CHAPTER 7: SECRET
CHAPTER 7: Secret
Ilang araw na ang nakalipas mula nang sabihin sa akin ni Sir Isaac na siya ang nagbigay ng kulay blue na dress. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na binili niya iyon para sa akin.
Sa kabila noon ay napansin ko na rin ang pagiging malapit ni Israel sa ama niya. Hindi man niya sabihin pero alam ko na palagi niyang hinihintay ang Papa niya sa pag-uwi galing sa trabaho.
Ang paborito niyang laruan din ngayon ay iyong bili ni Sir Isaac sa kanya.
Nakakatuwa silang dalawa dahil kahit papaano ay nagiging magaan na ang loob nila sa isa't isa.
"I have a secret." bulong sa akin ni Israel habang binibihisan ko siya ng damit.
Wala siya ngayong pasok dahil holiday. Natawa na lang ako nang sabihin niya sa akin na malungkot daw siya dahil walang pasok.
Noong bata ako ay ganun din ako. Malungkot din ako kapag walang pasok pero nang tumanda na ag halos hilingin ko na sana ay walang pasok.
"Mister Isaac and I have a secret." paguulit niya.
Simula noong mag day-off ako ay wala itong ibang binabanggit sa akin kundi ang sekreto nilang dalawang mag-ama.
Hindi ko alam kung pinapainggitan ba ako or tinutukso na alamin ang sekreto nila.
"Ano ba 'yung sekreto niyo?" tanong ko sa kanya.
"Secret. Bawal sabihin." makulit niyang sabi. "Pero sasabihin ko sa iyo pag ni-gawan mo ako ng chocolate brownies."
Aba! Ang batang ito maruno nang makipag-deal. Ginamit pa talaga sa akin ang sekreto nila ng ama niya para lang gawan ko siya ng chocolate brownies.
"Oh sige. Gagawa tayo ng chocolate brownies." sabi ko sa kanya.
Tumalon talon si Israel habang pumapalakpak ito.
"Love kita Mama Jane." sabi nito at hinalikan ako sa pisngi.0
Magkahawak kami ng kamay nang bumaba. Pagdating sa kusina ay binati niya ang mga kapwa ko katulong. Nagpa-cute pa ito at napailing na lang ako sa kabibuhan niya.
Inihanda ko ang mga sangkap para sa paggawa ng chocolate brownies. Si Israel naman ay nakaupo lang sa tapat ko at pinapanood ko.
Nagsimula akong gumawa ng chocolate brownies at sandali pa ay nagpaalam sa akin si Israel na may kukunin lang daw siya.
Ang sabi ko ay sasamahan ko siya pero wag na daw dahil mabilis lang siya. Pagbalik niya ay may hawak itong cellphone. Cellphone iyon ni Madam Ivana.
"Pipicturan po kita." sabi ni Israel sa akin.
"Smile Mama Jane." sabi niya pa at ginawa ko naman.
Sa bawat kilos ay pinicturan ako ni Israel dahil rinig ko ang tunog nang pag-click ng camera. Kung minsan naman ay vinivideohan niya ako.
"Ang ganda mo Mama Jane." puri sa akin ni Israel sabay kindat.
Ang dami na talaga niyang nalalaman. Ewan ko na lang kung maging babaero ito nang wala sa oras. Baka maraming babae siyang mapaiyak.
"Lola Lita." tawag ni Israel sa kakadating na si Manang Lita. Nag-bless siya dito at ibinigay ang cellphone ni Madam Ivana sa kanya.
"Tutulungan ko po si Mama Jane. Picturan at videohan niyo po kami."
Kumuha si Israel ng upuan at tumuntong doon. Sinabihan ko siya mag-ingat dahil baka mahulog. Pinaupo ko siya sa kitchen table dahil nagaalala ako na baka mahulog siya kapag nakatayo siya sa upuan.
Tinulungan ako ni Israel sa paggawa ng chocolate brownies pero kasabay 'nun ay ang pagpapak niya ng chocolate. Kaya naman bago namin mailagay sa oven ang gawa namin ay puro chocolate ang bibig niya.
Nanlaki naman ang mata ko nang pahiran niya ng chocolate ang pisngi ko kaya gumanti ako. Naggantihan kami sa paglagay ng chocolate sa mukha habang si Manang Lita naman ay vinideohan lang ang kakulitan naming dalawa.
Nang maluto ang choclate brownies ay sa halip na agad kumain si Israel ay inilagay niya ito sa tupperware.
"Bisitahin po natin si Mister Isaac." aniya.
Nagkatinginan kami ni Manang Lita sa narinig. Alam kong may parte kay Israel na unti-unti na niyang natatanggap ang Papa niya.
Ngayon ko lang napagtanto na gusto niya ng chocolate brownies na hindi para sa kanya kundi para sa Papa niya.
"Maglinis muna tayo. Hindi tayo pwedneg pumunta doon na puro chocolate ang mukha." sabi ko at tumango tango ito habang nakangiti.
Binuhat ko siya pababa at sabay kaming naglakad pataas. Si Manang Lita naman ay nagsabing ibabalik na ang cellphone ni Madam Ivana.
Si Mang Robert ang nagdrive sa amin para makapunta sa kumpanya ni Sir Isaac. Nagdadrive pa rin naman si Mang Robert basta sa malapit na lugar lamang.
Nang makababa sa sasakyan ay tinanong kami ng guard kung saan at sino kami. Inihatid niya mismo kami papuntang reception at doon kami inasikaso ng mga tao.
"Si Ma'am Clara." rinig kong banggit ng mga empleyado.
Napagkamalan ata nilang asawa ako ni Sir Isaac. Siguro ay alam nilang may asawa at anak siya pero hindi nila alam ang hitsura.
Hinatid kami ni Dianne na nagpakilalang assistant ni Sir Isaac. Inihatid niya kami hanggang sa pintuan ng office.
Kumatok muna ako at sandali pa ay bumukas ang pintuan.
"Mister Isaac." sambit ni Israel nang makapasok kami.
Bakas naman sa mukha ni Sir Isaac at nang kausap niya ang pagkagulat nang makita ako. May dumi ba ako sa mukha?
"Ginawan ka namin ng chocolate brownies ni Mama Jane." sabi ni Israel at naglakad ito palapit sa kanya.
Inilabas niya ang tupperware na naglalaman ng chocolate brownies sa paper bag at direktang itong binigay sa ama niya.
"I hope you like it po Mister Isaac."
"Thank you."
"You're welcome po."
Nanatili lang akong nakatayo sa isang gilid habang pinagmamasdan ang mag-ama. Pero sa kabila 'nun ay hindi ako mapakali sa isa pang lalaki na nakatitig sa akin.
"I know what you're thinking. I'll explain it to you, later." sabi ni Sir Isaac sa lalaki na ikinakunot ng noo ko.
Buong oras nang nasa office kami ay magkausap ang mag-ama havang ako ay nakaupo lang sa isang gilid na binigay ng sekretarya ni Sir Isaac.
"Good po ako ngayon. Hindi ko sinabi 'yung secrets natin kahit kanino." rinig kong sabi Israel sa ama niya.
Anong good? Eh ginamit mo laban sa akin yung secrets niyo para lang gumawa ko ng chocolate brownies. Mabuti na lang at pinagbigayan ko siya.
Ang batang iyon?!
"Hindi ko sinabi na ipo-protect ko siya from other boys, na bawal may lumapit sa kanya na lalaki except us." nanlaki ang mata ko sa narinig.
Dahan dahan akong lumingon sa kanilang dalawa at nakita ko si Sir Isaac na nakahawak sa sentido.
"Hindi ko din sinabi kay Mama Jane na sinundan natin siya noong nagde-date sila ni Kuya Jude. And also when you saw her looking to that blue dress na binili mo din."
"Good po ako Mister Isaac dahil I keep promises na hindi ko ipagsasabi ang secrets natin."
Mahina akong natawa at hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Israel. Hindi ako makapaniwala na ang sikreto nila ay tungkol sa akin.
Napapaisip tuloy ako kung bakit ganun ang mga ginawa ni Sir Isaac?
"Very good anak, hindi mo nga talaga sinabi yung secrets natin." sarkasmong sabi niya sa anak.
...
Ilang oras ang tinagal namin sa kumpanya ni Sir Isaac hanggang sa napagdesisyunan na namin na umuwi.
Nakwento ni Israel sa ama niya na palagi na lang ito nagtatrabaho at nagtanong ito kung
bakit laging late umuwi. Kaya naman sa paguwi naman ay sumabay si Sir Isaac.
"Mama Ja— Jane I mean." nagguguluhan na sabi ni Sir Isaac habang nasa loob kami ng sasakyan.
Nasa likod kami nakaupo dahil may sariling driver si Sir Isaac. Nakaupo si Israel pagitan namin ni Sir Isaac at nakatingin lamang sa daan.
Ang sasakyan naman na ginamit namin kanina papunta na kung saan si Mang Robert ang driver ay pinauna na ni Sir Isaac.
"P-po?"
"Ayan na naman tayo sa 'po'." saway niya sa akin at nag-peace sign ako.
"Kalimutan mo lahat ng sinabi ng anak ko." sabi niya sa akin na ikinataas ng kilay ko.
"Sige po. Kakalimutan ko po na sinundan niyo ako noong day-off ko. At nakita mo akong nakatingin sa blue dress kaya binili mo. At pinabantayn mo ako kay Israel na bawal may lumapit sa akin na ibang lalaki." sagot ko at nakita ko ang pamumula ni Sir Isaac.
"Shit!" rinig kong bulong niya at natawa na lang ako.
Unti-unting naglaho ang ngiti ko sa labi nang marinig ang sunod niyang binulong.
"Mukhang sa iyo nagmana ang anak natin?!"
Itinuon ko ang tingin sa may bintana at isinantabi ang sinabi ni Sir Isaac. Sigurado akong mahihirapan na naman akong makatulog mamaya.
Bago umuwi ay dumaan kami sa isang Flower Boutique. Bumili ng bulaklak si Sir Isaac at hindi ko alam kung para kanino iyon.
"Ito din, bilhin mo Mister Isaac." sabi ni Israel na mag isang kumuha ng bulaklak kaya naggulat ako.
"Ibibigay ko ito kay Mama Jane." turo niya sa isang bulaklak. "At itong isa naman ay kay Lola."
Kinuha ni Sir Isaac ang bulaklak na hawak ng anak niya at isinama ito sa pagbayad sa counter.
Pagbalik sa loob ng sasakyan ay binigay sa akin ni Israel ang isang rosas. Wala iyong tinik sa katawan kaya madali lang hawakan.
"Love kita Mama Jane." sabi niya pa at umangat ito nang pagkakaupo para mahalikan ako sa pisngi.
"Love din kita. Salamat sa bulaklak."
Napatingin naman ako kay Sir Isaac nang iabot niya sa akin ang isang bouquet. Nagdalawang isip pa ako na tanggapin iyon.
"This flower is for you. Thank you for loving and taking care to my son." nahihiya niyang sabi at hindi maggawang tumingin sa akin.
"Thank you Sir."
"Andaya, nibigyan mo siya ng big at many flowers. Dapat ganyan din ang pinili ko." pagmamaktol ni Israel.
"Next time." nakangising sagot ni Sir Isaac sa anak niya na para mag kompetisyon sa pagbibigay ng bulaklak.
Pagdating namin sa mansyon ay patakbong lumapit si Israel sa Lolo't Lola niya. Binigay niya agad ang bulaklak kay Madam Ivana.
"Love kita Lola." sambit niya pa dito.
Napabaling ang atensyon naming lahat nang ibigay ni Sir Isaac ang bouquet sa Mama niya.
"For you Ma." maamong tupa niyang sabi. Malayong malayo sa pagiging masungit niya.
Naggulat si Madam Ivana sa ikinilos ni Sir Isaac kung kaya nanubig ang mata nito. Tumayo ito sa kinauupuan niya at niyakap ang anak.
"Ako din." singit na sabi ni Israel at nakiyakap sa kanila.
Tumayo si Sir Sean at sumama sa kanilang yakapan. Sandali pa ay sinenyasan ako ni Madam Ivana na sumama sa kanila at nahihiya akong lumapit.
Sumama ako sa pagyakap sa kanila at halos hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil ngayon lang ito nangyari sa buhay ko.
Simula pagkabata at lumaki ako sa ampunan. Wala akong kila. Ni hindi ko alam kung may kapatid ako o kung anong hitsura ng magulang.
Pero nang pumasok ako dito sa mansyon ng mga Perez para magtrabaho ay hindi ko naramdaman na katulong ako. Kailanman ay hindi naging mababa ang tingin nila sa aming mga nagtatrabaho.
Bukod nga lang kay Sir Isaac na ubod na sungit sa akin simula nang makita ko siya. Hindi ko alam kung mababa talaga ang tingin niya sa amin o sadyang masungit lang talaga siya sa kahit sino.
"Happy Family." bibong sabi ni Israel.
Oras ng gabihan ay nasa kusina ako nang bigla akong tawagin ni Sir Isaac. Nanlaki ang mata ko nang sabihin nitong sumabay ako sa kanila sa pagkain.
Dalawang beses kong sinigurado ang sinabi niya dahil baka nagkakamali ako ng dinig. Sa huli ay tama ang narinig ko.
Pagdating namin sa dining table ay inalalayan pa niya akong makaupo sa tabi ni Israel.
"Mama Jane." tawag sa akin ni Israel at ngumiti ito.
"Love mo na po si Mama Jane, Mister Isaac?" inosenteng tanong ng anak niya at lahat kami nabulunan.
Hindi sumagot si Sir Isaac sa tanong ni Israel kaya inulit pa nito ang tanong kaya ngayon ay nasa kanya ang atensyon ng lahat.
"Love mo na po si Mama Jane, Mister Isaac?"
"Ah-mm"
"Hindi kita love kung hindi mo love si Mama Jane."
"Basta mahal kita anak." ibang sagot ni Sir Isaac.
Umiling si Israel at parang hindi niya naggustuhan ang sagot ng kanyang ama.
MISTERCAPTAIN
Professor
(JANUARY 23, 2023)
Thanks for reading! Pasensya kung na-late dahil may pasok na kami. College moments!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro