CHAPTER 12: First Attempt
A/N: Kindly read my note at the bottom part of this chapter. THAT IS IMPORTANT so read it!!...hehe...yun lamang po... tnks....
---------------------------------------------------------------------------------------
Drache’s POV
After naming mapag-usapan yung about kay Venisse eh napagdesidyunan naming itigil na yung plano ni Kats. Sa halip, bumuo kami ng bagong operation. Ang operation Venisse. We’ll help her na malabanan yung trauma niya. Alam naman naming lahat na hindi madaling kunin ang tiwala ni Venisse kaya, kung gagawin man namin ito, we’ll do it with all our heart. Hindi ko nga alam kung nasisiraan na ba kami ng ulo dahil first time naming gagawin ito. Kilala kami sa pagiging cold hearted. Pero eto kami ngayon, helping someone para magtiwala sa iba.
Naglalakad na kami ngayon pabalik ng canteen ng biglang mag-ring ang phone ni JC.
“Hello, Babe?”-JC
“…”
“Ha?!”-JC
“…”
“O sige sige… tutulong din kami sa paghahanap. Tawagan mo ako agad kapag nakita mo siya okay?”-JC
“…”
“Okay, bye.”-JC
“Ano daw sabi ni Mitch?”
“Kuya, nawawala raw si Maggs.”-JC
“Oka-WHAT?!”
Sorry, nabigla ako doon. Syempre, kapatid ko yung nawawala, alangan namang matuwa ako di ba?
“Nasa canteen lang daw sila kanina eh. Nagpaalam lang si Mitch na bibili sandali ng maiinom, pagbalik niya, wala na raw si Maggs. Nagtanong-tanong na siya kung may nakakita kay Maggs, sabi nagmamadali raw na lumabas ng canteen.”-JC
“Ayan na nga ba ang sinasabi ko kaya ayaw na ayaw kong isinasama si Margarrette. She always lost herself. Maghiwa-hiwalay na muna tayo para hanapin si Maggs. Magkita nalang tayo ulit dito mamaya.”- ako atsaka na kami tumakbo sa magkakaibang direksyon.
Asan na ba yung batang yon. Ang laki pa naman nitong school. Umatake na naman ba ang pagiging Dora the Explorer niya? At sa lugar pa na ito ang napili niyang pagexploran? Naku Barbara Margarrette, Makita lang kita mamaya, sermon ang abot mo!
Lakad.
Lakad.
Lingon.
Lingon.
Takbo…
Lingon-lingon…
Asan ka na ba Margarrette? Isang lugar nalang ang hindi ko pa napupuntahan. Ladies comfort room. Tumakbo na ako papunta doon. Ng malapit na ako sa Ladies CR, may biglang tumawag sa akin.
“Bro!/Tol!/Kuya!/Cous!/Pre!”
Sina Kats, JC, Dixon, Seth at Lester. Huminto muna ako at hinintay sila. Patakbo rin silang pumunta palapit sa akin ng mapansin kong walang bakas ng isang Margarrette silang kasama.
“Kuya, hinagilap na namin bawat sulok ng school na to pero wala parin talaga.”-hingal na sabi ni JC
“Bro, baka naman magkasama na sila ni Mitch.”-Lester
“If that so, dapat tinawagan na ako ni Mitch.”-JC
“Wait, may-isa pa akong hindi napupuntahan. Chineck niyo na ba yung CR malapit sa building natin?”
“Not yet kuya.”-JC
Umiling lang sina Kats. Meaning to say, baka nga nandoon si Maggs. Naglakad na kami papunta sa CR. Lumiko na kami sa isang block and then there she was… Barbara Margarrette… Standing still, together with three girls. Yung isa for sure si Mitch, pero yung dalawa, hindi ko Makita yung mukha kasi nakatalikod sila.
“Mitch!/Maggs!”-me and JC
Napaharap naman silang lahat pati narin yung dalawa pang kasama nila.
“Andiyan lang pala kayo.”
Nabigla pa ako kasi kasama pala nila si Venisse at Craise.
“Babe!”-Mitch
“John Carl Lacson was your boyfriend?!”-pagulat na tanong ni Venissena ikinabigla naming lahat.
“Yes he is.”-Mitch
“Kuya JC! Kuya Drache!”-pasigaw na tawag ni Maggs
“Margarrette. Anong ginagawa mo dito? I mean, anong ginagawa niyo dito ni Ate Mitch mo? And bakit kasama niyo sila?”-ako sabay tingin kina Venisse.
“Kuya?”-takang tanong ni Venisse
“Ate Miley, sila po yung sinasabi ko sa inyong mga kuya ko. Si Kuya JC at si Kuya Drache. Kuya Drache, Kuya JC, sila naman yung ikinukwento ko sa inyo 2 years ago na nakakita sa akin sa mall. Si Ate Miley, at si Ate Shirley.”-Maggs
Ate Miley? Ate Shirley? So, sila yung sinasabi ni Maggs na tumulong sa kanya sa mall nung mawala siya? Yung lagi niyang ikinukwentong magagandang babae? Yung sinasabi niyang mabait? Si Venisse at Craise yung matagal na niyang tinutukoy? Teka nga, parang hindi ko yata madigest yung sinabi ni Maggs.
“We know each other Barbs. Actually, ang bait nga ng kuya mo at ng katropa niya sa akin eh. Di ba Xander?”-sarcastic na tanong sa akin ni Venisse atsaka nagsmirk.
“Ha? Ah eh… Oo…”-pag-aalanganing kong sagot sabay tingin sa kanya.
“Ahmm, I think we need to go. Barbs, give me your number nalang so we can talk sometimes.”-Venisse and gave her phone to Maggs at denial naman ni Maggs yung number niya.
“Here ate. Uhmm, ate, pwede ba tayong lumabas bukas? One week lang kasi ako dito sa Philippines. Gusto ko sanang magspend ng time together with you and Ate Shirley.”-Maggs
“Of course baby. Lagi naman kaming free. Just call me if you need something okay? Take care ha? Babalik na kami ng ate Shirley mo sa classroom namin.”-Venisse atsaka nginitian at niyakap si Maggs
Ewan pero yung ngiti niyang yon kay Maggs, totoong ngiti. Hindi fake but a real one. And kanina ko pa napapansin na Barbs ang tawag niya kay Maggs. Bakit hindi nagagalit si Maggs? Eh ayaw na away niyang tinatawag na Barbs cause it feels daw that someone called her Barbara narin. Ang gulo rin ng kapatid kong ito. Kapag ako ang tumatawag sa kanya ng ganon nagagalit siya agad. Tapos pag si Craise at lalong lalo na si Venisse, gustong-gusto niya? That’s unfair in my side!
“Sige Mitch, mauna na kami. And by the way, nice meeting you again.”-Venisse at nginitian si Mitch
Aalis na sila agad?
“Bye, Barbs. See you next time. Mitch mauna na kami.”-Craise
“Bye Ate Miley, Bye Ate Shirley!”-Maggs.
Tumalikod na si Venisse atsaka nagwave. Nakatingin parin ako sa kanya ng tuluyan na silang lumiko sa isa pang block. Kailan ko kaya ulit makikita yung ngiti niyang yon? Pero sandali, may bagay pa pala akong dapat ayusin ngayon.
“Hey, Barbara Margarrette. Where did you think you go? Bakit umalis ka ng hindi nagpapaalam sa Ate Mitch mo?”-sermon ko sa kanya.
“Kuya, first of all, don’t call me Barbara Margarrette, dahil it doesn’t sounds good pag ikaw ang nagsasabi. Second, hindi ako nakapagpaalam kay Ate Mitch dahil naiihi na ako kanina pa kaya tumakbo ako palabas ng Canteen atsaka naghanap ng CR. And third, will you excuse me for a while dahil kanina ko pa gustong magCR.”-Maggs atsaka biglang tumakbo papasok ng banyo.
Nagtawanan nalang yung iba samantalang ako parang badtrip na badtrip. Akala ko kasi nawawala na talaga si Maggs. Patay ako kay Mommy kapag nawala ulit yun.
“You know Xander, nakakapagtaka yang si Maggs. She doesn’t want others to call her by her name, Barbara Margarrette. Pero nung si Craise yung tumawag sa kanya ng ganon lalong lalo na si Venisse? Parang masaya pa siya. Knowing that they call her Barbs which is ayaw niya ring tinatawag siya ng ganon? I think Craise and Venisse is so special to her.”-Mitch
Oo nga. Mitch is right. Mahirap kunin ang loob ni Carmie especially Maggs. Kahit si Mitch noon, It takes months bago niya nakuha ang loob ni Maggs. But Craise and Venisse na nakilala niya lang noon at nakasama for how many hours? Parang sobrang close na nila agad. At ngayon na nga lang sila nagkita after 2 long years, parang mas kumportable pa si Maggs na makasama sila compare sa amin.
“Yes you’re right Ate Mitch!”-sigaw ni Maggs mula sa loob ng CR. Atsaka na siya lumabas.
“They are so special to me. When I’m with them kasi, I feel so secured. I can feel na mababait silang tao.”-Maggs habang nakangiting sinasabi yon.
“Mababait daw, eh halos patayin na ako sa tingin ng dalawang yon eh…”-bulong ni Kats pero siniko ko lang siya.
“Ahh, Kuya, I think I need to go, nagtext na kasi si Mommy that she’s outside your school na.”-Maggs
“Ha? Sige hatid na kita.”
“Kami nalang ni Mitch ang maghahatid kay Maggs kuya. Mauna nalang kayo sa classroom.”-JC
“O-okay. Margarrette, mag-ingat kayo sa pag-uwi ha?”
“Yes Kuya. Kayo rin.”-Maggs
“We’ll go ahead.”-JC
Umalis na sila JC. Kami nalang nila Seth yung naiwan. Naglakad narin kami papunta sa classroom namin. Habang papunta kami ay biglang nagsalita si Seth.
“I think, mas malapit ang loob ni Maggs kay Venisse compare sayo Drache.”-Seth
“Oo nga bro. You think, we can use Maggs para mas mapalapit kay Venisse?”-Kats
“Gusto mong itapon kita palabas ng bansa Kats? You can use other people but not my sister. At kahit mas mapalapit pa siya kay Venisse kesa sa akin, that’s okay. Atleast kahit papano eh hindi lang si Craise ang nakakasalamuha niya. Atleast alam natin ngayon, that she can trust others din and she’s willing to let others to be part of her life.”
Nanahimik nalang sila hanggang makarating kami sa classroom. Pagpasok namin napansin kong sa ibang pwesto na nakaupo si Venisse at Craise. They were sitting sa lugar nila JC. At yung lugar naman nila pati yung lugar ko and Dixon was occupied by three mens. And parang pamilyar sa akin tong tatlong to. Yung maputing lalaki na nasa likod ni Venisse, ito yung lalaking yumakap sa kanya at kay Craise nung gabing nasa Drag Racing kami. Kung hindi ako nagkakamali, he’s the Emperor they were talking about, and the other two men was one of those Kings.
Umupo na ako katabi ni Venisse. Malapit parin ako sa bintana at si Dixon, katabi parin si Craise. Yung lugar naman nila Kats, sa harap parin namin. Bali nagmove lang kami. Yung other students naman, lumipat sa kabilang row. Napatingin ako kay Venisse pero mukha yatang mali yung ginawa ko. Kasi nakatingin rin pala siya sa akin and her eyes, parang galit na galit siya sa akin. Nakakunot lang yung noo niya at bigla akong tinaasan ng kilay.
“Why you’re looking at me?!”-mataray niyang tanong.
“Ha? Wa-wala.”-sabi ko atsaka nagbawi ng tingin sa kanya. Parang iba yata siya ngayon. Parang kanina lang parang ang ganda ng mood niya. Anong nangyari ngayon? May nagawa ba akong mali sa kanya?
Nag-iisip lang ako ng biglang dumating si JC kasama si Mitch. Kinausap muna nila si Sir Gomez atsaka na umupo si JC sa harap ko. Samantalang si Mitch naiwan sa harap.
“Class, you have your new classmate here. Uhm… Kindly introduce yourself to them.”-Sir Gomes atsaka tiningnan si Mitch
“Hi, I’m Michellin Clarkson Mitch for short. I hope we can all be friends.”-Mitch
“Okay, you may now take your seat Miss Clarkson beside….”-Sir Gomez
“She will seat beside me Sir.”
Napatingin naman ako kay Venisse. Ako at si Craise lang naman ang katabi niya.
“But those seat beside you was all occupied Ms. Javier.”-Sir Gomez.
“That’s okay Sir, lilipat rin naman po ng pwesto si Mr. Lacson. Di ba Xander?”-Venisse.
Her tone was as if she was ordering me to move. Parang I have no choice ata para hindi siya sundin.
“Ahh…Yes…”-ako atsaka tumayo.
Tinapik ko nalang si Seth na magmove para makaupo ako. Bali ganito yung pwesto namin.
[A/N: DRK(DragRacingKing)]
Student|Student|DRK| DRK|Emperor|Window
Student|Dixon |Craise| Venisse|Mitch|Pader
Lester |Kats |Seth | Ako |JC |Window
Pagkaupo ko, binulungan ako ni Seth.
“Mukhang, she’s starting to make us as her slaves. And ikaw pa yung unang nasampolan tol.”-Seth
“Kung wala lang tayong deal, at kung hindi lang tayo sumusunod sa mga usapan, baka kanina ko pa natanggihan yan. But no. We are known for having a one word. At ayokong masira ang tingin ng mga tao sa atin.”
Tinapik lang ako ni Seth sa balikat. Kailangan lang din magtiis-tiis. Sa ngayon, pagbibigyan ko muna siya. But after this, after one month, babalik ako at ako naman ang magtuturo ng lesson sa kanya. For now, she will be the boss. But later on, ako naman.
Vens’ POV
Alam niyo yung pakiramdam na parang gusto mong ibalibag palabas yung taong nakaupo sa harapan ko ngayon? Nabwibwisit ako pag nakikita ko siya. Nakakairita. Nakakapang-init ng ulo. Kumukulo dugo ko sa kanya grabeh.
“Ahmm… Venisse… pwede bang magtanong?”-Mitch
“You are asking…”
“Ahh…hehe… alam kong badtrip ka ngayon pero, bakit dito mo ako pinaupo?”-Mitch
“Kasi gusto ko. At ayokong may katabing PAYATOT na MUKHANG KAWAYAN.”-sarcastic kong sabi kay Mitch atsaka ko nilakasan yung payatot na mukhang kawayan para marinig nung nasa harapan ko.
At tama nga ako, na narinig niya dahil napatingin siya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay atsaka ngumiti. Tapos siya nakakunot lang ang noo. Sino bang tinutukoy ko? Eh sino pa nga ba? Edi tong mahanging lalaking wala namang maibubuga at baka tangayin pa nga ng hangin na si Xander.
“Ahh… hehe… sige, salamat sa magandang sagot.”-Mitch atsaka na bumalik sa pakikinig.
Nakakabagot naman tong klaseng ito. Wala na bang ikasisigla ang hangin dito? Nakasalukbaba lang ako habang nakatingin sa guro namin pero nababaling ang paningin ko dito sa taong nasa harap ko. Mas lalo tuloy akong naaasar at nawawalan ng gana. Boring na nga yung nagtuturo sa harap, may sagabal pang basura na nakaupo sa harapan ko. Peste talaga! Wala bang may gagawa ng eksena dito para naman matuwa ako?
Nilibot ko lang yung paningin ko sa buong klase tapos may nakita akong kaklase ko na may dalang panali. Siguro gagamitin yun mamaya para sa susunod naming subject. Well, wala akong pakealam kung saan man gagamitin yun. Interesado lang ako ngayon sa pantaling yun na meron siya. At dahil sa pagkainteresado ko ay bigla akong tumayo para sana lumapit dun sa kaklase kong nerd para hiramin yung tali kaso bigla akong tinawag ni Mr. Gomez.
“Yes Ms. Javier.”-Sir Gomez
“What about me sir?”-takang tanong ko sa kanya. Nakatingin na sa akin lahat ngayon.
“Can you answer this problem solving written on the board?”-Sir Gomez
Ha? Tiningnan ko kung anong nakasulat doon sa white board. Oh shoot… GEOMETRY problem. Kailangan bang lahat ng problema sa Math kailangang ipasa sa iba? Kapag ba si y hindi mahanap si x kailangang ipahanap pa sa iba? Hindi ba pwedeng, problema ni Math, solohin niya?
“Ms Javier, can you answer it?”-tanong ulit sa akin ni Sir Gomez.
“Ha? Ahh… Y-es I- I ahh… I can answer that sir.”-utal kong sagot sa kanya.
Nilingon ko muna si Craise giving her a paano-to?-look… Nakakunot lang ang noo kong nakatingin sa board. Huminga muna ako ng malalim atsaka nagsulat… Medyo mahirap yung sinasagutan ko kaya medyo natagalan ako. Atsaka, pinamalay-malay ko sa Math na to. Sa totoo lang, bakit ko nga ba sinasagutan to ngayon?
“Are you done Ms. Javier?”-Sir Gomez
“Sir, atat lang masyado? May pupuntahan, may pupuntahan? Gusto mo tadyakan kita para makarating ka kaagad sa paroroonan mo?!”
Pero wag kayo, sa utak ko lang yan. Busy pa ako sa pagsagot sa pesteng problem solving na toh.
“Wait sir, just finalizing my answer.”-sagot ko nalang habang tinitingnan yung sinagot ko.
Ng masure ko nang okay na… binigay ko na yung marker kay sir atsaka na sana uupo kaso…
“Mind, explaining your work Ms Javier?”-Sir Gomez
Ang kulit rin ng lahi mo sir!!…. Nakakahighblood ka!! Sagot ko na, Explain ko pa? Hindi ba pwedeng, sagot ko explain mo?
Nakakunot noo akong humarap ulit sa guro namin… Nakita pa nga ni Craise yung reaksyon ko, tapos nakita ko rin yung reaksyon nung mukhang kawayan na yon. Nakangiti lang siya ng nakakaasar, feeling niya naman. Bumalik ako sa harap ng board tapos huminga ng malalim bago humarap sa mga kaklase ko…
“Okay, As you can see… the given problem here is ….”-pagsisimula ko…
blah blah blah blah….
“… And that’s how I get the answer.”-pagwawakas ko.
*CLAP CLAP…
“Very Good Ms. Javier, I thought you were not listening.”-Palakpak ni sir Gomez at parang tuwang-tuwa sa kinalabasan ng gawa ko.
So anong tingin nila sakin? Kahit hindi ako nakikinig, kahit hindi ko maintindihan yung dinidiscuss ng mga teacher, alam ko ang isasagot ko pag ako na ang tinawag. Bakit? Nag-aadvance study ako. Kaya nga kahit hindi na ako pumasok, alam ko na yung topic. HINDI po ako NERD. Sadyang nasa dugo ko lang siguro ang katalinuhan… haha joke… Sabihin nalang natin na, dinadaan ko minsan sa pagrereview ang lahat kapag nasa bahay ako para hindi ko maalala yung nangyari sakin. Oh well papel, hindi na importante pa yon..
Nginitian ko nalang si Sir habang siya sinusuri yung sagot ko. Papunta na ako sa upuan ko ng maalala ko yung pantaling nakita ko kanina. Kaya bago ako umupo, linapitan ko muna yung nerdy kong kaklase.
“Hi, Drew right?”
“Ahh… O-oo…”-utal niyang sabi.
“Ahm, can I borrow your pantali for a while?”-tanong ko sa kanya atsaka ako nagfake smile sa kanya.
“Ahh….sure….here Ms. Venisse…”-sabay abot niya sakin ng tali.
“Thanks…”
Bumalik na ako sa upuan ko. Pero bago ako makaupo eh binigyan ako ng masigabong palakpakan nina Spare, Kuya Neil at Kuya James.
“Ang galing-galing talaga ng baby sis ko!....”-Kuya Neil
“Yuck… Baby Sis? Kelan pa ako nagkaroon ng mukhang tsonggong kuya?”-ako, tapos tawa ng tawa sina Spare at Craise.
Umupo na ako sa upuan ko tapos napatingin ako sa harap ko. Bakit ba sa tuwing titingin tong lalaking to, umiinit ang ulo ko?
“What?!”-mataray kong tanong sa kanya.
“Ang galing mo pala.”-sabi niya habang nakangiti.
“Bakit, may sakit ba ako para hindi ako maging magaling?!”-mataray kong sagot sa kanya.
Nginitian niya nalang ako atsaka na tumalikod. Nakakabwisit. Akala mo kung sinong gwapo, kung makangiti, todong-todo… Habang busy si Sir sa pagsulat ng another problem eh isinagawa ko na yung great-great plan ko. HAHAHAHAHA… This would be more fun lalo na kung maraming involve…. HAHAHAHA… I can’t resist to laugh lalo na pag-naiisip ko yung mangyayari. The Bad Empress is coming back again…. WAHAHAHA…
Sinenyasan ko pa si Craise, yung Dixon at Mitch to keep quiet para hindi mapansin yung ginagawa ko. Ng masigurado ko ng okay na ang lahat, sa next plan naman ako.
“Craise, pwede bang pakiabot kay nerdy Drew?”-ako habang medyo natatawa.
“Vens, You know, I miss doing this. Haha…”-Craise habang ipinapaabot yung pantali kay Drew.
Nang maabot na ni Drew yung pantali, hinila niya yung mga nakalaylay na tali. Hindi ko kasi nirolyo pabalik yung tali para si Drew na yung magrolyo. Tapos, tinapakan ni Craise yung dulo ng tali para hindi agad mahila ni Drew kung sakaling magkulang ako ng time sa plano…Well, that’s part of my plan… At habang nirorolyo pa ni Drew yung panali eh, saktong natapos si sir na isulat yung iba pang problems doon sa board. Bali may tatlong problem na nandoon sa board.
“Okay class, who can answer the next problem?”-Sir Gomez
“Sir!”-ako saka nagtaas ng kamay
“Yes Ms. Javier?”-Sir Gomez…
“Sir, I volunteer Xander.”-ako saka tinapik sa shoulder si patpating kawayan.
Nagulat naman siya at napalingon sa akin. Nginitian ko lang siya ng peke. Haha… yung mukha niya parang ewan… Parang namawis siya bigla.
“Mr. Lacson?”-Sir Gomez
“Kayang-kaya niya yan sir, di ba Xander?”-ako saka ko siya binigyan ng isang powerful wink.
“Ok, Stand up Mr. Lacson and answer the problem number 2.”-Sir Gomez
Nakita kong papatayo na si Xander at saktong hihilahin na ni Drew yung tali kaya binulungan ko na si Craise na bitiwan na yung tali. Kaya pag tayo ni Xander….
*Bogsh…(Sound effect ng bumagsak na upuan.)
“Sh*t!/Hoy! Pare sandali!/ Aray!/Bwisit!”
Nagkagulo na yung mga nakaupo sa harapan namin. Tapos lahat gulat na gulat especially Mr. Gomez.
“Ooops…”-ako
“HAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA……………”-nagtawanan lahat lalong-lalo na ako.
Tawa lang ako ng tawa dahil sa nangyari. Hahahaha. Hindi talaga nagfefail yung plans ko. Wahahaha.
“Quiet class!”-Sir Gomez
“Mr. Roque, what are you doing? Hindi ko naisip na magagawa mo yan. You’re one of my best student pero, hindi ko alam na may pagkanaughty ka rin.”-sabi ni Sir Gomez kay Drew.
HAHAHAHA… Yes! Si Drew yung napagalitan sa ginawa ko. Paano ba naman na hindi siya yung mapapagalitan eh siya yung may hawak nung taling naging dahilan para matumba si Xander at magkandagulo-gulo sila ng barkada niya. HAHAHA. Nagtataka ba kayo kung anong nangyari? Ganito lang naman yun…
Papatayo na sana si Xander kaso hindi na niya nagawang tumayo dahil nakasabit yung suot niyang pantalon sa upuan niya. Kaya, ayon, matutumba na sana kaso, nahatak yung Katsumi at Lester kasama ng mga upuan nila at napasali pati yung Seth na katabi ni Xander kaya ayan, natakid pa si Xander bago tuluyang bumagsak. HAHAHA… Pati yung katsumi at Lester nakipagrambulan sa mga upuan dahil nakasabit din yung mga pantalon nila sa upuan. Si Seth naman, tumayo lang at umalis dahil hindi ko siya itinali.
Yeah tama kayo ng nabasa. Ako lang naman ang may gawa ng lahat ng iyan. HAHAHA… Napakaepic ng mukha nila. Si Xander, ewan kung dahil sa galit kaya hinila niya yung tali at pinutol atsaka namumulang tumayo tapos galit na galit na nakatingin sa akin. Samantalang yung dalawa eh tumayo narin at tinulungan sila nung iba naming kaklase na gupitin yung mga tali sa pantalon nila.HAHAHA. Asar na asar na nagwalk-out si Xander tapos sumama narin lahat ng barkada niya. Tapos si Drew, hiyang-hiya na tinatanggap yung sermon ni Sir Gomez… HAHAHAHA…
Just watch out for more. Kasi, ito palang ang simula ng pagpapahirap at pagsira ko sa bawat araw nila… Lalong lalo na ang bawat araw niya na makakasama ako. This is just the beginning of my plans… I’ll ruin all and let them see na hindi basta-basta ang kinalaban nila… Na ako, si Venisse pa ang kinalaban nila.
-----------------------------------------------------------------------------
A/N: Ito na po... magsisimula na yung pagiging slaves ng Blackfists kina Empress at Queen...
Readers, feeling ko, sobrang silent niyo naman... mag-ingay naman kayo para ganahan akong mag-update.
Ganito nalang, let's have a deal. Pag maraming comments at votes, mag-a-update ako ng TWO CHAPTERS for the next session, AND... AND kung sinong pinakaactive reader/s sa bawat CHAPTER/s, sa kanya/kanila ko po ide-dedicate ang next chapter/s? deal or no deal?! AHAHA.... It's a DEAL ha?...
Thanks for reading...keep supporting BEvsGK..:))))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro