CHAPTER 11: It's YOU?!
Ven’s POV
“Ate Miley?!”
“Barbs?”-ako, hindi ako sure kung siya ba to, medyo chubby kasi ang kaharap ko ngayon at medyo malaki na siya.
“Ate Miley….”-sabi niya sabay yakap sa akin.
“Ate, I didn’t expect that I would see you here. Akala ko hindi mo na ako matatandaan eh.”
“So, ikaw nga si Barbara Margarrette?”
“Yes, The one and only Barbara Margarrette.”-Barbs
Niyakap ko siya ng mahigpit. Namiss ko tong batang ito. Barbara Margarrette. Nagkakilala kami sa States 2 years ago. Me and Craise are at the shopping mall then…
*FLASHBACK…
“Hey Craise, do you think we can use this?”-tanong ko kay Craise habang ipinapakita sa kanya yung mga gulay.
“Haha, no Vens, that’s carrots and we can’t put that in tinola.”-Craise habang pinagtatawanan ako.
“I’m just asking, no need to laugh.”-ako atsaka na ibinalik yung iba pang gulay.
Napagtripan kasi naming magluto ngayon, wala kasing magawa sa condo kaya naisipan nalang naming mamili ng ingredients. Kinuha ko na yung cart,iniwan ko muna si Craise, paliko ako papuntang meat section ng may mabangga akong isang bata. Binitawan ko kaagad yung cart at tinulungang tumayo yung bata. Umiiyak siya, siguro masakit yung pagkakatama nung cart sa kanya. Palinga-linga ako if may kasama ba siya, pero wala.
“Vens, who’s that kid?”-Craise
“I don’t know, I just bump her by the cart.”
“Baby, who’s with you?”-I ask her.
Kahit naman ganito ako, mabait parin naman ako sa mga bata. At ayokong nakakakita ng mga batang umiiyak.
“My mom and my sister and also Yaya…huhuhu….”-the little girl said while crying.
“Where are they? Why you’re alone?”
“I was lost. Huhuhu… I’m just checking for those Ice cream over there, and when I looked back, Mommy, Carmie and yaya was gone.”
“What’s your name little girl?”-Craise
“I’m not a little girl anymore…sniff sniff”
Nagkatinginan lang kami ni Craise. Parang ako lang dati, ayokong nagpapatawag ng little girl sa… Oh well, forget it.
“Oh okay, you’re not a little girl, so, young lady, what’s your name?”
“I’m Margarrette. Barbara Margarrette.”
Medyo natawa pa si Craise sa name niya kaya tiningnan siya ng masama nung bata.
“Okay, Barbara Margarrette, we’ll just call you Barbs okay? Your name is too long kasi.”
“Kasi?”-takang tanong ni Barbs.
“Ahh, Kasi,….ahmmm… Craise, ano ba yung kasi sa English?”-tanong ko kay Craise.
Sorry naman, hindi ko alam eh, hindi naman ako ganon kaexpert sa English…Hello, Proud Filipino Citizen kaya ito.
“Sorry Vens, hindi ko rin alam eh… haha”-Craise
“Pilipina po kayo?...sniff…sniff”
Napatingin kami ni Craise kay Barbs.
“Ikaw rin baby? You’re a Filipina?”
“Opo… Mommy and Daddy we’re both Filipinos… sniff…sniff”-Barbs
“Then, that’s good. Don’t cry na Barbs, sige ka, papangit ka niyan. We’ll help you to find your yaya, your mommy and Carmie okay?.”
“Talaga po?”-Barbs atsaka na siya napangiti.
“Of course we do. Para sa cute young lady like you.”-Craise
“Yehey!...”-Barbs atsaka ako biglang niyakap.
Binuhat ko siya atsaka ko siya nilagay sa loob ng cart. Atsaka ko na itinulak yung cart.
“Thank you po…ahh… what’s your name nga po pala?”-Barbs
“Ah, I’m your Ate Miley, and this is your Ate Shirley.”
“You have beautiful names po. Bagay sa inyo.”-Barbs
“Sus, bolera ka ring bata ka eh noh? You too….you have a beautiful name, same as you do.”-Craise
“How old are you na pala Barbs?”
“I’m 6 years old…”-Barbs
“You’re too young but you’re quite smart.”
“Yes, because my kuyas always taught me.”-Barbs
“You have brothers?”-Craise habang kumukuha ng stocks para sa condo.
“Opo.”-Barbs
Nag-uusap lang si Craise at Barbs nang iwan ko sila. Pumunta ako sa Ice cream section atsaka kumuha ng 3 Ice creams na tig 3 Liters. Kumuha narin ako ng tatlong cones ng ice cream atsaka na bumalik kina Craise.
“Vens, san ka pumunta?”-Craise
“I just get some Ice creams.”
“Ice cream?!”-Barbs atsaka nagspark yung eyes niya.
“Haha, oh here, this one is for you. Bayaran muna natin ito bago mo kainin okay?”
“Yes Ate Miley.”-Barbs
Pumunta na kami sa cashier atsaka na namin binayaran lahat. Dahil medyo marami-rami yung pinamili namin ni Craise eh dinala na namin yung cart. Kinarga ko na si Barbs atsaka nilagay sa cart. Kumakain lang kami ng ice cream ng biglang…
“Maggs!!”
Napalingon si Barbs at biglang sumigaw.
“Yaya!”-Barbs
Kinuha ko naman siya at ibinaba na sa cart. Bigla siyang tumakbo sa isang middle age na babae. Siguro nga yun yung Yaya niya. Niyakap niya bigla yung babae tapos hinila papunta sa amin habang hawak parin yung ice cream.
“Ate Miley, ate Shirley, this is Yaya Rosie. Yaya, this is Ate Miley and Ate Shirley.”-Barbs
“Hello po.”-Me and Craise
“Pilipino kayo mga iha?”-Yaya Rosie
“Opo.”-Me and Craise
“Kayo ba ang nakakita kay Maggs?”-Yaya
“Maggs?”
“That’s my nick name Ate Miley.”-Barbs
“Ahh…opo kami nga po ang nakakita sa kanya. Iyak po kasi siya ng iyak kasi nawawala daw po siya. Ipapaannounce po sana namin doon sa information desk kaso bigla po kayong dumating.”
“Ganon ba? Ang hilig kasing tumingin-tingin nitong si Maggs kaya minsan nawawala.”-Yaya
“Yaya, tumingin lang naman po ako ng Ice cream tapos kayo po yung biglaang nawala.”-Barbs sabay lick ng ice cream niya.
“Oo na… ahh, sige mga iha, kailangan na naming umalis, kanina pa kasi nag-aalala yung mommy ni Maggs. Baby magpaalam ka na sa mga ate mo.”-Yaya
Lumapit sa amin si Barbs hawak parin yung ice cream niya.
“Ate Shirley, thank you po kasi kayo yung nakakita sa akin. Thanks din po kasi ang saya niyong kasama. Mamimiss po kita.”-Barbs and she hug Craise, tapos ako naman yung nilapitan niya.
“Ate Miley, thanks for buying this Ice cream for me. Thank you din kasi tinulungan niyo ako. Mamimiss din po kita. Sana magkita tayo ulit. At pag nagkita tayo, Ipapakilala ko kayo sa mga Kuya ko. I’m sure they would like you.”-Barbs and she hug me. I hug her tight also.
Kahit sandaling oras lang kaming nagkakilala, napamahal na siya kaagad sa akin.
“Baby, when we see each other again, I’ll spend time para makasama ka okay? Isasama ko rin si Ate Shirley mo para we can bond together.”
“Sure ate…sniff…sniff…”-Barbs. Naiiyak na naman siya.
Parang kinurot yung puso ko kasi Nakikita ko siyang umiiyak. Naiyak narin tuloy si Craise.
“Hey, don’t cry. Di ba sabi ko, kapag iiyak ka, papangit ka? Gusto mo bang pagnagkita tayo ulit hindi ka na pretty?”
Agad niyang pinunasan yung mga luha niya at pinilit na hindi umiyak.
“S-ure A-ate Mi-ley…”-Barbs atsaka ako ulit niyakap.
“Maggs, let’s go?”-Yaya
“Sige po yaya, ingat po kayo. Barbs, magpapakabait ka ha? And wag ka nang hihiwalay sa yaya mo para hindi ka mawala.”
“Yes Ate. Take care, I wish magkita tayo ulit. Bye Ate Shirley. Bye Ate Miley.”-Barbs waive to us atsaka na sila tumalikod at naglikod palayo sa amin.
“Vens, you like her di ba?”-Craise
“Yes. Kung sanang may kapatid pa akong bunso, baka hindi ako nag-iisa ngayon.”-malungkot kong sabi kay Craise.
“Wag kang mag-alala Vens, andito pa naman ako. Andito parin naman ako bilang best friend mo. Bilang kapatid mo.”-Craise habang nagpupunas ng luha.
Tiningnan ko lang siya atsaka nginitian. Tama nga naman siya. Hindi ko kailangang malungkot. Habang andiyan si Craise, hindi ko mararamdaman na mag-isa ako.
*END OF FLASHBACK…
“Namiss kita. Kumusta ka na pala? At anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo? Ikaw lang ba mag-isa?”-sunod-sunod kong tanong sa kanya.
“Ate, isa-isang tanong lang po, mahina ang kalaban. Ayos lang naman po ako. Andito po ako kasi sumama ako sa mga kuya ko. Kasama ko po si Ate Mitch kaso hindi ko po alam kung nasaan na siya kasi naaliw po ako kakatingin ng view dito sa school na ito.”-mahabang sagot niya.
“Dito ba nag-aaral ang mga kuya mo? Atsaka, sinong Mitch?”
“Oo ate Miley, dito rin nag-aaral ang mga kuya ko. And ate Mitch? She’s Kuya Carl’s girlfriend.”-Barbs
“Ah, I see.”
“Ate, where’s Ate Shirley? Dito rin ba siya nag-aaral? Ikaw? Dito Karin ba nag-aaral?”-Barbs
“Ate Shirley is not here. Baka nasa classroom na yon. And yes, we’re studying here.”
“Maggs!/Vens!”
Napalingon kami ni Barbs sa mga tumawag sa amin. It was Craise together with a not familiar girl. Hindi ko siya kilala pero tinawag niya si Barbs. Maybe she’s Mitch who Barbs talking about.
“Ate Mitch!... Ate Shirley!...”-Barbs atsaka patakbong niyakap si Craise.
Nabigla pa si Craise ng yakapin siya ni Barbs. At kahit yung kasama niya nabigla rin. Tiningnan lang ako ni Craise asking if who’s the one hugging her. Lumapit ako sa kanila.
“Ate Shirley, do you still remember me? Barbs remember?”-Barbs
“Barbs?”-Craise
“Barbs? Ikaw nga ba talaga si Barbara Margarrette? Yung batang naligaw?”-Craise
“Yes ate Shirley. Ako nga si Barbara Margarrette.”-Barbs while smiling.
“Oh my gosh!... Namiss kita Barbs… Ang laki-laki mo na. It’s been two years since nung nakita ka namin. So you’re 8 years old now, am I right?”-Craise
“Yes Ate.”-atsaka niyakap si Shirley
“Ehem….”
Napatigil naman sila Craise sa pagyayakapan. Napatingin lang ako sa kasama nilang babae.
“Ah, oo nga pala. Vens, this is Mitch. Nakilala ko lang siya kanina. Hinahanap kasi kita kasi ang tagal mong bumalik sa classroom. Tapos nung hinahanap kita, nakabangga ko siya. Sabi niya bago palang siya dito sa school kaya hindi niya kabisado yung pasikot-sikot dito. And hinahanap niya rin daw yung kapatid ng boyfriend niya kaya, sabay nalang kaming naghanap.”-Craise
“Hi, I’m Mitch, Michellin Clarkson. Girlfriend ng kuya ni Maggs. Nice meeting you.”-pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya and smiles at me. Nginitian ko rin siya.
“So, you’re the one na sinasabi ni Barbs. Nice meeting you too. I’m Venisse, Miley Venisse Javier.”-ako sabay abot ng kamay niya.
“Oh my gosh…So It’s YOU?!”-Mitch
Naguluhan naman ako sa sinasabi niya. Anong ako? Oo ako nga si Venisse pero anong ako nga? Ang gulo!
“Yeah? It’s me? What’s with me?”
“You’re the one my boyfriend is telling me.”-Mitch while still having her smile
“Your boyfriend? Sino bang boyfriend mo?”
“Mitch!/Maggs!”
Hindi na nasagot ni Mitch yung tanong ko ng biglang may tumawag sa kanila ni Barbs. Napatingin kaming lahat sa likuran ko. Pagharap ko...
“Andiyan lang pala kayo.”
“Babe!”-Mitch
“John Carl Lacson was your boyfriend?!”-pagulat kong tanong na ikinabigla ng lahat.
Oo, sina JC, Drache at yung mga kasama nila yung tumawag kina Mitch.
“Yes he is.”-Mitch
“Kuya JC! Kuya Drache!”-pasigaw na tawag ni Barbs
“Margarrette. Anong ginagawa mo dito? I mean, anong ginagawa niyo dito ni Ate Mitch mo? And bakit kasama niyo sila?”-Drache sabay tingin sa amin ni Craise
“Kuya?”-takang tanong ko
“Ate Miley, sila po yung sinasabi ko sa inyong mga kuya ko. Si Kuya JC at si Kuya Drache. Kuya Drache, Kuya JC, sila naman yung ikinukwento ko sa inyo 2 years ago na nakakita sa akin sa mall. Si Ate Miley, at si Ate Shirley.”-Barbs
Napatunganga lang kami ni Craise sa sinabi ni Barbs. Sinong mag-aakala na ang mga kuya pala ni Barbs, eh yung mga taong to. Okay lang sana kung si JC lang, pero tong kumag na si Xander? Ang taong kinaiinisan ko, ang taong gusto ko ng patayin sa mga tingin ko. Yung taong ito. Yung taong nasa harap ko. Bakit siya pa ang naging kuya ni Barbs? Ang sakit sa ulo!
“We know each other Barbs. Actually, ang bait nga ng kuya mo at ng katropa niya sa akin eh. Di ba Xander?”-sarcastic kong sabi atsaka ko sila binigyan ng smirk.
“Ha? Ah eh… Oo…”-pag-aalanganing sagot ni Xander sabay tingin sa akin.
Kahit galit ako sa kanila, ayokong idamay si Barbs sa galit ko. At ayoko ring sirain ang tingin ni Barbs sa mga kuya niya, lalong lalo na sa Blackfists King na to. Nakakainit ng dugo.
“Ahmm, I think we need to go. Barbs, give me your number nalang so we can talk sometimes.”-ako ang gave my phone to Barbs to dial her number.
“Here ate. Uhmm, ate, pwede ba tayong lumabas bukas? One week lang kasi ako dito sa Philippines. Gusto ko sanang magspend ng time together with you and Ate Shirley.”-Barbs
“Of course baby. Lagi naman kaming free. Just call me if you need something okay? Take care ha? Babalik na kami ng ate Shirley mo sa classroom namin.”-ako atsaka ko nginitian at niyakap si Barbs
“Sige Mitch, mauna na kami. And by the way, nice meeting you again.”-ako saka ko nginitian si Mitch. Ngumiti rin siya pabalik
“Bye, Barbs. See you next time. Mitch mauna na kami.”-Craise
“Bye Ate Miley, Bye Ate Shirley!”-Barbs.
Tumalikod nalang ako atsaka nag wave kay Barbs. Sa totoo lang, ayokong Makita ang pagmumukha ng Xander na yan. I have no choice noong nahimatay ako kaya napilitan akong makasama siya, at makisalamuha sa kanila. But that doesn’t mean na mababago na nila ang turing ko sa kanila. Once a person became my enemy, they will always be an enemy for me. And no matter how hard they try to be friend with me, they will still end up as one of my greatest opponent. But for now, I’ll make sure na hindi matatapos ang isang buwang pagiging alila nila na hindi sila nahihirapan. I’ll make them suffer and regret na ako pa ang kinalaban nila. The Blackfists will going to be the Drag Racing Empress’ Slaves.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro