Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three

CHAPTER THREE

"P-PERO, Tita! Nagkakamali ho kayo, hindi ako lumuwas ng manila para magtrabaho. Sa katunayan nga po ay naka-enroll na ako sa MAPUA bago pa man kami lumuwas ni Mama Ninang at alam ko na kayo pa nga po ang kumausap sa eskwelahan para ma-enroll ako." ani Caryl na nagulat sa nalaman at nakaramdam ng takot dahil hindi niya alam kung bakit ganito ang kinahinatnan ng pagluwas niya.

She doesn't have any idea kung ano ang mangyayari sa kanya ngayon. Kung sana ay nakinig lang s'ya sa Ninang Adel niya 'di sanay nasa probinsya pa rin s'ya at masaya.

Hindi naman sa ayaw niyang lumuwas sa maynila. Katunayan ay mabait naman ang kapatid ng kanyang Ninang at kasundo pa niya ang anak nga nitong si Ulysis, kaso lang bakit tila biglang nangyari ang lahat ng ito at paano na ang pag-aaral niya?

"Caryl, Iha. Iyun din ang alam ko at walang nabanggit s'kin si Adel na magtatrabaho ka. Samakatuwid ay ako ang inatasan niya na mag-asikaso sa'yo habang nag-aaral. Pero ayon kay Atty. Sevilla, may usapan na daw sila, at nakapagbigay na din pera at urgent ito!" sagot naman ng kapatid ng kanyang ninang na si Tita Leda.

"Tita, 'di ba pwedeng hintayin nalang muna nating magkamalay si mama ninang, bago ako pumunta doon? N-natatakot po kasi ako." pakiusap pa ng dalaga. Imposibleng ito ang plano ng kanyang ninang, she knew that, there's something wrong at atty. Sevilla's offer but she can't name it.

"Iha, as the doctor said... hindi natin alam kung kailan magkakamalay si Adel, and don't you worry, I know Don Martinez, mabuting tao iyun kaya alam ko kung anu man ang trabahong iniutos niya kay Atty ay hindi masama." ani Leda.

Malungkot na napayuko ang dalaga. She didn't expect this to happen, pakiramdam niya tuloy kasalanan niya kung sana nakinig lang siya na huwag makihalubilo sa mga nagtatrabaho sa beerhouse, 'di sana'y hindi ito mapipilitang dalhin siya sa manila at lalong hindi  sana ito naaksidente.

Paluwas na sila papuntang manila nang mabangga ang sasakyan nila ng isang bus at dahil ang ninang niya ang nasa harapan at katabi ng kanilang driver ay ito ang napuruhan samantalang hindi naman nakaligtas ang driver nila. Samantala hindi naman siya gaanong nasaktan dahil sa likuran siya nakaupo kaya ilang galos lamang ang kanyang natamo.

Muling tumulo ang kanyang luha nang maalala ang sinapit ng mama ninang niya at hindi iyun nakaligtas kay Leda na agad siyang nilapitan at niyakap.

"Huwag mo ng isipin iyun, wala kang kasalanan at walang may gusto sa nangyari." sabi nito s'kanya kaya naman napayakap siya dito ng mahigpit saka napahagulgol ng iyak.

"bakit 'di mo muna subukan kung magugustuhan mo ba 'yung trabaho? Tutal naman sem-break palang at may isang linggo ka pang pahinga. 'pag hindi mo naman kaya o gusto ay pwede kang bumalik dito. There's no harm in trying, Who knows it'll be your stepping stone, Atleast you try." sabi nito uli s'kanya na pilit siyang kinukombinse.

Kalaunan ay napapayag din ang dalaga, sa isang kondisyon na agad itong tatawag pagkarating sa mansion ng mga Martinez, para malaman ang kanyang kundisyon sa bagong trabaho. Dahil hindi masabi ni atty. Sevilla kung ano nga bang trabaho ang papasukan ng dalaga.

They knew Atty. Sevilla kaya naman wala sa isip ni Leda na iba pala ang trabahong tinutukoy nito at mas lalong hindi ang dalagang si Caryl ang dapat na kukunin nito.

Bitbit ang isang maleta na siyang naglalaman ng gamit niya galing sa probinsya, ay lumabas siya ng kwarto kasabay ni Leda patungo sa sala kung saan ay naghihintay si Atty. Sevilla para personal siyang ihatid sa mansion ng mga Martinez.

Hindi napigilan ng Abogado ang humanga sa simpleng ganda ng dalaga. Nakasuot lang kasi ito ng plain polo shirt na kulay light blue at denim jeans and a fitflop sandal at walang bahid ng kahit na ano sa mukha. Nagtataka siya dahil kaibahan sa mga kilala niyang ganitong uri ang trabaho ang pagbebenta ng laman, na ang iiksi ng suot at makapal na make-up. This one is very simple at mukhang napaka-inosente. "Kabataan nga naman ngayon, kumita lang ng pera kahit ano papasukin." May paghihinayang na muli niyang sinulyapan ang dalaga sa pag-aakalang ito ang babaeng pinag-usapan nila Adel.

......

"WHAT?" halos sabay na bulalas nila, JDen Ryder, Drake at Matt na nauwi sa malakas na tawanan.

Paano bang hindi matatawa ang mga ito sa nalaman. Ikinuwento kasi ni Bri, ang dahilan ng biglaang pagtawag ng kanyang lolo at kung bakit kailangan niyang bumalik ng manila ora mismo.

"Grabe pare, ikaw kinuhanan ng tutor ng lolo mo? 'di ba niya alam na isa ka sa pinakamatinik na pabling?" Sabi ni Ryder na di pa rin matìgil sa kakatawa habang panay pa ang pag-iling.

"Ang sabihin mo tol, baka etong si Bri pa ang magturo doon sa tutor kuno." singit ni Drake na 'di mawala ang nakakalokong ngiti sa mga labi.

Napapailing nalang siya sa mga pinagsasabi ng mga ito, kahit na sa totoo lang hindi niya maintindihan kung ano ang pumasok sa utak ng kanyang lolo para kuhanan siya ng isang Tutor na may major in SEX EDUCATION!

On the other hand, 'di niya mawari kung bakit tila nakaramdam siya ng kakaibang excitement sa isiping may babaeng naghihintay s'kanya pagdating ng mansion, it must be his loin, aching for release. Yeah, right? He shook his head bago humabol sa mga kaibigan na pasakay na sa chopper na mismong si Jden ang piloto.

Ilang araw palang sila sa RS Isle, wala pa sana sila planong bumalik sa siyudad kundi lang tumawag ang kanyang Abuelo para ibalita ang ginawa nito. Kesa naman magpaiwan ang iba ay sumama na rin sila paluwas. Pero ang totoo lang ay iba ang plano na nabuo sa kanilang pilyong isipan. They're planning for another chick hunting.

....

"How old are you iha?" Atty. Sevilla asked.

"N-nineteen palang po." Nauutal na sagot ni Caryl.

"Does your parents knows what you're doing?"

Napakunot noo ang dalaga sa tanong nito pero sa halip ay napa-iling siya. "M-matagal na pong patay ang parents ko at si Ninang Adel na po ang nagpalaki s'kin." nakatungo niyang tugon kaya hindi niya napansin ang pag-iling at pagbuntong hininga ng abogado.

"No wonder she end up like this." sa isip pa nito.

Napanganga ang dalaga nang makarating sila sa mansion ng mga Martinez dahil kahit saan siya tumingin ay sadyang kahanga-hanga ang bawat kagamitan at disenyo nito a-akalain mong nasa loob ka ng isang palasyong puno ng kayaman.

And she knew everything is expensive at ang iba ay galing pa ng ibang bansa gaya nalang ng isang painting ng Canal and Gondolla na alam niyang isa iyon sa attraksyon sa Venice, Italy.

Nagtaka naman ang dalaga dahil ilang minuto na siyang nakatayo sa pinaka gitna ng sala ay walang Don Adrian Martinez ang kumausap s'knya at bakit instead na sa opisina siya dalhin ay dito sa mìsmong mansion pa? Hindi niya tuloy maiwasan ang nakaramdam ng takot lalo na't hindi niya alam kung saang lugar na ba sila ngayon.

Atty Sevilla clear his throat. "Ehemm, iha ang mabuti pa magpahinga ka na muna sa kwarto mo para naman fresh ka pagdating ni Mr. Martinez." sabi ng Abogado saka tumawag ng katulong para ihatid siya sa magiging kwarto niya.

Tila siya isang puppet na sunud-sunuran sa mga nangyayari, gusto niyang magtanong at magprotesta pero hindi niya alam kung paano gagawin iyun gayong maganda naman ang pakitungo sa kanya.

Muli siyang mapahanga dahil sa laki ng kwartong binigay s'kanya. It has a motif of cream ang silver, malaking kama sa pinaka gitna nito at sa bandang kanan ay naroon ang isang malaking pinto na alam niyang para sa wardrobe. May sarilìng cr din sa loob niyon na may bathtub na hugis oblong.

"Salamat!" nahihiyang sabi niya sa katulong na nag-ayos ng gamit niya pero tiningnan lang siya nito ng isang mapanuring tingin na akala mo ay nandidiri sa kanya.

Kahit na nagtataka ay binalewala lang iyun ng dalaga at patihayang binagsak ang pagal na katawan sa malambot na kama nang makalabas na ang mga ito.

"Anu naman kayang trabaho ko? Eh, di pa nga ako tapos sa pag-aaral ko?'' tanong niya sa isipan.

Edad disinuebe palang siya at nasa third year sa kursong Business administration and accountancy, isa siya sa mga dean lister sa dating pinapasukan at isa sa tinaguriang campus dream girl kaya naman marami ang nagtaka na bigla siyang lilipat ng skwelahan.

Napabuntong hininga siya saka pahinamad na tumayo habang nagpasyang maligo nalang para kahit paano'y maibsan ang kabang nararamdaman.

Tinimpla niya ang tubig sa bathtub na tama lang ang init at kaya ng balat niya saka nilagyan ng lavender flavor oil na nakita niya sa shelves na nasa gild niyon. Hinubad niya ang lahat nang saplot sa katawan saka lumusong at ipinatong ang ulo sa may bandang dulo at hinayaan ang buong katawan ang nakababad sa tubig saka mariing pumikit habang iniisip ang kanyang sitwasyon.

"Kamusta na kaya si mama ninang?" Nakapikit na mahinang tanong niya sa sarili. Isa pang inaalala niya ay ang kaibigang si Uly, siguradong hahanapin s'ya nito dahil wala ito nang umalis siya.

Muli siyang nakaramdam ng takot at lungkot kaya naman hindi niya mapigil ang sarili sa pag-iyak habang nakapikit lang at nakababad ang katawan sa bathtub na para bang sa pamamagitan nun ay mapapawi ang pighati at takot na siyang lumulukob sa kanyang pagkatao.

.....

Samantala kadarating lang ng binatang si Brice sa mansion at napag-alaman niyang kaaalis lang din ni Atty. Sevilla. Samantalang nasa guest room daw ang babae at nagpapahinga.

"Alam mo ang ganda nung babae at batang-bata pa tapos napakasimple at mukhang mabait." narinig niyang sabi ng isang katulong habang papunta ang mga ito sa kusina.

"Hmp... kahit na, isa pa rin siyang bayaran. Hay mga kabataan nga naman ngayon oh! Bakit hindi nalang siya maghanap ng ibang mapapasukan?" sagot ng isang medyo may edad na.

"Sinabi mo pa, ewan ko ba sa panahon ngayon bilang mo nalang ang mga babaeng buo ang dignidad." singit naman ng isa na may katabaan.

Di naman mawari ng binata pero may parte ng kanyang pagkatao na gustong ipagtanggol ang babaeng hindi pa nakikita. Why is there something in this girl na para bang humihila sa kanyang atensyon?

He simply cleared his throat na agad namang na-agaw ang pansin ng mga katulong kaya agad tumalima ang mga ito saka nagpaalam na may mga gagawin pa.

Napapailing nalang siya na umakyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang kanyang kwarto. nasa tapat na siya ng guest room ng dalaga nang matigilan siya na wari'y may nag-uudyok na silipin ito. Sa halip ay may pilyong ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi, kaya mabilis na tinungo ang sariling kwarto saka isa-isang hinubad ang kasuotan at pinalitan ng bathrobe bago binuksan ang pinto ng kanyang CR na siyang nagdudugtong sa  kwartong inuukupa ng dalaga.

Tila bumilis ang tibok ng puso ni Caryl dahil sa kaba at pakiramdam niya ay may mga matang nagmamasid sa kanya may mga matang nakatitig sa kanya. Ilang minuto na syang nakapikit lang habang nakababad parin.

Naisip naman ng binata na gulatin ang dalaga kung sa mismong Cr siya manggagaling, pero siya ang nagulat nang makita itong nakapikit at nakasandal sa ulunan ng tub. Ilang ulit siyang napalunok at tila may nag-uudyok sa kanyang lapitan pa ito.

She's like a sea nymph, na parang isa lamang imahinasyon, pero bakit may patak ng luha sa kanyang pisngi?  

Tanong niya sa isipan  habang nakatitig sa maamong mukha ng dalaga na bakas ang luha dito.

Itinaas niya ang mga palad para sana haplusin ang pisngi nito, subalit bigla siyang natigilan nang magmulat ang dalaga na nanlaki pa ang kulay greyish na mata nito. Habang nakataas pa sa ere ang kanyang palad. pareho silang nagulat at saglit na nagkatitigan. Ilang segundo sila sa ganoon bago unang natauhan ang dalaga na biglang napatayo na muling ikinagulat ni Bri at di maiwasan na napalunok pa ng ilang ulit at walang kakurap-kurap na nakatitig sa harap na animo'y bagong silang dahil sa wala itong kahit anong saplot sa katawan.

Huli na nang maalala ng dalaga na wala pala siya kahit anong suot kaya naman nataranta siya at mulì sana niyang ilulubog ang katawan pero sa malas ay na out of balance siya kaya napapikit nalang siya kasabay ng isang tili, hinanda na niya ang pagbagdak ng sarili sa tiles ng CR, sa kasamaang palad ay sa harap siya ng binata bumagsak kaya naman naka ibabaw siya dito habang ang labi niya ay nakadikit sa labi nito at dahil tanging roba lang ang suot ng binata ay bumukas iyun nang sabay silang bumagsak ng dalaga sa sahig. Kaya naman ang sundalong kanina pa nagangangalit ngayo'y nakatapat na sa kwebang ilang taong iningatan at sa isang iglap ay nanganganib na pasukin ng sundalong hindi uurong sa labanan.

Parehong walang nakakilos agad sa kanilang dalawa habang nakatitìg lang na akala mo'y sila ang may-ari ng mundo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro