[ 9 ] Cassandra
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
You would have never guessed where I am.
Nandito ako ngayon sa main hallway ng Languages building, naglalakad papunta sa room kung nasaan si baklita. Nakatanggap kasi ako ng "urgent call" mula sa agency kung saan lahat ng models ay required pumunta, at gusto kong isama si baklita. Para just in case na makita ko nanaman duon yung impakta Cassandra kasama yung mga alipin nya, kahit paaano ay may kakampi ako kung may gawin nanaman silang kabalbalan.
And yes, hindi ako galit sa ginawa ni baklita last Saturday. However I see it, beneficial sa amin ang naidulot ng pagmaldita-mode nya. Firstly, ang ineexpect nilang mangyari ay ako ang magtataray sa video para full blast ang paninira nila, pero dahil nga si baklita na ang gumawa nun, somehow, naligtas ako.
Secondly, sobrang "on point" ang mga sinabi ni baklita. He basically revealed their dirty trick so there is a chance that they wouldn't release that video at all. Syempre, hindi nila iri-risk ang kalinisan nila para lang duon.
And thirdly, because they were caught off guard, hindi na sila nakagawa ng paraan at nag walk-out na lang. Hence, they lost this round.
Kaya nga lang, for sure kinamumuhian na rin ng impakta si baklita dahil kinalaban sya nito. Surely, susubukan na nilang idamay sya sa plano nilang pabagsakin ako.
Pero teka.
Bakit nga ba ulit ako ang pupunta kay baklita ngayon imbes na sya ang pumunta sa akin?
Ang haba-haba ng hallway na to, ha. Ang swerte nya namang nilalang na ako mismo ang susundo sa kanya lalo na't naka high heels ako!
Ah, oo nga pala. Naisipan ko kasing mag-surprise visit, para makita ko kung anong klaseng tao sya kapag wala ako. Dahil alam nyo na, baka kasi backstabber din pala sya.
At bakit nga ba hindi ko na lang ipa-observe sya sa private investigator ko?
Kasi bored ako. At wala ako sa mood mag-Starbucks, nag kape na ako kanina.
When I arrived in front of their room, I saw through the glass windows that their class was still ongoing. Mabilis ko namang nakita si baklita dahil nakaupo sya sa frontmost row. In fact, sya lang ang nakaupo sa frontmost row. Habang sya, busy sa pakikinig sa prof while taking notes, ang ibang kaklase nya naman ay naka-kumpol sa bandang likod habang nagchichismisan.
I was honestly surprised. I didn't expect him to have that much friends, but still, I thought maybe at least he goes along well with his blockmates. I mean, kahit na naiirita ako sa pagka-jolly nya, baka naman para sa "average" people ay considered syang masaya kasama. Yung tipong hindi nauubusan ng kwento at laging may mga banat na magpapatawa sa grupo. Yung kahit na nonsense na ang sinasabi nya, ok lang kasi enjoy sila sa company ng isa't isa?
So why exactly am I seeing him as a loner right now?
And why the hell is he wearing a neon yellow shirt?!!!
"Ay, si Miss Kate..."
I heard someone whisper, making me snap out of my thoughts. I looked up and realized that their class has ended, at lumalabas na ang mga students mula sa classroom. Ako kaagad ang nakikita nila kasi duon ako nakasandal sa railings sa harap mismo ng pinto, kaya medyo nakakatawa silang tingnan pag nagugulat sila sa presensya ko at mabilis na umiiwas ng tingin. Nang si baklita naman na ang lalabas, hinanda ko na ang nakataas kong kilay para i-confront sya.
Kaso hindi nya ako nakita.
Kasi busy syang mag-ayos ng notebook sa bag.
Ibang klase talaga itong taong to, ano.
"Baklita," I called in irritation, unang una dahil nagmukha lang akong shunga na naghintay dito pero hindi din naman napansin, at pangalawa, dahil sa suot nya ngayon. Pagharap nya, I greeted him with my b*tchiest face.
"Paki-explain kung bakit sa dinami rami ng binili kong damit para sayo, ay yang neon t-shirts pa rin ang suot mo ngayon."
"Eh, sobrang ganda naman kasi nung mga damit. Nagmumukha akong rich kid, e hindi naman ako rich. Baka kasi mamaya may mang-kidnap pa sa akin at hingan ng ransom ang pamilya ko, eh wala naman kaming maibibigay na pera kung hindi kwek kwek at turon lang."
I just rolled my eyes at his answer and started walking back to the car. Sumunod din naman sya.
"Whatever. Anyway, I received an urgent call from the agency. All models are required to attend tonight at 6 pm sharp, and I want you to come with me."
Tumingin sya sa phone nya para mag time-check. Saktong 5 pm na kasi, at kailangan na naming magsimulang bumyahe ngayon kung ayaw naming ma-late.
"T-teka, hindi ba galit pa sa akin yung mga tao dun? Bakit kailangan pang sumama ako?"
"Just ignore them. They're all mostly all bark and no bite, anyway. What you have to look out for, though, is Cassandra."
"Cassandra? Sino yun?"
Nagtatakang tanong nya. Ah, oo nga pala. Wala pa syang ideya kung sino talaga yung kinalaban nya nung Saturday.
"That fruit shake girl last Saturday. That's Cassandra del Gon. And unfortunately, she and her companions are also models in the agency. Mainit ang dugo nya sa akin dahil maliban sa insecure sya, feeling nya inagawan ko sya ng title."
I let out a bitter laugh. Sakto namang nandito na kami sa entrance kung saan naghihintay yung sasakyan kaya dumiretso na akong pumasok. Pero si baklita, nanatiling nakatayo sa labas habang nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.
"So you mean... yung tinarayan ko... galing din sa agency nyo?"
Tumaas ang kilay ko. Wow ha, medyo slow.
"Sorry, pass muna ako." Sabi nya sabay talikod. Pero hinugot ko ang braso nya at hinatak sya paloob ng sasakyan bago pa sya makatakas. Tapos umandar na ang sasakyan para no choice na talaga sya. Ay loko to ah. Balak pa akong takasan?!
"Ihhhhhh! Ang dami ko nang atraso sa agency nyo! Sure ka ba talagang isasama mo ako???" He whined.
"I told you, Cassandra is our only problem. After what happened last Saturday, for sure, gagawin nya ang lahat para magantihan ako, kaya kailangan ko ang tulong mo. She may look innocent and helpless, but trust me, she's just as rotten as me."
"Eh ano namang gagawin ko dun? Tagapunas mo pag tinapunan ka din nya ng shake?"
Medyo pilosopo, pero dahil may kailangan ako sa'yo, sige pagbibigyan muna kitang baklita ka.
"Hindi sya basta basta gumagalaw at planado lahat ng kilos nya so for sure, her comeback won't be that simple. I can never predict what she'll do next."
"Mukhang threat sa'yo yung Cassandra na yun, ah." He just sighed, knowing that he has no other choice but to help me. Eh ako ang employer dito eh. Talagang wala syang choice. "Bakit nga ba ang init ng dugo nya sa'yo? Anong meron?"
I took a deep breath. Eto na, ikekwento ko na para naman malinaw na sa lahat kung bakit sagad ang pagkamuhi ko sa impaktang yun.
"Before me, she used to be the one at the top: the star model of the agency." Panimula ko. "That was around two years ago, when I've just begun my modeling career. Noon pa lang, likas na ang pagiging plastik nya. She bullies people below her, but in front of the higher officials, akala mo kung sinong napakabait na tao. Noon pa man pinag-iinitan nya na ako dahil kahit na rookie pa lang ako, I could say that I was doing very well so she saw me as a threat. Well, actually, madami na syang kalokohan noon; sadyang mahusay lang syang magpaka santi-santita. Though, there was one time her angelic face almost failed her, and the reason why she lost her precious title. A scandal."
"Scandal?" Nanlaki ang mata ni baklita. I fought the urge to smirk as I remembered that very wonderful memory.
"She slept with an executive producer who, apparently, was already married. Even before the scandal came out, the other models already could tell that something was going on between them. Ilang beses na silang nahuling magkasama. Then, long story short, they tried to deny the scandal pero dahil nga madami nang proof, they failed. The producer's marriage got ruined and the agency's credibility got threatened, so they decided to terminate her contract. Dapat wala na sya sa agency. Pero dahil nga sa kung anong kasinungalingan nanaman nya, they decided to just take her off the limelight."
"At ikaw ang pinalit nila sa kanya." pagtatapos ni baklita, and I nodded.
"She wants to take her throne back, but I won't let her get it that easily. As much as I hate to admit it, kahit na ganun sya, she's still a talented model and is a big threat to me. As I have heard, we're alike in so many ways. From our social status, wealth, fame, and even to our physique; ang kaibahan lang namin ay sya, demonyita sa loob at anghel sa labas, habang ako, demonyita mula loob hanggang labas."
Hindi kaagad nagsalita si baklita, baka inaabsorb pa ang mga sinabi ko.
"May isa pa kayong pagkakaiba."
I looked at him in confusion, and he gave me a soft smile.
"Sya, walang tunay na kaibigan. Ikaw, meron."
Ako naman ngayon ang hindi agad nakapagsalita. Na-realize ko lang na nasa harap na kami ng agency nuong akmang bababa na si baklita.
"Don't you have any friends?"
Napahinto sya sa bigla kong tanong. Na-curious lang ako kasi kahit na mukha syang lonely kanina sa block nila, malay ko ba kung sa ibang classes ay may friends naman pala sya.
"Meron. Ikaw, diba?" Ngumiti sya ng nakakaloko.
I shook my head.
"I mean, in school. Don't you have other friends?"
Nanatili lang syang nakangiti, pero ngayon, hindi na sya nakatingin sa akin.
"Ganun talaga. Hindi natin pwedeng ipilit ang sarili natin sa mga taong ayaw naman satin." Sabi nya at lumabas na ng sasakyan. "Tara na girl, baka ma-late ka na oh. Malapit na mag-six."
At sinara nya na ang pinto. I sat there in silence for a few more seconds as I realized something.
His smiles are just cover ups for how lonely he really feels inside.
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro