Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

45.Wildflower

She tried to compute the SmartView's sales for the last couple of weeks. Tumaas na iyon ng halos 75% kumpara sa sales ng kompanya noong mga nakaraang buwan na masama ang imahe niya sa publiko. Malaki ang naitulong ng DiVanne Realty sa muling pagganda ng image niya sa mga kliyente at sa general public. Kahit papanu ay naibalik na ang dating niyang pangalan sa business world. May mangilan-ngilan pa ding mga taong ayaw pang magtiwala sa kanya pero madalas sinasalo siya ng mga statement ni Drico sa media na hindi totoong suicidal siya at wala nang direksyon sa buhay. Pinatunayan niyang sa kabila ng pagkalugmok pilit siyang bumabangon, kahit pa isang Christian Demetri ang kalaban niya hindi siya sumuko. Ngayon na isa sa mga princes of hell ang tumutulong sa kanya, marami sa mga kasosyo niya dati ang nagbalik-loob.

Pero sa kabila ng success ng halos lahat ng sales team niya, nakakalungkot isiping .... kulang pa rin. Malapit na nilang maabot ang quota, abot-kamay na, ngunit naibuhos na nilang lahat ang magagawa, bandang huli hindi pa rin sapat.

Inulit niyang muli ang computation, hindi nagbago ang resulta, kulang sila sa oras. Kung sana ay habaan ni Drico ang taning ng kahit na dalawang linggo baka magkaroon pa siya ng pagasa. Nanghihina niyang naisoksok ang mga daliri sa buhok. Naaasar siya sa sarili dahil imbes na mag-isip ng panibagong paraan kung papanu maabot ang quota hanggang sa katapusan ng buwan, ay mas inuna pang i-tipa ng mga daliri niya sa keyboard ng computer ang latest tungkol sa napapabalitang kasal ni Christian Demetri. Hindi pa rin mawaglit sa isip niya na malapit na itong matali sa iba.

Sa totoo lang, yun ang pinaka nagpapalungkot sa kanyang puso. HIndi niya alam kung may katuturan pa ba ang lahat sa buhay niya kapag kinasal na ang kaisa-isang lalaking minahal niya. Gusto niyang isaksak sa utak na ang lalaking yun ay hindi siya gusto. Naging isa lamang siya sa mga laruan nito, at isang dakilang katangahan na mas lalo niyang lunurin ang sarili sa matinding pag aasam na sana ay mahal din siya nito ng totoo.

Napabuntong hininga siya, sa dami ng problema sa kompanya, at sa tindi ng pangungulilang nararamdaman niya para kay Christian, ano kaya kung pumayag nalang siya sa alok nito? Magpakasuper-higad-slash-linta at kumabit nalang dito? May SmartView na siya may Christian pa siya! Hindi nga lang matatawag na legal wife, at mas lalong hindi pwedeng Mrs. Demetri. Ang sakit sa pakiramdam, baon na baon ang kutsilyong nakatarak sa dibdib dahil sa isiping yun.

Napaangat siya mula sa pagkakayupyop sa mesa nang marinig ang marahang katok sa pinto. Pumasok si Candy.

"Miss Vee, you will have a presentation with Mr. Liu in an hour... ready na po ba kayo?"

Yeah right. With Mr. Liu, the Chinese investor na gustong bumili ng maliit na resort for private use, na isa sa mga malalaking properties ng Divanne Realty sa Palawan. Kailangan niyang maisarado ang deal na yun dahil malaking bahagi ng percentage ng kanilang quota ang mapupunuan nun. Hindi sila pwedeng pumalpak, in fact hindi sila pwedeng pumalpak sa kahit na sinong kliyenteng inindorse ng office ni Divanne dahil kapag nangyari yun, tapos na ang SmartView.

"I'm ready Candy, inform me as soon as Mr. Liu arrive. Thank you."

Marahang tumango si Candy, marahil nabanaag nito ang lungkot sa kanyang mga mata pero hindi nalang nagtangkang magkomento. Tahimik itong lumabas ng office.

Pagkaraan ng ilang minuto muling bumalik si Candy, this time may hawak itong isang bugkos ng mamahaling bulaklak.

"Miss Vee, para sayo daw po ito."

"Kanino daw galing?" aniyang binalik ang tingin sa monitor ng computer upang ireview ang presentation na ipapakita kay Mr. Liu.

Ngiti ang sinagot ni Candy.

Kumunot ang noo niya dito, tapos ay tumingin sa bulaklak. Madalas siyang padalhan ng mga kliyente ng bulaklak kaya hindi na bago sa kanya yun, pero naintriga siya sa reaksyon ni Candy dito. Nang iwanan siya ng asisstant, inabot niya ang bulaklak. Those were rare kind of flowers na hindi basta basta nabibili dahil sa presyo nito. Sinipat niya ang dedication card na nakakabit doon.

It was handwritten.

Dearest Vee,

Like a dazzling wildflower that grows in the deep forest;

You have the strenght to survive;

Through storms and seasons,

Through pressures and competitions;

You can withstand everything, I know,

But my wildflower, from this day forward,

Will you please,

Let me take care of you?

-Black-

Bigla niyang nabitawan ang hawak na bulaklak nang mabasa ang panghuling linya. Kumabog ang dibdib niya. Galing kay Black? Napatitig siya sa bugkos, so they were rare wildflowers huh? Kaya pala hindi pamilyar sa kanyang mga mata, at kaya pala sobrang gaganda. Pinadala ni Black? Imposible, nasa Italy ito at malamang masayang nakikipaglandian sa mala-diyosa nitong fiancee. Hindi ito magkakaroon ng oras na padalhan ng mamahaling bulaklak ang isang basahang minsan na nitong itinapon.

Wildflower daw. Siya?

Baka naman talahib ang ibig nitong sabihin. Kung sino man ang nagpadala, siguradong pinaglololoko siya. Inabot niya ang bulaklak upang itapon sa trashbin, pero sumuot ang munting konsensya sa utak niya. Ang gaganda ng mga bulaklak, hindi niya kayang itapon nalang basta.

Pinasadahan niyang muli ng tingin ang card. The letters were elegantly written in cursive style, parang noong unang panahon kapag ang lalaki ay nagsusulat ng love letter sa nililigawang babae, nakakamangha.

Kaya imposibleng si Black ang nagsulat at gumawa ng mga linyang yun, nakakakilabot isiping dito manggagaling yun. Wala sa pagkatao nito ang pagiging makata, at halata namang pangit ang penmanship ng taong yun!

Nang mag message si Candy na dumating na si Mr. Liu, tumayo na siya, inayos ang sarili upang harapin ang isang milyonaryong kliyente.



Maayos na naisabuhay ni Vee ang lahat ng mga nakasulat sa presentation. Naipaliwanag niya ding mabuting ang mga highlights ng private resort na wala sa ibang mga kakompentensya.

"Excellent!" nakatayo pang pahayag ni Mr. Liu pagkatapos. " I want to see the place today, I'm very excited I want to go to Palawan right now!" he said in his Chinese accent.

Napanganga si Vee. Muntik nang mawalan ng kulay ang mukha niya. Seryoso ba ang intsik na to? As in now na?

"Of course Mr. Liu, we will arrange a flight for you to Palawan first thing in the morning tomorrow!" pinilit niyang ngumiti.

"No no no no, I don't have time tomorrow. Tomorrow I have a flight to China, I only have today. I hope that can be arranged Ms. Suarez."

Alanganin siyang tumango dito. "Of course!" Kahit na hindi siya sigurado kung makakapag-arranged nga siya ng agarang flight papuntang Palawan. Maybe a private jet? Binalingan niya si Candy. Inutusan niya itong mag-book ng isang private jet flight papuntang Palawan, alam niyang mahal pero wala siyang choice.

"Mr. Liu, my staff will escort you to the lounge area while we wait for your plane to Palawan in an hour."

"Very good." nakatawang sabi ng Chinese.

"Thank you."

Nakangiti rin siya pero sa totoo lang gusto niya itong sakalin! Napaka-demanding, pupunta ng Palawan, gusto agad-agad?? Anong palagay nito sa SmartView, big time? May sariling eroplano??

"Miss Vee, problema po, wala pong available na flight in an hour. At saka wala pong last minute booking, ang pinakamaaga po talaga ay bukas."

"What??" Napasabunot siya sa buhok. Kagat ang labing nag-isip ng solusyon. " Tumingin ka sa mga private jet for hire, baka merong available."

"Sige po."

Ilang sandali pang tumutok si Candy sa laptop nito, siya naman ay halos kutkutin na ang mga kuko sa sobrang tensyon. Kung walang private jet na mauupahan sa loob ng isang oras, mapapahiya siya sa kliyente. Nabanggit pa man din nitong babalik na ito sa China kinabukasan baka mawalan na sila ng pagkakataong maibenta dito ang property. Ang masama pa, baka makarating ito sa opisina ni DiVanne, masisira sila.

"Ano Candy, meron na ba?"

"Wala pa Miss Vee eh, titingin pa ako sa ibang site, sandali lang po.."

"Mauubos na oras natin eh." Nagbukas na rin siya ng laptop upang tumulong, kahit ayaw niya, pinilit niya. Sigurado kasing pag-open niya ng internet hindi maiiwasang makikita na naman niya ang balita tungkol kinaaasaran niyang kasal. Hindi nga siya nagkamali, pero binalewala niya iyon at binaling ang atensyon sa paghahanap. Sunod-sunod ang mura niya sa tuwing zero results ang nilalabas ng search engine na gamit niya.

"Miss Vee! Ito po, meron na akong nahanap! Pwede daw po siya, he will be ready in 30minutes! Pumunta na raw po tayo doon, malapit lang kasi dito. Nakatira siya sa isang private subdivision, binigay niya ang address."

Nanlaki ang mga mata niya. "Talaga? Tamang-tama! Sige, aregluhin mo na kahit magkano....sigurado ka ba diyan Candy?" Nagaalala niyang tanong.

"Wala naman po tayong choice eh, tsaka pwede naman po nating icheck ang license tsaka yung jet niya pagdating doon."

"Ok." kagatlabi niyang pagsang-ayon.



The address led them to a massive front gate na automatikong bumukas paglapit ng kotse nila. Pumaikot pa sila sa malawak na green lawn bago narating ang malaking mansyon sa gitna. The pilot was definitely loaded. Nawala ang agam-agam niya na baka bogus ang deal na nakuha ni Candy dahil hindi naman siguro mag-aaksaya ng panahon ang isang taong may ganito kalaking mansyon para lang mang-goodtime ng ibang tao di ba?

"Nasa likuran daw po ang jet." ani Candy.

Pinaikot ng driver ang kotse upang marating ang malawak na likod ng mansyon kung saan naroroon ang isang magara, bago, at mamahaling private jet na pwedeng magdala sa kanila sa Palawan.

"Ohh, you have a very fine taste Ms. Suarez, your jet is extraordinary, this is the latest, most popular in the market. I was quite surprised! Good job!" Malawak ang ngiti ng kliyente sa kanya nang makababa ng kotse at mapagmasdan nito ng malapitan ang pamhimpapawid na sasakyan.

Sa di maipaliwanag na dahilan biglang kumabog ang dibdib niya, parang may mali sa mga nangyayari. Paanong ang isang pribadong tao na sobrang yaman at may ganito kabagong jet ay mag-ooffer na ipa-hire ito at ihatid sila sa Palawan. Parang hindi kapani-paniwala.

Sinuri niya ang pamilyar na tatak ng jet na naroon.

DE?

Demetri Enterprises pa ang ibig sabihin ng simbolong yun?

Mas lalo siyang hindi napakali.

"The pilot will be available in 5 minutes Mr. Liu.." narinig niyang sabi ni Candy.

Nag-antay siya ng limang minuto. Halos hindi na siya huminga sa pagbilang ng pitik ng kamay ng orasan. Nagsimula siyang pagpawisan ng malamig. Napapitlag pa siya nang mula sa likuran ng mansyon ay lumabas ang isang unipormadong piloto.

His face was blurred. Natural na malabo ang paningin niya sa malayo, pero nang maglakad pa ito palapit sa kanila, she finally recognized the face.He would not be piloting a jet fighter kaya mas simple ang suit nito. Pero hindi pa rin nabawasan ang kisig nito sa pam-pilotong kasuotan.

Black.

Natigilan siya.

He's right in front of her now.

"Shall we, Ms. Suarez..?" untag nito sa pabulong na tono na nagpatayo ng balahibo niya. Namalayan niyang nakasakay na si Candy at si Mr. Liu, siya na lamang ang hinihintay. Para siyang tuod na nakatanga lamang doon.

Imbes na kumilos, sinikap niyang magsalita. "Anong ginagawa mo dito, Christian Demetri?"

"Saving your ass, all over again." sagot nito. Kasabay ang isang makalaglag-katinuang kindat. Ngumiti pa ito sa kanya ng pagkatamis pagkatapos.

"Hindi ko kailangan ang tulong mo.."

"Sa tingin ko..kailangan mo..."

"Panu mo nalaman?" Tanong niya.

"I have my resources, baby. Sa tingin mo pababayaan nalang kitang layasan ako? Hindi maari Suarez. Kilala mo ako, pag sinabi kong gusto kita sa tabi ko, ibig sabihin nun, susundan kita kahit saan ka magpunta. Now, get your pretty ass in the plane right now, sweetheart..before I make you.." he was literally breathing on her ear kaya ang bawat kataga nito ay nanunuot sa kanyang buong sistema.

Humakbang siyang paatras upang magkaroon ng distansya sa pagitan nila. Taas noo niyang tinitigan ito. " Pasalamat ka, may kliyente ako, dahil kung hindi, mamamaga at dudugo yang matamis mong bibig sa takong nitong sandals na suot ko!" asik niya dito. Napansin niya ang pagngiwi ni Black. Tapos ay pinilit niya ang isang pekeng ngiti upang yun ang makita ni Mr. Liu, pasalamat siyang hindi ito marunong umintindi ng tagalog.

Nauna siyang lumakad upang makasakay na. Sumunod naman ito sa kanya.

Habang nasa loob ng jet, hindi niya napigilang pagmasdan si Black bilang piloto. She was amazed all over again sa taglay nitong skills. Pakiramdam niya wala itong hindi kayang gawin. Mapakla siyang napangiti, masyadong naging mataas ang pangarap niya. Masyado siyang nag-ambisyon na ang isang kagaya nitong napakatayog at napakaperpekto ay seseryosohin ang isang kagaya niya. Totoo, maganda din naman siya at matalino, pero hindi pa siya sapat para tapatan ang isang prince of hell. Kulang pa ang mga assets na meron siya.

Kaya naman tanggap na niyang hanggang pangarap nalang siya.

At ang dahilan kung bakit bumuntot ito sa kanya dito sa Pilipinas?

Malamang gusto lamang nito ng kalaro, at siya lamang ang pinaka nakakaaliw nitong laruan sa ngayon.

Masakit. Masakit na masakit sa damdamin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro