EPILOGUE
She had requested a very private wedding from Black. And his way of making it private was by taking her to Italy together with her entire family and few close friends. Being an Italian shipping magnate and owner of a luxury auto empire, he was able to move her people to Italy in just a snap of his finger. Ganun kapowerful ang Prince of hell na nakatakda niyang pakasalan at pag-alayan ng kanyang buong buhay at pagmamahal.
Now, looking at her very elegant and ridiculously expensive Christian Dior wedding dress, hindi niya malaman kung matutuwa siya o matatakot. Nakakatakot. Nakakatakot ang kakayahan ni Christian Demetri na manipulahin at kontrolin ang halos lahat ng bagay na kayang paikutin ng pera.
"Parang ayokong isuot..." namutawi sa mga labi niya nang magbalik sa damit pangkasal ang atensyon niya.
Sabay na napamaang sa kanya ang dalawang babae sa harapan. Sina Candy at Paola.
Natawa siya sa reaksyon ng mga ito na. Halos isang buwang walang gaanong pahinga ang dalawa sa dami ng mga dapat asikasuhin sa kasal kaya nawalan ng kulay ang mukha ng mga ito sa sinabi niya. "Hindi ganun ang ibig kong sabihin, wag kayong mag isip ng kung ano diyan." Nakangiti pa rin siya. "Pakiramdam ko kasi sobrang ganda at sobrang mahal ng gown na yan, parang hindi bagay sakin."
" You are a Demetri bride, kailangan mo ang damit na ito to present yourself to the elite world. Dahil yun ang mundong papasukin mo Vee. Think of this gown as your armor, madami ka pang pagdadaanan..." sagot sa kanya ni Paola.
"Totoo yun Miss Vee, the other princes of Hell will be attending your wedding too..." Dagdag pa ni Candy.
Napalunok siya. "Talaga?" She had met one of them, si Drico DiVanne, the prince of hell number two. Sa totoo lang, nakakailang katrabaho ang taong yun dahil hindi mo alam kung kelan ka tatraydurin at sasaksakin sa likod. Hindi mapagkakatiwalaan ang matikas at maamo nitong anyo, hindi rin nakatulong sa kanya ang matamis nitong pananalita. Isang bagay lang ang kanyang natutunan sa encounter na yun with another Prince of Hell, mahirap silang pagkatiwalaan. Naisip niya si Black. He might be the fourth on the list, but he's one of them nonetheless.
Panu kung isang araw biglang magbago ang tibok ng puso nito and just stopped loving her? Saan siya pupulitin? Ano ang magiging buhay niya pag nagkataon?
Umiling siya sa sariling isipin. Kinontra ng puso niya ang mga masasamang bagay na pumasok sa utak niya. Pinikit niya ang mga mata at pinagana ang imahinasyon. Sa kanyang balintataw ay lumitaw ang mala-emperor na imahe ni Black. He was widely smiling at her, suddenly he stooped down to whisper her something. I love you. Those words came from his mouth like his whole life depended on it and his hazel eyes reflected its truthfulness. Bilang babae, damang-dama ng puso niya ang katotohanang kailanman ay hindi magbabago ang pagtingin sa kanya ni Black, mahal siya nito ng higit sa ano pa man.
She had made her decision and that was to hold and to love Christian Black Demetri for all of eternity.
The wedding was held in one of the grandest palazzo in Italy. Only a little over 200 guest were invited. Naroon na ang pinakamahahalagang tao sa buhay niya, nagawa pa nga niyang isama si Amanda. Bakit hindi eh, isa ito sa mga dahilan kung bakit nabuo ang accidental love story nila ni Black. Hindi man sinasadya pero ilang beses nagpassed out si Amanda sa sobrang inggit sa karangyaang nakalatag sa mga mata nito sa buong duration ng kasal. The festive and banquet was at the famous Villa Crespi in Lake Orta. It was indeed themed like a fairytale wedding with the venue overlooking a vast blue lake.
Pero sa kabila ng lahat, ang pinakanagpasaya sa kanya sa araw ng kanyang kasal ay ang mismong wedding vow na binitiwan ni Christian sa harap ng media at sa harap ng maraming tao. He bent down on his knees, he even removed his crazily expensive suit and just left his simple white top and black pants. Alam nitong medyo ilag siya sa katotohanang ito si Christian Demetri kaya sa araw ng kasal, despite all its extravagance, he talked and dressed like the mere man he met in Tondo. He said he loved her whatever status he had, and whatever clothes he's wearing.
Kinagabihan, saglit siyang tumakas sa sayawan at sa walang hanggang kasiyahan on her wedding banquet. Alam niyang masaya ang lahat, kaya ok lang kung mawala siya saglit. Gusto niyang namnamin ang saya ng bawat sandali, gusto niyang pagmasdan ang walang tigil na fireworks at gusto niyang panoorin ang magandang repleksyon nito sa malawak na lake. Kaya pinili niyang puntahan ang malawak na balcony ng villa.
Malamig at malakas ang hangin sa paligid. Humawak siya sa railing ng balcony,ovelooking the lake. Malamig doon, pero mainit at masaya ang pakiramdam niya. Wala siyang pagsidlan ng tuwa, tumingin siya sa kalangitan upang magpasalamat, hindi niya alam kung ano ang magandang nagawa niya sa buhay niya to deserve this kind of fulfillment and happiness.
Bahagya pa siyang napapitlag nang mula sa likuran ay may humawak sa kamay niyang nakapatong sa railings. It was Black, of course, from the moment he branded her his own, wala nang nagtangkang hawakan kahit dulo ng daliri niya. Pumaikot sa beywang niya ang isang kamay nito, holding her from behind.
"I told you I wanted a simple wedding..." bulong niya dito habang nakatingala sa mga fireworks at paminsan-minsang tumitingin sa makulay nitong reflection sa tubig.
"This is nothing but simple compare to what you really deserve.." sagot nito. He really was a pro in rebuttal, wasn't he?
"I love you Black Demetri.." Bigla nalang lumabas sa bibig niya.
"Don't worry, I love you more, cara mia."
She felt a familiar tingling sensation with he kissed her lightly on the neck. Bigla niyang naalala, this was her wedding night. Nakagat niya ang ibabang labi nang makaramdam ng kakaibang tuwa at excitement, she can have Black all for herself later. Walang kwenta sa kanya ang mamahaling kotse, villa, at mga alahas na regalo sa kasal, ang pinakaaantay niya ay ang regalong ihahandog sa kanya ng lalaking mahal na mahal niya sa gabi ng kanilang kasal, sa kwartong silang dalawa lang.
"Anong iniisip mo?" biglang untag ni Black.
Namula ang pisngi niya. Siguradong aasarin siya nito ng walang katulad pag sinabi niya kung ano ang iniisip niya. "Wala. Iniisip ko kung bakit mo naisipang imbitahin ang mga prince of hell sa kasal natin.."
"Bakit? Ayaw mo?"
Kibit balikat siya. "Para kasing...nakakatakot sila...sobrang gagwapo nila para silang mga lalaking supermodel na may lahing alien sa sobrang kagwapuhan pero... ewan ko ba, parang nakakatakot ang aura nilang tatlo. Lalo na si Jandrix Alexis DiMarco. Yung number one sa list..."
Ngumisi ng bahagya si Black.
Tumingin muna ito sa fireworks bago nagsalita. "He's the most mysterious, the most black-hearted the say.."
"But he's got himself a wife, it means he's capable of loving and being loved, don't you think so?" Singit niya.
"His wife is just for a display, kung mahal niya yun hindi niya yun iiwanan at ikukulong lang sa bahay. Hey, hindi ako tsismosong tao ah, so stop prying some unnecessary information about the other princes. Hindi mo kailangang makisama sa kanila. This will probably be the last time na makikita mo sila in person.."
"Nakakalungkot naman. Para kasing gusto ko ulit makita si Phoenix Dizeriu, the prince number three...kahit na ang sungit ng mukha niya, ang cute niyang tingnan habang nakikipag usap sa asawa niya sa cellphone. I overheard him earlier, he's tellin' his wife he missed her. Ang cute lang."
"Nainggit ka ba?"
Tumawa siya. "Hindi noh. You're gonna be like that soon enough.."
"Or I can be like Jandrix anytime..AAray!"
Hindi nito natapos ang sasabihin dahil dahil kinurot na niya ito. "Wag na wag mong susubukan Christian Black Demetri kung ayaw mong samain!"
"Hindi noh. Takot ko lang sayo.."
She turned around so she could see his face. "May tanong ako. Anong katangahan ang pumasok sa kokoti mo at pinirmahan mo ang kalokohang death threat na yun ni Papa?"
"Para kampanti siya at wag nang mag alala sayo."
"Hindi ka rin lang niya kayang kantiin sakaling paiyakin mo ako, alam ko yun."
Tumitig ito sa kanya at binigyan siya ng isang masuyong halik sa noo. "Papayagan ko siya, sakaling totoong mapaiyak kita. Dahil simula sa araw na ito, sinusumpa kong wala na akong ibang gagawin kundi ang pasayahin at patawanin ka lang.."
Tumibok ng mabilis ang puso niya. "Totoo ba yan?"
Isang mabilis na halik sa mga labi ang naging sagot nito. "Tunay." Inangat pa nito ang kanang kamay para manumpa.
Natuwa siya ng sobra sa sagot nito, siya na mismo ang kumabig sa leeg nito upang gantihan ng halik si Black. Ang halik niya ay naging mas matagal at mas malalim. Parang habang tumatagal mas lalong parang nagiging nakakaadik ang literal na tamis ng dila nito. Nakakahiya mang aminin sa sarili pero parang sa kanilang dalawa mas excited pa siya sa wedding night nila.
"Vee.." Black said in between kisses and while gently caressing on her back. "Let's get the hell out of here..I wanna ripped you out of this damn gown already.."
Natawa siya. He surprised her again. She thought she was the one greatly excited, mas excited pa rin pala talaga ito sa kanya.
When she finally said yes. Hindi niya alam how he was able to do it pero nagawa siya nitong buhatin patungo sa pinakamalapit na kwarto from the balcony.
A/N: Next stop: POH#2 Drico Antonio DiVanne.
Plz also read his story entitled: The Devil's Stolen Heritage
I'm also trying to write in teen fiction:
Watch an interesting Voice-Act Video of this story.
Like our page: VixenneAnne Stories
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro