Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

37.Black Motives

Paola was dressed in a stunning little white party dress matched with black leather boots. Napaangat ang kilay niya mukhang pinaghandaan nito ang pagkikita nila ni Jethro Real.

"Jeth, nandito na pala si Paola.." sigaw niya sa tainga ng kasama sa sobrang ingay ng bar, nakatayo lamang sila, may maliit at matangkad na round table sa harap kung saan nakalagay ang drinks. Lumingon sa gawi nito si Jeth, namula si Paola, gusto niyang matawa sa reaction nito. Nakakatuwa naman tong si Paola, imagine hindi ito nagkagusto sa Boss nitong palaging kasama, pero sa isa sa mga executive directors kompanya parang taob na taob ito.

Well, hindi niya ito masisisi, kung gusto nito ng gwapo na, mabait at masayahin pa, si Jethro Real na yun, no doubt.

"Hi" pormal nitong bati sa kabila ng pamumula. Sa kanya lang ito nakatingin, mukhang nahihiya sa kasama niya.

"Hi Paola! I'm glad you could join us here!!" bati niya. "By the way, this is Jethro Real, Jeth this is Paola, magkakilala naman kayo di ba?"

Alanganing inabot ni Paola ang nakalahad na kamay ni Jeth. "Kilala ko siya of course, he's one of the Bosses."

"Hey." matipid na wika ni Jeth dito.

Kahit hindi siya sanay sa mga lugar na ganun nakipagsabayan nalang siya, nang sumayaw sina Paola at Jeth sa dancefloor kasama ng napakaraming kabataan at mga kaedad nila ay sumunod na rin siya. Dinahan-dahan niya lamang ang pag-inom dahil baka hindi niya magawa ang plano.

Kada balik nila sa table para magpahinga, sinisigurado niyang maraming naiinom na alak si Paola, hindi naman nito napapansin na panay ang painom niya dahil distracted ito kay Jeth, palagi itong lihim na nakasulyap dito. She wondered if he knew about it. Matagal na sigurong crush ni Paola si Jeth at ngayon lang nagkaroon ng chance ang babae para makapagpa-cute ng malapitan.

"I need to go to the powder room.." sigaw niya sa mga ito. Para naman mapag-solo ang dalawa.

Habang naglalakad papuntang cr, hindi niya mapigilang isipin si Black, ano kayang gingawa nito sa mga oras na to? Baka kasama ng Duchess? Pinilig niya ang ulo, sumasakit ito pag nakakaisip siya ng mga nakakapangilabot na bagay.

Nang balikan niya ang dalawa sa table, mag-isa nalang si Paola doon, hinanap ng mga mata niya si Jeth pero wala siyang nakita.

"Nasan na si Jeth?"

"Wala! Iniwanan din ako nung umalis ka! Tsss!" sagot nito sa kanya na kahit sinisinok na sa kalasingan ay todo pa din ang lagok ng alak.

"Hoy. Lasing ka na ah, baka may pasok ka pa bukas.." paalala niya dito, pero kunwari lang. Hindi naman niya ito pinigilan na lagukin lahat ng laman ng boteng hawak nito.

"Hindi pa ako lasing noh, may pasok ako bukas pero ok lang na mapagalitan, sanay na akong laging galit ang Boss ko!"

Kawawa naman pala ito. Ganito rin kaya ang sinasabi ni Candy sa mga kaibigan nito pag nalalasing?

"Masungit bang Boss si Christian?"

"Sobra! Kapag may mali sa ginawa mo, papaulitin niya sayo lahat yun, wala siyang pakialam kahit hindi ka matulog, basta pag inutos niya, gawin mo! Prince of hell yun, kasama sa listahan ng masasama ang ugali, ang malas ko lang!" Sumisinok nitong palatak.

"Ba't hindi ka mag-resign kung hindi ka na pala masaya sa ginagawa mo?"

"Sinong may sabing hindi ako masaya? Masaya ako!"

Napangiwi siya, ganito ba to malasing? Pabago-bago ng sinasabi?

"Masaya ako. Kahit walanghiya at ubod ng suplado yung Boss ko na yun, marami ang naitulong nun sa pamilya namin, tsaka ang totoo, wag mo tong ipagsasabi ah? Yung Boss ko...parang candy lang yun.... may makapal at matigas na cover, pero marshmallow sa loob!Hik!" Tumawa ito, inangat ang baso at nakipag-cheers pa sa kanya. " Malambot din yon! Naghahanap lang yun ng atensyon!"

"Talaga? Bakit?" umayos siya ng tayo, bahagyang lumapit pa dito para marinig niya ang sinasabi nito ng maayos.

"Because he grew up in foster care! Naturingang may mayayamang magulang pero, pinatapon sa pangangalaga ng kung sino-sino.....Imagine growing up in foster care Ms. Suarez, yung puro ibang tao ang may hawak sayo, yung iba sinasaktan ka pa at walang kaalam-alam ang sarili mong ina dahil laging nasa ibang bansa? Nakakabuang yun di ba?"

Kahit siya parang kumirot ang puso niya sa narinig. "Bakit naghiwalay ang parents niya?"

"Kasi dahil dun sa Mama niya syempre! Mr. Valdez refused to take the CEO position that his wealthy parents were offering him, binenta nito ang kompanya at nilagay lahat ng pera sa trustfund ni Christian, mas gusto nitong maging mabuting ama nalang, alagaan ang pamilya kesa maging busy'ng CEO na kagaya ng asawa nito. Pero hindi yun kinatuwa ng ambisyosa at gahaman sa perang si Lady Veronica. Nag-away sila nang nag-away hanggang sa mag-divorce, ginamit ni Lady Veronica lahat ng koneksyon niya para mawalan ng karapatan si Mr. Valdez kay Christian, pinahiya ng maraming beses, pinalabas na walang kwentang ama, hanggang sa sumuko na lang ito at nagtago sa PIlipinas."

So Christian started his own business out of his father's heritage. Naawa siyang bigla dito, ang sama ng naging childhood nito kaya hindi niya rin talaga ito masisisi kung naging ganito ito katigas ngayon.

"Several months ago he decided to live like a lowlife, alam mo ba yun?"

Lumagok pa ulit ng alak si Paola bago nagsalita. "Oo naman! Alam ko lahat! Ginawa niya yun dahil sikat siya, kahit saan siya magpunta sinusundan siya ng mga kliyente, ng media at ng maraming babae! Gusto niyang makita ng harapan kung ano ang buhay ng Papa niya sa Pilipinas at gusto niya itong makausap, kaya para walang ingay, nagpanggap siyang ordinaryong tao, ayaw niyang magtago na naman kasi ang Papa niya kapag nabalitaang nasa Pilipinas siya. Pero huli na pala ang lahat, patay na pala yung tao! Imaginin mo yun, kung ganu kasakit yun!"

Sa kabila ng mga tawa noon ni Black, ang bigat pala ng dinadala nito at wala man lang siyang kaalam-alam.

"Totoo ba ang mga balitang siya ang dahilan ng pagbagsak ng mga babaeng nakarelasyon niya?"

Tumawa pa si Paola. " Totoong-totoo Ms. Suarez! Siya talaga ang dahilan ng pagkalugi ng mga yun at pagkasira ng buhay, ang sabi ko sayo masama na ang ugali niya di ba? Well, sad to say, yun ang epekto sa kanya ng mga pinagdaanan niya, nagalit siya sa mga babaeng kagaya ni Lady Veronica, hindi lang basta galit, galit na galit! Namatay nga si Audrey dahil sa kanya eh--"

"Ano??" nanlaki ang mga mata niya. Isang bahagi sa puso niya ang kurikot pagkarinig nun.

"Oppppssss....hik!" humagikhik si Paola. Nilapit nito ang bibig sa tainga niya. "Hindi siya ang pumatay, pero siya ang dahilan." sabay hagikhik ulit.

Napalunok siya.

"At malakas ang kutob kong.....niligawan ka niya kasi kagaya ka din nila.." sabay tawa na naman nito.

Binuhos ni Vee lahat ng laman ng bote ng alak sa kopita ni Paola at pinalagok lahat ng iyon dito. Bumilis bigla ng tibok ng puso niya sa sinabi nito.

"Uminom ka pa!" sabay salin pa ng alak. Na-tense siya bigla sa mga sinabi nito.

"Papabagsakin ka niya Sabrina..kaya mag iingat ka! Kawawa ka naman..." Kinuha nito mula sa bag ang isang tablet, binuksan iyon. "Alam mo ba kung ano to? Schedule to ni Christian.."

Tinangka niyang agawin yun mula sa babae pero iniwas nito. "E-easy...Hahahaha...dahil naawa ako sayo, at mukha namang ok ka...ilalagay kita dito bukas..alas singko ng hapon...kuha mo?"

Alam niyang umiikot na ang paningin ni Paola at isang baso nalang ng alak bagsak na ito. Pero mabuti naman at naisulat nito sa scheduler ang appointment na gusto niyang makuha.

"Thank you so much Paola! Ihahatid ka namin ni Jethro, san ka nakatira?"

"Tss! Nakakainis yang Jethro na yan, iniwanan ako dito mag-isa!" Pagkasabi nun ay tuluyan nang nilunod ng alak ang babae.







Walang pagsidlan ng kaba si Vee ng hapon na yun, nasa harapan siya ng Demetri Enterprises, isang babaeng taga DE ang tumawag sa kanya upang iconfirm ang kanyang schedule with the CEO. Kung maganda at magara ang Golden Crown, halos doble ang rangyang nakikita niya sa harapan pa lamang ng gusaling pag-aari ng Prince of Hell number four na si Christian Demetri.

In front of her was a massive 30-storey headquarters office building made of glasses and steel. Sa itaas ng malaking glass frontgate ay ang DEMETRI ENTERPRISES boldly written in black and gold. Parang nakakailang pumasok dahil sa pulos magagara ang suit ng mga taong dumadaan sa lobby nito, pati mga guard di matatawaran ang ganda ng mga black and sharp uniform ng mga ito.

Nilakasan niya ang loob at pumasok. Ngumiti kaagad ang babaeng nasa front desk, sa sobrang ganda nito parang sa pinto ng langit siya napunta, kundi lang talaga niya alam na devil ang may-ari ,malamang naloko siya.

"I have a 5pm appointment with Mr. Demetri today. Sabrina Vee Suarez."

Medyo tumaas ang isang kilay ng blonde na babae sa harap niya nang sabihin niya ang pakay. "One moment, Ms. Suarez." she said in an Italian accent. Bumaba ang tingin nito sa kaharap na monitor, tila sinigurong meron nga talaga siyang appointment.

"Mr. Demetri will meet you. Please sign here." pagkapirma niya ay tinawag nito ang isa pang babaeng naka graysuit and skirt. "Take her to the CEO's office."

"Sure!" sabi ng babaeng nakagray.

Iginiya siya nito papasok sa isang malaking elevator. Sila lang ang laman nun, looked like it was a private elevator to the CEO's office. Huminto sila sa 25th floor kung saan isa pang babaeng nakagray suit ang sumalubong sa kanya. Napakalinis at napakagara ng buong lugar, parang sa bawat hakbang ng mga paa niya ay kinakabahan siya.

Namalayan na lamang niyang nasa harap na siya ng isang pinto na may nakasulat in black and gold plate na Office of the CEO. Tumingin siya sa babaeng nagdala sa kanya doon. Nakangiti ito sa kanya na para bang kasama sa job description nito ang ngumisi ng walang humpay sa mga bisitang kagaya niya. Hindi ba siya nito sasamahan sa loob? KInakabahan siya eh.

"Please get inside, the Boss is expecting you.." anito.

Napatingin siya sa relong nasa pulsuhan. Eksaktong alas singko ng hapon. Bakit wala si Paola? Bumuntong-hininga siya, binuksan ang pinto.

Walang sinabi ang opisina niya sa opisina ni Christian Demetri. His office was a combination of black and white, it was very huge and full of interesting ancient paintings in its walls. Lahat ng mga palamuting nakikita niya ay vintage at halatang mamahalin. Sa gitna ng malaking kwarto ay naroon ang isang malaking desk made of high quality woods and steel combined.

Behind the luxurious desk was a man in an even more luxurious suit. Christian Demetri.

"Sit down Ms. Suarez, I only have 10 minutes to spare." he said intently. His gaze fixed on hers.

Parang gusto niyang umuwi at mag-make up ulit, pakiramdam niya kulang ang baon niyang lakas ng loob at kompyansa sa sarili. Napalunok siya. Tinungo ang leather seat sa harap ng desk nito at umupo doon. She was wearing a blazer, a white shirt, and a skirt, nakapony-tail Ariana Grande style ang buhok niya to match her business suit. Pakiramdam niya kulang pa rin talaga ang paghahanda niya, aba'y mas magaganda pa nga sa kanya ang mga empleyado dito eh.

"I wanna talk to you Mr. Demetri.."

"Obviously."

Umangat ang kilay niya sa sagot nito. Pilosopo pa rin. "First of all, I need an explanation, why did you have to get another partnership with SmartView's rival company?"

"I want a healthy competition Ms. Suarez, kung hindi ko gagawin yun baka maging complacent na lang kayo at umasa sa mga kliyenteng ibibigay ng Golden Crown, kung gusto niyong wag matabunan, makipag-compete kayo, lamangan niyo ng sales ang kalaban."

"With all honesty Mr. Demetri, mahihirapan kaming gawin yan dahil sa..sa mga bad publicity na kumakalat tungkol satin.."

"Satin...? O sayo lang? Wala akong kinalaman dun. Ang sabi mo nga, hindi naman naging tayo."

"That's the point! Hindi naging tayo, pero yun ang iniisip ng lahat ng tao, kailangan mong magpa-interview, ipaliwanag mo sa kanila ang lahat.."

"Na ano? Na binayaran mo ako para magpanggap na boyfriend mo? Yun ba ang gusto mong sabihin ko?"

Natameme siya. Hindi rin pwedeng lumabas yun. Mas lalo siyang mapapahiya, at mas lalong iisipin ng mga tao na hindi siya mapagkakatiwalaan. "Hindi yun. Sabihin mo sa kanilang wala tayong away, at partner pa rin ng SmartView ang Golden Crown!"

HUmalukipkip ito, sumandal sa upuan at tumitig sa kanya. Nailang siya sa mga tingin nito. "Bakit ko gagawin yun eh hindi naman totoo yun?"

"Anong sinabi mo?"

"I'm not a good liar Ms. Suarez, kung haharap ako sa media ngayon, magsasabi ako ng totoo, sasabihin ko lahat ng gusto nilang malaman. Kapag ginawa ko yun, di kaya mas lalo kang bumagsak? Mas mapapabilis ang pagguho ng SmartView, tama ba?"

"Umamin ka nga sakin, yun ba talaga ang gusto mong mangyari??"

"Oo! Gusto kong bumagsak ang SmartView, gusto kitang makitang gumagapang para maibangon ito. Ngayong alam mo na, anong kaya mong gawin para pigilan ako?"

Tumaas ang temperatura ni Vee sa galit na biglang umalpas sa dibdib. Hindi siya makapaniwalang naririnig niya ang mga salitang yun mula kay Black. Ibang-ibang tao na nga ito, tama nga si Paola, lumapit lang ito sa kanya para pabagsakin at saktan siya ng sobra.

"Nung sinabi mong mahal mo ako....totoo ba yun? MInahal mo ba ako.....?" halos bulong niya. HIndi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa mga sandaling yun. Gustong-gusto niyang umiyak sa harap nito pero pilit niyang pinalis ang mga luha.

"Of course not! It was just a ploy so you would come running here begging for my attention.."

"Hindi ako nagpunta dito para lang sa atensyon mo, nagpunta ako para sa kompanya ko!"

"Ows? Hindi ba dahil, naniwala ka sa mga sinabi ko?"

"Damn you Demetri, damn you!"

Tinawanan lang siya nito. Kung dati asar lang ang naidudulot sa kanya ng playful laugh nito, ngayon parang natatakot na siya. May kakaibang lamig ang dulot ng tawa nito ngayon.

"Well, anuman ang sabihin mo, alam na ng media kung ano ang isusulat nila tungkol sa pagpunta mo dito sa Italy. Ang alam nila, desperada ka na.. naghahabol ka na..."

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. Kuyom na ang mga palad niya sa galit dito. Wala siyang nagawa kundi ang asar na tumayo mula sa pagkakaupo, sa nakikita niya walang pag-asang tulungan pa siya ng demonyong to! Kaya useless kung makikipag-usap pa siya ng masinsinan dito.

" Talagang ginagalit mo ako Demetri! Akala mo aatrasan kita? Wag mong sabihing Prince of Hell ka, hindi kita sasantohin! Lalaban ako, at sinisiguro ko sayong makakabangon ako. Hindi ko na kailangan ang partnership with Golden Crown dahil traydor ka naman! Maghahanap ako ng ibang kompanyang pwedeng makatulong sa SmartView para makahakot na ulit ng mga kliyente. Ipapakita ko sa media na hindi ako suicidal kagaya ng iniisip nila, ibabangon ko ang kompanya ko, makikita mo!"

Hindi siya nito sinagot. Isang nakakaloko at nakakatakot na ngisi lang ang binalik nito sa kanya.

Mas lalo siyang naasar, taas baba ang dibdib niya sa pagpipigil sa sapakin ito.

"Itaga mo to sa bato! Hindi mo ko matatalo! Karma is a bitch they say, but I'm bitchier. Ako ang KARMA mo Demetri, sinasabi ko sayo!" asik niya dito, halos mapugto ang litid niya sa igting ng mga salitang pinawalan.

Pagkatapos nun at walang sabi-sabi siyang lumabas sa nakakapangilabot na opisina nito.

A/N Votes and Comments po ulit;)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro