Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6: BLUE DRESS

Chapter 6: Blue Dress

     
Day-off ko ngayong araw at papunta ako ngayon sa office ni Madam Ivana dito sa loob ng mansyon. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ay bumuntong hininga ako at tsaka kumatok.

Sandali pa ay bumukas ang pintuan at pinapasok ako ni Madam Ivana.

"Magpapaalam po ako na aalis." nahihiya kong sabi.

"I forgot that its your day-off today."

"Ayos lang po. Mapaalam lang po ako bago umalis dahil baka hanapin niyo po ako."

"Saan ba ang punta mo hija?" tanong niya sa akin.

"Sa mall lang po."

Tumango tango siya at sandali pa ay hinawakan ako nito sa balikat. "Sandali lang at bibigyan kita ng extra na pera. Bilhin mo 'yung mga gusto mo."

Naglakad siya papuntang table at may kinuha sa isang sulok. Naggulat ako nang abutan niya ako ng pera. "Wag kang mahiya na humingi ng pera kung kulang pa."

"Wag na ho! Sapat na po iyong pera na sinusweldo ko at tsaka nakatabi na rin po ako ng pera ko para sa pag-aaral." paliwanag ko.

Kinuha niya ang kamay ko at ibinuka ang palad at inilagay niya doon ang pera. "Tanggapin mo." pinal niyang sabi at napakamot na lamang ako sa ulo dahil mapilit talaga si Mrs. Perez.

Pinatawag niya si Jude para ihatid ako at samahan sa mall. Ang sabi ko naman ay pwede naman akong mag-taxi or tricycle pero hindi pa rin ako pinayagan. Si Jude na daw ang bahala sa akin.

Pagkalabas sa office ni Madam Ivana ay nagasikaso na ako sa sarili ko. Matapos 'nun aay dumiretso ako sa kwarto ni Israel.

"Good Morning Mama Jane ko." bati niya sa akin.

Wala siyang pasok ngayon kaya pwede siyang maghapon maglaro. Alam din niya ang schedule ng day-off ko kaya naman nakabusangot na naman ang kanyang mukha.

"Ma-mimiss kita." sambit niya at niyakap ako.

Patago na lang akong natawa dahil akala mo naman ay ilang araw akong mawawala eh oras lang naman.

Nagkaroon kami ng ilang minutong kwentuhan hanggang sa napagpasyahan ko na umalis na.

Hawak hawak ni Israel ang kamay ko habang naglalakad kami pababa. Ihahatid daw niya ako hanggang sasakyan.

"Good Morning po Kuya Jude." bati ni Israel at nag-apiran silang dalawa.

"Ikaw po ba ang kasama ni Mama Jane?" paguusisa niya at tumango si Jude.

"Ah sige po. Ingatan niyo po ang Mama Jane ko dahil ako ang makakabangga mo kapag hindi." banta ni Israel kay Jude at pinanlakihan ko siya ng mata.

Minsan talaga ay umiiral ang kapilyuhan ng batang ito.

Kahapon lang nakilala ni Israel si Jude at tuwang tuwa ito dahil may bago na naman siyang nakilala.

Sabay kaming naglakad ni Jude papuntang sasakyan habang si Israel ay naiwan sa pintuan at nakasunod sa amin ng tingin.

"Love kita Mama Jane." rinig kong sigaw ni Israel at ipinorma niya ang maliit na kamay sa hugis puso.

Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan at ipinorma ko ang aking kamay katulad nang sa kanya. "Love din kita." sagot ko.

"Bye po Kuya Jude." rinig kong sabi pa nito at napasok na lamang ako sa aking noo nang makita kong nakataas ang kanyang kamao na para bang pinagbabantaan si Jude na ayusin niya.

Nagkatinginan kami ni Jude at napangiti na lamang.

Ang batang iyon talaga!

Binuksan ni Jude ang makina ng sasakyan at bago makalabas ang sasakyan sa mansyon ay nakita ko na sumulpot si Sir Isaac sa gilid ni Israel na ikinagulat ko.

"Where are they going?" rinig kong tanong ni Sir Isaac pero hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya kung ang sarili ba niya or anak niya.

"Magde-date po sila." sabi ni Israel na ikinagulat ko.

Gusto kong magpaliwanag at baguhin ang sinabi ni Israel pero umandar na ang sasakyan palabas ng mansyon.

Napailing na lamang ako at wala ng naggawa.

Habang nasa biyahe ay nagkwekwento ni Jude tungkol sa pag-aaral niya. Exam week niya daw next week. Ipinaalam na rin daw niya ito kaya wala siya sa mansyon sa susunod na linggo.

Hindi ko maiwasan ang humanga kay Jude sa kung paano siya magsumikap sa buhay.

Tatlo silang magkakapatid at siya daw ang panganay. Sa susunod na taon ay dalawa na silang nasa kolehiyo at alam niyang maggastos kaya naman nagiipon daw siya ngayon dahil alam niyang hindi nila kakayanin ang gastusin.

Pagdating sa mall ay naglibot libot muna kami. Plano ko sanang bumili ng damit ko dahil ang ibang sinusuot ko ay luma na at ang iba ay hindi na kasya sa akin.

Pumasok kami sa clothes boutique at nagsimula akong pumili. Sa bawat pagsukat ko ng damit na napipili ko at pinapakita ko kay Jude kung ayos lang.

"Bagay na bagay po sa girlfriend mo." sabi ng isang saleslady kay Jude.

Hindi na kami nagsalita ni Jude at hinayaan na lang ang saleslady sa sinabi.

May kamahalan ang mga damit kaya konti lang ang binili ko.

Palabas na sana kami ng boutique nang makita ko ang kulay blue na dress na naka-display. Nakasuot ito sa isang mannequin stand.

Nilapitan ko ang kulay blue na dress. Halos titigan ko ito dahil sa ganda. Hinanap ko ang tag price nito at nanlaki na lang ang mata ko sa mahal nito.

Doble ng sweldo ko sa isang buwan ang halaga nito. Maganda ang dress pero sakit sa bulsa ang presyo nito.

"Gusto mo?" tanong ni Jude sa akin habang nakatingin sa dress na tinitingnan ko.

"Hindi." pagsisinungaling ko.

"Tara na, kain na tayo." pagiiba ko at hinawakan siya sa kamay para hilahin palabas ng boutique.

Naghanap kami nang makakainan namin ni Jude. Nang makapasok sa medyo mumurahin na fast food chain ay siya na ang nag-order habang ako naman ay naghanap nang mauupuan namin.

Sinabi ko kay Jude na ako na babayaran ko ang pagkain ko pero sagot na daw niya. Sinubukan ko na makipagtalo sa kanya pero sa huli ay wala akong naggawa kundi anv magpaubaya.

Siya ang nagbayad ng pagkain ko.

Ilang sandali pa ay nakita ko si Jude na bitbit ang ni-order na pagkain. Itinaas ko ang kamay ko para makita niya ako.

Pagkaupo niya sa tapat ko ay inilapag niya ang pagkain sa harap ko at nagdasal muna kami bago kumain.

Nakakaisang subo pa lang ako nang biglang may tumawag sa akin.

"Mama Jane." paglingon ko sa kabilang table ay naroon sina Israel at Sir Isaac na kaka-order lang din. Maging si Jude ay naggulat nanv makita sila.

"Bakit kayo nandito?" tanonng ko kay Israel.

"Kanina pa po namin kayo sinusund—"

Hindi natapos ni Israel ang sasabihin nang tinakluban ni Sir Isaac ang bibig niya. "Let's eat." masungit na sabi niya dito.

"May nibili din kami na pambabae na da—"

Muling hindi natapos ni Israel ang sasabihin nang sinalpakan ni Sir Isaac ng fries ang bibig ng anak niya.

"Ang daldal mo anak. Kumain ka na." saway niya dito.

Buong oras nang pagkakain namin ni Jude ay hindi namin maggawang magsalita o magkwentuhan dahil sa presensya ni Sir Isaac. Panay din ang tingin nito sa amin sa hindi malamang dahilan.

Si Israel naman ay tumahimik na at kumain na lang ito ng kumain. Sa sobrang katakawan niya ay nakain na rin niya ang isang fried chicken na ulam ng kanyang ama.

Naglibot libot kami ni Jude sa buong mall. Pero sa bawat lakad namin ay naririnig ko ang boses ni Israel. Kapag titingin naman ako sa paligid ay wala naman siya.

Feeling ko rin ay kay sumusunod sa amin ni Jude pero sa huli ay napailing na lang ako sa sarili dahil baka guni-guni ko lang ang lahat.

...

Nang makauwi ako sa mansyon ay sinalubong ako ni Manang Lita. Kinamusta nito ang araw ako at sinabi kong ayos lang.

Nabanggit ko rin sa kanya na nakita ko sina Sir Isaac at Israel sa mall. Ang kwento naman ni Manang Lita sa akin ay nagtataka daw siya kaninang umaga kung bakit nagmamadaling umalis ang dalawa.

Dumiretso ako sa kwarto namin bitbit ang mga pinamili ko para sa sarili habang si Jude naman ay nagpaalam na uuwi na.

Nang maayos ko ang pinamili ko ay naligo akong muli. Pero laking pagtataka ko nang may isang paper bag sa ibabaw ng kama ko.

Kinuha ko iyon at binuksan. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang laman nito. Ito yung kulay blue na dress sa boutique kanina na gustong gusto ko kaso mahal.

"Sino naman ang naglagay nito dito?" bulong ko sa sarili.

Imposible naman na binili ko ito eh hindi sasapat ang pera ko dito.

Nagmadali akong magbihis para makalabas agad ng kwarto. Tatanungin ko si Manang Lita kung siya ba ang naglagay ng paper bag sa ibabaw ng kama ko.

"Mama Jane." rinig kong tawag sa akon ni Israel. Nakabalik na pala sila.

"Nibilhan ako ni Mister Isaac ng toys." pagbanggit nito at ipinakita niya sa akin ang laruan.

"May secret din kaming dalawa pero sabi niya ay wag ko daw sasabihin sa iyo." sambit pa nito.

Napailing na lamang ako sa sinabi niya. Bawal pala sa akin sabihin pero sinabi niya.

Nakung bata ito!

Sumapit ang gabi ay tulog na ang lahat. Kaninang gabihan naman ay nakita ko si Sir Isaac at tahimik lamang itong kumakain.

Kinamusta ako ni Madam Ivana tungkol sa naging araw ko ngayon at sinabi kong ayos lang naman.

Oras na ngayon ng pagtulog at hindi na naman ako dinadalaw ng antok dahil iniisip ko kung sino ang nagbigay sa akin nung blue dress.

Hindi kaya si Jude?!

🤔

Wala pa si Manang Lita ngayon dito sa kwarto. Nakikipagligawan pa ata kay Mang Robert.

Bumaba ako sa kama at pumuntang kusina para uminom ng tubig. Pagkuha ko nang pitsel sa ref ay naggulat ako nang makita ko si Sir Isaac.

"Good Evening po." bati ko sa kanya at tinaasan niya lang ako ng isang kilay.

Nagsalin ako ng tubig sa baso ko habang siya naman ay kumuha ng baso at inilagay iyon sa tabi ng baso ko.

"Tubig po?" tanong ko at tumango siya.

Sinalinan ko ng tubig ang kanyang baso.

"Did you enjoy your date today?"

"Hindi po iyon date." sagot ko.

"Tss!"

Ininom ko ang tubig ko at hindi ko maggawang tumingin kay Sir Isaac.

"Hindi ka makatulog?" tanong niya sa akin na ipinagtaka ko.

Ano bang pake niya?

"Opo."

"Don't use 'po' on me. Ganun na ba ako katanda?!"

Naupo siya sa may kitchen island habang ako naman ay nakatingin lang sa baso ko. Nagiisip ako kung paano ako makakaalis.

"Let's talk." malumanay nitong sabi at tinapik niya ang katabing upuan. Sinenyasan niya ako na maupo doon pero hindi ko ginawa.

Akmang aalis na ako nang hawakan niya ako sa palapulsuhan. "Let's talk hhmm..."

Ang kanyang mata na nakatitig sa akin ay parang naghipnotismo sa akin para maupo sa upuan na isinenyas niya sa akin.

"How's your day? Bakit hindi ka makatulog?" tanong niya sa akin.

Sana araw-araw na lang siya sinasapian ng anghel.

"Okay lang naman." maikling sagot.

Kumunot ang noo niya na para bang kulang ang sagot ko.

"So bakit hindi ka makatulog?"

"Aa-hh ano po k-kasi yung ano..."

"What is it?"

"May nakalagay po kasi na paper bag sa kama ko kanina. Hindi ko alam kung kanino nanggaling. Pero baka kay Jude po galing, itatanong ko pa lang sa kanya."

"Really huh?!" dismayado niyang sabi. "Si Jude na naman." bulong niya na ipinagtaka ko.

"Ano pong meron kay Jude?" tanong ko sa kanya at umiling ito.

"Lets go, ihahatid kita sa kwarto mo." sabi niya.

Seryoso ba siya?!

Tumayo ako sa kinauupuan at sumunod siya sa akin. Nang makarating kami sa tapat ng pintuan namin ng kwarto ni Manang Lita ay tumingin ako sa kanya.

"Pasok na po ako Sir. " sambit ko.

Nakita ko ang paghawak niya sa kanyang batok. "Goodnight Jane." sabi niya sa akin at ngumti lang ako.

Ngayong ang unang beses niyang binaggit ang pangalan ko.

"I'm the one who put the paper bag on your bed. I bought that blue dress for you." aniya na ikinagulat ko.

Hindi ako makaggalaw sa kinatatayuan. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko kung kaya hindi ko namalayan na nakaalis na siya sa harao ko at naiwan aomkong nakatulala.

  

MISTERCAPTAIN
Professor
(January 20, 2023)

Thanks for reading! 500 reads and 90 votes for next chapter.

Anong masasabi niyo sa chapter na ito?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro