24.Moments with Black
She received a message from Black in the middle of her work.
Black: Nsan kna? Db sbi ko mgtxt ka pg nkauwi kna.
Pinag-isipan niya ng mga tatlong minuto kung magrereply ba o hindi. Nakakainis lang kasi naalala niyang sa mga oras na ito siguro ay kasama nito ang batang Manager ng Bar na pinapasukan nito.
Vee: Ofiz na. I'm working. Stop bothering me.
Ilang saglit lang nakarinig ulit siya ng beep mula sa phone.
Black: Wow. Taray. Eh kung singilin kya kta sa serbisyo ko khapon?
Umangat ang kilay niya sa reply nito.
Vee: Name your price.
Nairita siya at di niya alam kung bakit. Simula nang makilala niya si Black hindi na niya kontrolado ang mga emosyong pumapasok sa sistema niya.
Black: Punta ka sa condo ko. Dala kang food.
Naubo siya at nasamid kahit wala namang kinakain dahil sa reply nito. Loko-loko talaga tong lalaking to, pinagloloko siya kahit sa txt.
Vee: Sira-ulo. Hindi na ko magrereply! Bahala ka diyan pakasaya kayo niyang Manager mo. Pedophile!
Black: Excuse me? Ako pedophile?
Vee: Oh di ba ang bata-bata pa niyang nilalandi mo, makonsensya ka naman!
Black: Si Shai bata? She's 23 and I'm 25! You can hardly consider me a pedophile for that 2 years age difference!
Naubo ulit siya. Mas malakas. Nanlaki pa ang mga mata niya sa nabasang reply nito. What the hell was he talking about? Black, 25??? That made her a year older than him. Di nga? Niloloko siya nito. Hindi yun totoo.
Vee: You? 25? Tch. Go tell that to the marines. You look like 40 to me.
Black: Says the old maid virgin. Lol.
Napuno na naman ng asar ang dibdib niya, wala na talaga itong ginawa araw araw kundi buysitin siya. Hindi na siya magrereply, wala siyang mapapala sa pagsagot dito dahil puro lang naman kabaliwan ang lumalabas sa bunganga nito. Ibinaling niya ang atensyon sa ginagawang dokumento.
Nalunod siya sa ginagawa kaya ikinagulat niya ang biglaang pagpasok ni Candy sa loob ng opisina niya nang humahangos.
"Hindi ka man lang ba marunong kumatok?" asik niya dito dahil halos mahulog ang puso niya sa pagkagulat.
"I'm sorry Miss Vee, may importante po akong balita!"
"That better be interesting."
"Si Lady Veronica po! I mean yung office niya, sumagot na sa email natin! Interesado daw po ang Boss nila na makaharap ka!!!"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Pinagpawisan siya bigla, napatayo pa siya mula sa pagkaka-upo. "Talaga??? You mean to say, they are taking our proposal into consideration now?"
"Siguro po ganun na nga, kasi Miss Vee, Lady Veronica herself wants to meet you."
Napalunok siya sa narinig, sobrang namawis ang palad niya sa balitang iyon ni Candy. Kilala niya si Lady Veronica at alam niya kung panu gumalaw ang team nito. Sa mga maliliit na kliyenteng kagaya nila, hindi nakikiharap nang personal si Lady Veronica, kalimitan ay pinagkakatiwalaang tauhan ang humaharap. Kaya paano nangyaring haharapin siya nito? Imposible.
Maliban na lang kung talagang na-impress ito sa gawa nila. Baka ganun nga.
"So what are we going to do? Do we have to go to Italy to meet her?"
Umiling si Candy. "Hindi po. Naalala niyo po yung sinabi ko sa inyo na nandito sa Philippines si Christian Demetri, totoo daw po yun. Ang balita ko po parang pupuntahan niya dito yung anak niya and of course at the same time, bibisita siya dito sa company!"
"That's unbelievable." nasambit niya. Hindi siya makapaniwalang nagbunga na ang ilang gabi niyang pagpupuyat para lamang makagawa ng isang perpektong proposal na mapapansin ng isang Italian lady tycoon na kagaya ni Veronica Demetri.
"Hindi nga rin po kami makapaniwala eh! Miss Vee, totoo na to, darating siya!! Napaka-swerte natin!!"
"Anong swerte? This all because of hard work!!"
"Oo nga po." napatango nalang si Candy.
Wala siyang pagsidlan ng kaligayahan! Sobrang tuwa niya dahil sa balita. Kinuha niya ang kopya ng latest proposal na pinadala niya sa office ni Lady Veronica. She felt so proud of herself, sabi na nga ba't di magtatagal ay mapapansin din sila ng Golden Empire. Ang labanan ay wala sa laki at sa edad ng kompanya, nasa maganda at matalinong pamamalakad ito.
Nang makalabas si Candy sa office niya ay halos magtatatalon siya sa tuwa. She wanted to celebrate!
Kinagabihan pagkalabas galing trabaho, hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para pumunta sa Heaven. Ang bar na pinapasukan ni Black. Naupo siya sa matangkad na bar stool na naroon sa harap ng bartender at umorder ng lemon drop martini. Sanay naman siyang magcelebrate alone, simula high school kapag may accomplishment siya, nagttxt lang siya sa Papa niya tapos ay nagcecelebtrate mag isa. Loner siyang tao.Matagal na. Nakakailang baso na siya nang martini nang lumapit si Black.
"Anong ginagawa ng isang Binibining Virgin dito?"
Napalingon siya sa gilid niya. Natigil ang paginom niya. Si Black nga, kabisado niya ang amoy nito kahit medyo may tama na siya sa nainom ay kilala niya ito. He was in his usual majestic form. Suot nito ang polo uniform at may hawak na tray.
"Nagsi-celebrate ako!"
"Bakit sinong namatay? Yung co-owner mo? Ikaw na lang ang sole owner ng company mo ngayon?"
Natampal niya ito sa braso dahil sa hindi nakakatuwang biro na naman nito.
"Baliw ka! Anong akala mo sakin, masamang tao? Masaya ako dahil mission accomplished na naman si Sabrina Vee Suarez!" pasigaw niyang sabi, Itinaas pa ang kopitang hawak.
Nakiupo din ito sa bar stool katabi niya. "Talaga? So manlilibre ka ng dinner ngayon?"
"Hmmmm. Hindi. Pero pag-iisipan ko."
Iningusan siya ni Black. Napaka-cute talaga nito sa bawat facial expression na gawin nito. Nagniningning ang mga mata niya tuwing nasisilayan niya ang mukha nito. Si Black nga siguro ang dahilan kung bakit siya dinala ng mga paa niya sa Heaven, dahil imbes na magcelebrate mag-isa na kagaya ng ginagawa niya buong buhay niya, ay gusto niyang makasama at makita ito. After all, ito naman ang naging inspirasyon niya lately.
"Dinaig mo pa ang gulong ng motor ko sa pagkakunat! Iba ka!" palatak nito.
Tumawa lang siya.
"Hindi ka ba kakanta ngayon?"
"Hindi. Ginto ang boses ko, kumakanta lang ako sa oras ng kagipitan. Kung yun ang pinunta mo dito, wag ka nang umasa."
"Napakayabang! San yung manager Shai mo?"
"Absent."
Umangat ang kilay niya sa sinabi nito. "At bakit?"
"Napagod." bulong nito. NIlapit pa ang bibig sa tainga niya. "Pinagod ko..."
Pinanlisikan niya ito ng mata. Isang malakas na tawa lang ang isinagot ni Black dito.
"Let's get out of here!!"
Nagulat siya nang ilapag nito ang hawak na tray tapos ay hinila siya palabas ng bar. Masyado siyang masaya para magprotesta, isa pa ay gusyo naman talaga niyang makasama ito kaya hindi na rin siya nagtanong kung saan sila pupunta nang isakay siya nito sa motor.
Dahil past midnight na. Maluwag na ang kalsadang dinadaanan nila, nagawa na niyang sumigaw at magtaas ng kamay sa sobrang excitement. Hindi siya natatakot na mabangga kahit pa mabilis ang takbo nila at masaganang hangin ang umiihip sa mukha at buhok niya. Malaki ang tiwala niya kay Black, hindi niya alam kung bakit pero bilib siya dito at kapag ito ang kasama niya, alam niyang safe siya, walang anumang bagay ang pwedeng makapanakit sa kanya. Ganun siya kakampante sa piling nito.
Tumigil ang motor nito sa isang park overlooking a bridge and mesmerizing waters. Tahimik ang paligid kahit pa may mga couple siyang nakikita sa lugar.
"Dito mo ba dinadala yung mga babae mo?" biglang untag niya dito.
Pinagmasdan siya ni Black tila pingaaralan ang itsura at kilos niya tapos ay kumunot ang noo. "Sabi na nga ba, tinamaan ng alak to eh. Madami kang nainom dun noh?"
"Hindi ah! Konti lang, hindi lang ako sanay uminom kaya siguro tingin mo parang nalasing ako."
"Anong parang lasing. Lasing ka talaga, tanga!"
Napanguso siya dahil sa sinabi nito. Palalagpasin niya kahit nakakainis kasi alam naman niyang hindi siya tanga. Kung tanga siya hindi mapapansin ni Lady Veronica ang proposal na gawa niya. Napahagikhik na lang siya sa sinabi nito. Kinurot niya ng dalawang kamay ang magkabilang pisngi ni Black, napasigaw ito sa sakit.
"Aray ko! Ano ba!"singhal nito na nakabusangot ang mukha.
"Ikaw pala diyan ang masungit!" nakangising turan niya, imbes na mangurot ay bumukas ang mga palad niya at ikinulong doon ang pisngi ni Black. Kahit nakasandal ito sa motor kinailangan pa niyang tumingkayad para magpantay ang mukha nila sa sobrang tangkad nito. Pinagpiyesta niya ang mga mata sa mukha ni Black. Napaka-gwapo talaga nito, perpekto ang pagkakahulma ng mukha, matangos na ilong, mapupulang labi at nakakatulirong mga mata kapag tumitig. Gusto niyang pumikit at muling maramdaman ang mga labi nito sa labi niya.
Siguro nga ay lasing na siya. Pero masarap sa pakiramdam na nagagawa niya kay Black ngayon ang gusto niyang gawin dito ng malaya at walang halong alinlangan.
"What do you think you're doing?" kunot noong tanong nito sa kanya.
Nilapit niya ang mukha niya sa mukha nito ng ilan pang pulgada. She could practically smell his breath now, and that was even more intoxicating than all the liquors she had drank all night.
Tumitig siya ng diretso sa mga mata nito."You made my soul insane, you know that? Anong karapatan mong kantahan ako ng mga paasang kanta ha? Anong karapatan mong basta na lamang sumulpot sa tuwing kailangan ko ng tulong at magpanggap na hero? Pa-fall ka alam mo ba yun? Panu kung mahulog ako sayo, sasaluhin mo ba ako??!"
Ang mga kamay niyang nasa mukha ni Black ay bumaba sa kuwelyo nito at hinila iyon. "Sumagot ka!" singhal niya.
Kinuha ni Black ang mga kamay niya mula sa pagkakasakal niya dito. " Wag kang sumigaw, amoy alak yang bibig mo!"
Tumawa siya at pinawalan ito. Pero imbes na lumayo ay muli lang siyang lumapit, matagal na siyang nagpapantasyang mahawakan ang katawan nito na tila pinatigas ng panahon. Dinama niya ang malapad na dibdib ni Black, pinagapang ang kamay paibaba sa matigas na tiyan. Napapapitlag si Black sa mga hawak niya pero himalang hindi siya nito sinasaway. Bago sa kanya ang lahat ng ito, sa buong buhay niya si Black lang ang napalapit sa kanya ng ganito at nahawakan niya ng ganito. Nangangatal ang bibig niya sa pinaghalo-halong tensiyon, curiosity at excitement na nararamdaman.
Dahil sa manipis na t-shirt nito ay ramdam na ramdam niya ang matigas na katawan ni BLack. Napakagat siya sa ibabang labi.
Napalunok si Black dahil sa ginawa niya, pansin niya ang paggalaw ng adams apple nito. She felt his muscles went rigid.
"Alam mo ba yung kanta ni Shakira..yung.. Underneath your clothes there's an endlesss story, there's a man I chose there's my teritory..." kinakanta niya iyon habang nakatitig sa mga mata ni BLack at ang mga kamay niya ay gumagapang pababa sa katawan nito-- sa dibdib , sa tiyan, sa may pusod at pababa pa "...and all the things I deserve for being such a good girl honey..."
Bago pa man makababa nang tuluyan ang mga kamay niya sa hindi dapat mapuntahan ay hinuli na ito ni BLack. "Except that you're not a good girl. You're bad.. and naughty! Stop what you are doing right now, Vee before I forget that you are just a drunk ,naive and inexperienced virgin. Sigurado akong hindi mo alam ang ginagawa mo ngayon."
"Alam ko."pahagikhik niyang sagot, pilit na hiniklas ang kamay mula sa mahigpit na pagkakarenda nito.
Bumuntong hininga si Black, umayos ng tayo at hinarap siya ng diretso. "Alright, naughty Virgin I'll play a little game with you. I'm going to ask you some random questions and you are suppose to answer them without thinking, just blurt out whatever occur to you first."
"Game!" excited niyang sabi.
"Ano ang tingin mo sakin?"simula nito.
"A hero with horns and with black magic!"
Sumunod siya sa kondisyon, hindi niya pinagisipan ang sagot. Naibulalas niya ang kanyang sagot in split second.
"Ano sa tingin mo ang kailangan ko sayo?"
"Pera."
"May tiwala ka ba sakin?"
"Malaki."
"Naniniwala ka ba sa mga sinasabi ko?"
"Oo."
"Kaya mo bang ipagkatiwala ang sarili mo sakin"
"Oo."
"Gusto kong halikan ka ngayon, payag ka ba?"
"Oo.. ay..hindi!!"
"Invalid answer" ngumisi ito. Pagkasabi nun ay nagulat siya nang hawakan ni Black ang likod ng ulo niya at salubungin ng halik ang mga labi niya.
Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito, nagtangka pa siyang magpumiglas ngunit parang mga bakal ang braso nitong nakapulupot sa katawan niya so she can stay in place. Nang magtagpo ang mga dila nila, nawala ang pinaglalaban niya. Napapikit na lamang siya at nagpatianod sa agos ng damdaming bumabaha sa buong pagkatao niya. Iniawang niya ang mga labi upang salubungin ang munting bisitang nagpupumilit pumasok sa bibig niya. His tongue tasted heaven, shit, he literally tasted heaven. Parang lumilipad siya sa alapaap dahil sa pakiramdam na yun.
She felt his hand on her back, pilit pumasok ang kamay nito sa loob ng damit niya so she could feel his manly rough hand on her bare skin. Mas lalo siyang kinilig, mas lalo siyang naexcite dahil doon. Ang ibig sabihin kasi ng medyo magaspang na kamay para sa kanya ay lalaking-lalaki ito. Ito ang tipong hindi lalampa-lampa ,walang arte at maraming alam sa buhay. Isiniksik niyang lalo ang katawan dito, pilit na dinadama ang init na nagmumula sa katawan ni BLack, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman pero parang kulang pa sa kanya na kayakap lang ito ng mahigpit, naghahanap ang katawan niya ng mas malalim na koneksyon kay Black. She literally cannot get enough of him kahit pa halos hindi na siya makahinga sa higpit ng kapit nito sa katawan niya at sa lalim ng halik na ginagawad nito sa kanya. She still wanted more, napapikit siya nang mariin and let herself escaped a delicious moan, bagay na hindi niya inakalang kaya niyang gawin.
Dahil sa ungol na iyon, literal na umangat ang pakiramdam niya nang walang anu'anoy buhatin siya ni Black at isakay sa motor. Kusang umangat ang skirt niya coz she had to astride his motorcycle. Her both thighs exposed, nakatalikod siya sa manibela at itinukod niya doon ang isang kamay bilang suporta. Tapos ay muli siyang dinaluhan ni Black, sumakay din itong paharap sa kanya, his hard chest brushed hers. Hinalikan siya nitong muli sa ganoong posisyon, habang ang dalawang kamay ay nasa magkabila niyang hita pumipisil, dumadama.
Hindi niya napigilang mapaliyad sa nag uumapaw na sensasyong bumabalot sa kanya, dahilan para pakawalan ni BLack ang bibig niya. Ang mga labi nito ay kusang bumaba sa leeg , and then down to her slightly opened white silk tank top underneath her floral blazer. Napasinghap siya nang hiklasin nito gamit ang ngipin ang isang butones ng damit niya, making the top of her luscious cleavage exposed, his kisses trailed down to the soft flesh right above her black lacy bra.Ang marubdob na halik ni BLack, ang nakakatuliro nitong amoy at ang nakakabaliw na mga haplos ang siyang nagtutulak sa kanyang tuluyang lumimot at magpalukob sa sayang nararamdaman.
Ganito pala ang pakiramdam na mahalikan?
Nakakawala sa huwisyo. Nakakapanghina.
Hanggang saan siya dadalhin ng mapanuksong halik ni Black?.....
A/N: Favor: Comments and votes are badly needed. Hehe.
What do you think of this chapter?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro