari sa plano namin di ba?
“Ako na diyan.” Tiningnan niya lang ako atsaka ibinigay sa akin yung kahong hawak niya.
Naghahanda kasi kami ngayon dahil pupunta kami sa isang camping. Nagyaya kasi sina Gerard na pumunta sa resthouse nila. Bakasyon narin naman ngayon kaya makakapagenjoy lang kami.
Kasama narin sa barkada sina Geenee at Gerard. Nagkakalapit narin sina Lester at Geenee. Nagsusucceed naman lahat ng plano namin. Sinabi narin sa amin ni Lester na nagkaamnesia siya. Hindi niya alam, mas nauna pa kaming makaalam sa kanya.
And you know what? Hindi na naiilang sa amin si Venisse. Feeling ko nga kumportable na kaming lahat sa isa’t isa.
“Geen! Here!” Rinig kong sigaw ni Lester sabay hagis ng towel kay Geenee.
“Thanks.” Marunong naring ngumiti tong si Geenee. Halos di Kumpleto araw nilang dalawa ni Lester last week ng hindi nag-aaway. Grabe kasi mangulit tong si Lester eh. Kaya ayan, nakasanayan na yata ni Geenee.
“Magmeryenda muna kayong lahat.” Sabi naman ni Venisse.
Isa rin yan sa nagbago sa kanya. Everytime na may ginagawa kami, may meryenda na. Dati, kahit pagod na pagod kami, wala siyang pakealam pero ngayon, alagang alaga kami hahaha.
“Drache! Help me here!” Tawag sakin ni Spare.
Oh taka kayo? Medyo kasundo narin namin ang mga WhiteDragons. Nasanay narin siguro si Spare sa pagmumukha namin at napansin niya siguro yung pagbabago ni Venisse kaya naging mabait sa amin. Pero hindi namin gaanong nakakabond yung tatlo pa sa grupo nila. Spare said, they've been busy with things. At kung ano yon, hindi ko alam.
“Sandali lang pare!” Sigaw ko sa kanya. Atsaka ko na inilagay sa Van yung isang kahon. Patakbo naman akong lumapit sa kanya at tinulungan siyang buhatin yung kahon.
“WOOHH!!!” Parehas naming sigaw. Natawa nalang kami at nagfist to fist.
“Hoy Spare! Pumunta na kayo dito at magmeryenda. Pag naubos to, hindi na ako magpapahanda kay Yaya.” Pagbabanta sa amin ni Venisse sabay hagis niya sa amin ng tig-iisang towel.
Wews… sweet naman non.
Nagmeryenda na kaming lahat at nagtatawanan lang din. Ang dami na palang nagbago… Isang lingo nalang at matatapos narin namin ang deal namin.
Pagkatapos naming magpack ng lahat ng dadalhin namin, nag-ayos na kami at sumakay sa Van nila ni Venisse.
Marami rami kami ngayon kaya yung malaking Van nila yung ginamit namin. Tapos, dala rin namin yung L300 nila dahil doon nakalagay lahat ng gagamitin namin.
Ganito naman ang seating Arrangement namin sa Van.
Lester | Geenee | Gerard
JC | Mitch | Seth
Dixon | Craise | Food
Kats | Venisse | Ako
Spare | Driver
Natulog lang kaming lahat sa buong biyahe hanggang sa marating na namin yung resthouse nila Gerard.
“Wow… this is so amazing! Ang ganda ng view.” Mitch
May waterfalls kasi malapit dito sa bakasyunan nila ni Gerard. Safe naman tong lugar nila kahit parang nasa kagubatan nakatayo.
May bakal na bakod naman yung nasasakupan nila. May mga bantay din sa bawat sulok at may isang malaking bahay na nakatayo sa gitna.
“Welcome Sir Gerard, Ma’am Geenee…” Bati sa kanila Nung isang maid.
“Welcome po mga Sir… Ma'am…” bati niya rin sa amin. Ngumiti nalang kaming lahat.
“What’s the use of the tent kung may bahay naman pala dito?” Tanong ni Venisse
“We’ll not going to sleep in the inside. Dito tayong lahat sa labas matutulog… Kaya nga camping di ba?” Sabi naman ni Gerard.
“Whatever.” Venisse
“Kuya, ipapahanda ko na sa kanila yung mga tent para hindi tayo gabihin.” Geenee
“Sige Geen, may aasikasuhin lang ako.” Gerard at tuluyan na siyang pumasok sa loob.
“Oh boys, let me see what you’ve got. Build those tents.” Geenee.
“Ha? Kami lang? Pano naman kayo?” Lester
“Build yours, we’ll build ours.” Geenee
“Okay, okay.”
“Oh, ganito ha? Tutal, malalaking tent naman yung dala natin, tig-aapat na members per tent okay?” Spare
“Me, Xander, Venisse and Craise in one tent.” Spare
“Me, Mitch, Geenee and JC at one tent.” Lester
“Kats, Gerard, Dixon and me at the other tent.” Seth
At ayun, nagkanya-kanya na nga kaming gawa. Medyo nahirapan pa ako at si Spare na gawin yung tent. Hindi naman kasi kami gaanong nagkacamping and hello? May gumagawa non para sa amin.
Kaya si Venisse at Craise na yung gumawa at umayos ng tent namin. Malaki-laki rin tong mga tent nila ni Venisse. Kahit magpagulong-gulong ka yata sa loob ayos lang.
Sealed naman yung tent eh… problema lang talaga yung paglalagay nung bandallia sa taas para kung sakaling umulan, hindi mabasa.
Madilim na kaya napagpasyahan naming kumain. Gumawa kami ng bonfire sa gitna at nakapalibot kaming lahat doon.
“Anong gagawin natin? Nakakabagot.” Venisse
“Kung kumanta nalang kaya si Geenee?” Lester
“Ayoko, paos ako.” Geenee
“Maglaro nalang tayo, truth or dare.” Kats
“Nakakasawa na yang larong yan.” Mitch
“Ano kaya kung magkwento nalang tayo ng mga bad experience sa buhay natin?” Seth
“Hmmm… maganda nga yan… Sige, sige…” Dix
“Oh, paikot ha? Una ka na Kats.” Seth
“Ha? Ako agad?” Kats
“Oo na… Dalian mo na.”
“Ahh… ang bad experience ko sa buhay is… noong naligaw ako sa States. First time ko kasing pumunta doon kasama ng pamilya ko. Naaliw kasi ako sa ganda ng view kaya, nahiwalay ako sa kanila. Hindi ko alam ang gagawin ko non. Hindi ko dala yung phone ko, at wala akong dalang pera. Kaya halos maiyak ako sa sobrang takot na baka mamulubi ako at hindi na Makita sina Mom and Dad.” Hahahaha… naikwento na nga sa amin ni Kats to. Mahilig kasing gumala tong lokong to kaya ayan… Buti na nga lang ngayon at hindi na naliligaw yung lokong yan.
Minsan nalang siyang umalis ng mag-isa. Ewan ko kung saan siya laging pumupunta. Pero nitong mga nakaraang araw, laging masaya yang si Kats at laging may lakad kapag Uwian na.
“Yun na ba yun?” Craise
“Oo… yun lang…” Kats.
“Ang boring naman ng life mo kung ganon.” Geenee.
“Oh ikaw naman Geenee.” Seth
“One of my bad experience in life is… noong hindi na ako maalala ng best friend ko. At noong umalis sila ng pamilya niya at iniwan niya lang ako ng hindi man lang nagpapaalam. He promised to me that he will never forget me and leave me… pero hindi niya natupad ang pangakong yon. Iniwan na nga niya ako, kinalimutan niya pa kung sino ako.” Malungkot na kwento ni Geenee. Napatingin naman kami kay Lester na nakatingin kay Geenee.
Alam kong alam na ni Lester na siya ang tinutukoy ni Geenee. Pero till now, di parin niya maalala yung memories niya tungkol kay Geenee.
“Oh, Les, kaw na.” Dix
“One of my bad experience is malaman kong nagka-amnesia pala ako. For 7 years, nanatili akong masaya at walang inaalala… hanggang sa malaman kong, may mga bagay at pangyayari pala akong hindi maalala. Maraming pumapasok na alaala sa utak ko pero hindi ko alam kung nangyari ba yon o imahinasyon ko lang. At nakakalungkot mang isipin pero… kahit anong pilit kong alalahanin ang taong pinakagusto kong maalala, lagi akong nabibigo.” Lester
Ang lungkot ng sitwasyon nila ano? Yung isa, gustong maalala ng best friend niya, yung isa gusto niya pero hindi niya talaga maalala.
“Okay, ako naman… One of my bad experiences is noong muntik ng mawala sa buhay ko ang nag-iisa kong kapatid. Akala namin, okay lang siya ng mga panahong nawala ang best friend niya pero dumating sa point na, nilamon siya ng kalungkutan niya. Hindi na siya kumakain, iyak lang siya ng iyak kaya nanghina siya at ng isugod namin sa hospital, muntik ng hindi tumibok ang puso niya pero, nagpakatatag siya at pinilit na mabuhay. Kaya ganon ko nalang kamahal ang kapatid ko at handa kong ibigay ang lahat sa kanya sumaya lang siya.” Gerard.
That’s what happened to Geenee when Lester leave? Grabe naman pala ang kwento nilang tatlo… ang sasaklap nga.
Nagpatuloy lang kami sa pagkwekwento ng mga bad experience namin. Hanggang sa… ako na pala… Bigla ko tuloy naalala ang pinakamasamang experience ko sa buhay.
“Pinakamasama kong karanasan ay noong muntik ng mawala ang kapatid kong si Carmie. She’s our youngest sister. Naglalaro kasi kami sa loob ng bahay at wala sina Mommy at Daddy at hindi namin napansin na pumunta pala sa pool si Carmie kaya ayun, nadulas yata siya at nahulog sa pool. Hindi agad namin napansin yon kaya hindi agad namin siya nasagip. Ng mapansin kong nawawala ang kapatid ko, doon ko nalang nakita na may kumakaway kaway sa pool. She was just 5 years old then. Hindi pa siya marunong lumangoy. Kaya dali-dali ko siyang tinakbo at sinagip. She was out of breath at that time. I’m just crying so badly at hindi ko na alam ang gagawin ko. Iyak lang ng iyak si Maggs non at si JC naman, hindi alam ang gagawin. Pinangako ko ng mga oras na yon, buhayin niya lang ang kapatid ko, hinding-hindi ko na siya pababayaan. Kaya ng makasurvive si Carmie, hindi ko na inalis ang mata ko sa kanya. Hindi ko narin hinayaang iwan siya ni Mommy sa bahay. Kaya simula noon, kung nasaan si Mommy, nandoon si Carmie. My siblings are my strength and my wealth. Di ko alam ang gagawin ko kapag nawala sila.” Grabe… ang bading kong pakinggan pero totoo yon… mahal na mahal ko ang mga kapatid ko.
Halos naiyak kaming lahat sa mga kwento ng buhay namin.
“Nakakalungkot naman ang kwento ng mga buhay natin…*sniff sniff* Oh, Venisse, last ka na… ano naman bad experience mo sa buhay?” Gerard
Napatingin naman kaming lahat kay Venisse.
“My worst experience in life is… yung dahilan ng trauma ko ngayon…” Bigla niyang sabi.
“Vens.” Craise
“It’s okay Craise. Nagshare sila… let me share my story to them too…” Nakangiting sabi ni Venisse… a sad one.
Nakikinig lang kami sa sasabihin niya… Ito na yata yung pinakagusto kong malaman… yung gustong gustong malaman ng lahat… kung ano ba talaga ang nangyari…
------------------------------------------
A/N: This is it pancit!!!! Malalaman niyo na kung ano ba talaga ang nangyari kay Vens… Sorry nga pala sa late update, busy kasi eh... tapusin na natin ang story na to para mapost ko na yung DM...
And by the way, Private Chapter po yung susunod na chapter w/c is Venisse Story…
Sorry… wala kasing mga nagcocomment kaya ganyan… Let’s see kung sino yung mga active dito… hehe, peace ^^\/
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro