27.Black Tricks
Gumising siya na masama ang pakiramdam, pero kailangan niyang bumangon. Kailangan siya ng kanyang opisina lalo pa't malapit na niyang makamit ang pinakaaasam na partnership with Golden Crown. Hindi pwedeng tumigil ang buhay niya nang dahil lang sa naguguluhan siya sa pagkatao ng peke niyang boyfriend.
Pero pagdilat ng mga mata niya, mukha ni Black ang unang pumasok sa balintataw niya. Talagang hindi siya patatahimikin ng psychotic na yun. Awtomatiko niyang inabot ang cellphone sa sidetable. Nadismaya siya nang wala ni isang mensahe na galing kay Black. Napahawak siya sa kwintas na nasa leeg, bigla siyang nangulila dito.
Hindi man lang siya tinext? Wala bang kahulugan dito ang nangyari sa kanila kagabi, aba'y muntik nang dumapa ang Bataan ah, tapos wala lang? Hindi niya alam kung saan ang lugar niya sa puso nito at yun ang pinakamabigat sa pakiramdam.
Kumabog ang dibdib niya nang tumunog ang cellphone na hawak. It was Candy.
"Miss Vee, papasok po ba kayo today?"
"Ha? Oo naman! Bakit anong oras na ba?" pagtingin niya sa relo saka siya natauhan. Pasado alas diyes na nakahilata pa rin siya sa kama. Bahagya pa siyang nahilo nang bigla ang pagtayo niya. Natutop niya ang noo. "Papunta na ko, sabihin mo sa mga tao na ihanda na ang mga presentations na gagamiitn sa pagdating ni Lady Veronica, maliwanag?"
"Yes Miss Vee...ahmm..ok lang po ba kayo?"
Hindi ito sanay na late siya kaya ito nagtanong.
'Of course, sige na, tawagan mo ako pag may importanteng update mula sa Golden Crown." Yun lang at binaba na niya ang phone.
Mabigat ang pakiramdam na bumangon siya at naligo to start her day.
She was about to leave her room nang bigla ulit tumunog ang cellphone niya. Baka may update tungkol sa Golden Crown! Kaagad niyang inabot iyon, natigilan siya nang imbes si Candy ay pangalan ni Black ang nakita niya sa caller ID.
He was calling her.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay pumitik ng mabilis ang puso niya. Nanginig ang mga kamay niya sa pagpigil na sagutin iyon. Miss na miss na niya ito kaagad, ilang oras pa lang silang nagkakawalay pakiramdam niya isang dekada na ang lumipas. She missed his smile, his pang-kanto way of talking, his hazel eyes.... and of course, his touch and kisses...
Huminga siya ng malalim. Pinilig ang ulo, kailangan niyang maka-ahon sa pagkakalunod. Remember what he did to the poor college girl last night? At sa kakaibang katauhang biglang sumanib dito? Hindi siya pwedeng magpadala ng tuluyan.
Pikit-mata niyang inislide ang red button to disregard the call. Ang laki ng panghihinayang sa puso niya, pero ang laki din ng nakataya pag nagpa-anod na naman siya sa emosyon.
A txt message came in. Kaagad niyang binuksan iyon.
Black: Good Morning My Beautiful:)
Sumikdo ang dibdib niya. HIndi niya din iyon pinansin, sinulyapan niya ng huling beses ang kanyang lifesize mirror sa kwarto bago tuluyang lumabas.
Di pa man siya tuluyang nakakalabas ng gate ng bahay, may isa uling txt na dumating. Kaagad niya ring nabuksan iyon dahil hindi niya magawang ipasok sa bag ang cellphone. Kahit hindi siya nagrereply, nag aasam ang puso niyang patuloy na makabasa ng mga txt galing kay Black. Ganun na nga siya kabaliw.
Black: Uy Binibining Virgin, di ka nagrereply diyan, sinasadya mo ba?
So ano to? Balik sa dating ugali? Anong nangyare sa mabangis na hayop na parang nakawala sa katawan nito? Naglaho na lang bigla?
Black: Seenzoned:(
Aba, may paawa effect pang nalalaman tong ugok na to. Samantalang kagabi nung singhalan siya parang mangangain ng tao.
Hindi niya ito pinansin, tumawag na lang siya ng Uber upang sunduin siya papuntang trabaho. Nang maconfirm niyang paparating na ito saka lang siya lumabas ng gate ng bahay. Tumingin siya sa cellphone, ilang minuto na ang nakakalipas, hindi na nagtxt si Black. Nalungkot ang puso niya.
Pero laking gulat niya nang biglang sa harapan niya ay pumarada ang pamilyar na motor. Halos mahulog pa ang baga niya sa kaba dahil sobrang lapit nalang mahahagip na siya. Nag-alis ng helmet ang driver, si Black, may iba pa bang gago na mangti-trip sa kanya ng ganun kundi ito lang?
Kahit pa nakakunot ang noo niya, kakaiba ang ngiting pinakawalan nito sa kanya. Magaan iyon, matamis at tila may kahalong pang-aakit.
"Good morning!!" he said with a flashing smile.
"Nananadya ka ba? Sasagasaan mo ba ako?"
"Sasaluhin, sasagipin at sasambahin kita pero hindi sasagasaan, grabe ka, mapanghusga!"
Irap ang sinagot niya dito. "Anong ginagawa mo dito?"
"Sinusundo ka, di ba wala kang kotse?"
"Nagtawag na ako ng kotse, umalis ka sa harap ko."
"Aba matindi, nag-effort akong gumising ng maaga para lang abangan ka dito, tatlong oras na akong naghihintay sayo ah. Tapos di ka lang pala sasabay?"
Napatingin siya sa mga mata nito. Nagsasabi ba ito ng totoo, o pawang kasinungalingan lang lahat ng lumalabas sa bibig nito?
"Ayoko nga Black. Wah mo kong pilitin. Please lang." hininaan niya ang boses para iparating ditong seryoso siya.
Nawala ang mga ngiti ni Black. "Galit ka sakin?"
Hindi siya sumagot. Dahil doon bumaba ng motor si Black at humarap sa kanya. Pilit niyang iniwas ang tingin, pero parang nananadya, hinawakan nito ang baba niya at pilit siyang pinatingin sa mga mata nito. Napalunok siya sa lamlam ng mga mata ni Black.
"Galit ka ba Vee?" ang pagkakabanggit nito sa pangalan niya ang siyang parang nagsindi ng mitsa para bumigay ng tuluyan at sumama nalang ulit dito.
"Hindi." matipid niyang sagot.
"Then why are you like that? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?"
"Wala... I just want you to stay away from me..."
Nagtangis ang panga ni Black sa narinig. "Why? Ano bang problema? Is it because of that woman last night? Sa tingin mo talaga ako ang masama kagabi?" Hindi siya sumagot. "Then fine! I'm gonna find that woman and apologize to her. Pag ginawa ko ba yun hindi ka na magagalit?"
Gustong madurog ng puso niya sa sinabi nito. Totoo ba nga ba yun? Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya dito. "Ba't mo naman gagawin yun?"
"Dahil ayokong magalit ka sakin. I'm sorry I shouted at you last night, nadala lang ako ng emosyon ko, pero hindi ko sinasadya, hindi na mauulit yun." tila nagsusumamo ang mga mata nito sa kanya. "Minsan nga lang kitang masigawan, grabe na ang tampo mo, ako nga araw-araw mong binubungangaan, binabayagan mo pa minsan, tapos ok lang."
Siya pa ngayon ang lumabas na masama. Hindi talaga siya mananalo sa kahit na anong diskusyon dito. Mabuti na lamang at biglang tumunog ang cellphone niya. Si Candy.
"Hello, papunta na ako, may balita ba? Ano? Talaga? Nagbigay na ng date si Lady Veronica para sa meeting?? Ok! Ok! Sabihan mo mga tao parating na ako, punta kayong lahat sa boardroom may pag-uusapan tayo ok?"
Nakagat niya ang labi sa excitement.
"Lady Veronica? Ng Golden Crown? Di ba sabi ko sayo wag kang makalapit-lapit dun??"
"Kailangan ko siya sa negosyo ko..."
"Tsk! Hindi ka ba marunong makinig? Ang sabi ko walang magandang maidudulot sayo ang babaeng yan! Ba't ba ang tigas ng ulo mo??"
"Black, I had enough of your tantrums ok? Business ko ang pinag-uusapan dito! Hindi biro ang effort, ang puyat at ang pagod na inilaan ko para lang makuha ang atensyon ni Lady Veronica, tapos ngayong andito na, wala kang karapatang utusan akong tigilan to! Naintidihan mo?"
"Vee please, habang nakikiusap pa ako. Tigilan mo ang ugnayan mo sa kanya, magkipagkasundo ka na kahit kay Lucifer para diyan sa kompanya mo, wag lang sa mangkukulam na yun, utang na loob!"
"Bigyan mo ako ng rason kung bakit kailangan kong itigil to."
Hindi kaagad nakasagot si Black.
"Wala? Well then, Im sorry, my answer is no"
Kapansin-pansin ang muling pagdilim ng anyo nito. Siya namang pagdating ng taxi na tinawag niya. Kahit mabigat sa loob kinailangan niyang iwanan doon si Black. Bago tuluyang sumakay, binalingan niya ito.
"Pwedeng magtanong?.... Anong apelyido mo?"
"Why do you have to know?"
KIbit balikat ang sinagot niya. Akala niya hindi na ito sasagot kaya iniyuko na niya ang ulo para makasakay.
" Valdez.."
Valdez? Hindi Demetri? Pakiramdam niya guminhawa ang bigat na nakapatong sa dibdib niya simula kagabi. Alanganing tango lang ang ginawad niya dito, hindi pa rin niya ito kayang pagbigyan sa gusto nitong lumayo siya kay Lady Veronica lalo't wala naman itong maibigay na rason.
Nang makasakay na siya ng taxi, para mapigilan ang sariling lingonin pa si Black at magpadala na naman sa nararamdaman para dito ay tinawagan na lamang niya si Candy upang matuon ang atensyon niya sa ibang bagay.
Kahit pa hindi sila magka-apelyido ng Prince of Hell number four na yun, kinukutuban pa rin siya. Kailangan niyang mapatunayang nagsasabi ito ang totoo para bumalik ang tiwala niya dito.
Ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalayo ng subdivision ay biglaang nagpreno ang taxi, muntik pa siyang nasubsob.
"Manong dahan-dahan kasi!" hindi na naman niya napigilang magtaray.
"Pasensya na po Maam, may humarang po.."
Saka natuon ang atensyon niya sa daan. Si Black, nakaharang ang motor nito! Ano na namang kagaguhan?
"Hoy ano ba nagpapakamatay ka ba??" sigaw ng driver dito. Buti nga. Sige magalit ka diyan manong!
Bumaba si Black at lumapit sa nakabukas na bintana ng driver. "Wag kang makialam dito, syota ko yan!" sabay binato ng pera ang driver. Dalawang libo yun. Umangat ang kilay niya.
HIndi pa siya nakakabawi, bumukas na ang pintuang nasa gilid niya.
"Baba!" utos ni Black.
"Nasisiraan ka na ba??" singhal niya dito.
"Pag sinabi kong ako ang maghahatid sayo, ako ang maghahatid sayo, naintindihan mo? Baba!"
Wala siyang nagawa kundi ang sumimangot, walang mangyayari kung makikipagbangayan siya dito, sa tigas ba naman ng bungo nito, mas lalo lang siyang mali-late kung magpo-protesta pa siya.
"Fine!!" padabog siyang bumaba at dumiretso sa motor nito.
Pangisi-ngisi pa ito sa kanya nang makasakay sila sa motor. Kinuha nito ang dalawang kamay niya tapos ay ipinulupot sa beywang nito.
"Kapit, Binibining Virgin."
Amoy niya ang mabangong hininga nito na nililipad sa kanya ng hangin. Ang baliw na Vee nakalimot na naman.
Ipinarada ni Black ang motor sa harap ng building nila, nang makababa siya ay nagtuloy-tuloy siyang tumalikod dito at naglakad palayo. Hindi pa siya nakakarami ng hakbang sinitsitan na siya nito.
Napilitan siyang humarap dito, nadala na siya, baka kasi kung ano na naman ang isigaw nito eh nasa harap lang sila ng office niya.
"Ano?" taas kilay niyang asik dito.
"Lapit ka nga rito."
Padabog siyang bumalik. Bumaba ito ng motor at humarap sa kanya. Natigilan siya nang umangat ang mga kamay nito para ayusin ang nagulo niyang buhok. Habang ginagawa iyon ni Black parang nagslow motion ang mundo niya, iyon ang pinakamasuyong gesture na naranasan niya sa buong buhay niya. Dahil doon hindi niya napigilan ang pusong halos lumabas na sa dibdib niya sa sobrang bilis ng tibok, pakiramdam niya ang pula-pula na naman ng pisngi niya.
Naramdaman niya ang masuyong paglapat ng mga labi ni Black sa mga labi niya. She never saw it coming. Mas lalo siyang natuod sa kinatatayuan.
"Enjoy your day sweetheart.. take care." Bulong nito sa tainga, pagkatapos ay hinalikan siyang muli sa noo. Tapos ay bumaba ang tingin nito sa leeg niya. "Sabi ko na nga ba't bagay sayo ang kwintas na yan."
Ilang minuto nang naka-alis si Black hindi pa rin siya nakagalaw sa kinatatayuan. Inaamin niyang kaya niyang tapatan ang mga tantrums ni Black, ang pang aasar nito, ang nakakalokong mga tawa, pero hindi ang ganun. Yun ganun. Yung ginawa nito kanina. Hindi siya sanay. Pakiramdam niya nalunod na naman ang puso niya para dito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro