
25.Diamond Vs Darkness
Vee was consumed by an overpowering sense of feminine longing and desire she had suppressed all her life. Now all her hidden fantasies and earthly yearning were all coming into reality. Black made all those intimate illusion possible.
Hindi siya makapaniwalang kaya ng isang lalaking kagaya ni Black na hukayin lahat ng nakatagong emosyon sa kanyang katawan.
Vee arched her body even more, seriously wanting him to be part of her body. She couldn't think straight, all she wanted at the moment was to fulfill her heart's bidding. Muling umangat ang mga labi ni Black upang salubungin ang nakaawang niyang bibig, nang maramdaman niya ang muling paglapat ng mga labi nito sa mga labi niya ay mas lalong siyang napailalim sa kakaibang mundong hatid nito.
She felt his hands went up from middle to her inner thigh, his hand was just an inch away from her her most private core, she couldn't help but shudder in anticipation for his next move. Her mind was in oblivion state, hindi niya alam kung dahil ba sa espirito ng alak o dahil sa kakaibang sensasyong alam niyang si Black lang ang pwedeng magpadama sa kanya. It was as if she had been waiting for this, all her life.
"Vee, Im fucked up now, tell me to stop...."
She heard him groaned in between his kisses.
Stop?
No freakin' way. Mas lalo niyang nilaliman ang mga halik na pinagkakaloob dito, ang mga kamay niya ay bumaba sa leeg nito, napuntang muli sa likod pati sa paborito niyang matigas na kalamnan nito. Ito yung literal na wonderland! Shit! Why would he asked her to stop?
Lumabas sa bibig niya iyon. "Why would I?"
Black breathing went fast because of that. " Because this is not a good place for a cherry-poppin' session..." he said between kisses. " We might end up in xxxscandal.com..." he was literally dragging the words out of his mouth as if he never really intended to tell her that. He didn't want her to get back her lost sanity. "...and this will definitely break your mother's heart..."
XXXscandal.com....break your mother's heart....cherry-poppin session.
Napamulagat siya. Pilit siyang kumawala sa mga halik at yakap ni Black, kahit ayaw pa niya, pero parang may mali. Hindi ito tama, he was not a real boyfriend, remember? Parang ang kaluluwa ng kahalayan na sumanib sa kanya ay biglang nakawala! Napatitig siya sa mukha ni Black, she could see a glitter of a triumphant stare in his eyes, ang loko, nakangisi pa sa kanya na para bang sinasabing he almost made it, and he purposely stopped.
Natampal niya ang braso nito, nanggigigil siya gusto niya itong kagatin sa leeg.
"Ouch! What's that for?"
Tiningan niya lang ito ng masama. Pero alam niyang ang mga pisngi niya halos matusta na sa sobrang init na nararamdaman. Lalo pa't patawa-tawa lang si Black sa kanya, nakakaloko talaga! "Nakakainis ka!"
"At bakit?" taas noong tanong nito.
Wala siyang maapuhap na salita, dahil naalala niyang siya naman talaga ang nagsimula. At kung hindi pa siya pinigilan nito malamang hindi niya magagawang makaahon sa pagkalunod na iyon. "Sinira mo ang butones ng damit ko!" yun na lang ang naibulalas niya.
Inayos niya ang damit upang itago ang kaluluwa niya. Hindi niya maibaba ang skirt dahil nakasakay pa nga siya sa motor.
Nakangising bumaba ang tingin ni Black sa nakahantad niyang binti. Tapos ay pilyong pumito.
"Ibaba mo ko!" singhal niya dito sabay tampal ulit sa braso nito.
"Masusunod, your highness." Hinawakan siya nito sa ilalim ng magkabilang kilikili tapos ay binuhat siya pababa ng motor na para bang isang kilong kutson lang siya. "Ayos na ba your Highness? High na high ka kanina ah..."
"Tigilan mo ko tatamaan ka sakin!" irap niyang sabi dito sabay hila pababa ng skirt. "Sinira mo ang butones ng damit ko."
Tinawanan lang siya ni Black. "Butones talaga ang nirereklamo mo ha?"
Iningusan niya ito. Halos ayaw niyang tingnan ito sa mga mata dahil sa hiyang nararamdaman! Shit, what had gotten into her para pumayag na manyakin ni Black sa ibabaw ng motor nito at sa isang public place pa? Although wala naman nang tao sa paligid at medyo madilim na sa parte nila public place pa rin yun noh! Nabaliw na talaga siya.
"Oh heto na ang butones mo.." napatingin siya sa nakabukas na palad nito. Naroon nga ang butones ng damit niya. Nang akmang kukunin na niya ay muli nitong ikinuyom ang palad. Pinandilatan niya ito dahil heto sya't hiyang-hiya sa nangyari tapos ito naman pinaglalaruan pa siya.
"Black! Wag mong ubusin ang pasensiya ko!" dinaan niya sa sigaw at mga banta ang pagkapahiya. Pero parang wala namang epekto dito, tinatawanan pa nga siya lalo. Inabot niya ang nakakuyom nitong kamay at pilit na binuka iyon upang makuha na ang butones ng damit niya. Malakas ang pagkakakuyom nito kaya nilakasan niya rin upang mabuksan niya iyon.
"Akin na nga sabi!!" angil pa niya. Nang lumuwag ang pagkakakuyom nito ay nagkaroon sya ng pagkakataong ibuhos lahat ng lakas upang mabuksan iyon. Pero nanganga siya nang imbes na butones, isang kwintas na ang naroon sa nakabukang kamay nito.
Napatitig siya doon, tapos maang na napatingin kay Black. Black magic. Ito nga siguro ang black magic, bilog ang buwan kaya may paliwanag na siya sa kung anong kagagahan ang lumukob sa kanya kanina. Parte siguro iyon ng black magic nito.
Sa likod ng utak niya, nagwawala ang konsensiya niya. Sinasabing matagal nang gawain ng mga street magician ang ginawa ni Black. Wala itong black magic, black gayuma at black aphrodisiac siguro pwede pa. Nababaliw na talaga siya.
Pero hindi niya napigilang mapatulala sa kwintas na nasa kamay ni BLack. Hindi lang basta kwintas yun, mukhang mamahalin..at pamilyar. Parang nakita na niya sa kung saan...
"Akin na lang ang butones mo, you can have this in exchange..."
Mas lalo siyang napamaang sa sinabi nito. Black..giving her a diamond necklace in thin pure white gold chain? Napakasimple nun, pero napaka-elegante. Hindi nga? Napakurap-kurap siya, baka sakaling maglaho ang kwintas na inangat na nito para makita niyang maigi. Pero hindi nawala, tsaka mundo ng mga mayayaman ang ginagalawan niya. Kalimitang mga kliyente niya ay mayayamang mga milyonaryo kaya pamilyar siya sa kung ano ang orig at pekeng diamante. God, this one looked so real!
"I promised you a necklace, remember? Ito na yun, sorry natagalan, pero better late than never di ba?"
Hindi pa rin talaga siya nakaimik. Napalunok siya sa ganda ng kwintas na binibigay nito sa kanya, kagaya ni Black, may kakaibang gayuma ang diamanteng nakasabit dito.
"Ang ganda noh...?" sabi pa ni Black nang mahalatang hindi mapuknat ang tingin niya sa mamahaling alahas. "Mas maganda ka diyan...turn around."
Pinatalikod siya ni Black so he can put the valuable necklace on her neck. Sari-saring emosyon na naman ang rumagasa sa kaloob-looban niya. Full moon kasi, walang ibang dapat sisihin kundi ang buwan sa mga kakaibang pangyayaring ito. Napahawak siya sa pendant nun at muling humarap kay Black. Masuyo na ang mukhang nakikita niya dito, para bang sa mga mata nito siya lang ang nag iisang magandang babae sa mundo, lahat puro palaka na. At Diyos ko naman Lord, sino nagsabing bigyan niyo ang hudas na ito ng walang kapantay na karisma, ganda ng mata at ngising nakakawala ng huwisyo!?
This was more than what she had expected from him, kaya feeling niya she was caught off guard na wala na siyang ibang choice kundi ma-fall. Shit, official na nga ba? Sabrina Vee Suarez in love with Black Moron? Tsk. Masamang pangitain! Bakit siya ang unang na-inlove, hindi ba pwedeng ito muna? Hindi talaga to pwede! NI wala siyang alam sa pinagmulan nito, ni last name nga wala siyang ideya. Panu kung may lahi pala itong mongoloid? O kaya may psychological disorder? Dapat kasi si Black ang unang na-inlove sa kanya at hindi siya!! Ano ba naman!
"Black, this looks like an extremely valuable diamond, totoo ba to? San galing to?" Imbes na ipakitang hulog na hulog na siya kailangan niyang isalba ang natitirang puring naiwan sa kanya. Langya parang nawala hang-over niya sa mga pangyayari ah.
HUmaba ang nguso ni Black sa tanong niya. Nawala ang ngising nakapagkit sa mga labi nito. "Sabi ko na nga ba at yan ang unang-una mong sasabihin. Nag-expect pa naman ako ng thank you!"
"Listen, if this is an authentic diamond necklace, just by looking at its intricate cut and design this is worth around 2.5 million dollars. So don't you freakin tell me this is authentic and that you got this from the streets of Tondo!"
"Tch." umikot ang eyeballs nito sa kanya. "Ok Virgin, Ill tell you a story, that is the genuine historical rare piece of antique gem called The Koh-I-noor diamond. At para matahimik na yang bituka mo, dahil halatang duda ka, ang totoo hinablot ko lang yan sa leeg ng babae sa Quiapo! Happy now?"
"Binibigyan mo ko ng nakaw?!"
"Palagay mo?"irap nitong sagot. "Ikaw na nga tong binibigyan ang dami mo pang satsat! Tanggapin mo nalang dahil baka ikaw ang tamaan sakin ngayon!"
Irap ang sinagot niya dito. Nagbibiro lang to. Siguro nga ay pirata lang tong diamond na to, peke pero mukhang totoo. At hindi naman siguro nakaw, kaya tatangggapin na lang niya. "Oh sige na po tatanggapin na, kapalit ng butones ko."
Dahil doon ay bumalik na ang ngiti ni Black. Napakahirap talagang basahin ng nasa loob ng utak nito. Kanina lang ay galit tapos biglang mabait ulit? Parang ang bilis naman yatang magpalit ng mood nito, nakapagtataka.
Hindi niya sinasadyang mapatitig sa mukha ni Black. Naloko na talaga, ang bilis ng tibok ng puso niya.
Utang na loob, in love na nga talaga siya dito.
"Bakit?" untag ni Black dahil sa kakaibang mga titig niya. " ALam ko na, siguro naiiyak ka na kasi first time mo nga palang mabigyan ng regalo no? Naintindihan kita, maging mabait ka na kasi simula ngayon."
"Anong akala mo naman sakin, masama ang ugali, aba't-----" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang muling selyuhan ni Black ang mga labi niya gamit ang mga labi nito. Dahil naka-awang ang bibig niya ay malayang nakapasok ang dila nito sa kanya. He was kissing her again at tulad kanina hindi na naman siya nakapalag, ang totoo ay napapikit pa nga siya at napayakap sa beywang nito. Hinayaan niyang muling maglaro sa bibig niya ang malikot nitong dila. Ang sarap humalik ni Black, promise, nakakalunod.
Si Black ang pumutol ng malalim na halik na iyon. Humahangos itong napatitig sa kanya. "You're a goddamn wretched witch, aren't you Vee?"
"Ha?" wala sa sarili niyang tanong, dahil hindi pa nakamove-on sa marubdub na halik na iyon.
Tumingin ito sa relong nasa pulsuhan nito. Tapos ay bumalik sa mukha niya. Bumuntong-hininga si Black. " Shit. You're driving me crazy, Vee. Tsk! Iuuwi na kita, baka kung ano pang magawa ko sayo! Let's go."
Sabay hila sa kanya pabalik sa motor.
Dahil malayo-layo ang naging biyahe nila palabas ng metro manila, ay kinailangan nilang huminto sa isang gasolinahan upang magkarga. May nakaparadang bus na nagpapa-gas din kaya napilitan silang mag-antay doon.
"Malapit na ang bahay ko, bat magpapa-gas ka pa?" untag niya dito.
"Bakit sinong may sabing iuuwi pa kita, hindi na noh, nagbago na isip ko, akin ka na mula ngayon!" sabay tawa.
Pero hindi siya natawa, alam niyang joke yun. Imbes na tumawa siya, naasar siya kasi nga JOKE lang yun! Nakakairita.
Sasagot pa sana siya nang isang malakas na tinig ng babae ang pumigil sa kanya. Sa di kalayuan ay namataan niya ang isang grupo ng mga college students na nagtatawanan. Apat na babae iyon at isang lalaking wierdo manamit at may makapal na salamin.
"Wala kang puso Rina, ang tagal mo akong pinaasa! Ako ang taga-gawa ng thesis mo, ng mga reports mo at lahat ng project mo! Ginawa mo akong aso niyo ng mga kaibigan mo, tapos sasabihin mo sakin ngayon na isa lang akong basura sa paningin mo??" sintimiento ng lalaking nakasalamin.
"Eh tanga ka eh, alam mo nang inuuto ka sunod ka pa rin ng sunod! Ang lakas ng loob mong ambisyoning maging girlfriend si Rina, eh isa ka lang namang wierdong may tililing sa utak!! Palatak ng isa sa mga babaeng naroon.
Kahit siya ay napataas ang kilay dito.
"Im sorry Justin, hindi talaga kita type eh. Hindi ka pasado sa standards ko. Ang gusto ko, mayaman, matalino at gwapo. At hindi ikaw yun, kaya sorry nalang talaga sayo." dagdag ng isa pang babaeng sa hinuha niya ay yung Rina.
Nakakaawang nagwalk out na lamang ang lalaki dahil sa matatalas na dila ng mga babaeng kasama nito.
Napansin ni Vee na naka-alis na ang bus na nauna sa kanila, pero hindi gumalaw si Black. Napatingin siya sa mukha nito, napamaang siya dahil sa bangis ng mga matang nakikita niya dito. Ang atensyon nito ay nakatuon din sa grupo ng mga studyante. Kakaiba ang galit na nakita niya sa mga mata ni Black, nakakatakot parang gusto niyang lumayo dito.
Napapitlag siya nang biglang kumilos si Black. "Baba ka muna. Dito ka lang." mahina nitong sabi. Kinakabahan siyang bumaba, hindi niya alam kung ano ang binabalak nitong gawin pero tila naumid ang dila niyang magtanong dahil sa kakaibang lupit ng mukhang nakita niya dito.
Pinaandar ni Black ang motor patungo sa grupo. Napansin niyang ang matapang na mukhang nakita niya kanina sa mga mata ni Black at napalitan na ulit ng mala-magnetong karisma. Hindi siya makapaniwala, daig pa nito ang chameleon sa sobrang bilis magpalit ng anyo. Nakakatakot ang kakayahan nitong mag-peke ng totoong emosyon. Sigurado siyang matindi ang galit ni Black dahil sa inakto ng mga babae, pero hindi niya akalaing kayang-kaya nitong gumuhit ng isang matamis ngunit pekeng ngiti ng ganun kadali. Nakakatakot ang kakayahan nitong iyon.
Pinag aralan niya ang mga kilos ni Black. Ilang saglit pa walang kahirap-hirap na nakapagpalagayang loob nito ang ang batang estudyante, nakikipagtawanan na ito at nakikipagbulungan. She felt uncomfortable just watching him flirt with other women, para gusto na lamang niyang sumugod doon at bawiin si Black. Kahit pa alam niyang palabas lamang ang lahat ng kabaitan at kalandian nito sa mga babaeng yun parang naiinis pa rin siya. Lalo't ang mga kamay ni Black ay sumasayad na sa balat ng mga ito, lalong lalo na doon sa Rina. Tila ito talaga ang puntirya ni Black.
Teka lang sumusobra na! Nakikita niyang yumayakap na kay Black at humahalik na sa leeg nito ang maharot na babae! Anak ng ipis na baog! Nagpapanggap ba talaga o baka naman malandi lang talaga lahat ng buto sa katawan nitong si Black? Talagang hindi na maipinta ang mukha niya, yung ilong niya pakiramdam niya naglalabas na ng maitim na usok. Lalo pa nang pumulupot si Rina kay Black, tila may ibinulong si Black dito na nagsindi ng mitsa ng kalandian nito
Ang ipokrita kanina lang may pinalayas na manliligaw tapos ngayon wala pang tatlumpong minuto parang sasama na kay Black sa motel. Nakakapanginig ng laman!
Sa sobrang asar nasipa niya ang motor nito.
"Ouchh! Shit!" siya lang din nasaktan. Totoo na talaga ang ginagawang paglalandi ng Black na yun, mukhang nakalimutan na siya. "Nakapa-hudas! Talipandas! Impakto! Sinungaling!"
Nagngingitngit siya, hindi siya makapaniwalang nagseselos siya ng ganito. Nang muli niyang sulyapan ang mga ito, natigilan siya.
Anong nangyari?
BIglang sa isang iglap, Rina was crying. She was crying hard na para bang biglang namatayan. Yung mga kasama nito tila nakayuko at napahiya. Isa-isa silang sumakay ng kanya-kanyang sasakyan ang mga babae at umalis sa lugar.
Bumaling ang tingin niya kay Black. Sa isang sandali ay nakaguhit nang muli ang bangis sa mukha nito na nakita niya kanina. Anong ngang nangyari?
Nang bumalik si Black, hindi na ito umimik. Parang isang masamang espirito ang biglang lumukob dito at tila nag-iba ng pagkatao, naging malamig ang aurang nakapalibot dito.
"Anong ginawa mo dun?"
Nagkibit-balikat lang ito.
"Ano nga?" pilit niya.
"I just gave them the dose of their own medicine!" madiing sagot nito na tila nagbaga ang mga mata, kakaibang poot ang nabanaag niya dito. Nakakatakot.
"What are you talking about, wala naman silang kasalanan sayo ah."
"Sakin wala, pero dun sa lalaking yun , malaki!"
Napatitig siya dito. "Kaya you flirted with the poor woman, nang mapansin mong kumagat, you dumped her? Pinahiya mo siya ng todo!!"
"Pasalamat sya wala akong panahon, ilang minuto lang ang kaya kong sayangin sa kanya. Dahil kapag nagkataon sisiguraduhin kong isang taon siyang iiyak!"
KInabahan siya sa sinabi nito. Pinaasa at inuto lang nito ang babae? Eh siya? Ano ang gingawa nito sa kanya, inuuto lang din ba?
"Sana sinabi mo nalang kung ano ang mali niya, hindi yung kailangan mo pang paiyakin---"
"Tama lang sa kanya yun! Tatawa pa ako ng malakas kung mabangga ang babaeng yun ngayon at mamatay!" Sigaw nito. Natigilan si Vee sa sinabi ni Black. " I loath women with standards!! I just can't take them! I want them all suffer and die painfully!"
Dumagundong sa buong pagkatao niya ang sinabi ni Black. Kanina lang ay napagtanto niyang mahal na niya ito, hindi niya gusto pero, mahal na niya ito. Tapos ngayon ay maririnig niya ang mga salitang yun sa bibig nito?
He hated women with standards. And sad to say, she was a woman... and will always be a woman with a very high standards!
"Mga walang kwentang babae! Ang ba-babaw! Puro material na bagay lang ang mahalaga sa mga babaeng kagaya niya. Maka-sarili at gandang-ganda sa sarili, ang mga kagaya niya ang walang awang nagtatapon ng pag-ibig ng lalaking hindi pumasa sa standards! Sa mga bwesit na standards na yan!"
Hindi nakasagot si Vee, nanghihinang napatitig lang siya sa mala-demonyong anyo ni Black ngayon. Nawalang parang bola ang masayahin nitong mukha, ang palabirong mga mata. Napalitan ang lahat ng iyon ng nakakatakot na anyo ng isang mabangis na hayop na handang pumatay ng kahit na sinong humarang sa daan nito. Ibang Black ang nakikita niya ngayon, madilim, marahas, nakakapangilabot.
"Hindi ka kasi dapat nakikialam..."
"Fuck it Vee, just shut up! I'm pissed off right now, wag ka nang dumagdag!!!"
Napapitlag siya sa kinatatayuan dahil sa singhal na iyon. Kahit palagi silang nag-aaway at lagi itong napipikon sa kanya, hindi umabot sa ganito ang sigaw nito sa kanya. HIndi siya naka-imik. Napalunok na lamang siya at nanahimik.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Black. "Let's go. Kailangan mo nang umuwi."
Hindi siya sumagot, nagpatianod lang sa gusto nito. Pakiramdam niya ibang tao na talaga ito.
A/N: Comments and Votes guys:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro