CHAPTER 4: CHOCOLATE BROWNIES
CHAPTER 4
CHOCOLATE BROWNIES
Mahimbing ang aking tulog habang nakayapak sa akin si Israel nang may yumugyog sa katawan ko kung kaya naggising ako.
Wala pa ako sa wisyo nang minulat ko ang mata. Inaantok pa ako at gusto ko pang matulog pero naggulat ako nang makita ko si Sir Isaac.
"Ay multo!"
Napahawak ako sa aking bibig dahil napalakas ang pagsalita ko. Nakakagulat naman itong si Sir Isaac.
Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap sa akin ni Israel at bumangon sa kama. Sandali pa ay nagtaka ako nang biglang tumalikod si Sir Isaac sa akin.
Hinawakan ko siya sa balikat at pilit na inihaharap sa akin. "Sir Isaac." pagtawag ko dito.
Masungit ako notong nilingon at itinama niya ang pagtawag ko sa inyo. "Its Arthur...."
"A-nd ahmm... can you please wear yor bra." nauutal nitong sabi sa akin.
Agad ako napatakip sa dibdib ko at patakbong pumunta ng CR. Kaya pala siya tumalikod kanina noong bumangon ako.
Napatingin ako sa salamin at napasapok na lang ako sa noo nang makitang bakas ang utong ko sa suot na puting sando.
"Nakakahiya." bulong ko sa sarili ko.
Itinali ko nang isahan ang buhok at naghilamos. Pagkatapos kong mag-toothbrush ay sumilip muna ako sa pintuan kung nandoon pa rin si Sir Isaac.
Nakahinga ako nang maluwag nang wala siya doon at agad kong kinuha ang bra ko at isinuot ito.
Naglakad ako sa may pintuan at doon ko naabutan si Sir Isaac na mukhang hinihintay akong matapos.
"Gusto niyo pong tabihan ang anak niyo Sir Arthur?" tanong ko dito at tumango lang siya.
Muli siyang pumasok sa kwarto ko. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan. Sandali pa ay tuminingn siya kay Israel at nilapitan ito sa kama.
Hinubad ni Sir Isaac ang kanyang sapatos at nahiga kasama ng anak niya. Napangiti na lamang ako nang yakapin niya ang anak.
Sinenyasan ko siya na lalabas muna at iiwan sila at tumango lang ito sa akin.
Nagguguluhan ako sa ikinikilos ni Sir Isaac. Minsan mahal niya ang anak niya at minsan ay parang wala siya ditong pakialam. Mas magulo pa ata siya sa aming mga babae.
Pagbaba ko ay nagtaka ako kung bakit bukas halos ang ilaw sa buong mansyon. Gising na rin ang ibang katulong at mga nagaasikaso ito.
Tiningnan ko ang orasan at magaala-singko pa lang naman. Anong meron?
Nilapitan ko si Manang Lita na ngayon ay nagbibigay ng instructions sa mga katulong.
"Ano pong meron?" tanong ko at ngumiti ito sa akin.
"Dito muna titira si Sir Arthur kasama ang anak niya." masayang sagot niya.
Agad naman akong tumulong sa iba sa pagbuhat ng mga gamit ni Sir Isaac. Ang kanyang kwarto ay malapit lang sa kwarto ng kanyang anak, kung kaya malapit lang din ang kwarto niya sa akin.
"Masayang masaya sina Madam Ivana dahil bumalik dito yung anak niya." sabi sa akin mg isang katulong.
"Nagtext daw po pala si Sir Arthur kay Madam na lilipat dito pagkatapos ng trabaho. Kaya ang ibig sabihin ay kakatapos lang niyang magtrabaho." kwento pa niya sa akin.
Naglakad ako papuntang kwarto ko. Pagbukas ko ng pintuan ay naabutan kong mahimbing ang tulog nang mag-ama.
Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan silang dalawa.
"Ang cute nilang dalawa." sambit ko.
Muli akong lumabas at nagsimulang magluto nang almusalan. Si Manang Lita ay pinigilan na naman akong tumulong pero hinayaan niya ako nang bigla ko siyang asarin kay Mang Robert.
Nang sumapit na ang ala-sais (6:00AM) ay ginising ko na ang mag-ama. Ayoko pa sanang gisingin si Sir Isaac dahil alam kong pagod siya pero baka paggalitan niya ako na inasikaso ko si Israel na hindi ko man lang siya ginising.
Naunang maggising si Sir Isaac sumunod ang kanyang anak pero naggulat ito nang makita ang Papa niya. Agad itong humiwalay sa pagkakayakap dito at patakbong lumapit sa akin na para bang takot siya sa sarili niyang ama.
"Good Morning Mama Jane." bati nito sa akin at sinenyasan ako na pumantay sa kanya para mahalikan ako sa pisngi.
Napabaling ako kay Sir Isaac nang batiin niya ang kanyang anak. "Good Morning anak."
Bagsak ang balikat niya nang hindi siya lingunin ni Israe. Umiling iling ito at hinawakan ang dulo ng damit ko.
"Tara na po Mama Jane. I'm gutom na." sabi nito sa akin at hinila ako palabas.
Napahilamos si Sir Isaac gamit ang kanyang nga kamay dahil sa ikinilos ng kanyang anak.
"Sorry." sambit ko sa kanya at sinenyasan siya na sumunod sa amin.
Magkahawak ang kamay namin ni Israel nang bumaba. Binati nito ang lolo at lola niya at tsaka naupo.
Hindi agad kami nagsimulang kumain dahil hinintay namin si Sir Isaac.
Palagi akong katabi ni Israel sa pagkain pero hindi ko siya tinabihan. Sa halip ay naupo ako sa tapat niya dahil ang upuan niya sa tabi ay para sa ama niya.
Nang dumating si Sir Isaac ay mauupo na sana ito sa tabi ng anak niya pero bigla ako nitong tinawag.
"Mama Jane, dito ka po sa tabi ko." sabi niya sa akin.
Napatingin sa kanya ang Lolo't lola niya dahil sa kanyang sinabi.
"Hindi pwede, ang papa mo ang uupo sa tabi mo." ani ko.
"Wala naman akong Papa." sagot pa ni Israel.
Magsasalita pa sana ako para pagsabihan siya pero pinigilan ako ni Sir Isaac.
"I'm just going to sit here." sabi ni Sir Isaac sabay turo sa isang upuan na bakante.
Nakita ko ang paglapit ni Sir Isaac sa anak niya at nilagyan nito ng pagkain ang plato. Nagtatakang nakatingin sa kanya si Israel at nakanguso ito.
"Kaya ko naman po magsandok." sabi ni Israel sa ama. "Tinuruan ako ni Mama Jane." dugtong pa nito.
Mapait na napangiti si Sir Isaac bago magsandok ng pagkain na para sa kanya.
...
Kasalukuyan kong binibihisan si Israe nang uniform at pinagsasabihan ko siya tungkol sa ginawa niya kanina.
Alam ko na galit siya sa tunay niyang ama dahil iniwan siya nito pero gusto kong ipaliwanag sa kanya na bumabawi lang sa kanya ang Papa niya.
Matapos siyang bihisan ay hinalikan ako nito sa pisngi at nag-sorry. "Magiging mabuti na bata na po ako." sabi niya at itinaas pa ang kanang kamay na parang namamanata sa akin.
"Mauna ka na sa baba dahil mag aayos lang ako." sabi ko sa kanya.
Nang makalabas si Israel sa kwarto ay agad ko naman na inasikaso ang sarili. Nang makaligo at nakabihis na ako ay dumiretso ako sa kwarto ni Sir Isaac.
Ilang katok ang ginawa ko pero hindj ito bumubukas kaya binuksan ko na ang pintuan. Mabuti na lang ay hindi ito naka-lock kaya nakapasok ako.
Naglakad lakad ako sa loob para hanapin si Sir Isaac pero natigilan ako nang marinig ko siyang nagsasalita.
"Napakawalang kwenta kong ama." rinig kong sabi niya. Nang sinilip ko siya ay may kausap ito sa cellphone niya.
Napakagat ako sa labi nang makita kong umiiyak siya.
Sobrang sama ko na ba para pagisipan siya ng masama? Bakit ko ba mas inuna siyang husgahan eh hindi ko naman alam ang nangyari noon.
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto niya at umakto na walang narinig doon.
Naglakad ako pababa at napapaisip ako kung sino ang kausap niya kanina. Baka asawa niya.
Asawa niya, sa madaling salita ang tunay na Mama ni Israel. Parang may isang punyal na tumusok sa dibdib ko dahil sa naisip.
Hindi ko naisip na darating ang araw na hindi ko na makakasama si Israel. May tunay na magulang siya at isa pa ay habang lumalaki siya ay hindi na niya kailangan ng yaya.
Inihatid kami ni Sir Isaac sa school ng anak niya. Matapos 'nun ay naggulat ako nang tanungin niya ako tungkol sa kung anong paboritong pagkain ni Israel.
"Chocolate brownies." sagot ko dito at tumango tango siya.
"Habaan mo pa ang pasensya mo kay Israel. Naninibago lang 'yun."
...
Hinintay ko sa waiting area si Israel at nang tapos na ang klase niya ay nakita kong nagpaalam ito sa kambal na kaklase niya na sina Pauline at Pamela.
Sakto naman ang pagdating ni Sir Isaac. Ang akala ko ay si Mang Robert ang susundo sa amin pero naggulat ako nang nasa labas ang sasakyan niya.
Nang bumaba ito ay agad siyang lumapit sa anak pero hindi siya pinansin ni Israel.
Pagsakay sa loob ng sasakyan ay nasa likod pa rin kaming dalawa ng anak niya. Sandali pa ay may kinuha ito sa passenger seat at hinarap kami.
"Ahmm a-anak binilhan kita ng chocolate brownies, favorite mo daw ito."
Mapait na ngumiti si Sir Isaac nang hindi pa rin siya pansinin ng anak. Hindi rin nito kinibo ang chocolate brownies na bigay nito kaya ako na ang kumuha para iabot kay Israel.
Pagdating sa mansyon ay agad inilapag ko ang chocolate brownies sa side table ng kama ni Israel.
Hindi ko alam kung paano ipapaintindi kay Israel ang lahat. Siguro ay mas makakabuti kung unti-unti niyang makita ang effort ng kanyang ama, na mahal siya nito.
Mukhang nagtampo din siya sa akin dahil hindi niya ako kinakausap. Mag-isa rin siyang nagpalit ng damit at agad na nahiga sa kama.
Matigas ang ulo ng ama niya at mukhang alam ko na kung saan siya nagmana.
"Hindi niyo po sana pinaggamit yung kwarto na iyon sa kanya!" rinig kong sigaw ni Sir Isaac nang makababa ako.
Naabutan ko siyang kausap si Ma'am Ivana.
"Katulong lang naman siya pero bakit may special treatment doon sa babaeng iyon?! Ma, alam mong naging kwarto iyon ng asawa ko bago kami ikasal."
Hindi ko alam kung anong gagawin at sasabihin ko sa mga narinig ko. Masakit ang mga sinabi ni Sir Isaac pero iyon lang naman ang katotohanan.
"Hayaan niyo po at lilipat na ako ng kwarto." pagsingit ko sa usapan nila at agad silang napatingin aa gawi ko.
"Wala pong problema." sabi ko pa at pinilit ko na wag umiyak sa harapan nila.
Bago pa tuluyang tumulo ang luha ko ay agad akong tumalikod at naglakad papuntang kwarto. Ni-lock ko ang pintuan at napasandal na lamang ako dito habang umiiyak.
Natigil na lamang ako sa pagiyak nang marinig ko ang boses ni Ma'am Ivana sa labas. Kumakatok ito at kasabay 'nun ang pagtawag sa akin.
Pinunasan ko ang mukha at dumiretso sa banyo para maghilamos. Ayokong humarap sa kanya na umiyak ako.
"Pasensya na po kung natagalan ako sa pagbukas ng pinto." sabi ko.
"Inaayos ko na po 'yung gamit ko. Doon na lang po ulit ako sa kwarto ni Manang Lita, double deck naman po iyon." tuloy tuloy kong sabi at iniwasan ko ang mga tingin niya.
"Hayaan mo iyong sinabi ng anak ko. Sadyang maldito iyon." sabi niya sa akin.
"Hindi po, tama naman po siya. At tsaka ayoko pong magtalo kayo nang dahil lang sa akin." sagot ko.
Sinubukan pa niya akong kumbinsihin na 'wag nang lumipat nang kwarto pero sa huli ay hinayaan niya akong magpasya.
Iniligpit ko ang gamit ko at inilipat iyon sa kwarto ni Manang Lita. Matapos 'nun ay dumiretso ako sa kwarto ni Israel.
Hinanap ko siyang nang madatnan kong wala siya sa kama. Kumunot din ang noo ko nang makita ko na wala na ang chocolate brownies sa side table niya.
Nang malibot ko ang buong kwarto ay pumunta ako sa kabilang kwarto kung saan nandoon ang mga laruan niya.
Naabutan ko siyang naglalaro doon ng mga sasakyan niyang laruan. Napatingin siya sa akin nang maramdaman ang presensya ko.
"Nawawala doon ang chocolate brownies." sabi ko sa kanya at nagkibit balikat siya.
"Kinain mo ba?" tanong ko pa dito at naupo sa tapat niya.
"Kinain mo ba?" pagulit ko sa tanong at umiling siya.
Patago na lamang akong natawa nang makita ko ang ebidensya sa gilid ng kanyang labi. May chocolate na natira doon.
"Kinain mo ata." pangaasar ko at natawa ito.
"No, I didn't." sabi niya pa pero nakita ko ang chocolate sa pagitan ng mga ngipin niya.
"Hindi naman masarap yung chocolate brownies."
Umamin din ang nakulit na bata. Hindi daw pala siya ang kumain pero nagreklamo na hindi masarap.
Pumunta siya sa tabi ko at niyakap ako.
"Sorry kung di kita pinansin kanina. Medyo angry ako kanina sa iyo dahil feeling ko ayaw mo na sa akin, lagi mo na akong ibinibigay doon sa lalaki."
"Israel, hindi kita binibigay. Papa mo iyon at hindi lang basta lalaki. Gusto ko kasi na mas makilala mo siya." sagot ko sa kanya at ngumuso ito.
"Feeling ko, good na person siya kasi binigyan niya ako ng chocolate brownies."
Ngumiti na lamang ako at marahan na sinuklay ang kanyang buhok.
Hindi ko alam kung may galit ba sa akin si Sir Isaac or sadyang mababa lang talaga ang tingin niya sa aming mga katulong.
MISTERCAPTAIN
Professor
(January 14, 2023)
Thank you for reading! 500 reads and 100 votes for next update.
Anong masasabi niyo sa chapter na ito?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro