Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1: ISRAEL

CHAPTER 1
ISRAEL

        
Naggising ako sa naramdaman kong paghalik sa pisngi ko. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata hanggang sa tuluyan kong makita ang humahalik sa pisngi ko, si Israel.

Si Israel ay apat na taon ko nang inaalagaan. Apo siya nang amo ko at hindi ko alam kung nasaan ang mga magulang niya. Minsan kong sinubukan na tanungin ang ibang katulong na matagal nang nagtatrabaho pero ni isa sa kanila ay walang nagsasalita.

"Wake up po." utos niya sa akin at ngumiti ito kung kaya sumilay sa akin ang kanyang bungi sa gilid.

Napatingin ako sa orasan at napakaaga pa pero kahit ayoko pang bumangon ay napilitan ako dahil hinihila ako ni Israel. Nag-stretching muna ako bago tuluyang bumangon sa kama.

"Kiss." aniya sa akin at binigyan ko naman siyang halik sa pisngi. Ewan ko ba sa alaga kong ito kung bakit nasanay siya na hinahalikan ko. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming lumabas ng kwarto.

Dati ay kasama ko ang mga katulong sa iisang kwarto ngayon ay nagkaroon ako ng sariling kwarto dito sa mansyon. Habang lumalaki kasi si Israel ay nakasanayan na niya na ako ang kasama at katabi.

Isang araw ay panay ang punta niya sa kwarto namin mga katulong dahil gusto niya akong katabi. Nang malaman iyon nila Mrs. Perez ay napagpasyahan nila na patulugin ako sa isa sa mga kwarto dito sa mansyon.

"Mukhang excited ang alaga mo pumasok." sambit ni Manang Lita sa akin sabay tingin kay Israel

Napapikit ako nang mariin na ngayon pala ang unang pasok ni Isaac sa eskwelahan. Kaya ganun na lang kaaga itong nagising. Nawala ito sa isip ko dahil sa inasikaso kong mga dokumento niya.

"Good Morning po." bati ni Israel sa kanya at napangiti si Manang Lita dito.

Nauna nang bumaba si Manang Lita sa amin ni Israel. Tahimik akong nakinig sa mga kwento ni Israel tungkol sa panaginip niya at maging sa nararamdaman niya na gayong papasok na siya sa school.

Nang makarating sa baba ay pinaupo ko si Israel at sinabihan na hintayin na lamang ako mamaya dahil tutulong muna ako sa kusina. Tumango lang ito sa sinabi ko at humingi sa akin ng halik.

Pagkapasok ng kusina ay tumulong ako sa pagluluto pero agad akong pinigilan. "Jane, ano ka ba't tumulong ka pa dito. Baka hanapin ka ni Israel." saway sa akin at napakamot ako sa ulo at dahan dahang binitawan ang sandok.

"Katulong din naman po ako dito." sagot ko.

"May kanya kanya tayong gawain dito sa mansyon at labas ito sa trabaho mo. Hala at puntahan mo na ang alaga mo. Ayaw pa naman 'nun nawawalay sa iyo."

...

Kasalukuyan kong binibihisan ng uniform si Israel. Napangti ako nang makita kong nakanguso siya. "Hindi ba ikaw pwedeng maging teacher ko?" biglang tanong niya.

Mahina akong natawa sa kanyang tanong at ginulo ang kanyang buhok. "Hindi ako pwedeng palaging nasa tabi mo. Kapag big boy na dapat marunong kang makisama sa ibang tao." paliwanag ko sa kanya per mukhang hindi siya nakuntento sa sinabi ko dahil nanatili siyang nakatingin sa sahig.

"Ngek! Ayoko nang maging big boy. Gusto ko palagi kita kasama, Mama Jane."

Nanlaki ang mata ko nang tawagin niya akong Mama Jane dahil nakasanayan ko na tawagin niya ako na 'yaya'.

"Ulitin mo 'yung tinawag mo sa akin." utos ko sa kanya at nahihiya siyang tumingin sa akin.

"Mama Jane." sambit niya at hindi ko maipaliwanag 'yung nararamdaman ko. Ang sarap pa lang tawagin na Mama.

"Napanood ko sa TV na ang anak daw ay may magulang, yung mama at papa. Ikaw ang mama ko. Okay lang sa akin na wala akong Papa, love naman kita eh."

Nanubig ang aking mata sa sinabi ni Israel. Alam kong di niya deserve ang pabayaan na lang pero di ko alam kung deserve ko ba na ituring niya akong Mama. Parang napaka-special ko kanya.

"Love kita." cute niyang sabi at ipinorma ang kamay sa kalahating puso.

"Love din kita." sagot ko at ipinorma ko din ang kamay sa kalahating puso at idinikit iyon sa ginawa niya kung kaya nakabuo kami ng hugis puso.

Nang maayos na ang lahat ay pumunta kami sa kwarto nang mag asawa na Perez na siyang Lola at Lolo niya.

Nagpaalam ito sa kanila at nabanggit rin ni Israel kung gaano siya ka-excited na pumasok. Natawa na lang ang mag asawa dahil sa kabibuhan ng apo nila.

Naunang lumabas ng kwarto si Israel at pinahintay ko siya sa pintuan dahil kinausap ko sina Mrs. Perez tungkol sa pagtawag sa akin ng apo nila na 'mama'.

Walang bahid ng galit o inis ang mag asawa sa sinabi ko. Sa katunayan ay natuwa pa sila dahil alam nila kung gaano na-attach ang apo nila sa akin. Matapos ang paguusap na iyon ay nagpaalam na rin ako sa kanila.

May sariling driver kami na siyang maghahatid sa school ni Israel. Pagkababa ng sasakyan ay ramdam ko ang paninibago niya sa dami ng tao.

May mga batang umiiyak dahil ayaw mawalay sa magulang. Meron naman na panay ang takbo at laro. Ang iba ay nakikipagusap sa kapwa nila.

Tinignan ko si Israel at ngayon ay nakatitig siya sa isang batang lalaki na umiiyak. "Hindi ba pag big boy na, hindi na dapat umiiyak?" biglang tanong niya sa akin.

Mataman akong ngumiti at lumuhod sa kanyang harapan para magpantay ang aming mukha. "Kahit big na ang isang tao, umiiyak pa rin. Umiiyak tayo kasi posibleng masaya tayo o nasasaktan." paliwanag ko sa kanya.

Tumango tango si Israel sa sinabi ko pero hindi ko alam kung naintindihan ba niya ang sinabi ko.

Nakalakihan ng iba na kapag malaki na o matanda na ay hindi na dapat umiiyak. Ngunit taliwas ito sa paniniwala ko. Ang pag-iyak ay emosyon ng isang tao. Kahit matanda ka na ay mararamdaman mo pa rin.

...

Nasa waiting area ako buong oras ng klase ni Israel. Kasama ko ang ilang mga magulang doon at ang iba naman ay katulad kong katulong.

Nagkaroon kami ng maliit na paguusap tungkol sa mga inaalagaan namin at hindi namin naiwasan na mabanggit ang mga bagay na kinakukulitan namin sa mga bata.

Nang oras ng break time ay nakita ko si Israel. Hindi ako sa kanya nagpakita dahil gusto kong matutunan niya ang nakipagkaibigan at makisalamuha.

Sa isang gilid ay nakatago ako. Napangiti naman ako nang makita ko si Israel na may nilapitan ito na mga bata.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ng patago si Israel habang kumakain at nakikipagkwentuhan sa mga kaklase niya.

"Ang cute ni Israel." sambit ko habang tinitingnan ang picture na kuha.

Tiningnan ko pa ang ibang picture sa cellphone ko. Ang iba doon ay noong baby siya. Mga tulog, iyak at kain niya. May video pa kung saan sinusubukan niyang maglakad.

Hindi ko alam kung bakit naggawang pabayaan siya ng magulang niya.

...

Ilang oras pa ang hinintay ko hanggang sa tuluyan nang palabasin sila Israel. Napangiti ako nang may kausap siyang dalawang batang babae na mukhang kambal.

"Mama Jane." tawag niya sa akin at sabay sabay silang lumapit ng kasama niya.

"Hello po." sabay na bati sa akin ng kambal.

"Siya ang Mama Jane ko." pagpapakilala sa akin ni Israel.

"Ako po si Pamela."

"Ako naman po si Pauline."

Nang dumating ang magulang ng kambal ay nagpaalam na rin ito sa amin.

Pauwi na kami at habang nasa loob ng sasakyan ay tuwang tuwa na ikinukwento ni Isaac ang stars na nakuha niya.

Pagpasok ng mansyon ay patakbong lumapit si Israel sa Lolo at Lola niya at ipinagmalaki ang stars nito.

Matapos kausapin ng magasawa si Israel ay dumiretso kami sa taas. Pagpasok sa kwarto niya ay pinalitan ko siya ng damit na pambahay.

Kung magkakaroon ako ng anak ay gusto kong katulad ni Israel. Makulit man pero mapagmahal at may respeto.

Kasalukuyan kong pinupulbuhan si Isaac sa kanyang leeg at ramdam kong nakatitig lang ito sa mukha ko. Ngumuso ito at sandali pa ay hinalikan ako sa pisngi.

"Love kita Mama Jane." aniya at napangiti ako doon.

"Love din kita."

Pagbaba namin ay dumiretso kami sa dining table. Pero laking gulat ko nang may naabutan kaming isang lalaki na galit.

Napayakap si Israel sa binti ko nang tumingin sa amin ang lalaki.

"Kukunin ang anak ko." may riin niyang sabi na ikinagulat ko.

Kung siya ang ama ni Israel ay ibig sabihin ay anak siya nina Mrs. Perez.

Hindi ko makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa nangyayari. Mas lalong humigpit ang yakap ni Israel sa binti ko nang akmang lalapit ang lalaki sa amin.

"Mama Jane." takot na bigkas nito.

Hindi ko alam ang gagawin ko at sasabihin ko sa lalaking nasa harapan ko na siyang ama ni Israel.

"Come here son, I'm your father." maamong sabi ng lalaki na para bang hindi kanina nakikipagtalo sa magulang niya.

"Wala akong Papa. Si Mama Jane lang ang meron ako at si Lolo at Lola."

Sinubukan na lapitan ng lalaki si Israel para kunin ito pero biglang siyang sinawag ng magulang.

"Isaac!"

"Baka nakalimutan mo ang ginawa mo noon." sabi ni Mr. Perez na ipinagtaka ko pero nakakasiguro akong may kinalaman iyon kay Israel

Nagsimulang umiyak si Isaac. Sinubukan ko siyang patahanin pero hindi pa rin siya tumitigil kaya binuhay ko na siya.

"Mawalang galang na po. Itataas ko muna si Israel sa kanyang kwarto." magalng kong sabi.

Hindi na ako nagabalang tingnan sila dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit bigla itong nangyari?

Nang makapasok sa kwarto ni Isaac ay panay lang ang iyak nito at sinasabing wag soyang ibigay sa lalaking nasa baba na siyang ama niya.

Sa halip na magsalita ay pinakinggan ko lang si Israel. Gusto kong malaman kung anong nararamdaman niya at kung anong gusto niyang sabihin.

Nang kumalma si Israel ay sinabihan ko siya na kailangan naming bumaba para kumain pero umiling ito, ayaw daw niyang bumaba.

Kinuha ko ang pagkain naming dalawa ni Israel at bago tumaas ay tinanong ako nina Mrs. Perez kung okay lang ba ang apo nila at tumango ako.

...

"Papa ko siya? Iyong lalaking galit?" biglang tanong ni Israel sa akin.

Kakatapos lang namin kumain at ngayon ay nagkwekwentuhan kami.

Base sa mukha niya ay kuryoso siya kahit papaano doon sa lalaki. Aaminin kong unang beses ko pa lang nakita ang Papa niya.

Hinaplos ko ang kanyang buhok at tiningnan siya sa mga mata. "Oo, Papa mo iyon." sagot ko.

Hindi ko alam ang mararamdaman nang makita ang Papa ni Israel. Ang daming tanong ang pumasok sa isip ko, tulad na lang kung bakit niya iniwan si Israel

Matapos ang usapan na iyon ay binago niya ang usapan at napunta ito sa mga nangyari sa kanya sa eskwelahan.

Ilang minuto ay tuluyan itong nakatulog. Inayos ko ang pagkakahiga niya at matapos ay lumabas na ng kwarto niya.

Nang makababa ay naabutan ko sina Mrs. Perez na kausap ang kanilang anak, ang ama mismo ni Israel.

"Maupo ka dito hija." sabi ni Mr. Perez sa akin at itinuro ang katapat na upuan ng kanilang anak.

"This is Isaac." turo nito sa kanilang anak.

"Anak namin si Isaac at siya ang ama ni Israel."

Ngumiti ako sa lalaki bilang paggalang sa kanya pero nanatiling masama ang tingin nito sa akin.

"This is Jane Zenarosa, ang tumatayong Nanay ni Israel." pagpapakilala ni Mrs. Perez sa anak niya na ikinalaki ng mata ko.

"The mother of my son was already dead. Ang sabihin niyo, ang babaeng ito yaya ng anak ko." mayabang ang may panlilit na pagkakabigkas niya habang masamang nakatingin sa akin.

"Opo, yaya ako ng anak niyo na iniwan niyo lang basta basta." matapang kong sabi sa kanya.

"What the fuck?!"

"Ako po ang tumayong nanay kay Israel."

"Ako yung nagpainom sa kanya ng gatas. Ako ang nagpalit sa kanya ng diaper. Ako ang unang taong nakikita niya sa tuwing gigising siya. Ako ang unang naging kalaro niya."

"Ako yung tumayong magulang niya noong iniwan mo siya."

Nanubig ang mga mata ko sa pagpapaliwanag ko.

Alam kong yaya lang ako ng anak niya pero baka nakakalimutan niya na ako ang umako ng responsibilidad niya bilang magulang.

"Kahit ano pang sabihin mo ay kukunin ko ang anak ko." pinal niyang sabi.

Tumayo ito at naglakad papuntang taas. Tumawag siya ng ibang katulong at tinanong kung saan ang kwarto ng anak niya.

Nanatili akong tahimik at hindi maggawang tumingin sa magasawang Perez dahil alam kong mali ang ginawa kong pagsagot kanina sa kanilang anak.

Nagsimulang tumulo ang mga luha ko nang makita kong buhat buhat ni Isaac si Israel na natutulog. Kasunod niya ang mga katulong na buhat buhat ang dalawang maleta.

"Pasensya po sa inasal ko kanina. Hindi ko lang po napigilan ang sarili ko." paghihingi ko ng paumanhin sa magasawa.

"Naiintindihan ka namin hija."

Wala akong naggawa kundi ang panoorin ang pagalis ni Isaac kasama ang anak niya. Kahit ang mga magulang nito ay hindi siya pinigilan.

Sa pagkuha niya kay Israel ay para akong kinuha ang anak ko.

MISTERCAPTAIN
Professor

Thank you for reading!
(January 7, 2023)

Ang next update po ay kapag umabot ng 200 reads itong chapter.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro