13. BLACKmail
Kahit madaling araw na at may pasok siya kinabukasan ay hindi pa rin makamove on si Vee sa lahat ng mga pangyayari. Sa isang iglap lang ang estrangherong lalaking naencounter niya lang sa daan ay bofriend niya ngayon--or at least that's all the people around her thought.
Pabaling-baling siya sa higaan dahil ang tibok ng puso niya ay hindi na bumalik sa normal, kahit pa ilang oras na silang nagkahiwalay ng Black na yun. Kinapa niya ang dibdib, hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman mula doon. Kahit isubsob niya ang mukha sa unan ay mukha ni Black at ang nakakainis nitong gesture na basain ang ibabang labi ang nakikita niya sa balintataw. Nahihibang na talaga siya.
Wala sa loob na kinapa niya ang sariling mga labi. Dahil kaya sa halik nito kaya siya nagkakaganito? Pinikit niya ang mga mata at muling sinariwa ang pakiramdam na magkalapat ang mga labi nila ni Black. Ang sarap sa pakiramdam. Ang lambot ng mga labi nito sa kabila ng puro maaaskad na salitang lumalabas doon.
Shit. Stop drooling Vee. Get a hold of yourself dammit!! Inis niyang kastigo sa sarili. Tumayo siya upang kumuha ng tubig. On her way back to her room saka lamang niya naalala na hindi niya nabigyan ng pera si Black.
Weird, kasi hindi naman nito hiningi iyon. Knowing Black, siguradong ang pera ang unang una nitong sisingilin sa kanya bago sila naghiwalay, pero wala siyang narinig mula dito. Di bale pupuntahan nalang niya ito sa bahay upang makapagbayad na siya.
Weh?? Di ba pupunta ka para makita siya? Sabat ng isang maliit na tinig sa likod ng utak niya.
Hindi!Pupunta siya doon para magbayad. No more, no less. Nilabanan niya rin ang matinding pagnanasang kunin ang litrato ni BLack mula sa drawer niya at pakatitigan iyon.
*********************
Kinaumagahan ay maaga siyang nagtungo sa bahay ni Black. Ang inabutan niya ay ang mataba nitong kasera na halos gibain na ang pinto ng apartment sa lakas ng pokpok nito doon. Wala ding tigil ang bunganga nito sa kakatawag kay Black.
"Excuse me? Baka ho walang tao..." di niya napigilang kausapin ito.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Nasa loob lang ng bahay ang batugang yan! Ayaw akong labasin dito dahil malamang wala na namang pambayad." angil nito sa kanya. "Sino ka ba?"
Nang hindi siya kaagad sumagot ay mas lalo nitong nilakasan ang pagkalampag sa pinto ni Black. Naririndi na siya.
"Manang magkano ho ba ang utang sa inyo si Black, ako nalang ang magbabayad, para matigil na kayo." medyo asar na ang tono niya dito. Ang lakas kasi makasingil ng babaeng to eh ang pangit naman ng apartment na pinapaupahan.
"Talaga lang ha?"tila hindi pa ito kompiyansa sa kanya. "Oh sige, sampung libo sa bahay, isanlibo sa tubig at kuryente."
"Ano?? Ba't ang mahal naman yata eh mukha ngang kulungan ng ibon tong bahay na pinapaupahan niyo."
"Hoy! Wala akong pakialam kung bahay pa ng daga tong paupahan ko. Nagkasundo kami ng nobyo mo sa ganung presyo!"
Umikot ang eyeballs niya. Great! Pati ba naman ang matabang kaserang to eh girlfriend ni Black ang tingin sa kanya?
"Total mukhang mayaman ka naman, ibahay mo nalang tong batugang to para mawalan na ako ng sakit ng ulo. Pero bago yun, magbayad muna kayo!"
Ibahay talaga? Crap. Padaskol siyang kumuha ng pera at inabot iyon sa babae.
"Oh ayan na ho ang bayad,may dagdag pa yan, masaya na kayo? Makakaalis na kayo."
"Hmmp!" inirapan siya nito, matapos isuksok ang pera sa bra ay muli itong nagsalita. "Hindi mo ba alam na nung nakaraang buwan lang, babae rin ang nagbayad ng tubig at kuryente niyan? Mga babae talaga ngayon mga uto-uto. Porke gwapo, nagkakandarapa na kayo, kaya ayan, pinagkakakitaan tuloy kayo. Kagaya mo, maganda ka pa naman, tanga ka lang."
"Aba't---!!"
Pinigil niyang hampasin ito ng bag na hawak niya. Kahit papanu ay may natitira pa naman siyang paggalang sa nakakatanda sa kanya.
Nakaalis na ang babae, kuyom pa rin ang kamao niya sa inis. Tinawag siyang TANGA, hindi niya matatanggap yun!
Pumihit siya paharap sa pinto at siya naman ang kumalampag doon.
Sa sobrang asar niya wala siyang pakialam kahit nawawalan na sya ng poise sa ginagawa niya.
"Black!!! Si Vee ito, buksan mo ang pinto ngayon din, kundi susunugin ko tong bahay mo. Magbibilang ako ng tatlo. Isa! Dalawa! Tat--"
BUmukas bigla ang pinto at hinila siya nito papasok. Saka nilock iyon.
Black was half naked. In his boxers. Humihikab pa ito at mukhang bagong gising lang.
Awtomatiko siyang tumalikod dito.
"God damn you! Magbihis ka nga. Napakabastos mo talagang nilalang!!" sigaw niya na nakaharap sa pinto.
"Ang bastos nakabold, tumatae sa plato."papilosopong sagot na naman nito. "Oh ayan na, humarap ka na."
Nanlaki ang mga mata niya nang pagharap niya nakaboxers pa rin ito. HIndi naman nag abalang magcover ng kahit na ano.
"Peste!!" sabay talikod ulit. Humalakhak na naman ito sa kanya. Kung pagtawanan siya nito parang magugunaw na ang mundo.
"Magdamit ka Black, sinasabi ko sayo tutuhurin ko ulit yan!!"
"Oucchh, wag baby sayang, ikaw din baka magsisi ka, balang araw mapapakinabangan mo rin to!"
"Ugggrrhhh!!! Bastos!! Never. Never!! Hindi mangyayari yun kahit kelan."
"Owwss?? Pustahan tayo? Baka kainin mo yang sinabi mo?"
"Over my dead body!!"
"We'll see.." sabay tawa pa ng malakas. Niloloko talaga siya nito. "Harap ka na Binibining Virgin, I'm decent now."
She took a quick glance first. Nang makita niyang nakatowel na ito ay humarap na siya. Kahit half naked, pwede na yun.
"Anong ginagawa mo dito, ang aga pa ah. Iniistorbo mo tulog ko!"
Pinandilatan niya ito. "Tulog? Sa lakas ng bunganga ng kasera mo kanina nakatulog ka?"
"Sanay na ako dun, araw-araw namang ganun yun eh."
"Well for your information, binayaran ko na siya para umalis na. Binigay ko ang 15k mo dun kaya quits na tayo. Wala na akong utang sayo.
Siya naman ang pinanlakihan ng mata nito.
"Ano??! Anak ng tokwa naman oh. Ba't mo binigay lahat? 11 thousand lang naman ang utang ko dun ah! Anak ng!"
"Eh ayaw mo nun may advance ka na sa kanya."
"Aba matindi tong pakialamerang to!. Amin na natitirang five thousand, hindi pa tayo quits, 20k ang bayad sa serbisyo ko remember?"
"Hoy hindi ako pumayag sa kondisyon mo ah!"
Tiningnan siya nito ng masama. Lumapit ito sa kanya, umatras siya hanggang sa umabot siya sa pinto. Dumikit na ang likod nya doon. Kahit nanlalambot na ang tuhod niya nakipagsukatan siya ng tingin kay Black. He was towering her pero dahan dahan itong yumuko upang magpantay ang mga mukha nila. That same intoxicating breath again. Nalulusaw ang mga defences niya dito. Ga-hibla na lang ang layo ng mga labi niya sa labi nito...
Oh Black.
Tiim-bagang itong nagsalita."Ayusin mo sagot mo ah! Wala tayong pinirmahang kontrata dito. I showed up there and saved your ass just in time. Ngayon kung ayaw mong bawiin ko yun, at ipagkalat sa lahat na nilapitan mo ako at binayaran para magpanggap na syota mo, gagawin mo ang lahat ng gusto ko. Maliwanag?"
Napaawang ang mga labi niya sa sinabi nito. Inangat ni Black ang dalawang kamay sa pinto , nasa gitna ng mga iyon ang ulo niya.
Napakurap siya at napalunok nang tumitig ito sa mga labi niya.
Her lipstick tasted like strawberry today. Not that she cared about it!!
Ano na nga ulit ang sinabi nito?
Sandali siyang napatulala bago naproseso ng utak niya ang sinabi nito. Ang hudas! BInablackmail ba siya nito??
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro