[11] Baby Blue Eyes
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
I don't remember when was the last time I saw those kind of eyes.
After all the years I've spent in this despicable world, I already could tell the difference between the eyes of the bad and the eyes of the good. And this guy's eyes--those clear baby blue eyes--reflected pure innocence, sincerity, and kindness.
He looked like an innocent lamb lost in a den of bloodthirsty wolves.
"Ah, andito na pala yung sundo ko." Pabirong sabi ni baklita, at duon lang natigil ang pagkakatitig ko duon sa lalaki. "Ah, nga pala. Kate, new friend ko, si Alex. And Alex, this is Kate."
Tumaas ang kilay ko sa pagkakarinig ko ng "friend." Posible ba yun? Ilang minuto pa lang nag-uusap, friend agad?
"You're Miss Kate Villanueva?" Tanong ni Alex na parang di makapaniwala. "I'm Alex Calma. It's an honor to finally meet you."
Nag-alok sya ng handshake, so tinanggap ko although I don't usually accept handshakes. Paano kung nagkamot pala sila ng pwet bago kamayan ako, diba? Mahawa pa ako sa germs nila. Pero dahil mukha namang malinis ang pagkatao nitong si Alex, sige, pagbigyan.
"I've heard so many things about you." Dagdag niya, at siya naman ngayon ang nakatitig sa akin. Kung hindi lang nakakabighani ang blue eyes nya, baka kanina ko pa tinarayan to.
"Of course you have," I chuckled darkly. Malamang puro kademonyohan ko ang mga nabalitaan neto.
"Hindi ka naman pala ganun ka-nakakatakot sa personal. Sabi ko na nga ba exaggeration lang nila yun e." Ngiti nya. Medyo nagulat pa nga ako kasi tuwid sya magtagalog kahit mukha syang foreigner.
"Nako be, walang exaggeration yun." Singit ni baklita.
"Wow ha! Thank you sa support!" Sarkastiko kong sabi, with matching irap pa. Bumalik tuloy ulit ang init ng ulo ko. "Hoy baklita, ang pagkakaalam ko dinala kita dito para sumunod sa akin. Kaya paki-explain kung bakit iniwan mo akong mag-isang naglalakad para lang makipagkwentuhan sa iba!"
"Sabi ko sayo e," Bulong nya kay Alex, pero narinig ko pa rin. Bubulong na nga lang yung naririnig ko pa. Medyo mulala. "Kate, nakasunod naman ako sa'yo, pero si Alex ang nag-approach sakin. Alangan namang i-snob ko yung tao diba? Hindi naman ako snobber tulad ng iba jan..."
Hindi ko na pinansin ang pagpapatama nya at inilipat ko na lang ang titig ko kay Alex, waiting for him to explain. Medyo badtrip din naman pala to eh, imbes na nakaalis na ako dito sa bahay bahayan ng mga plastik, nandito pa rin ako dahil sa kanya!
"Uhh... may tinanong lang kasi ako sa kanya..." Kabadong sagot niya. Sa wakas, tinubuan na din sya ng takot. Hindi porke gwapo sya, excempted na sya sa kamalditahan ko!
"Eto kasing si Alex, hindi na-inform na may meeting pala ngayon," Si baklita na ang nagsimula mag-explain dahil mukhang kinain na ng takot yung tao. "Sinubukan nyang magtanong tanong kung anong napag-usapan sa meeting pero walang namamansin sa kanya. Kahit yung feelingerang palaka na receptionist pinagtabuyan sya."
"How is it possible na hindi ka na-inform? As far as I know, the agency doesn't fail to inform anybody dahil laging required ang contact number as soon as you get in touch with a scout or a manager." Taas kilay kong tanong.
"Uhm... Ang totoo kasi... walk in lang ako..." Nahihiya nyang sagot. "Pumunta ako ngayon sa agency para mag-apply sana bilang model, kaso sabi sa information desk nasa important meeting daw lahat ng tao kaya bumalik na lang daw ako bukas. Tapos narinig ko sa ibang staff na dumaan, malaking opportunity daw sa mga models yung pinagusapan sa meeting. Gusto ko sanang makasama sa kung anong event na yun, kaso di ko alam kung pwede pa akong humabol..."
Nagtinginan kami ni baklita. Mukhang totoo naman ang reason nya. Nakakatukso syang tulungan kasi he really looked like a nice guy, pero ang mga ganitong usapan kasi ay dapat hinahandle ng management. Problem is, magiging busy na sila in preparation for the upcoming event, so there is a narrow chance that they will still entertain new applicants.
"New models could still be accepted, but unfortuntely, the event is exclusive for old models only. If you have further concerns, then you can come back tomorrow and contact the management." I blandly said. Di ko rin naman matutulungan to dahil isang malaking issue kapag may naka alam na tumulong ako sa isang applicant. Magiging impyerno lang din ang buhay nya.
"Ah, ganun ba..." I hinted disappointment in his tone, although he was trying hard to keep smiling. "Babalik na lang pala ako bukas. Pero thank you na din sa tulong nyo. It was nice meeting you both."
He nodded at both of us at tumalikod na paalis. Tinaasan ko ng kilay si baklita nuong nanatili lang syang nakatayo dun habang palipat lipat ang tingin sa akin at kay Alex. Ano to? Naghihintay syang maging christmas tree?
"Ah, Alex!"
Napalingon naman yung tao. Tumakbo si baklita para lapitan ulit sya, habang ako naka-WTF face lang. For the second time, iniwan nya ako! Wow diba!
Nakita kong may sinabi pa sya kay Alex, pero dahil medyo malayo sila, di ko narinig. Tapos nagliwanag ang mukha ni Alex at ngumiti sa akin. Lumapit ulit sila sa tabi ko.
"Grabe, thank you Miss Kate! Thank you talaga!" Sabi ni Alex at kinuha ang kamay ko para i-handshake. At syempre, ako tong naka-WTF face lang all the time dahil wala talaga akong ideya sa nangyayari. Tumingin ako kay baklita, pero pinanlalakihan nya lang ako ng mata na parang sinasabing makisakay lang muna ako.
"Oo, mabait naman yang si Kate sa mga mababait na tao, kaya bukas na bukas din, tutulungan ka naming mainclude sa event. Pwede pa namang mapakiusapan ang agency, diba Kate?"
Nanlaki ang mata ko. Seriously? At kailan pa nagkaroon ng karapatan etong si baklita na magdesisyon para sa akin?!
"Pero--"
"Oh I know!" Biglang kinuha ni baklita ang kamay ko at piniga ng madiin, making me stop. Mas lalo nya akong pinandilatan bago humarap ulit kay Alex at ngumiti ng ubod ng plastik. Hawak pa rin nya ang kamay ko na parang sadyang sobrang close lang kami, pero ang totoo hinahanda lang nyang pigain just in case na pumalag ako. Sabi ko na nga ba may taglay ding kademonyohan itong bakla na to.
"How about you join us for dinner? Para na rin mapag usapan nating mabuti kung anong dapat mong iready bago mag apply dito. As you know, medyo magiging 'special' ang application mo at medyo strict and standards ng agency, so maybe the one and only Miss Kate Villanueva can give you some tips and tricks para sure in ka. What do you think?"
"Wow, talaga? I'd be glad to! I'm sure sobrang makakatulong yun sa akin. Pero..." Napatigil saglit si Alex para tumingin sa akin. Kita ko na mukhang medyo takot pa rin sya. "...Sure ba kayong ok lang? Baka kasi nakakaabala na ako masyado..."
Tumingin lang din sa akin si baklita, as if waiting for my answer. I looked between him and Alex. Pareho silang mukhang uncertain, pero nagmamakaawa. At yung blue eyes na yun... Damn those baby blue eyes! How the hell am I supposed to refuse with his innocent stare? Ang ayoko sa lahat pinapaalala na may konsensya pa rin pala ako!
"...I-It's fine... You can come with us."
Halos mapunit na ang mga pagmumukha nila dahil sa lawak ng mga ngiti nila. Wala na lang akong magawa kundi titigan ng masama si baklita. Letse kang baklita ka. Mamaya ka sa'kin.
Magkakasama na kaming lumabas ng agency, at syempre naka abang na sa harap yung sasakyan ko. Pinauna na naming pumasok si Alex, at hinablot ko si baklita when I was sure Alex would no longer hear us.
"What the hell are you doing?!" I hissed.
"Sus, pabebe ka pa, halata ko namang type mo sya." He answered smugly, taking me aback. Then I scoffed.
"Excuse me. Hindi ko type ang mga lalaking mukhang mas malamya pa kaysa sa akin."
"Wehhh. Pero makatitig kanina wagas..." Bulong nya, pero narinig ko pa rin. Mulala talaga. "Aber, kung hindi mo naman pala type, edi akin na lang! Ako na lang tutulong sa kanya kung hindi ka interesado. Malay mo sya na pala ang forever ko~"
He said dreamily, tapos tiningnan ako na parang nang aasar. Aba. Hinahamon nya ba ako? Well, fortunately for him, I never refuse a challenge.
"I didn't say I wasn't interested in him." I narrowed my eyes, and he did the same. So gusto nyang makipag agawan? Fine. I'm good at playing games.
And unfortunately for him, I never lose.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
[A/N]: Grabeeee. Ang lakas ng kamandag ni Alex! 😂 Pero grabe ang gwapo nya talaga. Pwede mag fangirl muna HAHAHA ❤❤❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro