Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

8. Black Part of Him




"Walanghiya ka! Akala ko pa naman lalabanan mo!" angil ni Vee nang makapagtago sila sa isang sulok. Para silang binalot na suman doon, magkadikit ang kanilang katawan at naiirita siya sa sobrang bango ng hininga ng lalaking to!

Hindi lang hininga. Nagpapawis yata ng pabango ang ugok na to eh!

"Tingnan mo tong babaeng to, tinulungan na nga't lahat ang dami pang reklamo!"

"Tinulungan? Tinulungang magtago! Napaka-duwag mo!"

"Hoy, ito natutunan ko to nung elementary palang ako ah, ewan ko sayo, kung alam mo to. Kasali sa golden rule of war na hindi kaduwagan ang tumakbo pag hindi kaya! Ang dami nun, ang la-laki ng katawan, akala mo sakin si Superman?"

Nahihilo siya. Nahihilo siya sa natural na bango nito. Buysit talaga. Pinaninindigan siya ng balahibo sa posisyon nilang yun. Halos magkayakap na sila sa sobrang sikip ng nasuotan nilang taguan. She was never this close to a guy kaya, naiirita siya, at nagkataong ang pesteng lalaki pang ito na may hindi maipaliwanag na kagwapuhan ang kayakap niya ngayon!

Sa sobrang buysit niya tinuhod niya ang tuhod nito.

"AAARRAAAAAYYYY! Putcha!"

Sigaw nito. Natawa siya sa reaksyon ng mukha ni Black, namula na ewan, masyado tuloy itong naging gwapo sa paningin niya. Mukha lang pala itong matapang. Hanga na sana siya dito nang makipagsagutan ito sa mga maton na yun kanina.

"Puro ka lang pala porma!" dagdag pa niya.

Kung kanina ay namula ito, ngayon naman ay biglang namutla na. Kinabahan siya. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa ibaba ng puson nito.

Oh good Lord.

HIndi niya sinasadya!

Nanlaki ang mga mata niya,akala niya sa tuhod tumama yun. Sa iba pala naglanding!

"Arrraaaayyy.." daing pa nito. Nagulat siya dahil lumabas ito sa pinagtataguan nila habang hawak hawak ang nasaktang pagkalalaki.

Napilitan siyang lumabas na din.

"Ano ba, babasagin mo ba??!!" singhal nito sa kanya sa sobrang pikon habang patalon-talon sa sakit. "Iniwas ko nga ang mukha ko sa disgrasya, kayamanan ko naman ang nadisgrasya!"

Nanlaki ang mga mata niya nang namataan na sila ng mga humahabol.

"Black, andyan na sila!" tili niya.

"Pakialam ko?!"asik nito. "Langya, mantika nalang scrambled egg na to ah!"

"Kasalanan mo! Anong gagawin natin ngayon?"

"Anong gagawin?" hinawakan nito ang braso niya, mahigpit. "Ibibigay na kita sa kanila!"

"Ano?" Bulalas niya, namutla siya sa sinabi nito. "Siraulo ka pala eh, ba't mo ko ibibigay?"

"Nagtanong ka pa! Tinutulungan ka na nga nananakit ka pa!"

Natakot na siya. "Eh hindi ko naman sinasadya, sorry na..."

Pero nagsalubong lang ang kilay nito.

"Black please....babayaran kita!" naisip niya. "1000! wag mo lang akong ibigay..."

Pero hindi nagbago ang anyo ni Black, mukhang tototohanin nga nitong ibigay siya sa mga lalaking nasa harapan na nila ngayon.

"Ano, pagod ka nang itakbo yang syota mo? Umurong na ba bayag mo?!" nakangising sabi ng lider ng grupo na unti unti nang lumapit sa kanya.Hinahawakan na nito ang braso niya, pilit niyang pinapalis iyon. Nanginginig na siya sa kaba.

"Hindi lang umurong, napisa pa nga yata!"

"Di panu, amin na to?" sabay hahablutin na sana siya sa braso. Tampal ang inabot ng kamay nito mula kay Black.

"Oh ang kamay, baka galisin yan..mahawaan ako" nakakalokong sabi pa ni Black dito.

"Putang ina! Sinong may galis ha??!" galit na galit ito, naitapon pa ang sariling sumbrero.

"Ikaw! At pre, magsipilyo ka nga, putcha ang layo ko sayo, amoy ko pa rin ang imburnal sa bibig mo eh!"

Mas lalong nagngitngit sa galit ang pinuno ng mga maton. Isang malutong na suntok sana ang dadapo sa mukha ni Black ngunit buo ang loob nitong sinalubong ng kamay ang suntok na yun. When she looked at his eyes, nawala ang pagkasinggit at pagkamasayahin ng mga iyon, napalitan ng nagbabagang galit.

Hawak ni Black ang kamao ng kalaban at nakipagsukatan ng lakas dito. Ilang sandali pa ngumiwi na sa sakit ang kalaban nang pilipitin ni Black ang pulso nito.

"Gago ka. Sirain mo na ang buhay ko, wag lang ang mukhang to!" Seryoso ang tinig ni Black. Kahit siya natakot sa bagang nasa mga mata nito. "Biyaheng sementeryo ka ngayon!"

Gamit ang hawak na kamao, binalik nito ang suntok sa mukha ng kalaban. Sipa sa dibdib ang inabot ng isa pang lalaking nagtangkang lumapit upang tulungan ang pinuno nila.

"Ayoko nang tumakbo! Mababasagan ako ng yaman sa inyo!" Walang nagawa ang dalawa pang lalaki nang pag-untugin ni Black ang mga ulo nito.

Sabay-sabay na nagtangkang lumaban ang apat ngunit walang panama ang lahat sa galing at bilis ng mga galaw ni Black.

Wala siyang alam sa martial arts, pero sapat na ang nakita niya para isiping bihasa ni Black sa larangang iyon. Ilang sandali pa nagsitakbuhan na ang mga kaaway.

"Takbo!! Kayo naman ngayon ang tumakbo!" maangas nitong sigaw sa kumaripas na mga lalaki na hawak ang kanya-kanyang tama sa katawan.

Nanakit ang braso niya. Ngayon lang niya ulit napansin, nakipagbasagan ng bungo ni Black na hawak hawak ang braso niya! Peste talaga tong lalaking to!

Humulagpos siya mula sa pagkakahawak nito.

"Baliw ka talaga! Ba't di mo ko binitiwan? Eh kung tinamaan ako?" reklamo niya.

"Ang tanong tinamaan ka ba? Ako nga tong napuruhan mo eh, pag nabugok to humanda ka sakin!"

Iningusan niya ito. "Mayabang ka kasi, kaya mo naman pala may patakbo takbo ka pa!"

"Hoy, iniingatan ko tong mukha ko ha. Pag nasapak to, papatay ako ng tao, naintindihan mo?!"

Bubuka pa sana ang bibig niya para sumagot ngunit tinutop na iyon ni Black bago pa man siya makapagsalita.

"Magsalita ka pa, bubunutin ko yang ngala-ngala mo! Napakasungit mo na, napakaingay mo pa!"

Masama ang tinging pinukol niya dito dahil hindi naman siya makasagot.

"Amin na ang pera!"

Pilit siyang kumawala dito.

"Anong pera?"

"Ohoy baka nagkakalimutan tayo Ms. Taray, sinabi mong babayaran mo ko kaya di kita pinagkanulo dun. Sabihin mo lang kung di ka magbabayad, ihahatid kita sa kanila, door to door!"

Natakot na naman siya. Letse tong lalaking to! Pera lang pala talaga lagi ang habol nito sa kanya. Wala siyang nagawa kundi dumukot ng pinangakong isanlibo dito. May pagka-baliw pa naman to baka totohaning ibalik siya sa mga lalaking yun.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro