CHAPTER TEN
"HI," nakangiting bungad ni Bri bago naghila ng upuan sa katapat na pwesto ni Caryl. Hindi naman makatingin ng diretso ang dalaga kaya inabala nalang niya ang sarili sa pagtingin sa menu na hawak.
"Ahm, Brice, siguro naman tutupad ka usapan natin regarding sa kasal 'di ba?" sabi ni Sy na tila hind narinig ng binata dahil ang buong atensyon nito au nasa dalagang katapat.
Napapailing nalang si Sy na kinuha ang handbag at nagpaalam na pupunta ng washroom para na rin bigyan ng pagkakataong makapag-usap ng dalawa.
"Why did you leave me, after that night?" unang tanong ng binata na pinagsalikop ang mga braso sa tapat ng dibdib nito saka sumandal sa upuan at matamang tinitigan ang dalaga.
Napataas naman ang kilay ng dalaga at saka tumingin sa direksyon nito na agad ring nagbawi ng tingin dahil sa 'di niya matiis ang uri ng titig ng binata.
Why is he so intimidating? dahil may kung anong nag-uunahan at naghahabulan sa kanyang dibdib. Hindi niya maunawaan ang sarili, dapat ay nagagalit siya dito pero bakit tila iyon naglahong bula nang makita ito? Oh God, she's in a big trouble than she ever imagined.
When she look at his eyes she saw a spark on it na dagli ring napalitan at naging cold ang tingin nito sa kanya.
"Why?" Ulit niya sa tanong nito na sinabayan ng pagak na tawa. "How dare you asked me kung bakit ako umalis ng walang paalam? why don't you ask yourself if you deserve me to stay! samantalang hindi mo nga kayang pinaniwalaan o pinakinggan manlang ang paliwanag ko!" pigil ang sariling emosyon na huwag ipakita dito na nasasaktan siya sa nangyayari.
"I do believe you." sabi ng binata na agad namang sinansa ng huli.
"Really, when? Noong gabing nagmakaawa ako sayo na paniwalaan mo ako o noong wala na ako at nang sabihin sayo ni Ulysis kung ano at sino talaga ako?" sabi niya na naningkit ang mga mata na hindi naitago ang galit. Oo alam na niyang pumunta si Uly sa bahay nila Brice dahil nakausap niya ang kaibigan nang tawagan niya ito pagdating na pagdating sa Macau.
Nagulat siya nang hawakan ng binata ang kanyang dalawang kamay na pilit naman niyang hinihila pero mas hinigpitan lang nito ang pagkakahawak kaya wala siyang nagawa kundi ang bumuntong hininga at tumingin dito.
Pansamantala silang natigil sa pag-uusap nang dumating ang waiter na dala ang order nilang pagkain, gayun pa man ay hindi binitiwan ng binata ang kanyang kamay.
"Where do you think you're going?" tanong ni Drake kay Sy nang akma na itong babalik sa table kung nasaan sila Bri ay Caryl.
"Pakialam mo?" pagtataray niya na tinalikuran ito pero maagap na hinawakan siya sa braso at iginiya patungo sa kabilang dereksyon na may pangdalawahang pwesto.
"If you think na papayagan kitang guluhin ang dalawang iyun, pwes nagkakamali ka. I know na ikaw ang nagdala kay Caryl dito, pero sa tingin ko ay hindi nila maayos ang gusot nilang dalawa kung naroon ka." saad nito bago.siya ipinaghila ng upuan. " You can acompany me anyway."
Hindi nalang siya sumagot sa halip ay tinaasan lang niya ito ng kilay bago nilingon ang mesa ng dalawa. DM is right, they need more time and privacy.
"I'm so-sorry, can't you give me another chance na itama ang mali kong nagawa? I admit hinusgahan kita at hindi pinakinggan, but I swear noong magising akong wala ka na, I feel so empty." pagpapahayag ng binata na kahit siya sa sarili ay nagulat sa mga binitawang salita.
Tahimik lang ang dalaga dahil walang maapuhap na tamang sabihin at higit sa lahat nagtatalo ang kalooban niya kung maniniwala ba o hindi.
What do you think you're doing hindi ba't ito ang gusto mo o...eh, bakit ngayon ay nagdadalawang isip ka?"
'kaw naman, anu gusto mo ora-orada? pa'no kung nang-gugudtime lang ang lalaking 'yan eh 'di naheart attack ang lola natin." sabi naman ng kabila niyang isipan.
"Caryl, please allow me to serve you and prove na nagsisisi ako. Alam mo bang labis na nag-aalala ang mama ninang mo sayo, maging si Lolo ay gusto niya ring humingi ng kapatawaran sa nangyari. You see after you're gone you took something in our life and give us a lesson na mali ang basta nalang manghusga. Please let's go back together and allow me to bring you home." pagsusumamo pa niya s dalagang tuliro ang kaisipan.
"If you want lalayo ako sayo kung iyun ang gusto mo." saad niya na hindi maikakaila sa tinig ang lungkot. "Just let me bring you home first. Gusto kong masiguro na kasama mo na ang pamilya mo, then I'll go? If you wish me to. Alam ko na napakalaki ng galit mo s'kin at hindi kita masisisi kung ayaw mo na akong makita pa."
Bri knew he can't live without her, pero kung iyon lang ang tanging paraan para bumalik ito ang dalaga sa nakagisnan nitong pamilya ay gagawin niya ang lahat. Maghihintay siya hanggang sa mapatawad siya nito.
"Are you sure na tutupad ka sa pangako mong lalayo kapag sumama akong bumalik ng pinas?" tanong ng dalaga na ikinagulat ng binata.
Alam na niyang galit ito sa kanya pero 'yung sa mismong bibig nito mula ang salitang layuan niya ito ay mas masakit pala. Para siyang sinaksak ng ilang ulit saka hinayaang nagdurugo. Wala sa sariling napatango siya bilang pag sang-ayon kahit na ang totoo ay nagdadalamhati siya. Hindi niya alam kung gaano siya tatagal na hindi man lang ito makita.
Tila naman nakaramdam ng panibugho ang dalaga sa naging tugon ng binata.
"Akala ko pa naman may damdamin din siya, balewala lang pala talaga ang lahat para sa dito. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa katulad nitong naturingang playboy?
Maybe they're not really meant for each other. Only time can tell and fate can decide. Sa ngayon siguro nga panahon na para bumalik siya sa probinsya. Mas mainam iyon lalo na sa kalagayan niya ngayon.
Malungkot ang mga matang nakatingin lang si Brice kay Caryl habang tinitusok-tusok nito ang karneng nasa plato nito. Pareho na silang hindi nakakain dahil sa samo't saring gumugulo sa kanilang isipan.
Brice knew he would pay the price dearly, at handa siyang patunayan sa dalaga ang totoong hangarin. Sana sa tamang panahon ay hayaan nitong ipadama niya ang tapat at wagad na pag-ibig na hindi niya inaasahan na mararamdaman.
Nang gabing angkinin niya ito ay ang gabing tinuruan nito ang puso niyang umibig. Hindi lang iyon, Tinuruan din ng dalaga ang kanyang lolo at binago ang paniniwalang hindi lahat ng babae ay pare-pareho. Caryl, is an exception for them.
Sa maikling panahon ay marami ang nabago sa kanila, lalo na sa katulad niyang hindi naniniwala sa salitang pag-ibig.
She touches their lives without knowing it and not intentionally. She's extremely different from what they believe. Oo nga at ulilang lubos ang dalaga at lumaki sa piling ng isang babaeng mababa ang tingin ng mga tao, pero hindi iyon naging balakid para gawin ang alam nitong tama.
Para naman kay Caryl, Maybe Brice is a well-known bed-hopper pero hindi niyon napigilan ang idinidikta ng kanyang puso. But then again she's afraid, to afraid to accept and let him rule her life.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro