CHAPTER 8: DRAWING
Chapter 8: Drawing
Malalas ang ulan ngayon kung kaya sinuspinde ang klase. Kakagising lang ni Israel at kinabahan ako nang hindi ko siya nakita sa kanyang kwarto. Pagpunta ko sa kwarto ni Sir Isaac ay naroon pala siya.
"We're watching Mr. Bean." imporma niya sa akin.
Kusang dumako ang tingin ko sa kanyang katawan. Nakasuot siya ng pajama at wala itong damit pantaas.
"Laway mo." nanlaki ang mata ko nang magsalita si Sir Isaac.
Agad kong inilipat ang tingin sa sahig at nagkunwaring hindi ko tinitingnan ang abs niya.
"Pandesal?" tanong niya sa akin.
"O-opo Sir yung p-pandesal m-mo." nauutal kong sabi at hindi ko siya maggawang tingnan.
"Yup. May pandesal sa baba Jane."
Natauhan ako sa narinig dahil akala ko ang tinutukoy niya ay ang pandesal sa kanyang katawan pero hindi pala.
"Sabi ko nga magaalmusal na ako." palusot ko at agad na umalis sa harap niya.
Patakbo akong bumaba at naabutan ko si Jude sa kusina na kumakain.
"Magandang umaga." bati niya sa akin at bumati ako pabalik.
Tumabi ako sa kanya at kumuha ng pandesal. Nakakahiya ang ikinilos ko kanina. Baka maggalit na naman siya sa akin at ibahin na naman ang pakikitungo nito sa akin.
Nagtimpla ng kape ko habang naguusap kami ni Jude. Kwinento nito ang tungkol sa naging exam niya last week. Tuwang tuwa ito dahil nakapasa naman daw siya.
Nagpatuloy kami sa kwentuhan hanggang sa nauwi sa biruan at tawanan. Natigil na lamang kami nang dumating si Sir Isaac.
"I want coffee." sabi nito at masungit na nakatingin kay Jude.
Naggulat naman ako nang kunin niya ang tasa ko na ininuman ko na ng kape. Humigop siya doon at hindi ko alam ang gagawin.
"Sir akin po 'yang kape na 'yan. Naiuman ko na po iyan."
Tumingin siya sa akin at binalewala ang sinabi ko dahil muli na naman siyang humigop sa tasa ko.
"Kaya pala masarap." sabi niya pa.
Nanlaki ang mata ko sa sunod niya ginawa. Kinuha niya ang pandesal na may kagat ko at kumagat din doon.
Napatingin ako kay Jude na ngayon ay hindi maggawang makatingin kay Sir Isaac dahil tulad ko ay hindi siya makapaniwala sa ikinilos niya.
"Ahhh Jane, mauna na ako." paalam ni Jude sa akin at tumango ako.
"He obviously likes you." wala sa sariling bulong ni Sir Isaac sa akin at nagkibit balikat lang ako.
"What's his name again?"
"Jude po." sagot ko.
"Tss! Binanggit pa talaga." masungit niyang sabi.
Tahimik kaming nagalmusal ni Sir Isaac. Ni-isa sa amin ay walang nagsalita na sa tingin ko ay mas mabuti dahil minsan ay sinasaniban siya ng kasamaan.
Nang matapos akong magalmusal ay nagpaalam ako sa kanya na pupuntahan ko si Israel para asikasuhin.
Pagpasok ko sa kwarto ay naabutan ko si Israel na nasa study table niya at may ginagawa ito. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya para hindi niya maramdaman ang presensya ko.
Natigilan ako at napakagat sa pang ibabang labi nang makita ko ang dino-drawing niya.
Sa pinakataas na papel ay nakasulat na 'Happy Family'.
May drawing sa baba nito na tatlong tao. Ang maliit na ay nirerepresenta niya dahil may pangalan niya iyon sa baba. Nasa pagitan siya ng isang babae at lalaki habang hawak hawak ang kamay niya. Nakasulat doon ang pangalan ko at pangalan ni Sir Isaac.
"Happy Family." pagbanggit pa ni Israel.
"Mama Jane." tawag niya sa akin nang makita akong nasa likuran niya.
"Maggaling na po ako mag-drawing. Tingnan mo po ito." sabi niya at ipinagmalaki sa akin ang drawing na nakita ko kanina pa.
Parehas kaming napatingin sa pintuan nang marinig ang pagtikhim ni Sir Isaac. Hindi ko alam na sumunod din pala siya sa pagtaas dito sa kwarto ng anak niya.
"Mister Isaac let me show you my drawing." bibong sabi ni Israel at kinuha agad niya ang drawing upang ipakita iyon.
Sumunod ang tingin ko kay Sir Isaac at hinintay kung ano ang kanyang magiging reaksyon pagnakita iyong drawing.
"Did you like it po?" tanong ng anak niya.
Bagsak ang balikat ko nang hindi siya sumagot sa tanong ng kanyang anak. Batid kong hindi niya nagustuhan ang drawing at nakakasiguro akong magiiba na naman ang trato nito sa akin mamaya.
Binalik niya ang drawing kay Israel at matapos 'nun ay hinawakan niya ang kamay nito at sabay silang naglakad palabas ng kwarto.
"Si Mama Jane po."
"Susunod siya sa atin pagkatapos linisin itong kwarto mo."
Pilit akong ngumiti kahit medyo nasaktan ako sa trato ni Sir Isaac sa akin.
Mabilis kong nilinis ang kwarto ni Israel at hindi nawala sa isipan ko ang mga nangyari kanina.
Minsan ay nagguguluhan na talaga ako sa kanya. Umaakto siyang mabait sa akin pero mayamaya galit na naman.
Siguro may sapak siya sa utak?
Nang matapos maglinis ay lumabas na ako sa kwarto at hinanap ang mag ama.
Maghapon akong iniwasan ni Sir Isaac. Tanging anak lang niya ang kinakausap at pinapansin nito. Kumirot ang puso ko doon dahil hanggang ngayon ay hindi ko matansta kung paano siya pakikisamahan ng maayos.
Pagsapit ng alas quatro ng hapon ay malakas pa rin ang buhos ng ulan. Si Israel naman ay tulog kanina pa dahil na rin sa lamig ng panahon.
Nandito ako ngayon sa kusina at nagluluto ng macaroni soup bilang meryendalan.
Napakunot ang aking noo nang may marinig ako sa labas. Pinatay ko ang kalan at naglakad papuntang pintuan upang silipin kung bakit maingay sa labas.
"Good Afternoon Sir Isaac, these are the new perfume of our company, the Clare Femme." sabi ni Dianne, iyong Secretary niya na nakilala ko lang noong binisita namin siya sa kumpanya niya.
Inilagay ni Dianne ang isang malaking paper bag sa table at inilabas doon ang tatlong klase ng pabango. Sa hitsura nito ay alam kong pambabae ang mga pabangong iyon.
Nabalik na lamang ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Israel. Patakbo itong lumapit sa ama niya at sinalubong naman siya nito.
Napangiti ako nang nagpabuhat si Israel. "Si Mama Jane po?" tanong nito.
Nang marinig ko ang pangalan ko ay agad akong tumalikod at bumalik na sa ginagawa ko.
Tahimik kong tinapos ang pagluto ng meryendalan habang naririnig ko ang paguusap ng mag ama.
Mayamaya pa ay may narinig akong papasok dito sa kusina na siyang dahilan nang pagkatabig ko sa isang mangkok ng sopas. Tumapon ito sa kamay ko at naramdmaan ko laagad amg init ng sopas dahil kakasandok ko panlamang nito.
Nanlamig ang buong sistema ko at nanigas ako sa kinatatayuan nang may humawak sa kamay ko, si Jude.
Agad niyang kinuha ang pamunas na nakasabit sa kanyang balikat at dahan dahan iyon na ipinunas sa kamay ko na natapunan ng sopas.
Agad naman kaming napatingin sa bagong dating dahil sa malakas na pagtikhim nito. Nanlaki ang mata ko nang makita si Sir Isaac.
Pilit akong ngumiti at binati siya. Muli kong ibinaling ang tingin sa inihahandang pagkain at ramdam ko ang pagsunod niya ng tingin sa akin.
"Can I taste it?"
Nagsitaasan ang balahibo ko nang mapagtantong nasa likuran ko na siya. Tumango ako at inabot sa kanya ang kutsara pero hindi niya ito tinatanggap.
"Subuan mo ako." utos niya.
"Po?"
Nilakihan niya ang kanyang mata para gawin ko ang inuutos niya. Nanginginig akong nagsandok ng sopas at itinapat iyon sa bibig niya. Hinipan niya muna ito bago tikman ang sopas.
"Masarap." sambit niya at ngumiti ako.
Heto na naman siya sa ibang kilos ang pinapakita sa akin. Mamaya galit, mamaya ay maayos ang pakikitungo.
Nanatili siya sa tabi ko habang pinapanood akong maglagay ng sopas sa bawat mangkok na kinuha ko. Matapos 'nun ay inilagay ko ang mga ito sa tray para isahan kong madadala ang sopas sa hapag kainan.
"Ako na." sabi ni Sir Isaac at nagkatinginan kami parehas sa kanyang kamay na nakapatong sa kamay ko. Inalis niya ito at humingi siya ng paumanhin.
"Ako na ang magdadala. Puntahan mo na si Israel." aniya.
Marahan akong tumango at sinunod ang sinabi niya. Agad naman akong sinalubong ni Israel ng yakap nang makita ako. Niyakap ko siya pabalik at medyo ginulo ang kanyang buhok.
Nang dumating si Sir Isaac ay tinulungan ko nang makaupo ang kanyang anak para makakain na sila.
"Join us." aniya
"Ako po?" paniniguro ko kahit ako lang naman ang kasama nila.
Naupo ako sa tabi ni Israel para maalalayan ko siga sa pagkain. Matapos kumain ay inantok si Israel. Hinatid ko siya sa kanyang kwarto at hinitay na makatulog bago umalis.
Paglabas ko ng kwarto ay napahawak ako sa aking dibdib nang makita si Sir Isaac. Hinawakan niya ako sa palapulsuhan at sinenyasan na sumunod sa kanya.
Nakarating kami sa kanyang office at nakita ko sa ibabaw ng kanyang table ang pabango na dinala ng secretary niya.
"Sit down Jane." utos niya sa akin.
Naupo agad ako habang siya naman ay naupo sa tabi imbes sa office chair niya. Kinuha miya ang isang paper bag na naglalaman ng pabango at inilabas dito ang isang bottle.
"This is the new perfume of my company." sambit niya at binuksan niya ang perfume. Sandali pa ay ni-spray niya ito sa aking leeg. "This is called Clara Femme, inspired from my wife."
Nanigas ako sa kinauupuan nang ilapit niya ang mukha sa aking leeg at inamoy doon ang perfume na ni-spray niya.
Bakit pa kasi sa leeg ko? Pwede naman sa palapulsuhan ko.
Mas lalong hindi ako nakagalaw sa kinapwepwestuhan nang isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko.
"I miss you Clara." mahinang sambit niya at alam kong umiiyak siya.
"Sir Isaac hindi po ako si Clara." pagtatama ko pero umiling iling ito. Niyakap niya ako sa beywang at wala na akong naggawa kundi hayaan siya.
Hinayaan ko siya sa kung anong gusto niyang sabihin at gawin dahil sa tingin ko ay kailangan niya ng mapaglalabasan ng sakit at sama ng loob.
Wala pa akong asawa pero hindi ibig sabihin nito ay hindi ko kayang intindihin ang nararamdaman niya. Sino ba ang hindi masasaktan ng mamataya ng asawa? Eh wala naman.
Marahan kong hinagod ang kanyang likuran hanggang sa tumigil siya sa pag iyak. Hindi ko na naiwasan na ngumiti nang makita ko ang drawing ni Israel kanina na 'happy family' na nasa isang frame at nakaptanong mismo sa mismong table niya.
Maggulo talaga itong si Sir Isaac. May sapak nga ata talaga siya.
MISTERCAPTAIN
Professor
Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update. See you tomorrow.
Finally, I'm back 🥹
500 reads and 100 votes for next chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro