CHAPTER 18: Day 5 (Weirdo)
Unknown’s POV
“Bakit ba kasi ang tagal? Kanina pa ako naghihintay sa sundo ko pero wala parin. Gosh… nakakatakot na dito sa daan… Makabalik na nga lang sa waiting shed.”
Babalik na sana ako sa waiting shed ng may mapansin akong tatlong lalaki na nakajearsey. Kakatapos lang siguro nilang magbasketball dahil may hawak na bola yung isa at mukhang pawis na pawis sila. Hindi ko na sana sila papansin ng biglang magregister sa utak ko yung mukha ng tatlo.
Napahinto ako sa paglalakad at sinundan sila ng tingin. Patuloy lang silang naglalakad habang nagtatawanan.
“Haha… next time, matatalo na talaga kita Kats… kaya humanda ka lang.”
“Matagal na akong handa Les. Dapat ikaw ang maghanda para sa susunod na pagkatalo mo. Hahaha”
“Hoy, kayong dalawa, tumigil na kayo, gabi na oh baka natutulog na yung iba.”
“Opo sir Seth! Hahahaha” –sabay na sabi nung dalawang lalaki sabay apir.
Seth? Kats? Les?
OH-MY-GEEEE… Tama ba ako ng iniisip?
Walang ano-ano ay patakbo akong lumapit sa kanila sabay yakap dun sa may hawak ng bola.
“OH. MY. GOSH!!!! YOU ARE LESTER RIGHT?!” –malakas kong tanong sa kanya.
Nabigla naman sila at parang di alam ang gagawin.
“Hoy… wait… bitiwan mo nga ako! Rapist ka ba?!” –pasigaw na sabi sakin nung lalaking niyakap ko.
“Grabe ka naman kung makapagsalita. Rapist agad? Di ba pwedeng number 1 fan lang ng Powerful 5?” –sabi ko habang hindi parin bumibitaw sa pagkakayakap ko.
“Teka nga… Oy, Kats, Seth… tulungan niyo nga akong alisin ang babaeng to!” –Lester habang sinusubukang kumalas sa yakap ko.
Agad ko namang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. Bale, niyakap ko nalang siya paside. More on, nilock ko siya within my arms.
“Oh I’m sorry but you can’t do that.” –mariin kong sabi sa kanila.
“And why?” –Seth
“I have bomb in my body at konting galaw niyo lang, papasabugin ko ang sarili ko kasama ng kaibigan niyo.” –sabi ko sa kanila.
Sa totoo lang, medyo natatawa ako sa sinabi ko. Haha
“Are you crazy?! How can you have bomb?” –lalapit na sana sakin si Katsumi pero pinigilan ko siya.
“Don’t! Don’t go close. Papakawalan ko lang si Lester kapag sinabi niyo sakin na kayo nga ang isa sa mga miyembro ng Powerful 5.”
“Sh*t!... Oo na. Kami nga yon! Pwede ba?! Pakawalan mo na ako!” –Lester
“Siraulo ka ah! Hindi mo kailangang sigaw-sigawan ako. Katabi lang kita oh! And don’t cuss you freaking idiot! D*mn! You made me cuss you stupid!” –madiin kong sabi sa kanya. Nakakaasar kasi eh.
“Sinabi na namin na isa nga kami sa members ng P5. So, pwede ba? Pakawalan mo na si Lester?” –Seth
“NO!”
“WHAT?!” –Lester
“Hindi ka ba tatahimik? Gusto mo patahimikin kita? Ang ingay-ingay mo. Daig mo pa ang babae kung makatalak ka.”
“Ano pang gusto mo?” –Seth
“I want Kats to sing.”
“Ha? Ah eh… ano namang kakantahin ko?” –Kats
“Hmmm… teka lang ha? Andito sa phone ko yon eh. Hanapin ko lang.” –sabi ko sa kanila sabay kuha ng phone ko.
Brinowse ko yung playlist ko pero wala akong nakita. Nabura ko yata.
“I-ikaw ba yang na sa wallpaper?” –Lester
“Ha? Ah eh… Oo. Ahm… wala yung kanta. Pero pagkakatanda ko ganito yata yun eh… ehem ehem….”
“♫♪ Wake up, feel the air that I’m breathin’ I can’t explain, this feelin’ that I’m feelin’ I won’t go another days without you… without you… na na na na na…. la la la la la la… Ahh… basta ganon. ♫”
Kroooo krooo…
Parang natahimik yung paligid. May mali ba sa kinanta ko? Mali ba yung lyrics? Yung tono? Pangit ba boses ko?
“What?” –taka kong tanong sa kanila.
“Ha? Wa-wala... Hoy Kats, kantahin mo na yung pinapakanta niya para makauwi na tayo.” –Lester
Kinanta naman ni Katsumi yung kinanta ko. Nakinig lang ako sa kanya habang yung dalawa, tahimik lang din. Napangiti tuloy ako. This was my birthday gift for myself.
After na kumanta ni Kats eh agad kong binitawan si Lester.
“Thanks… ang ganda talaga ng boses mo… Oh, pano… alis na ako… Say ‘hi’ to JC and Xander for me kay’? And Sorry sa pangyayari… Sige… babye…” –atsaka na ako umalis agad at nagwave sa kanila.
“Weirdo…” –rinig ko pang sabi ni Kats
Somehow… it relieves the sadness I feel right now. Agad akong bumalik sa shed at nagtext sa sundo ko. Wala pang isang minuto at may nagreply.
“Sorry nak’ magcommute ka nalang muna at susunduin ko pa ang kuya mo…. Well, lagi naman si kuya ang paborito niyo… How about me? How about Geenee?” –pabulong kong sabi kasabay ng pagbagsak ng luha ko. Agad ko namang pinahid yon at naglakad patungo sa tricycle.
Well, let’s call this a day.
*Kinabukasan
“Where the hell are you Janisse?” –kanina pa ako nakatayo at naghihintay dito sa loob ng mall.
Para akong sira na nakatayo habang naghihintay sa magaling kong bestfriend. Ni hindi ko nga alam kung darating pa nga ba siya.
“Sinong hinihintay mo?”
Napatalon naman ako sa gulat ng may biglang bumulong sa tenga ko. Gosh… nakakapanindig balahibo yung hininga niya na dumampi sa leeg ko. Agad ko namang hinarap yung who-ever-he/she-is.
Eh? Sino tong mga to? Mukha silang ewan sa totoo lang. Nakahood kasi sila at nakasalamin at nakapamulsa. Well, tatlong tao lang naman ang kaharap ko ngayon.
Aalis na sana ako at hindi sila papansinin ng bigla akong hinatak nung isang lalaki kaya napayakap ako sa kanya.
Dug dug dug dug,…
Oh my gosh… may sakit yata ako sa puso. Nakalunok yata ako ng kung anong bagay habang natutulog ako kagabi.
“Aalis ka nalang ba agad?” –sabi nung lalaking pamilyar ang boses sakin
Umalis naman ako sa pagkakayakap sa kanya at tinanggal ang pagkakahawak niya sakin.
“Hoy! Mr. weirdo na nakahoody at salamin. Kung ano man yang trip mo, tigilan mo ako pwede ba? Wala akong panahong makipag-usap sa kagaya mo lalo na’t hindi kita kilala. Kaya excuse me lang, I have important things to do.” –sabi ko atsaka na sana ako aalis kaso pinigilan na naman niya ako.
“Alam mo, ang weird mo talaga. Kagabi lang, akala mo kung sino kang makayakap. Tapos ngayon, parang kakaiba ka.”
Kagabi? Ako? Yakap?
Wai-wait a minute…
“Le-Lester?” –tanong ko sa kanya. Well, naninigurado lang naman.
“Tumpak. So, Ms. Weirdo, anong ginagawa mo dito ngayon? Sinong hinihintay mo at ganyan ang… ayos mo?” –tanong niya sakin sabay taas baba ng tingin.
O//////////////O
“Wa-wala ka ng pakialam doon. Eh sa gusto kong mag-short sa mall?” –nahihiya na naaasar kong sabi sa kanya.
Nakashort lang kasi ako at white printed shirt at naka-back pack. And shoes…
“And, I’m waiting for my friend. Kaya if you wouldn’t mind? Pwede bang, layuan niyo ako?” –sabi ko sa kanila habang lumalayo ng konti.
“Geenee!”
Napatingin naman kaming apat sa tumawag sakin. Wewh… save by her ang peg ko. Agad naman akong tumakbo palapit kay Janisse.
“Shocks, Jan, bakit ang tagal mo?”
“Sorry… tumakas pa kasi ako sa bahay eh… alam mo naman, strict si mama. Hmm… sino sila Geen?” –Janisse
“Ha?” –napaharap naman ako sa tinitingnan niya.
At hindi ka nga naman tinamaan ng magaling OO… Sumunod pala yung tatlo sakin.
“Ah… sila? Ah…” –ano bang sasabihin ko kay Jan?
Aha! May naisip na ako.
“Ah, ito si Gian *sabay turo kay Kats*, kabarkada ng kuya ko. Ito naman si Sed *Seth*, pinsan ko. At ito naman si… Vince*Lester*… kai-“ –hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil inunahan na ako ni Lester.
“Boyfriend. I’m her boyfriend.” –Lester
HA? Bigla naman akong napaharap sa kanya pati sina Seth at Kats…
ANO DAW?!
“Bo-boyfriend?!” -Janisse
“Yes… I’m her boyfriend. Di ba bhe?” –tanong niya sakin sabay hatak at pulupot ng kamay niya sa bewang ko.
Shocks… nakakapangilabot… I… I hate this feeling.
“Ha? Ah eh… OO…” –pagsang-ayon ko nalang sabay ngiti ng pag-aalinlangan.
“Geen? Hindi mo man lang sinabi, may boyfriend ka na pala?!” –Janisse sabay tapik sa balikat ko.
“Hehe… Eh kahit nga ako, hindi ko alam… ngayon ko lang din nalaman. Sh*t!” –bulong ko naman.
“So ngayon alam mo na? Bhe?” –bulong sakin ni Lester.
Napatingin naman ako sa kanya at nakatingin pala siya sakin habang nakangiti. Nakakaasar lang… gusto kong pilipitin tong taong to. Ano bang pumasok sa kokote niya at sabihin ang ganoong bagay?
“So, san ang punta niyo niyan?” –Lester habang nakaakbay sakin.
Sinusubukan ko namang alisin yung kamay niya pero binabalik niya lang. Kaya naman, iniwan ko siya at sumabay kay Janisse sa paglalakad.
“Sa department store… ibibili ko lang ng regalo tong’ si Geen… birthday niya kasi kahapon di ba? Dapat magkikita kami kagabi kaso, biglang sumama ang pakiramdam ko, kaya naman bumabawi ako sa kanya. Hehe.” –Janisse
“Birthday niya… kagabi?” –Lester
“Hindi mo alam?” –Janisse atsaka napahinto sa paglalakad.
“Ha? Ah eh… alam ko. Iniisip ko lang, kaya pala ginabi na siya kahapon at hindi agad nakasipot sa date namin.” –Lester
Sinamaan ko naman siya agad ng tingin pero nginitian niya lang ako.
Nakakaasar ka talagang lalaki ka… Hindi ko maintindihan kung bakit ikaw ang niyakap ko kagabi at hindi nalang si Seth o kaya si Kats… Ay nakakaloka.
“Jan, Dalian natin, gusto ko ng umuwi. Sumama yata ang pakiramdam ko dahil sa ATMOSPHERE dito.” –atsaka ko sinamaan ng tingin si Lester. Natawa naman sina Kats at Seth.
“Ha? Ganon ba? O sige… after kitang mabilhan ng kahit anong gusto mo…. Kain muna tayo then uwi na. Okay ba yon Geen?” –Janisse
Tumango nalang ako sa kanya. Tapos ayon, nagpatiuna na tapos sumabay sa kanya sina Seth at Kats. Naglakad nalang ako ng mag-isa ng biglang tumunog yung phone ko.
Calling…. Ma
“Hello?” –cold kong sagot.
“…”
“I’m with Janisse.”
“…”
“Fine. Kelan niyo nga ba naman ako inuna? Di ba lagi nalang si Kuya? Eh pano kung sabihin ko rin sa inyong may sakit ako?”
“…”
“I’m not joking ma…”
“…”
“I… I do have… I’am… I am sick and tired of this.”
Pagkasabi ko niyan ay binaba ko kaagad ang phone ko.
Nakakaasar kasi. Bakit ba kahit minsan lang hindi nila magawang iprioritize ako? Kahit isang beses lang naman. Kahit isang beses lang na iparamdam nilang I’m ‘Special’.
“Ok ka lang?”
Napaangat naman ako ng ulo at nakita ko yung pag-aalala sa mukha ni Lester. Agad naman siyang may pinunasan sa mukha ko kaya nabigla ako.
“Ganon ba kasakit para hindi mo mapansing…” –Lester
“Oo… ganon kasakit. At hindi ako OK. Never akong naging OK sa buong buhay ko.” –and I let a forceful smile.
“Ok lang yan… marami pa namang nagmamahal sayo… parang ako…” –Lester
“Ha?” –tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi gaanong narinig yung huli niyang sinabi.
“Ah… wala. Wala. Wag mo ng intindihin yon. Ano, tara na? Naiwan na nila tayo oh.” –sabi niya sabay akbay ulit sakin.
“Sige pero tanggalin mo na yang pagkakaakbay mo sakin kung ayaw mong masaktan.”
“haha… Amazona ka talaga.” –natatawa niyang sabi pero di parin inaalis yung pagkakaakbay niya.
“Geenee!”
Napahinto naman si Lester sa pagtawa at napaharap kami sa tumawag sakin. Pero sana nagkunwari nalang akong walang narinig.
“Oy… Kristoff… anong… anong ginagawa niyo dito ng… ng girlfriend mo?”
“Ah, nagdedate? Di ba monthsary namin kahapon? AY, oo nga pala… belated happy birthday Geen… Sandali…” –sabi ni Kristoff habang may kinukuha sa back pack ng gf niya.
Nakatingin samin si Anne(gf ni Krisstoff) habang nakangiti. Palit-palit yung tingin niya samin ni Lester. Nginitian ko rin siya kahit… masakit.
“Here.” –sabay abot ni Kristoff ng regalo sakin.
“Sana di ka na nag-abala.”
“No, talagang binili namin ni Anne yan kahapon. Sakto kasing naalala niya na Birthday mo pala.” –ngiting sabi ni Kristoff.
Buti pa yung girlfriend niya, naalala… pero siya…
“Bhe… pwede bang pakilala mo naman ako sa kanila?” –bulong sakin ni Lester, kaya naman nabigla ako.
“Ayy! Oo nga pala. Kris, Anne… si… Vince… Oo, si Vince, b-boy….”
“Boyfriend niya. Nice meeting you two.” –sabi ni Lester sabay hi kina Kristoff at Anne.
Shocks… nakakahiya… for sure kalat sa facebook to mamaya. Ako na naman pagpepyestahan sa klase sa Monday nito.
0//////////////////////0
“Haha… ta-talaga? Hi-hindi mo sinasabi Geen… may… may boyfriend ka na pala.” –Kristoff
Bigla naman akong napatingin sa kanya. Hindi naman sa assumera ako pero… Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ako lang ba o talagang nagseselos si Kris? Sa tono kasi ng pananalita niya parang…
“We’re happy for you two… Bagay kayo… bagay na bagay…” –sabi naman ni Anne sabay cling sa braso ni Kris.
O/////////////////////O
“Ah… hehe… salamat.” –ako sabay yuko.
“Pasensiya na ha? Ang hilig kasing magblush ni Geen kaya mahilig yumuko yan. Nahihiya siguro. Hehe.” –Lester.
Siniko ko naman siya kaya medyo na pa aww siya ng konti.
“Ahh… si-sige… mauna na kami ni Anne… May…. May pupuntahan pa kasi kami eh. Nice meeting you… Vince. Alagaan mo yang si Geenee. Wag mong hahayaang makuha pa ng iba yan.” –Kristoff
Pagkasabi non ay agad na silang umalis ni Anne. Medyo masakit parin pala. Akala ko wala na talaga eh. But seeing him with her? May konti paring kirot.
“Anong… ano mo siya?” –biglang tanong ni Lester.
“He’s my classmate… more than that… he’s my first… crush… o baka love narin siguro? Ewan ko…” –sabi ko sa kanya sabay hawak sa kaliwang dibdib.
“Mas… mas masakit ba? Kapag… kapag Nakikita mo siyang….” –Lester
“OO. MASAKIT. SOBRANG SAKIT, TO THE POINT NA, GUSTO KO NA SIYANG AGAWIN SA GIRLFRIEND NIYA. Pero… I can’t do that. He’s happy now… At masaya na ako dahil masaya siya kahit na nasasaktan ako. ” –sabi ko sa kanya sabay lakad palayo.
Ayokong umiyak. Ayokong umiyak pero bakit napakataksil ng luhang to’? Agad akong pumunta sa CR at nagkulong sa isang cubicle. Buti nalang at medyo maingay kaya hindi nila gaanong maririnig ang paghikbi ko.
Sniff sniff… sana ako nalang… sana ako nalang ang minahal niya… Sniff sniff Kahit masakit… wala akong magagawa kung hindi tanggapin na… hindi talaga kami para sa isa’t isa.
After kong mahimasmasan… agad akong lumabas at buti nalang, ako nalang mag-isa. Napatingin ako sa salamin at…
“Sh*t… anong ginagawa mo dito? CR to ng mga babae. Nandon sa kabila yung CR panlalaki.” –sabi ko sa kanya.
“Alam ko. Sinisigurado ko lang na Ok ka lang. Baka kasi nilamon ka na ng banyo.” –Lester
“Baliw! Tigilan mo nga ako at lumabas ka na ag-“ –di ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil hinatak niya ako papunta sa kanya.
Naramdaman ko nalang na may mga kamay na nakayakap sakin. Nanatili lang akong nakatayo at gulat na gulat. Hindi ko magawang ikilos ang mga kamay ko.
“Please… wag ka ng umiyak… lalong lalaki yang eyebags mo… haha…” –natatawa niyang sabi.
Napahawak tuloy ako ng mahigpit sa damit niya at bigla na namang nagsilabasan yung mga taksil kong luha.
“Idiot. Maganda ako kahit may eyebags ako. At hindi eyebags yan… mugto lang ang mga mata ko…”
“Hmmm… oo nga eh…” –Lester
“haahhhh*hikab*… Inaantok ako…” –sabi ko sa kanya sabay sandal ng ulo ko sa dibdib niya.
At sa hindi inaasahang pagkakataon, rinig na rinig ko ang mabilis na pagpintig ng puso niya.
“Kinakabahan ka ba?” –tanong ko sa kanya habang nakapikit ang mga mata ko.
“Ha? Ah eh… medyo… baka kasi may biglang pumasok.” –Lester
“*chuckles* Ayaw mo non? SIkat ka?”
“Inaantok ka na ba talaga?” -Lester
“Hmmm”
Walang sabi-sabi ay binuhat niya ako agad. Hindi ko alam kung bakit pero… hindi man lang ako kumontra.
Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao pero… wala akong pakealam… buti nalang din at nakatakip ang buhok ko sa mukha ko… Basta ang alam ko ngayon… gusto kong magpahinga… kahit sandali lang.
“Anong nangyari sa girlfriend mo?” –rinig kong tanong ng isang guard.
Naaninag ko kasi yung suot niya. Palabas na pala kami ng mall.
“Nakatulog lang po. Napagod po kasi sa biyahe.” –Lester
“Ahhh…”
Ayoko mang pansinin pero… Nakakahiya talaga…. Baka kasi kung ano ang iniisip nila. O baka ako lang ang nag-iisip? Kaasar.
“Kaya mo pa ba?” –tanong ko kay Lester
“Ha? Oo naman. Kahit medyo mabigat ka… kaya pa naman. Hehe.” –natatawa niyang sabi.
“San moko dadalhin?”
“Sa kotse ko. Doon ka nalang muna matulog. Bumalik nalang tayo sa loob mamaya kapag gising ka na.” –Lester
“K. Fine.”
Maya maya… ibinaba na niya ako. Andito na ako sa harap ng kotse niya.
Wewh… Black Hennessey Venom GT (credit)
“Sayo to’?” –tanong ko sa kanya sabay bukas ng backseat.
“Yup.” –sabi niya atsaka rin pumasok sa backseat.
“Eh? Ba’t andito ka?”
“Kasi, kotse ko to?” –Lester
“You’re so stupid talaga. Alam kong kotse mo to. Pero, bakit andito ka? E di ba, matutulog ako? You know? Iidlip?”
“Oh, ano namang problema kung andito ako? E di umidlip ka katabi ko.” –Lester
Nakakahighblood talaga tong lalaking to. Ganito ba talaga siya? Hindi ko nalang siya pinansin at naisipan ko nalang na ibaba ang sandalan ng driver’s seat. Tapos pinatong ko yung paa ko doon kahit nakasapatos ako.
“Ho-hoy! Hindi mo man lang ba tatanggalin yang sapatos mo?” –Lester
Hindi ko nalang siya pinansin. Sa halip, niyakap ko nalang yung bag ko at ipinikit ang mga mata ko. Inaantok talaga ako…
“Sige na nga… pagbibigyan kita… pero ngayon lang…” –Lester
“…”
*a moment of silence.
“Ah… ang tagal nating magkasama ngayon pero, hindi ko pa alam ang totoo mong pangalan. Sino ka ba talaga?” –tanong niya sakin.
Nakapikit parin ako pero sinagot ko siya.
“I’m Geenee Perez. 15 years old. Living at Jones Village, Lot 14 Block 44. I have a twin brother and he’s older than me… Dalawa lang kaming magkapatid. Mahirap lang kami. I’m studying at Trevor High School and I’m 3rd year. I graduated as a Valedictorian when I’m elementary and I’m running for Valedictorian this secondary term. I’m the SSG President. Terror, kind, lovable, charming, funny, and cute. I have Janisse as my bestfriend and Kristoff as my crush. I’m a working student… I work as a tutor. My mother is a house wife and my father is a manager at Girillians Resto, that’s your restaurant right?”
“Ah… hindi mo naman kailangang sabihin lahat… pero… sa restaurant pala namin nagtratrabaho ang papa mo?” –Lester
“Oo… minsan narin akong nakapunta doon… That was way back when I’m still 7 years old. Naalala ko… may nameet pa nga akong isang mayabang, chubby at idiotic na stupid na bata na naging kaibigan ko noon. Kaya nung Makita ko siya kagabi… niyakap ko siya ng mahigpit…” –sabi ko sa kanya ng nakangiti pero nakapikit parin ako.
Ngayon ko lang din naalala ang pangyayaring yon. Kaya pala si Lester yung niyakap ko kagabi… Kaya pala… dahil siya pala si ter-ter butter… haha…
Idinilat ko naman ang mga mata ko at napatingin sa kanya. Tapos nakita ko yung itsura niyang gulat na gulat.
“I-ikaw si nee-nee? Yung panget na batang iyakin na laging dinadala ni Tito Fred?” –Lester
Ano raw? Ako panget na iyakin?
“Hoy! Hindi ako panget at iyakin noon noh! Nagkataon lang na lagi mo akong pinapaiyak. At hindi ako panget! Cute ako! CUTEEEEEEEEEEEEEEE!” –sigaw ko sa kanya pero…
Bigla niya lang akong niyakap ng mahigpit. Agad namang kumilos ang mga kamay ko at napayakap din ako sa kanya.
“Namiss kita nee-nee… honee…” –bulong niya sakin.
Nagtataka ba kayo kung bakit butter at honey(honee) ang asaran namin? Paborito niya kasi yung butter at ako naman yung honey. Ayoko ng butter at ayaw niya rin ng honey kaya nung mga bata pa kami, lagi kaming magkagalit at magkaaway. Minsan lang yata kami magkasundo niyan eh… Pero naging magkaibigan kami. Hanggang sa isang araw, di ko na nakita si ter-ter… Sabi ni papa… nagmigrate na raw sila sa States. Sayang nga eh… hindi ko man lang siya nasapak kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon. HAHA.
“Nakakaasar ka nga eh… bigla ka nalang nang-iiwan.” –kumalas na ako sa yakap at sumandal sa upuan.
“Biglaan kasi ang pag-alis namin… Alam mo, namimiss ka narin nina Dad and mom… lalong lalo na si Leslie…” –Lester
“Talaga? Siguro dalaga na ngayon si Leslie? May boyfriend na ba siya?”
“Ha? Wala pa siyang boyfriend at hindi siya pwedeng mag kaboyfriend! Lagot sakin yung ungas na manliligaw sa kanya!” –Lester
“Haha… buti nalang pala at hindi kita kapatid… Napakaprotective mo kasing kuya eh… hehe…”
“Hindi naman. Ah… ikaw nee? May… may boyfriend ka na ba?” –Lester sabay iwas ng tingin.
Napangiti nalang ako at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Napatingin naman siya sakin.
“Sira ka ba?”
“ha?” –Lester
“Di ba, sabi mo ikaw ang… ikaw ang boyfriend ko? Haha...” –natatawa kong sabi sa kanya sabay pikit ng mata.
Naramdaman ko naman yung mga braso niya sa balikat ko.
“Haha… oo nga pala… ako nga pala ang boyfriend mo…” –pinatong niya rin yung ulo niya sa ulo ko.
Naramdaman ko nalang na bumibigat na ang talukap ng mga mata ko… and then, I fall asleep…
Lester [Short] POV
“Lester… Lester… Lester…”
“Geenee…”
“PARE!!!!”
Napabalikwas naman ako at nakalimutan kong na sa skwelahan pala kami ngayon kaya bigla nalang akong nahulog sa upuan. Andito kami sa may Secret Garden ng University, at hindi ko namalayang nakatulog pala ako.
“Sh*t Kats… pwede namang yugyugin ako di ba? Grabe… nabasag yata eardums ko sayo.” –ako sabay hawak sa tenga ko.
“Haha… ang tagal mo kasing natutulog diyan. Ni hindi mo na nga yata napansin yung ginawa namin diyan sa mukha mo. WAHAHAHA…” –Seth
“Ha? Anong ginawa niyo?” –patakbo naman akong pumunta sa fountain at naaninag kong andaming sulat sa mukha ko.
Agad naman akong naghilamos para tanggalin yon.
“Haha… Grabe les, humihilik ka pa dito sa video oh… haha…” –JC
“Sige, tawa pa…”
Nakakaasar naman tong mga to. Nakatulog lang naman kasi ako sa sobrang pagod. Kayo kayang pabalik-balik na pabilhin ng kung ano-ano tapos sa bandang huli, hindi naman pala yon yung gusto niya? Hay… ubos na nga ang pera ko, napagod pa ako.
Inutusan kasi kami ni Boss Vens kanina na bumili ng ganito, ganon… Kanya-kanya kaming utos, tapos, sa huli… tumambak lang yung pagkain sa buong classroom, pero wala parin siyang gusto. Ang masaklap… Sarili kong pera ang ginamit ko… Huhuhuhu…
“Geenee…” rinig kong sabi sa video.
“Sinong Geenee yung sinasabi mo dito Les?” –Dixon
“Ha? Hindi ko rin alam eh… napanaginipan ko nalang bigla yan tapos ayon… Weird nga eh…”
“Haha… baka naman stalker mo to Les, o kaya, soulmate mo? Haha” –Drache
“Ewan…”
Hindi ko alam kung sino yung Geenee na yon o anong kinalaman ko sa kanya. Pero nararamdaman kong, naging parte siya ng buhay ko.
Author as Geenee Perez [wahahaha… walang kokontra… akalain mong na-i-segway ko yung panaginip ko dito ngayon? Wewh…]
--------------------------------
A/N: Who is Geenee Perez? Ano ang magiging papel niya sa buhay nila? Sa buhay ni Lester?
Abangan…
Yung character po na magpoportray sa papel ni Geenee is not me actually… Nag-iisip pa ako kung sino pero wala akong maisip na bagay kay Lester O>>>>O… Kaya hanggang di pa ako nakakapag-isip… hayaan niyo munang ako ang magportray ng papel ni Geenee…. Hehe… By the way, hindi po Geenee Perez ang pangalan ko…
Comment, Vote and keep supporting… Till next update readers!.... :))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro