Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17. Morning Break



The next morning nagising siya ng munting liwanag na nanggagaling sa siwang ng bintana. Napabangon siyang bigla dahil hindi siya pamilyar sa kwartong nabungaran ng mata niya pagdilat niya. Saka niya naalala, nasa kwarto siya ni Black at nakatulog siya sa kama nito, gamit ang unan nito at kumot. Wala si Black sa tabi niya, well not that she expected him to sleep beside her. Last night she proved her that even though he was the bulliest and the baddest man alive, may paggalang ito at respeto sa mga babae.Pero nasaan na kaya ang lalaking yun?

Nang bumangon siya at naupo sa kama saka lamang niya nakita si Black, nakahiga ito sa sahig at tanging manipis lang na kumot ang hinigaan nito. Nakaramdam siya ng awa dito. Dahan dahan siyang lumapit dito, nag aalalang baka magising niya.

He was such a sight to behold! Perfect even in his sleep.

Inabot niya mula sa bag ang cellphone niya at kinuhaan niya ito sa litrato. Napangiti siya sa resulta nun. Ang sarap ipost sa facebook at lagyan ng caption na 'I woke up like this', haha. Panis dito lahat ng facebook user na nagpost ng ganoon. Napakagwapo talaga ng isang ito, maniniwala siya kung sasabihin nitong foreigner ang tatay nito dahil halata namang hindi ito pure blood Filipino.

Bumaba ang tingin niya sa katawan nito. Nakahubad ito at nakamaong, nakagat niya ang labi, napakamachong tambay naman nito, at ang kinis ng balat ah.

"Black." sinubukan niyang gisingin ito. Mataas na ang araw, kailangan na niyang pumasok sa trabaho. Pero hindi ito gumalaw. "Black, uuwi na ako, lumipat ka na dun sa kama."

Hindi pa rin ito gumalaw.

"Black!"

"Hmmm, tsk. Natutulog yung tao, mamaya ka na umalis. Dito ka lang." padaskol na sagot nito sa inaantok pang tinig, nanatili ding nakapikit ang mga mata.

"Hindi pwede may pasok ako. Bahala ka, aalis na ako."

Bago pa man siya nakatayo ay nahila na siya nito, napahiga siya sa tabi nito. Para di siya makaalis ay halos daganan siya ni Black.

"Sabi ng dito ka lang!"

"Nababaliw ka na ba? May trabaho nga ako!" singhan niya dito. Kahit pa sinubsob nito ang mukha niya sa leeg nito ay pinilit niyang makawala.

Pumikit lang ulit ito at binalewala ang sinabi niya. "Ikaw ang Boss hindi ba? Ok lang na hindi ka pumasok."

"Sapakin kaya kita diyan?"

"Tsk! Oh sige na!" inis siyang pinawalan at bumangon ito. "Ipagluto mo muna ako bago ka umalis, masakit ulo ko may hang-over yata ako."

"Hoy, hindi mo ako katulong ah! At hindi ko kasalanan na masakit ang ulo mo." asik niya dito.

"Hindi nga kita katulong, pero girlfriend kita di ba? Kaya gawin mo na, bilis na!"

Tumaas ang kilay niya dito. "Hoy una sa lahat, Mr. Presko, hindi mo ako girlfriend, kunwari lang yun, pag nasa harapan lang tayo ng mga tao. Pangalawa, walang lulutuin, akala mo naman, may stock ka ng pagkain dito sa bahay mo. Ni wala ka ngang ref!"

Dumukot ito sa bulsa at lukot ang mukhang inabot sa kanya ang pera. "Oh heto bente, bumili ka ng itlog sa labas, magprito ka. May kanin dyan, sangagin mo, maliwanag?"

PInandilatan niya ito. Tapos ay tumingin sa lukot-lukot na benteng inabot nito.

Aba talagang seryoso itong paglutuin siya at inutusan pa siyang bumili ng itlog ng be-bente ang pera?! Hindi siya makapaniwala!

"Ayoko," taas kilay niyang sagot dito.

"Ganun? Madali lang naman akong kausap eh, madali namang isigaw diyan sa labas na inarkela mo akong boyfriend. Sa ganun, hindi ka na mahihirapang magpanggap at hindi mo na kailangang sundin ang mga utos ko."

"How dare you!!" sigaw niya dito. " Wala kang karapatang utus-utosan ako ah. I'm Sabrina Vee Suarez, I'm today's most successful and most powerful female boss in the corporate world, baka hindi mo ako kilala!"

"Kilala kita. Baka ako ang hindi mo kilala." nakangising sagot ni Black. "Kahit ano pang sabihin mo, kahit gaano ka pa katayog Ms. Suarez, wag mong kalimutang boyfriend mo ako, may hang-over ako, at kailangan mo akong alagaan. Tama na ang dada, lumabas ka, bumili ka ng pagkain, dahil baka ikaw ang makain ko dito!"

Nanlaki ang mga mata niya sa inis.

"Bilis!!"

Kuyom ang dalawang kamaong, lumabas siya ng bahay dala-dala ang bente pesos na binigay nito pambili ng ulam. Pagbibigyan niya ang kapritso nito sa ngayon dahil may alas pa itong pinanghahawakan. Sa oras na dumating ang tamang panahon at maiannounce niya sa lahat ang break up nila, gaganti siya dito sa kahit na paanong paraan!

How dare he blackmail her into doing household chores for him? Walang pwedeng gumawa nun sa kanya!

Buysit na lalaking yun!




Nang marating niya ang tindahan, ramdam niyang pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid.

"Pare ang ganda oh..." naririnig niya ang ilan sa mga tambay na umaga palang ay nag iinuman na sa harap ng tindahan.

"Tagilid ka dyan pre, syota ni Black yan, baka mapuruhan ka."

"Ganun ba? Sayang naman"

Kinilabutan siya sa narinig. " Pabili hong itlog,ale."

"Di ba ikaw yung girlfriend ni Black?" tanong ng tinderang halos kasing edad niya. Nakangiti pa ito ng malawak sa kanya.

Tsismosa ng mga tao dito!

Alanganin siyang tumango, pinilit na itago ang pagkainis.

"Ito ang itlog. Dagdagan na rin natin ng isang boteng ketchup at corned beef.."

"Ay hindi miss, bente lang ang dala kong pera."

"Ok lang libre na yan....para kay Black."

Tinaasan niya ito ng kilay. Pero hindi nawala ang ngiti nitong naka-epoxy na yata sa mukha. Nakakaasar!

Bago siya maka alis ay hinarang siya ng tatlong lalaking nag iinuman.

Kinabahan siya, napatingin sa bahay. Asar! Mukhang bumalik sa pagtulog ang pesteng Black na yun ah. Mapapahamak pa siya dahil dito.

Nang humakbang palapit sa kanya ang isa sa mga to ay napa atras siya. Pero hindi siya nagpahalata ng takot.

"Miss, pakibigay na rin to Kay Boss Black!"

Nakahinga siya ng maluwag. Binigay nito ang tatlong pirasong canned beer.

Ano si Black sa lugar na ito? Boss??




"Shit! Shit!" sunod-sunod ang tili niya dahil tumitilamsik ang mantika galing sa itlog na niluluto niya.

"Anak ng tokwa, baka sumakit ang tiyan ko sa itlog na yan na pinrito mo sa mura!"

Inirapan niya ito ng malala.

Prenteng nakataas lamang ang paa nito sa mesa habang pinanonood siyang maghirap sa pagluluto ng pagkain para dito.

"Tingnan mo ugali nito, pinaglihi ka ba sa sama ng loob at ganyan lagi ang mukha mo?"

"Wag mo akong kausapin naiinis ako sayo!" asik niya dito. "Gusto mo yatang makalunok ng nagbabagang kawali!"

"Gusto ko sana, kaso galit ka eh di wag na lang."

Umigkas ang kilay niya dito. Nang-asar pa. Nagngingitngit ang kalooban niya, ni sa panaginip hindi sumagi sa kanya na gagawin niya ang bagay na ito para sa isang lalaki. Ang sabi pa nga niya noon walang aasahang pagsisilbi mula sa kanya kahit ang magiging asawa niya. She was a very modern career woman. Hindi siya aasa sa asawa financially at wala din itong aasahang pag aalaga sa kanya. She was never submissive.

Pero bakit may hawak siyang kawali at nagluluto para sa isang lalaking ni hindi niya boyfriend? Nakangisi pa ito habang nakamasid sa kanya.

"Parang nakikita ko na ang kinabukasan ko ah. Ang sarap siguro ng buhay kung pagkagaling ko sa trabaho, sasalubungin ako ng maganda kong asawa na nakadamit pang office tapos may hawak na sandok."

Napalingon siya dito. Ang lawak ng pagkakangiti nito sa kanya.

"Basta pag nabuntis ka na , bawal magtrabaho ah?" dagdag pa nito.

"At bakit hindi? Ano bang pakialam mo? Kung anu-ano na naman ang lumalabas diyan sa bibig mo, nababaliw ka na yata!"

"Nababaliw na sayo." sabay ngisi.

Peste. Uminit ang magkabila niyang pisngi.

Saktong naghahain na siya ng pagkain nang walang katok-katok na pumasok ng pinto ang isang magandang babaeng kita ang kuyukot at pusod sa sobrang iksi ng suot.

"Black my love!!!" malandi nitong sabi. "Nandito na breakfast mo, special delivery!"

Natigilan lamang ito nang napansing naroon siya.

Naningkit na bigla ang mga mata niya. Hindi niya alam kung bakit biglang kumulo ang dugo niya nang marinig ang malanding pagkakasabi nito ng 'Black my love'.

Dumako kay Black ang matalim niyang tingin. Napahilamos ito sa mukha nang mapansing nagbabaga ang mga mata niya.

"Sino ka?" untag pa ng babaeng malandi.

"Oooooppppss!" Pumagitna si Black. "Jenny si Vee, Vee si Jenny kapitbahay ko."

"Akala ko pa naman wala kang makain dito! Ang dami palang nagpapakain sayo dito, may tagahatid ka pa, napaka-espesyal mo naman!" Asik niya kay Black.

"Bakit sino ka ba? Girlfriend ka ba ni Black ha? At mukhang dito ka pa natulog! Ang landi mo nam---" madami pa sanang sasabihin ang babae pero tinakpan na ni Black ang bibig nito sabay bulong.

"Jenny, shut up ka na. Di mo ba kilala yan? Serial killer yan, may sira ang toktok niyan, isandaan na napapatay niyan gusto mo bang dumadag? Kaya tumahimik ka na, pwede?

"Totoo?"

"Magsisinungaling ba ako sayo? Sige na sibat na! Yang pagkain mo, dalhin mo nalang mamayang gabi."

Napalunok ng ilang beses si Jenny. Parang natakot ito sa kanya at walang kaimik-imik na lumabas ng bahay matapos itong bulungan ni Black ng kung ano.

Binalingan niya si Black. "Anong sinabi mo dun?"

Umiling-iling ito na kinaasar niya lalo.

"Uli-uli, pag nandito ako, kadenahan mo yang mga babae mo ah! Babasagin ko mukha ng mga yan!"

"Teller yun sa bangko si Jenny, dapat nasa trabaho siya ngayon. Malay ko bang pupunta siya dito."

"Teller? Bat mukhang hostess??"

"Sobra ka. Nagseselos ka lang yata diyan eh!"

Natampal niya ito sa balikat at may kalakasan iyon.

"Aray! Ayan ka na naman, ang bigat niyang kamay mo! Ulitin mo pa yan tatamaan ka na sakin!"

"Sige nga!!"

Napayuko siya at napapikit nang umigkas ang isang kamay nito upang sapakin siya. Inasahan niyang tatama iyon sa pisngi niya.....pero ilang sandali na ang lumipas, hindi niya naramdaman ang pagtama ng kamay nito sa balat nya.

Unti-unti siyang nag angat ng mukha, tinawanan lang siya nito.

"Kung gusto kitang sapakin sana noon pa. Hindi kita kayang saktan noh. Ikamamatay ko!" nakatawa nitong sabi.

Niloloko na naman siya.

"Tara na. KUmain na tayo, ihahatid kita sa opisina mo ngayon."

Napatingin siya sa mga mata nito. Naexcite siya sa ideyang yun. KUmabog ng malakas ang dibdib niya, naloko na talaga, unti-unti na itong nagkakaroon ng puwang sa puso niya dahil lang sa mga simpleng banat nito sa kanya na alam na alam naman niyang parte lamang ng pang aasar nito iyon.



A/N Ito lang nakayanan. Haha.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro