Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9. The Proposition



Nagngingitngit si Vee nang sa wakas ay makauwi na. Pinahiran niya ng gamot ang pasa na nasa kanyang braso dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Black doon. Ang baliw na lalaking yun, pangalawang beses na siyang nahuhuthutan ng pera.

Kung bakit ba kasi pagdating sa taong yun, hindi siya makapalag. Kung tutuusin, sino lang ba ang mayabang na yun? Isa lamang itong ordinaryong taong walang pangalan, walang pera, walang trabaho at higit sa lahat walang modo!

Kung magsalita akala mo hari! Ang lakas ng loob na sigaw-sigawan siya at takutin. Naikuyom niya ang mga palad sa sobrang asar! Kung di pa tumunog ang cellphone niya, malamang napulbos na niya ang hawak na bandage sa sobrang panggigigil.

"Hello Pa.." wala sa loob niyang sagot nang makita sa call register na ang Papa niya yun. Alam nito ang oras ng uwian niya from work kaya madalas itong tumawag sa kanya sa mga oras na yun.

"This is about the picture that you have sent me. Magsabi ka ng totoo Vee, siya ba talaga ang boyfriend mo??" tila gulat na gulat ang boses ng Papa niya. Anong meron sa litratong pinadala niya para mag-react ng ganito ang Papa niya? Eh si Black lang naman yun.

Oh.My.God.

Naalala niya.

Si Black nga pala ang pinadala niyang imahe sa Papa niya! Damn.

Bigla siyang nabuhayan ng dugo.

"Po..Ahhmm..Papa kasi..."

"This is not you. Kelan ka pa nabulol magsalita ha?"seryoso ang tinig ng ama niya. "Oo o hindi lang ang sagot sa tanong ko."

"Oo." lakas loob niyang sagot. Bahala na si Batman. Ang gusto lang niya ay makatakas na sa interrogation ng ama.

Natahimik ito sa kabilang linya. Dinig niya ang pagbuntong-hininga nito na tila hindi nagustuhan ang sagot niya.

"Sinasabi ko na nga ba. So you've made it. You really followed your soaring high standards huh? Sana lang hindi ka masaktan sa huli Vee."

Hindi niya maintindihan ang Papa niya. Anong pinagsasabi nito? Ah, siguro nakita din nito ang personalidad na nakita niya sa litrato ni Black. Na mukha itong mayaman, matalino at mataas ang kompyansa sa sarili. Yun nga siguro. Kaya naisip nitong sinagot niya si Black dahil ito ang dream guy niya.

Hay naku Papa, kung alam mo lang.

"Vee, I love you. I hope you won't get yourself into trouble by associating with that man.."

Trouble? Eh ang laking trouble na nga napasukan niya at hindi na niya alam kung papanu makakalusot. The last time na nagbasa siya sa news, ineexpect ng lahat na ipapakilala niya ang boyfriend niya sa publiko sa araw ng kanyang college reunion.

Geez.

Napasulyap siya sa litrato ni Black na nakapatong pa rin sa maliit na table katabi ng lampshade niya. Kung pisikal na anyo ang pagbabasehan, di mo aakalaing patay-gutom ito. He was definitely the most handsome guy her eyes had ever encountered. The guy was tall, lean and had a very athletic body. His facial features were overly and ridiculously perfect, like those of the Greek Gods portrayed in movies. Messy dark brown hair, prominent eyebrows, arrogant nose and jawline, sexy lips and those eyes...those magnetic eyes....why were they hazel anyway??

Saang lupalop ng Pilipinas nakakuha ng hazel eyes ang talipandas na to??

Half-breed siguro?

May lahing aso.

Napailing-iling siya. Naloloka na talaga siya. Ba't kasi si Black na naman ang laman ng utak niya eh gabing-gabi na??!

Breath in. Breath out. Sinubukan niyang kalmahin ang sarili dahil parang nawawala na siya sa huwisyo. Siya si Sabrina Vee Suarez, hindi dapat siya makalimot. She was a self-made woman, successful, powerful and highly respected. Isang malaking kagagahan ang mabaliw sa kakaisip sa isang walang kwentang mayabang na lalaki.

Hindi siya patatalo sa problema. She had found a solution in a form of an ultra-magnetically charming guy named Black. She would use him to her advantage, total naman mukhang pera ito. Magiging madali nalang ang lahat para sa kanya.





******

The next day in her office.

"I want you to find this guy." mariing utos niya sa kanyang assistant. Sumingkit ang mga mata ni Candy nang masilayan ang mukha ng lalaking pinapahanap niya. Tila nagningning ang mga mata nito, tipikal na reaksyon ng mga babae pag nakakakita ng kagwapuhang hindi pangkaraniwan.

"ASAP." dagdag pa niya.

Tila nagising si Candy sa pangalawang sinabi niya. "Yes Miss Vee."

"His name is Black. The last time I saw him he was somewhere in Tondo near the squatter's area. Malamang doon siya nakatira, I don't know where he lives at yun ang gusto kong alamin mo."

"Tondo Miss Vee?" napamaang ito.

"Mukha lang yang mayaman at disente pero mahirap pa sa daga yan kaya wag mo nang pagpantasyahan." pairap niyang sabi.

Natawa si Candy pero pinigil dahil mukhang seryoso ang mukha ng amo.

"I don't know how or where you find him pero kailangan kong makausap ang taong yan sa lalong madaling panahon." Matapos iyon ay binalik na niya ang atensyon sa monitor ng computer, senyales na kailangan nang kumilos ng assistant niya.





**************

After a few days ay nahanap na niya ang bahay ng lalaki.

Nang sa wakas ay nasa harapan na sila ng bahay nito, atubuling lumabas ng kotse ang assistant niya. Malamang ay takot ito dahil sa dami ng mga mukhang sanggano sa palibot, sa dami ng usok mula sa maliliit na bahay na nagbebenta ng tingi-tinging ulam, pati na rin sa mga batang naglalaro sa maduming tubig kanal.

"Ano pang hinihintay mo?" angil niya dito.

"Eh Miss Vee, nakakatakot naman dito, di kaya ma-rape tayo dito?" tila napapaso ang balat ng babae sa mga tingin ng mga tambay sa paligid.

"Mas matakot ka kung gilitan ka ng leeg ng mga yan!" padaskol niyang sagot.

" Miss Vee naman eh. Bakit kasi hindi niyo nalang kontakin si pogi, bakit kailangang tayo pa ang magpunta?"

Katakot-takot na irap ang sinagot ni Vee sa babae. Dahilan para manahimik na ito.

Isang maliit na kwarto lang ang bahay ni Black, may isang bintana na gawa sa kahoy at kinakalawang na din ang bubong nito. Patungo na sana sila sa pintuan upang kumatok nang mula sa bintana ay may lalaking tumalon. Napaatras sila nang kamuntik na sila nitong banggain sa bilis ng takbo. Sumungaw si Black sa bintana, pinagpapawisan ito at nakakuyom ang kamao.

"Hinayupak pa, sardinas na lang nanakawin mo pa!" sigaw nito sa lalaking tumakbo palayo. Napatingin ito sa kanya. Para siyang natuyuan ng laway nang magtama ang kanilang mga mata.

His face and messy hair were dripping wet. Mukhang bagong hilamos. Nakawhite na sando lamang ito at lumang jeans. Dahil medyo basa din ang damit nito, para niyang naaaninag ang magandang hulma ng tiyan nito. Shit.

Pinalis niya anumang pumasok sa isip. May pakay siya sa lalaking ito. HIndi sya nagpunta para lang pagpantasyahan ang abs nito!

"Ikaw. Anong ginagawa mo dito?" tukoy nito sa kanya.

Ang angas talaga! Nakakaasar!

"I want to talk to you." sagot na lang niya.

Ngumisi ang hudyo.

"Maaga pa para manligaw. Bumalik ka mamayang gabi. Strict ang mga household pets ko!"

"Black!" tili. "I want a serious talk, please??!"

Kumunot ang noo nito, tapos bahagyang ginalaw ang ulo, senyas na pwede na silang pumasok.

His house was a mess. Nagkalat ang mga damit nito sa paligid, pati na rin ang mga gamit. Pero nakapagtatakang mabango ang bahay nito. Amoy na amoy niya sa buong lugar ang nakakagayumang natural scent nito.

Nakataas ang dalawang paa nito sa mesa habang inaantay silang magsalita.

"Ano tititigan niyo na lang ba ako? Bilis na, sinasayang niyo oras ko. Hoy, Miss Taray, kung nagpunta ka dito para alamin kung nabugok nga, pasalamat ka hindi."

Nag init ang magkabilang pisngi niya sa sinabi nito. Napaka-inconsiderate ng lalaking to eh nakitang may ibang tao silang kasama.

Si Candy ang nagsalita para sa kanila.

"I'm Candy, personal assistant ako ni Miss Vee..."

"Miss V? May pangalan ka pala?" pang aasar nito sa kanya. "Anong ibig sabihin ng V? Valyena? Vaboy? Valiw? O baka naman.....Virgin??!" sabay tawa ng malakas.

Buysit! Buysit talaga ang lalaking to!! Kumuyom na ang kamay niya, pati mga daliri niya sa paa sa pagpipigil na hampasin ng martilyo ang ulo ng lalaking to.

"Hindi. Vee, as in V E E." paliwanag ni Candy. " We're here for a business proposition, sort of a temporary job for you.."

Binaba ni Black ang mga paa, mukhang naging interesado ang gago dahil naka amoy siguro ng pagkakakitaan. Kilala na niya ang likaw ng bituka nito. Inabot nito ang baso at pitsel na nasa mesa.

"Miss Vee, wants you to pose as her boyfriend in front of her family and colleagues.."

Nabilaukan si Black, nagkasamid-samid ito sa narinig. Bumukol ang dila nito sa pisngi. Another manly gesture na nakakairita dito.

"Anong sinabi mo? English yun, hindi ko yata masyadong naintindihan...POST? Poste? Ginagawa na bang syota ang mga poste ngayon?"

Napangiti si Candy.

Siya naman tumirik ang mga mata. Tiningnan niya ito ng masama. Alam niyang naintindihan nito ang sinabi ni Candy, nambubuysit lang talaga to.

"Hindi. Ang sabi ko POSE. Magpanggap kang boyfriend ni Miss Vee..."

"Wag mo nang ipaliwanang. Naintindihan niya." pinutol niya ang iba pang sasabihin ng assistant niya.

"Alam mo hindi ko maintindihan yang andar ng utak mo. Nung nakaraan lang binubulyawan mo ako at pinalalayas tapos ngayon susulpot ka sa bahay ko, gusto mo akong bayaran para maging syota mo? Aba matindi!" baling nito sa kanya.

"It's not what you think! Wala na kasi kaming ibang choice,kapag wala kaming naiharap ng boyfriend niya sa school reunion mapapahiya si Miss Vee." paliwanag ulit ni Candy para sa kanya.

Nakakahiya talaga.

Pansin niyang kumunot ang noo ng lalaki, tumingin sa kanya. "Bakit ako?"

"Kasi medyo kamukha mo ang ideal man niya."

Pinandilatan niya si Candy sa sagot nito.

Tumawa na naman si Black.

"Kamukha lang? Di ba pwedeng ako na lang?"pabiro nitong sagot. "Ayoko. Hindi ako pumapayag."

"Pero..."apela pa ni Candy.

"Walang utang na loob yang amo mo. Ang suplada, madaldal, matalas ang dila at masama ang ugali. Mabait lang yan kapag may kailangan eh."

Napangiwi si Candy nang makita ang pagkuyom ng mga kamay niya. Her lips compressed, senyales na galit na galit na siya.

"Black, please, nobody talks to my employer that way.."bulong ni Candy sa lalaki.

"Mabuti yun, ako lang dapat. Hoy Vee na Virgin, umuwi ka na. Yung janitor niyo sa opisina, ipakiusap mo muna sa asawa niya, sampalin mo ng pera pag binungangaan ka."

Sumabog na talaga ang tinitimpi niyang galit. "Bastos! Walang modo! Alam mo kung hindi lang ako napasubo hinding-hindi ako magpupunta dito para makipag-usap sayo!"

"Napasubo lang pala, eh di iluwa! Idadamay mo na naman ako sa problema mo."

"Babayaran ka naman ah!"

"Magkano?"

"Sampung libo!!"

Parang umilaw ang bombilya nito sa mata. Nakakita ng mga peso signs.

"Kapalit ng isang milyong pagtitiis sa piling mo? Anong akala mo sakin, cheap?" sagot nito. " Twenty thousand!"

Nanlaki ang mga mata niya sa presyong sinabi nito.

"Anong akala mo sa oras mo, ginto?!"

"Bakit, akala mo ba madali ang trabahong pinapagawa mo?"

Ang sakit na talaga ng ulo niya sa isang to. Takte!

"Ok. Lets meet halfway. 15K." ubos na pasensiya niya.

"Forget it." nakakaloko ang ngisi nito.

"Ang yabang mo. Ang kapal mo! Kung ayaw mo eh di wag!"

Sa sobrang inis, bago umalis ay sinipa niya ito sa paa. Napatayo ito at napatalon-talon na naman sa sakit.

"Anak ng!! Ba't ka naninipa??"

"Tse!!" sabay irap at walang lingon-lingong umalis.

Kasunod niya si Candy na napanganga lang sa ginawa niya.





A/N: COMMENTS GUYS:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro