Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

43.The Heartbreak



Nagising siya because of an automatic alarm system inside her room. The female robotic voice that came from nowhere told her the time of the day, the temperature, and some other vague things she couldn't understand.

Sumakit ang ulo niya nang bigla siyang bumalikwas. Anong nangyari? Nasaan siya? Ginala niya ang paningin sa buong paligid. One big part of her room's walls were made of thick glass, she could see a breathtaking view of the shore and the seas outside. Tapos ang buong kwarto at napapalibutan ng magagarang mga bagay. Isa lang ang sigurado siya, wala siya sa hotel, at hindi niya alam kung nasaan siya.Tinangka niyang gumalaw, God, she felt sore all over, especially the part in between her legs.

Tapos ay biglang bumalik ang alaala niya sa naganap ng nakaraang gabi. Napamura siya, napasabunot sa ulo. She remembered what she did last night--what she stupidly did last night. Nasaan si Black? Wala ito? Nakaramdam siya ng matinding pagkadismaya, ni hindi man lang siya nito inantay magising. And she even doubt kung tumabi man lang ba itong matulog sa kanya. Napayakap siya sa sariling tuhod, nang umagang yun pakiramdam niya nahulog siya sa pinakamalalim na bangin, mag-isa at hindi makaahon.

Kahit masakit ang buong katawan pinilit niyang bumangon. She was not on her clothes last night, ang suot niya paggising niya ay oversized na itim na polo shirt na panlalaki. The room was quite big kaya effort na sa kanya ang paika-ikang paglalakad hanggang sa marating niya ang pinto.

Pagbukas niya ng pinto, ikinagulat niya ang pagsalubong sa kanya ni Paola. Nakangiti ito pero hindi niya maramdaman ang sinseridad, para bang inutusan lamang itong gawin yun. Hawak nito ang damit niya at isang bagong pair of jeans kapalit ng sinira niya sa bar kagabi.

"Good Morning Ms. Suarez, your clothes."

Alanganin niyang inabot mula dito ang malinis na niyang mga damit.

"Nasaan si Blac---Christian?" mahina niyang tanong.

"He left early in the morning, he has to attend a very important event today, he can't miss it."

Dismayado siyang tumango, so may lakad ito? Hindi man lang nagawang gisingin siya kahit saglit para magpaalam. Hindi ba nito naisip na pagkatapos ng nangyari kagabi ay malamang na hanapin niya ito pagkagising niya at masasaktan siya ng husto kapag hindi niya ito nabungaran kinaumagahan? Wala man lang itong pakialam sa nararamdaman niya.

Sa mga oras na yun parang tinutusok ng maraming karayom ang puso niya at tumatagos ang lahat ng iyon sa kanyang kaluluwa.

"He told me to wait for you so I can personally send you to your hotel."

"Ano?" Ngayon ay pinagtabuyan siyang bigla, hindi pa nga sila nagkakausap? Ano to? Ano sa palagay nito ang nangyari sa kanila kagabi? Naglaro ng jackenpoy? T*ng ina naman oh! Hindi niya mapigilan ang mapamura sa ginawa nito sa kanya. "Paola, can I ask you something?"

Tiningnan lang siya nito ng diretso sa mga mata. Paola was sober now, hindi niya ini-expect na magiging mabait pa rin ito sa kanya kagaya ng insedenteng nalasing ito ng sobra. "Sure." tipid nitong sagot.

"Ganun ba talaga ka-sama ang amo mo? Pagkatapos ba nitong gamitin, paglaruan at pagsawaan ang isang bagay ay itatapon na lamang nito na parang basahan?"

Matagal bago sumagot si Paola pero nag antay siya. "Tanga ka. Ang tanga mo. I've warned you what kind of man he is, mukhang hindi ka nakinig, mukha nagpauto ka pa rin sa kanya. Akala ko pa naman lalaban ka, sa totoo lang, disappointed ako sayo."

Masakit iyon. Pero totoo lamang magsalita si Paola, siguro ay pranka lang talaga ito at nahawa sa amo nitong hindi marunong mag-filter ng sinasabi. Wala itong pakialam sa kung ano ang mararamdaman niya, sinabi lamang nito ang alam nitong totoo. At wala siyang pwedeng ibwelta dito dahil totoo lang naman talaga ang sinabi nito.

"Wag kang mag alala, hindi lang ikaw ang tinrato niya ng ganito. Marami kayo."

Gusto na niyang maiyak.

"Let's get you going Ms. Suarez, if you want breakfast, I'll prepare it for you--"

"No need. I just wanna go home. Hindi mo ako kailangang ihatid..."

"Are you sure? You are in the middle of a vast private property, kung lalakarin mo simula dito palabas ng highway, aabutin ka ng isang oras, magpahatid ka na."

Yeah, considering her body's current situation, baka nga abutin pa siya ng dalawang oras. "Im fine, I'll go my own way.."

Lumiko ang labi ni Paola dahil sa sinabi niya. "Very well then."

Nang akmang tatalikod na si Paola, pinigilan niya ito. "Paola..wait!" Humarap naman ito kagaad. "Nasaan si Christian..?"

Tila nag alinlangan ito kung sasagutin siya o hindi. Pero sa huli ay nilahad nito ang kamay sa isang malaking smart tv na nakasabit sa wall. "I believe he is all over the news today." Yun lang at iniwanan na siya nito.

Nanginginig ang mga paa niyang lumapit sa malaking TV monitor. She saw its remote control on the side table, dahan dahan niyang pinulot iyon. Bakit may masama siyang pakiramdam sa kung ano ang makikita niya sa TV?

Pagbukas niya nito, ang video ng Italyanang Duchess ang una niyang nakita. Si Monica Mirabeli, hindi man niya maintindihan ang sinasabi sa balita pero nakikita niya naman iyon. The anchor was talking about a very special event na magaganap sa Italya. Ang pinakahihintay ng lahat, ang panahong isa na namang katangi-tanging babae ang gagawa ng kasaysayan, ang maitali at maselyuhan ng kasal ang isa sa mga sikat na Princes of Hell.

Si Christian Demetri...at si Monica Mirabeli?

Halos mabuwal siya sa pagkakatayo sa mga makikita niya sa video. Bihirang lumabas sa media si Christian, at lately, sa lahat ng mga pagkakataong nasa news ito, kasama nito palagi ang babaeng heredera. The media already labeled her as the ultimate woman for the notorious playboy, they said she was his karma., and she was his defeat. Ilang buwan na lang maitatali na ni Monica si Christian sa isang kasal na siyang pinakahihintay ng lahat.

Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakaranas ng ganun katinding pagkaawa sa sarili. Napasalampak siya sa sofa at walang tigil na umiyak. Gusto niyang pawalan lahat ng sakit ngunit hindi iyon kayang ilabas ng mga luha niya sa mata. Hindi niya maipaliwanag ang walang katumbas na kirot na nararamdaman. Pakiramdam niya isa siyang maduming basahan na basta nalang ipinatapon matapos pagsawaan. She felt so empty and..so down.





Hindi niya alam kung paano niya nagawang bumalik ng hotel. Masakit ang paa niya sa dalawang oras na paika-ikang paglalakad palabas ng property ni Christian. Ang malaki nitong mansyon ay napapalibutan ng mga puno, flower farms and vines. Sinikap niyang makalabas doon nang walang tinanggap na kahit na anong tulong mula sa mga tauhan nito.

Sinubsob niya ang mukha sa unan at doon pilit na inimpit ang pag-iyak. Pakiramdam niya mauubos na lahat ng tubig niya sa katawan dahil sa walang tigil na pagtulo ng kanyang luha. Narinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone. Si Candy.

"Miss Vee, good morning po!"

"How is it going there?"pilit niyang kinalma ang boses.

"Nandito na po ang mga tao ni Drico DiVanne, medyo nagiging maayos na po ang takbo ng lahat dahil sa endorsement niya, unti-unti na pong bumabalik ang tiwala ng mga tao sa atin. Ang sabi nga pala ng isa niyang adviser, kailangan niyo na raw pong umuwi, mas magiging maganda sa image niyo kung makikita ng mga tao na bumalik na kayo sa pagtatrabaho."

"Ganun ba? Good..."

"Miss Vee..ok lang po kayo?"

"H-ha?" lutang siya, oo. "Ok lang, uuwi na ako diyan.."

"Talaga po? Teka..panu po si Black...?"

Bumuntong-hininga siya. Naiiyak na naman. "Sige na Candy, bye."

Parang alam na niya kung ano lang ang papel niya sa buhay ni Black, pampalipas oras lang siguro, o ang mas malala, pampalipas libog. Katangahan ngang maituturing ang ginawa niya pero hindi naman niya masisi ang sarili. Nilabas lamang ng alak ang kinikimkim niyang matinding pangungulila para sa kaisa-isang taong minahal niya ng buong puso.

Handa na ang mga gamit niya pag-uwi ng Pilipinas, pero hindi siya aalis nang hindi ito nakakausap. Alam na niya ang isasagot nito, but she wanted to still hold on and give him the benefit of the doubt. Na baka naman may maganda itong eksplinasyon sa mga nangyari sa kanila.





"Vee, you're here...anong ginagawa mo dito?" Si Jeth iyon. Mabuti nalang at nakita niya ito sa lobby ng DE building, malaki ang atraso niya dito nung nagdaang gabi. Parang sinalo nito ang lahat ng galit ni Christian na hindi naman dapat.

"Jeth.." alanganin ang naging ngiti niya dito. Nahihiya siya sa mga nangyari. "Sorry nga pala about the other night, nasigawan ka pa tuloy ni Christian."

Pero tumawa lamang ito. " Wala yun sakin, ano ka ba. Bawing-bawi ka naman sa teenage dream mo, ang galing mo palang kumanta?"

Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. "Sorry pa rin.."

"Sanay na kaming lahat dun. He's not called the prince of hell for nothing. Bilang isa sa mga tao niya, masasabi kung alam ko na kung anong ugali meron siya, kaya sa totoo lang wala lang sakin yun."

"Kahit na, ako pa rin ang dahilan nun, Im sorry Jeth, and thank you for all your help, uuwi na ako sa Philippines."

Nalungkot ang mukha nito. "Ganun ba?"

Tumango siya at pilit itong nginitian. "Effective yung advise mo sakin about getting help from one of the princes of hell, kaya kailangan na ako sa office ko as soon as possible."

"Talaga? I'm happy for you Vee, I hope you get back on track real soon, kayang kaya mo yan, ikaw pa ba!" Kahit masigla ang boses nito alam niyang nalulungkot ito sa pag-alis niya. Pinagsisisihan niya ang lahat ng kasupladahang ginawa niya dito noon. Jeth was a really good friend, maswerte siya at hindi ito ang tipo ng taong nagtatanim ng sama ng loob.

Hinalikan niya ito sa pisngi at yumakap dito. Yun lang ang kaya niyang gawin to show her gratitude.

"Vee."

Pareho silang napatingin sa pinanggalingan nun. It was Christian....at salubong ang kilay nito. Nang makalapit ito ay hinawakan siya sa braso at hinila mula kay Jeth. Kaagad din nitong pinulupot ang kamay sa beywang niya to draw her closer to him, na para bang isa siyang pag-aari na hindi pwedeng madikitan ng kahit na sino.

"Vee, I gotta go...goodluck." yun nalang ang naging pahayag ni Jeth bago umalis.

Nang maiwan silang dalawa ni Christian, nagsimulang kumabog ng malakas ang dibdib niya. Lalo pa't ang braso nito ay nakapulupot sa likod niya.

"Hey, " Nakangiti na si Christian. Napasinghap siya nang halikan siya nito sa noo. " Sinusundo mo na ba ako? Maaga pa ah."

"We need to talk." Hindi niya alam kung bakit nangangatal ang bibig niya nang sabihin iyon.

Napatitig pa sa kanya si Christian, ilang sandali pa dumating si Paola. "Mr. Demetri, you're needed in the boardroom in 5 minutes." sabi nito.

Nanlumo siya, aalis ba siyang hindi man lang ito makakausap?

"Tell them I'm not ready, Paola. Ask them to wait for me in 30 minutes, kapag wala pa ako, cancel the meeting."

Napatingin sa kanya si Paola dahil sa narinig mula kay Christian. Pagkatapos ay ngumiti ito sa kanya bago nagpaalam.

"San tayo Virg-- ex-virgin ko?" Masiglang tanong ni Christian na nakatawa pa, may halong pangaasar.

Namula ang pisngi niya. "Diyan lang sa cafe..."

"Let's go then." hindi nito pinakawalan ang beywang niya. Everytime na dumi-distansya siya, hinihila siya nitong palapit sa katawan nito.





Nakatitig siya sa milktea na nakapatong sa maliit na table na inukopa nila sa loob ng cafe.

"Sorry I'm not able to wait for you the other day, an emergency came up--"

"You don't have to explain, alam ko namang busy kang tao, hindi mo obligasyon na antayin akong gumising." Sansala niya sa iba pang sasabihin nito. Nawala ang matamis na ngiti sa mga labi ni Christian dahil doon.

"Still. I'm sorry. Galit ka ba sakin, Vee?"

Kagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil na tumulo ang luha niya sa mga oras na yun. " Galit? Ako? Hindi."

"Hay buti naman. Akala ko galit ka na eh, kinabahan na ako." Bumalik ulit ang mga ngiti nito, tapos ay inabot pa nito ang kamay niya at pinisil iyon. "Babawi ako, maaga akong lalabas mamaya, may pupuntahan tayo, gusto mo ba ulit lumipad?"

"Christian..." Hindi niya alam kung paanu sisimulan. Kasi ang walang kwenta niyang puso, iba ang gustong sabihin, gusto niyang sumama dito sa kahit saan man siya nito dalhin.

"Christian? You're back to Christian again? The other night you were calling me Black..."

"You don't look like Black right now."

Napatingin ito sa sariling damit. Tapos ay nginitian siya ng ubod ng tamis, gusto niyang matunaw. "But I feel like Black right now." Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya.

Her heart skip a beat. Halos hindi niya makakurap, nakatitig lang siya sa nangungusap nitong mga mata, his hazel eyes were pleasantly alive more than ever. Nakalimutan niya saglit kung ano ang pinunta niya dahil mga kilos nito at sa mga sinasabi nitong taliwas sa iniisip niya tungkol dito.

"Christian...I'm going back to the Philippines later this evening..."

"Ano?? Bakit?"

"Alam mo kung ano ang pinunta ko dito. Hindi ko ini-expect na dahil nag-sex tayo ay makukuha ko na ang gusto ko, I know better than that.."

"Ano bang sinasabi mo? What happened between us was not just sex..."

"Eh ano yun? Espesyal ba yun? Pananagutan mo ba ako? Pakakasalan mo ba ako dahil doon?"

Napatitig ito sa kanya.

"I'm not delusional, Christian. Alam ko kung ano ang lugar ko sayo, at kung ano lang ang tingin mo sakin, hindi ko papangaraping magbabago ang lahat ng dahil lang sa sex."

"What the heck are you talking about---"

"I'm talking about your marriage with Monica Mirabeli, that's all over the news Christian, wag kang magtangkang ipagkaila yun sakin!"

Napabuntong-hininga ito. "Ano ngayon kung magpapakasal ako? It's just a marriage for convenience, kailangan ko lang siya sa negosyo ko, yun lang yun. It's just a display! So I want you to stay beside me, ako ang bahala sa SmartView, naintindihan mo?"

Napaawang ang mga labi niya sa tinuran nito. "Anong sinabi mo? So anong balak mo sakin, gawing kabit, ganun ba??"

"Hindi sa ganun--"

"Hindi? Oh eh ano ako, parausan??" Nanlalaki ang mga mata niya dito.

"Ano ba naman Vee! Hindi ganun ang tingin ko sayo, ok?"

"Eh ano? Ano ako sayo??"

Napabuga lang ito ng hangin, hindi niya alam kung sasagutin pa siya nito sa tanong niya o hindi. "Dito ka lang sa Italy, ako na ang bahala sa SmartView, ibibigay ko lahat ng kailangan mo, at lahat ng gusto mo wag ka lang umalis."

"Lahat ng gusto ko? Bakit, kaya mo ba akong pakasalan pag sinabi kong yun ang gusto ko?"

Hindi ito sumagot. Tumitig lang sa kanya, alam niya kung ano ang dahilan ng pananahimik nito, hindi siya nito kayang pakasalan.

Nang marealized niyang hindi na talaga ito sasagot, ay nagsalita na siya.

" Hindi kasalanan ng mga babaeng nagmahal sayo ang madilim mong nakaraan, wala kang karapatang parusahan ang ibang tao dahil sa tingin mo ay kagaya ito ng Mama mo. Sana naman ako na ang huli sa'yong mga biktima, sana wala ka nang ibang babaeng sasaktan pa." Binawi niya ang kamay niyang hawak pa nito. " Aalis na ako. Goodbye Christian Demetri..."

Dahil sa sinabi niya ay hindi na ito nagtangkang pigilan pa siya. Nagmadali siyang tumalikod dito at patakbo siyang lumabas ng cafe. Hindi na niya gustong makita pa nito ang pag-iyak niya, reserba na lamang niya ito sa sarili niya, ayaw niyang tuluyang magmukhang kawawa o katawa-tawa sa harapan nito.

Babalik siya ng Pilipinas at babangon siya. Puso lang ang durog sa kanya, pero buong-buo pa ang mga ambisyon niyang kailangan niyang abutin, para sa sarili at para sa mga taong umaasa sa kanya. Hindi katapusan ng daigdig ang pagiging brokenhearted, hindi iyon ang magpapatumba sa isang Sabrina Vee Suarez.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro